Share

Chapter 46

Mischell's POV

Pinalipas namin ang oras hanggang sa gumabi, ngayon pa lang ako babalik sa bahay dahil alam kong gabi na rin umuuwi sina tito.

Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin ngayon dahil ang tanging nararamdaman ko ngayon ay matinding galit, at sisiguraduhin kong magbabayad sila sa ginawa nila.

"Mitch, naghihintay na ang papa mo sa baba sasamahan ka raw n'yang umuwi. Papunta na rin ang mga pulis sa bahay ng tito mo." tinig ni tito Hector mula sa may pinto kaya agad ko naman itong nilingon.

"Sige po," tipid na sagot ko sabay tango pa, agad din naman itong umalis.

Si papa ang nagdesisyon na ipakukulong niya ang mag-asawa dahil subra na ang ginawa nila, kay laki na ng halaga na nakuha nila kasama pa ang pag-angkin ng mga bagay na dapat ay para sa akin, gusto ko pa mang kuntrahin ang gusto niya hindi ko na ginawa dahil alam kong galit na rin siya ngayon kina tito at tita.<

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status