Share

Chapter 17: Another Bitch

NATAPOS ang party nang wala si Magnus at Blair. Hindi ko alam kung saan na sila nagpunta, saka wala naman akong pakialam sa kanila. Hindi ko nga alam kung nakauwi ba kagabi si Magnus o hindi e.

"Ate Sophia! Good morning!" Masayang bungad sa'kin ni Iyang sa kusina. "Good morning." Bati ko pabalik sa kaniya at nagsimula nang magtimpla ng gatas.

Maaga pa naman at mag-aalasais pa lang kaya't naisipan kong bumangon na para makapagjogging. Hindi rin naman na ako makakatulog kaya't mas mabuti nang mag exercise. Wala namang pasok ngayon dahil linggo at mamaya pagkatapos ko magjogging ay pupunta naman ako sa simbahan para makapagmisa.

"Magjojogging ka po ba, ate?"

"Oo, gusto mo sumama?" Tanong ko sa kaniya habang nagtinatali ko ang buhok ko. Sobrang haba na ng buhok ko kailangan ko na atang ipagupit 'to para naman gumaan-gaan ang ulo ko at hindi nabibigatan.

"Gusto ko sana ate ang kaso madami ang gawain dito. Kailangan ko tulungan sina Manang. Ikaw na muna next time na lang ko sasama sayo.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status