Zedic's POV
"Mr. Lim!" Pagtawag sa akin ng Principal nang palabas na sana ako ng office upang pumunta na sa unang klase ko.
Nakaupo ang principal sa swivel chair nito habang nakatingin sa akin.
"Yes Ma'am?" Nilingon ko ito kasabay ng tanong.
"Sabihin mo kung late pa rin ngayong araw ang istudyante mong reniport mo sa akin last week para magawan ng paraan scholar pa naman ang batang iyon," saad ng principal.
"I think that child need some consideration ma'am," sagot ko na mukhang ikinagulat nito.
"What do you mean?"
"I know the real reason why she's always late entering in my class, I talked to her last time in the hospital," paliwanag ko.
"Hospital?" muling tanong ng principal na mukhang mas ikinagulat ang narinig.
Nais kong sabihin ang totoo sa principal para malaman din nito dahil mas kaila
Mischell's POVAtom: Mitch nakaisip na ako ng paraan pa'no ka rin magugustuhan ni Prof, kami na gagawa ng paraan para pagsamahin kayo madalas tapos ikaw na lang bahala sa pakikipag-usap magaling ka naman sa pagpapatawa.Nath: Tama si papa Atom at saka hindi lang sa ganda napapa-ibig ang lalaki kung hindi sa paraan na kaya mo s'yang mapatawa o mapasaya.Zoey: Sa paraan na p'wedeng mapasaya, e ikaw Nath mukhang hindi mo sila napasaya wala kasing pumapatol sa'yo hahaha.Atom: Anong papa ka jan Nath 'di kita anak.Nath: Hindi nga pero aanakan mo 'ko hehe.Bumungad sa'kin ang usapan nilang iyon sa group chat namin na hindi manlang inisip na mababasa ni prof gayung naka add rin ito sa group chat.Me: Mga lintik kayo anong mga pinag-uusapan ninyo baka nakakalimutan n'yong nandito rin sa gc natin si prof mababasa niya 'to.Na
Zedic's POVDumagdag sa dumidilim na paligid ang madilim na kalangitan kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan, marahan ang pagmamaneho ko ng sasakyan dahil na rin sa madulas na kalsadang dinaraanan ko nakikita ko pa ang pagtaas baba ng windscreen wiper ng sasakyan upang punasan at palinawin ang salamin upang malinaw kong makita ang daan dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan.Maaga akong lumabas ng kumpanya at hindi ko naman akalaing masasalubong ko ang malakas na ulan, ngunit hindi na rin naman masama dahil ang panoorin ang bawat patak ng ulan ay isang bagay na nagpapaalala rin sa akin kay kuya hindi ko alam kung paano siya nagiging masaya sa ganoong sitwasyon dahil sa bawat buhos ng ulan madalas nakikita ko itong nakatanaw roon at nakangiti.Pluviophile - iyon ang tawag sa mga taong gustong-gusto ang ulan, ganoon si kuya. Tila ba kapag umuulan ay nakakahanap siya ng katahimikan at saya pakiramdam niya sigu
Mischell's POVLintik na 'yun akala ko naman may ibig sabihin na kaya niya ako niyakap, umaasa ako e.Pero at least nayakap ko na rin si prof, iyon ang pangarap ko e ang mahalin ako ng isang lalaki na may malapad na dibdib at kaya akong yakapin pag malungkot ako, kailangan ko pang pag-igihan ang paglalandi para sa masayang bukas awoo.Tila ba nagdidiwang ang buong sistema ko sa masayang pakiramdam na iyon, kahit na narinig ko na rin mismo kay prof na parang kapatid lang ang turing nito sa akin ngunit hindi pa rin ako titigil hangga't hindi si prof ang nagsasabi na tumigil na ako, pakiramdam ko nawala lahat ng bigat na nararamdaman ko sa loob ko kanina.Ngunit ang saya ko ay agad ding naglaho nang makapasok ako sa bahay at sinalubong ni tita Lexi, salubong ang kilay nito habang nakakrus ang mga kamay at halatang galit.Ang maamong kuting ay nag-iiba ang ugali kapag n
Zedic's POV"Paano mo nasabing magaling ka mag-alaga ang inaalagaan mo ay hindi nakakalakad samantalang ako ay may lagnat lang, magkaiba 'yun miss Flor," saad ko rito at mabilis agad itong nakasagot upang mangatwiran sa mga sinasabi niya."Pareho lang po iyon kasi ang pag-aalaga ko ay may kasamang pagmamahal." Nakangiting sagot nito."Kalukuhan," Iling-iling kong sabi at napabangon na ang kalahati ng katawan ko at sumandal sa head board ng kama."Ayaw kasi maniwala edi 'wag," nagtatampo kunwaring sabi nito at saka inilinga ang paningin sa buong kwarto ko.Natigil lang ang pag-iikot ng paningin niya ng madapo iyon sa istante at alam kong ang picture frame na nakalagay doon ang tinitingnan nito."Wow may kakambal ka prof?" Agad na tanong nito at kinuha pa ang frame na iyon.Naparito ba ang babaeng 'to para alagaan ako o
Zedic's POV"Mukhang mapapalitan na yata si Salve bilang kusinera sa bahay na 'to ah?"Agad akong napalingon ng marinig kong magsalita si Aling Sol sa likuran ko. Nakangiti itong nakatingin sa akin habang wala namang reaksyon ang mukha ko."Bakit ho aalis na ba si ate Salve?" pagtataka kong tanong naman.Naglakad ito papalapit at naupo rin paharap sa akin, nasa veranda kami ng kwarto ko at nakaupo sa harap ng medyo katamtamang laki ng mesa nakalatag roon ang isang baso at bote ng alak na iniinom ko."Hindi iyon ang ibig kong sabihin, sa tingin ko lang naman mapapalitan na siya kung gugustuhin mo, mukhang mas masarap yatang magluto si Mitch tama ba ako?" Nanunukso ang ngiting umukit sa labi nito at hindi ako nakasagot."Ngayon ko lang kasi napansin sa paulit-ulit na paghain namin ng pagkain sa hapag ay ngayon mo lang ito naubos kainin," dag
Zedic's POV"Paano nangyari at anong ibig sabihin nito ang sabi ninyo sa akin nabayaran ang mga pulis kaya ayaw magsalita paano n'yo nakuha ang report na 'to at bakit pareho ang araw at lugar ng pinangyarihan ng aksidente ni Emmaline Flor at ng kuya ko?" magkakasunod kong tanong at pinanatili kong kalmado ang boses ko kahit gusto ko nang sumabog sa galit.Bago sumagot si Tiago ay sininyasan na muna ni Hector ang mga tauhan na malapit sa amin na umalis kaya kaming apat na lang ang naiwan sa isang silid na iyon."Pareho iyon dahil silang dalawa ang biktima sa nangyaring aksidente ng gabing iyon tatlong taon na ang nakararaan at ang sabi ng mga pulis ay mas pinili nila na manahimik kasama na rin ang pamilya ni Mrs. Flor kasi ayaw nila ng gulo boss," panimulang kwento ni Tiago."Ayaw ng gulo o para takasan ang kasalan?" tanong ko kasabay noon ay ang pagkuyom ng kamao ko dahil sa galit
Zedic's POVDumating ang biyernes, lumipas ang ilang araw at tila ba napansin kong umiiwas na sa akin si Mischell, hindi na ako nag-abalang tanungin pa ito tungkol sa pag-amin niya dahil alam niya na tulog ako ng mga sandaling iyon at hindi ko alam lahat ng mga sinabi niya at baka mas dahilan lamang iyon para mas lalo s'yang umiwas dahil kahit ako hindi ko alam kung ano ba ang isasagot sa kaniya kapag sinabi na nito sa akin ng harapan ang totoong nararamdaman niya.Biyernes na ngayon at sa limang araw na lumipas ang klase namin mas madalas ay tahimik na lang ito kumpara sa dati ay nag-iingay ito para lang magpapansin at kung ano-ano pa.Doon palang alam kung umiiwas na nga siya hindi ko siya masisi, kahit ako na lalaki ay mas piniliin na lang manahimik kisa magka issue.Gabi na nang makalabas ako ng office dahil kakatapos lang ng meeting ng lahat ng faculty members, hindi ako pumasok sa
Mischell's POVAtom: Mitch saan ang bahay mo susunduin ka na lang namin ni Nath kasama ko na sila ngayon para sabay-sabay na tayong pumunta sa restaurant ng tita ko.Basa ko sa chat ni Atom sa akin na susunduin na lang nila ako. Laking pasasalamat ko sa kanila na hindi nga ito nag-atubiling tulungan ako at sasamahan pa sa lugar kung saan ako magtatrabaho.Me: 'Wag na hintayin niyo na lang ako jan, sabihin n'yo na lang ang address para hindi na kayo maabala.Reniplayan ko ito, saka ako nagmadaling kunin ang shoulder bag na dadalhin ko at folder kung saan nakalagay ang mga requirements na gagamitin ko sa pag aapply ng trabaho."Aling Gemma pasensya na po kailangan ko nang umalis, kayo na po muna bahala kay mama salamat po." Nagmamadali kong paalam kay Aling Gemma habang naglalakad na ako palabas ng bahay.Hindi na ako naghintay ng sagot nito dahil sa pagmamadal