Share

Kabanata 5

"CHEL..." Huling served niya na iyon ng marinig ang galit na boses ng amo niya.

Binalingan niya ito saka paika-ikang naglakad palapit dito. "May kailangan ka ba sir Dwight?"

"Di'ba ang sinabi ko sa'yo ay sa opisina ka lang?" Hindi na naman mapirmi ang mga kilay nito.

Iyon naman sana talaga ang plano niya. Pero dahil nabagot siya sa loob. Nakipagsabayan na lang rin siya sa mga crews kahit baldado ang paa.

Nginitian niya ng matamis ang binata. "Excercise na rin sir para gagana ng maayos itong paa ko."

"Exercise ka riyan. Paano kung ibang customer na naman ang mabiktima mo? Huling ticket nalang talaga iyong nakaraan Chel. Bibitawan na kita."

Aray ha! Akala pa niya naman ay nag-aalala ito sa paa niya. Ibang rason pala ang inaalala nito at ang mga customers iyon.

"Balik ka sa loob. You should be careful ngayong mailap ang mga mata sa atin ng mga awtoridad. Hindi ako mamamatay-tao Chel. Pero iyon ang nararamdaman ko sa tuwing pinapatawag ako ng mga pulis sa presento."

Bumalik nga siya sa loob ng opisina nito. Kaya ng makitang nakasunod lang si Dwight sa kanyang pagpasok. Napag-alaman ni Chel na baka may ibang ipapagawa ito sa kanya since agad nitong binuksan ang personal na laptop.

"If you're bored. Help me to create another layout para sa marketing methods ng kompanya. During this time ay iyon ang pinoproblema ni daddy at since ako ang successor sa ADD. Ako ang nakatalaga na mag-manage niyon despite the fact that I am not yet the handler."

She's willing to help. Pero hindi kasi ganoon kadali iyon lalo at wala pa siyang nakikitang marketing plan. Kaya ang nangyari, kung ano ang alam niya sa ganoong bahagi ng marketing. Sinasabi niya ang kanyang persepsyon dito. Pero parang ayaw naman makiayon ni Dwight sa gusto niya.

"...e di'ba ay ikaw ang gumawa noong nakaraan?" Yes. She knows how to manipulate marketing plan and strategies. Pero kapag ganitong wala siyang nakikitang blue print or kahit photo scanner man lang. Mahihirapan talaga siyang buuin iyon.

Nakaupo siya sa swivel chair nito habang pilit binubutingting ang utak sa kung anomang posibleng lalabas roon.

"Oh, may nagawa ka na?" Akala niya ay nakalabas na ito. Nakaupo na pala ang binata sa kanyang harap. So bale, lamesa ang pumapagitna sa kanilang dalawa.

"Sir Dwight naman eh," tuluyang napakamot na siya sa ulo na parang may kuto roon. "Hindi ko talaga masimulan dahil need ko ang guide."

"Oh sige. Iba nalang ang ipapagawa ko sa'yo."

"Ano na naman iyon?" Nang ilipat nito ang plastic chair sa kanyang tabi. Napamulagat nalang siya ng kinalampag nito ang lamesa dahilan kung bakit napatitig siya sa gwapong mukha nito.

"Gagawin nalang natin iyong ginawa ko sa'yo sa kotse."

"Saan doon?"

"Limot mo na agad? Ito lang 'yon oh?" Saka ito dumukwang para halikan siya ng mabilis sa labi dahilan kung bakit nasampal niya ito. Bahagya ring umatras ang inuupuan niyang swivel chair. But Dwight was fast enough to hold every edge of it. Kaya ang nangyari ay napapagitnaan na siya ng mga mayayamang braso nito. Letting her gulped once and for all dahil sa paglapit ng kanilang mga mukha.

She learned martial arts, Jiujitsu and judo for self-defense. Pero bakit ngayon na si Dwight ang gumagawa ng kung ano-ano sa kanya ay hindi niya magawang ipakita ang kaangasan niya kagaya sa ginawa niya sa mga customers nito?

Was she under his spell?

"Bakit ba napakabayolente mo? Did you personally learned that just for hobby or with purpose?"

"None of your business...tumabi ka nga!" But he was hard as rock para alisin ang mga kamay na nakatukod sa magkabilang gilid ng inuupuan niya.

"Business ko na rin iyon dahil nasa poder kita. Care to tell me my pretty assistant? Wala akong alam tungkol sa'yo. The only thing I know was your name." He sounded curious pero she was smart to left that topic ang changed it to another without him noticing it.

"Bakit ang gwapo mo?"

"You're trying to close the topic I opened." Akala lang pala niya iyon.

"For men."

"Why men? Lalaki ako. Kaya panibagong insulto na naman iyan sa pagkatao ko kung magkakamali ka ng isasagot."

"I hated being touch," itinapat nito ang palad sa kandungan niya. "Galit ka na ba sa'kin nito? I kissed you two times today. Did I made you offended?"

"That's another issue."

"So...sa ibang lalaki ay basta ka nalang naging bayolente pero kapag sa'kin ay hindi? Why does it sounds like I am special?"

Napailing na lang siya. "You wouldn't understand it sir Dwight." Napansin niya na natigilan ito. Umayos rin ito ng upo letting her being free again.

"Why? Did someone harassed you ng hindi ka pa dumating sa poder ko?"

Hindi siya nakasagot. It was more than that pero hindi naman siya sinasaktan. "Tinatanong kita Chel. Binabastos ka ba noong araw na hindi ka pa sa poder ko nakatira?" He sounds angry pero ayaw niya namang mag-assume. Dwight Rivera was very careful for his employee.

"Chel..."

"Hindi naman sir Dwight. It's just that...they are trying to let me inside the van, but I am wise enough to escape dahil marunong nga ako ng self-defense."

"Kaya ba kung ano-ano nalang ang nagagawa mo sa mga customers dahil hinahawakan ka nila at hindi mo gusto iyon?"

Tumango siya. Nakayuko na rin dahil nagsimula ng makuryoso ang amo niya sa pagkatao niya. But she made sure that there's nothing he can do about it. This is her personal life. No one can stand it, but her.

"I kissed you twice. You didn't become violent."

"Dahil siguro ay kilala na kita ng lubos. And I know you are not harmful to me that my system recognized you as my boss. Not a stranger."

"So if I am going to kiss you again ay hahayaan mo ako?" Doon lang siya naglakas-loob na iangat ang tingin sa binata.

"Abuso ka na sir Dwight. Twice is enough. Atsaka alam ko naman na hindi mo sinadya iyon..."

"But what if that kissed were intentional?"

"Halikan mo ako ulit at tingnan natin kung ano ang mangyayari sa gwapo mong mukha." But he just stared at her like trying to read what's on her mind. He is serious as hell kaya kinabahan siya bigla dahil ngayon lang tumambol ng malakas ang dibdib niya.

"Chel. Who am I to you?"

"My boss. Ano bang klaseng tanong iyan..."

"I am your boss at since matagal ka ng nakatira sa'kin. Kung ano man ang problema mo ay problema ko na rin. I can lend you my ears kung gusto mo ng kausap. Hindi iyang sinasarili mo ang problema dahil baka yayakapin mo ang illegal na gawain kapag maburyo ka na ng husto."

Tumawa lang siya. She maybe a violent person. Pero never niyang maisip ang mga ganoon. "Kaya ko ang sarili ko. Kita mo naman di'ba? Bagsak ang mga lalaking iyon na customers mo."

"I am not giving that vibe as a joke Chel. Be serious." Pero nawala bigla ang tensyon sa opisina nito ng biglang pumasok si Ashley. Kaya mabilis siyang umatras gamit ang swivel chair.

But she was wrong that Ashley did not noticed their closeness dahil bahagyang umangat ang sulok ng labi nito.

"Pasensya kung hindi ako kumatok sir. Pero kasi ay hinahanap ka na naman ng mga kaibigan mo." Napansin niya ang matamis na ngiti nito habang nakadaop ang palad na nakatingin sa kawalan.

It's the Blue Warrior's thing.

"Ano ang sadya at sino-sino sila?"

"Si Captain, Zeus, Xander, Jackson, Bruce and Zhared."

"Thank you Ash. Sabihin mo bababa na ako."

"Sige po sir."

Ashely walks back na parang ninanamnam pa rin ang mukha ng mga kaibigan ni Dwight kung kaya't napanguso nalang siya.

Ganoon naman talaga ang epekto ng Blue Warrior sa kababaehan. Well, except for her. Dahil hindi naman siya uhaw sa atensyon ng mga ito.

"Dito ka lang. Haharapin ko muna iyong—"

"Uy si Dwight oh? Kaya pala wala sa baba dahil may pugad na pala. Nagbibinata ka na talaga boy," sabay silang bumaling sa bagong boses na naroon sa opisina nito.

"I'm sorry Dwight. At umakyat na kami rito. Ang tagal mo kasing bumaba." It was Clyden the captain. Saka ito bumaling sa kanya. "Kasama rin namin si Zephanie, Chel. Do you want to see her and have a talk?"

Sasagot na sana siya ng maunahan siya ni Dwight. "She can't walk properly—"

"Shit! Kailan lang nangyari ang honeymoon ninyo Dwight? Sumunod ka na agad kay Captain?"

"Gago. Naaksidente ang paa niya."

"Ohh!" Sabay na sabi ng mga ito kaya sumabat na siya sa usapan. "Maybe I can go to her and leave my boss to you and your friends captain..."

"Pero masakit pa iyang paa mo hindi ba?"

"I can manage myself sir Dwight," hilaw niyang nginitian ang mga kaibigan nito saka siya tumayo. Nakaalalay na agad sa kanya ang binata kaya ng makarinig siya ng tikhim. Kitang-kita niya kung paano umawang ang labi ng kapatid ni Zephanie pati na ang lahat na kasama nito.

"Uhm...I guess captain won't mind kung sa baba nalang tayo Dwight since. Hindi pa gaanong gumaling ang paa niyang si Chel. Si Zeph nalang ang paaakyatin namin dito. Would you mind Chel?"

"That's a good idea Zhared." Sa ikawalang pagkakataon. Naunahan na naman siya nito.

Nagkakantyawan na sina Bruce at Owen habang tinutukso ang amo niya. Pero bago sumunod ang binata sa mga kaibigan nito para bumaba. Sinulyapan pa siya ni Dwight sa huling pagkakataon bago ito tuluyang naglaho sa paningin niya.

Siya namang dating ng always hyper na si Zephanie at agad binati siya.

"Hello Chel. Good morning to you!" Kaya ang walang humpay na kwentuhan. Nauwi sa walang humpay na tawanan at asaran.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status