Share

Chapter 18

Zedic's POV

"Paano mo nasabing magaling ka mag-alaga ang inaalagaan mo ay hindi nakakalakad samantalang ako ay may lagnat lang, magkaiba 'yun miss Flor," saad ko rito at mabilis agad itong nakasagot upang mangatwiran sa mga sinasabi niya.

"Pareho lang po iyon kasi ang pag-aalaga ko ay may kasamang pagmamahal." Nakangiting sagot nito.

"Kalukuhan," Iling-iling kong sabi at napabangon na ang kalahati ng katawan ko at sumandal sa head board ng kama.

"Ayaw kasi maniwala edi 'wag," nagtatampo kunwaring sabi nito at saka inilinga ang paningin sa buong kwarto ko. 

Natigil lang ang pag-iikot ng paningin niya ng madapo iyon sa istante at alam kong ang picture frame na nakalagay doon ang tinitingnan nito.

"Wow may kakambal ka prof?" Agad na tanong nito at kinuha pa ang frame na iyon.

Naparito ba ang babaeng 'to para alagaan ako o

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status