Share

Kabanata 4

KANINA pa siya nayayamot habang paika-ikang naglalakad sa loob ng mall.

At ang lalaking nakasunod sa kanya ay panay ang naging reklamo. She just ignored her boss. Ngayong nakakita na siya ng tamang sim card pamalit sa luma niya ng card.

"Iyan na naman? Ilang beses ka bang magpapalit ng sim card sa loob ng isang buwan Chel? Lima? Sampo? Aba at iyan lang talaga ang sadya mo rito kaya nakipagtalo ka pa sa'kin?"

"Paki-chip in nalang miss," utos niya sa babaeng nakatuka sa sim cards department sa naturang mall na iyon. Ibinigay na rin niya ang phone dito.

Sinulyapan niya si Dwight na kaunting tiis na lang talaga ay gusto niya nang ibalibag ang binata palabas. Halata kasing nabuburyo na rin ito kakasunod sa kanya.

"Miss boyfriend mo ba?"

"Hindi. Pakibilisan nalang," ngunit kapansin-pansin talaga ang pagnanakaw ng tingin ng babae sa lalaking nasa likuran niya. Kaya for some reason, nakaramdam siya ng inis.

"Ang gwapo niya talaga—"

"Oo. Gwapo siya kaya pwede tigil-tigilan mo na ang pagpapa-cute sa kanya dahil hindi tatalab ang charm mo na 'yan?"

Pero ang hipokrita ay sinagot rin siya. "Bakit parang galit ka yata? Hindi ka naman niya girlfriend ahh!" Aba at talagang...lihim siyang napamura sa bwelta nito kaya malaki ang ipinagpasalamat ni Chel na hindi nakatuon ang atensyon ni Dwight sa kanila ng babae. "Boyfriend ko siya kaya huwag mo ng pagnasaan pa ang may sabit na!"

Pero hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Natampal niya ang noo at gustong sipain ang babae ng kinalabit nito ang kanyang amo just for confirmation.

"Girlfriend mo ba siya sir?" Anak ng...kumunot ang noo ni Dwight noong una pero agad ring binalingan ang babae at nginitian. Bago ito lumapit sa kanya at maingat na hinawakan siya sa baywang.

"Oo. Bakit mo pala naitanong? Tapos na ba ang ginawa mo sa phone ng girlfriend ko? Pakibilisan dahil may date pa kami."

"O-opo!" Disoriented pa nitong sinulyapan siya pagkatapos ay ngumiwi kaya binalingan niya si Dwight at tinaasan ng kilay.

"Ano? I just saved your ass off. Bilisan mo na nga riyan para makapag-date na tayo," gusto niyang sikuhin ang binata pero nang makita niya ang paninitig ng babae sa kanila bago nito ibinalik ang cellphone sa kanya. Chel was not in the position to decline her boss stupidity.

"Tama babe. Since tapos na rin lang naman tayo. Tara na!" Binalingan niya ang babae. "Thank you miss." Saka siya paika-ikang naglakad at dahil girlfriend-boyfriend kuno silang dalawa ng binata. Kunwari ay naging concern ito sa kanya at inalalayan siya.

"Mukhang magkasintahan nga. Na galing sa honeymoon," natigil si Chel sa paglalakad ganoon rin si Dwight. At kung nakakamatay lang talaga ang tingin. Kanina pa nakahandusay ang babae sa sahig.

"Bitiwan mo na nga ako!" Nakalabas na kasi sila sa mall. Tapos na rin ang acting kaya nagtataka pa siya kung bakit nakahawak pa rin ang kamay ng amo sa baywang niya.

"Bakit ikaw pa yata ang galit riyan? You should be thankful na tinulungan pa kita sa usisirang babae na iyon." Inalis nito ang kamay sa kanya na para bang napaso. "Okay! Mauna na akong sumakay sa'yo sa kotse—oh ano?" Hinila niya kasi ang laylayan ng suot nitong polo. "Bakit?"

Gusto niyang bawiin ang sinabi.

Simula kasi nang matisod siya kahapon. Si Dwight na ang hindi nagsasawang alalayan siya. Pero dahil ma-pride siyang babae. Basta nalang niyang isinawalang-bahala ang lalaki at nauna pang naglakad palapit sa kotse.

But the fact na sinamahan pa talaga siya nito para lang makabili ng sim card. Another sort of evidence na naman sa kabaitan nito.

Pero mukhang hindi yata umaayon sa kanya ang panahon. Sa bawat hakbang niya kasi. Pananakit ng paa niya ang katumbas niyon.

"Piste talaga ang paa na 'to! Masyadong demanding."

Nang maramdaman niya ang pag-angat ng kanyang katawan sa ere. Nagulat pa siya ng makita ang walang reaksyon na mukha ni Dwight.

"Kaya pala napagkamalan tayong magkasintahan na kakagaling lang sa honeymoon. Dahil pala riyan sa paraan ng paglalakad mo. Para kang...naambunan ng t***d."

"Anong t***d?"

"Semelya ng lalaki? Egg cell—"

"Kailan ka pa naging greenminded Dwight?" Ibinaba nito ang tingin sa kanya. "What have gotten to your sir now? Amo mo pa rin ako Chel kaya hindi ibig sabihin no'n na kinarga na kita ngayon. Wala ka nang atraso sa'kin. Never ko pang nakakalimutan ang ginawa mo noong nakaraang araw."

"Then put me down para..."

"Too late." Nagawa na kasi nitong maipasok siya sa pasenger's seat.

"Maayos na naman ba ang posisyon mo riyan mahal na reyna?" Nakatukod na ang magkabilang kamay nito sa pintuang malapit sa kanya.

"Maayos na maayos mahal na hari kaya pwede kumilos ka na riyan para makauwi na ako ngayon sa apartment ko?"

"Gagawin mo pa akong driver. Oh well, kailan ba hindi?" Saka nito isinarado ang pinto para umikot at umupo na rin sa driver's seat.

"For safety purposes in case mahal na reyna. Kindly backle up your seatbelt."

"Ano ba sa tingin mo itong ginagawa ko mahal na hari?" Para na talaga silang mga tanga na puro sarkasmo nalang ang sinasabi bilang panudyo sa katauhan nila. "Mukha bang pinaglalaruan ko lang itong seatbelt?"

"Hindi."

Now that he seems not to throw words at her. Napalagay nalang rin si Chel nang pinausad na nito ang sasakyan. She tried to see how her new sim cards works at naroon na sa isip niya na sana wala ng makakaalam pa sa bagong sim card niya ngayon...well, except pala sa amo niya.

Nagulat pa siya ng ibinigay nito ang cellphone sa kanya. "For the n'th time you changed your number. I am hoping that this will be the last. Can you assure me that?"

Umingos lang siya bago tinanggap ang phone nito.

"Wala ba akong kausap dito?"

"I can't assure you sir. But I hope this will be the last either."

Nagtaka siya ng tumipas ang sasakyan at papuntang sa Asterelle's food and Cafe ang tinatahak na nila ngayong daan. Hindi nalang siya nagreklamo pa. Kasi baka sa susunod. Sa kompanya na naman nito ang kanyang bagsak.

Ang Asterelle's food and Cafe ay mistulang comfort zone na rin kasi ng binata bukod sa FVC.

Asterelle's stands for his mother's name. Kaya hindi na rin siya nagtataka kung bakit mas lalong attached ang amo sa naturang establisyemento. Ito nalang kasi ang natirang alaala nito sa ina.

"...bakit ba palagi ka nalang nagpapalit ng sim cards? May pinagtataguan ka ba? Anak ka ba ng isang Mafia at hinahanap ka nila kasi tumakas ka at ikaw ang gagawing successor?"

Tumakas.

He has the point pero kailanman ay hindi siya anak ng isang Mafia Boss. Binalingan niya ito. "Kakanood mo yata iyan ng Vincenzo eh,"

"Well. Ang gwapo kasi ni Soong Jong Ki."

"Umaandar na naman iyang pagkabinabae mo?"

"May binabae ba na kung makatingin ka sa tiyan ay halos lumuwa na ang mata? Para sabihin ko sa'yo Chel. Since amo mo ako at matagal ka na sa'kin. Baka gusto mong makita kung ano nga bang klaseng ahas ang maipagmamayabang ko sa ibaba?"

"No thank you," bukod kasi sa napakasadistang bibig nito. Hindi rin maitatanggi ni Chel na may itinatago ang amo na kahalayan sa katawan.

"Good. Wala rin naman kasi akong plano kung ikaw ang unang makasaksi nito. Sa asawa ko, Oo pero. Ikaw? No. Never."

"Okay. Tumahimik ka nalang. Wala rin naman kasi akong balak na asawahin ka. Baka mag-eend of the world nalang ay hindi ka pa rin makahanap ng babaeng mapapantayan iyang pagkabungangero mo."

Naisip na naman niya ang napag-usapan nilang dalawa sa ama nito. "Ikaw ba ay walang nagustuhan? Iyong ama mo kasi ay pinoproblema ang pagka-zero balance mo 'daw. Naisip ko rin na baka ayaw mong magkajowa ng babae kasi ang gusto mo ay...lalaki?"

Kamuntikan ng maumpog ang ulo niya sa dashboard ng bigla itong pumreno.

"A-ano iyong sinabi mo?" Hindi pa man siya nakarecover ay iyon kaagad ang tanong nito. Naalog pa yata ang utak niya dahil sa biglaan nitong ginawa.

"Bingi ka ba talaga Chel o nagbibingi-bingihan lang?"

"Ang sabi ko. Baka kako bakla ka kaya—" malambot na nitong mga labi ang tumapos sa buong sasabihin niya. "Ayan? Bakla pa rin ba Chel?"

Sandali siyang nawalan ng muwang bago niya pinahiran ang bibig dahil nandidiri siya. "Hayop ka! Bakit mo ginawa iyon?"

"Bakit hindi? Insulto iyon sa ego ko. If for you women ay natural lang ang tawaging tomboy. For us to be called a gay is an insult. And for your information. Ikaw lang ang nakapagsabi sa'kin ng ganoon. Huwag mo talaga akong hamunin Chel. Dahil baka sa susunod ay hindi mo talaga magugustuhan ang magagawa ko."

"Bakit? Ano ba ang gagawin mo?"

"We'll see."

Nang makarating sila sa Asterelle's food and cafe ay nanahimik nalang siya dahil natatakot siya na baka gagawin nito ang panakot nito sa kanya.

She can defend herself dahil may kaalaman naman siya sa martial arts kung sakali mang... ano ba itong iniisip niya? Bakit pati siya ay kahalayan na rin ang laman ng isip? Posible bang nahawaan na rin siya nito?

Kaya distant siya masyado sa binata ng makapasok na sila sa loob. Mabuti nalang at hindi nito napansin iyon...

"Sa opisina ka. Baka mapano pa iyang paa mo. Patingin nga at baka..."

"Sasabihin ko naman kung kaya ko na. For the meantime well I'm sorry. Sa opisina talaga ang bagsak ko ngayon." Tinalikuran niya na ito pero nagulat siya ng may umalalay sa kanyang babae na crew.

"Ang sweet niyo talagang dalawa ni sir Dwight, Chel?"

"Anong sweet doon Ashley?"

"Sus! Pa-humble ka pa. Sa lahat kasi ng empleyado niya. Ikaw lang ang inaalala niya ng lubos." Umirap siya ng palihim.

"Mas matagal kasi akong naging assistant niya kompara sa inyo. Kaya iyon siguro ang rason kung bakit ang bait niya sa atin—"

"Sa'yo lang naman talaga ganoon si sir Dwight eh. Considering na mabait siya sa lahat. Pero pagdating sa'yo ay parang may..."

"Hay naku! Salamat sa pagdala sa'kin dito," nasa tapat na kasi sila sa opisina nito. "You can leave me here. Kaya ko na sigurong pumasok sa loob."

Bago ito umalis ay may habilin pa itong makahulugang ngiti na iginawad sa kanya.

And she knows what was that for kaya itinapon ni Chel kung ano man ang naiisip ng mga kasamahan niyang empleyado.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status