May limang minuto nang nakakaalis ang tatlong lalaki sa opisina ko, pero hindi ko maunawaan kung bakit ganoon na lang naiwang kaba sa puso ko dahil sa nakita kong hilatsiya ng mukha ni Jeffrey. Sa pagkakaalam ko sa kanya, base sa mga detalyeng nakalap ko, ay may malaking pagtingin ang isang iyon kay Olivia, pero sa mga tingin niya sa akin at kay Bong at John. Na-realized ko na hindi iyon ang tingin ng isang lalaking nagseselos o may pagtingin. Nakadarama ako ng kakaiba, tuloy ay inaapuhap ko kung saan at papano ko lalabanan ang mga ito. Ni hindi ko na tuloy alam kung sino ang tunay kong mga kalaban.Paano ko maipaghihiganti ang mga magulang ni Olivia, ang aking ama.Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa matinding pag-iisip. Walang nakakaalam ng isa pang motibo ko sa pagpayag na magpaopera at maging kamukha ni Olivia, iyon ay dahil nais ko ring ipaghiganti ang pagkawala ng mag-asawang Alcantara. Alam ko at hindi ako naniniwalang aksidente lamang ang pagkamatay nila."Ang lalim naman
Habang nakaupo pa rin siya at pinagmamasdan ang mukha ko ay napangisi ito. Ako naman ay medyo na-consious, kakaiba kasi ang mga tingin niya. Kahit na alam ko naman na alam na nito na hindi ako ang asawa niya, kaya niya ako natitingnan ng ganito. Pero isang tanong ang nabubuo sa isipan ko. Ano bang kasalanan ni Olivia at trinato niya ito ng ganito? "Bakit anong iniisip mo?" "John, alam mong alam ng lahat dito sa building na ito na mag-asawa tayo, pero di tayo okay diba?" "Yup."Sabay tango pa nito sa akin. At sinamahan ng nakakalokong ngiti."Kilala rin ba ng lahat si Helena? At ang anak mo dinala na ba niya rito sa opisina?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Ilang mga katanungan pa ang nais kong malaman."Oo, lahat ng sinabi mo totoo, at never pa akong nakaipag-usap sa iyo ng ganito katagal, nandidiri ako at ayaw kitang makita, kapag nakikita kasi kita nagkukuyos ang kalooban ko," sabi pa nito sa akin. Ako naman ay nakaramdam ng bigat sa aking dibdib. Parang hinalukay ang kalooban
KABANATA 16 - ANG LUMANG DIARY NI OLIVIATaong 2010 ang unang nakasulat sa unang pahina ng kanyang diary. Hindi ko maunawan ngunit ng bulatlatin kong maige ay napagtanto kong sa hulihan ang pinaka unang pahina. Ganoon ni Olivia isinulat ang mga damdamin niya at karanasan sa kanyang diary. Nabasa ko doon ang nakatagong damdamin ni Olivia patungkol sa kanyang nalalapit na kasal kay John Carlos. Ang lalaking kanyang pinakaiibig.diary:June 11, 2010 5:00 PMMahal na mahal ko si John, at para sa akin ay dream come true ko ang mga nagaganap ngayon, ngayon na malapit na kaming ikasal. Pero nakausap ko si John. Niyakap niya ako at hinalikan sa aking mga labi, humingi siya ng tawad sa akin. At sinabi niyang patawarin ko siya sa lahat ng mga masasamang bagay na gagawin niya sa akin. At pakatatandaan ko raw na mahal na mahal niya ako. Ako lang daw ang mamahalin niya habang buhay. Kaya lang diary sinabi niya na tumanggi na lang sana ako sa kasal, iyon daw ang pinaka mabuti para sa akin. Pero hi
Hindi ko maintidihan ang kakaibang ngiti ni Jeffrey kaya pinilit kong maging pormal sa kanya. Tama nang nahuli o nabisto na ako ni John. Hindi na maaring madagdagan pa ang nakakaalam na hindi ako si Olivia."O Mr. Jeffrey Carlos, I hope hindi mo naman nauubos ang oras mo sa kasusunod mo sa akin?"Ngumisi siya sa akin at kumibit lang ang balikat nito. Habang ibinalik ang dalwang kamay sa kanyang bulas. At muling ngumiti ng alanganin. Iyong ngiti na parang nang-uuyam. Gusto kong mainsulto pero nagpanggap akong hindi ko nahalata na may nais siyang iparating sa mga tingin niya.Umiwas ako ng tingin at sadyang lumihis upang hindi ko siya masagi. At nahalata kong hindi niya nagustuhan ang bagay na iyon. Kaya naman mas ipinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad. Ngunit may bigla akong naisip, para mahuli mo ang daga, kailangan mo ng pain. At iyon ang gagawin ko. Pumihit ako ng aking mga paa at lumakad pabalik upang sabayan siya. Nakita kong nagulat siya."O Olivia," nasambit niya ang pang
KABANATA 18 - ISANG PLANONang makaupo na si Jeffrey sa harap ng hapag kainan ay tumayo ako sa kinatatayuan ko at lumipat sa tabi nito, “I want to say thank you,” nakangiti kong sambit kay Jeffery. At alam kong nagtaasan ang mga kilay ng mga kababaihan na naroon, ang mga kapatid nilang babae at ang ina ng mga ito.“Well stop acting like crazy thing, Olivia, go back to your seat,” may pang-uuyam namang utos ng babae kong biyenan.“Anong nangyayari sa iyo?” taas naman ang kilay nang isa sa mga kapatid na babae ni John, si Luvi.“Baka naman na alog ang utak niya kasi, three years ago naoperahan ang puso niya,” sabay ngisin ni Angela sa lahat, matapos niyang sabihin ang lahat ng mga iyon.“Well, I think kung meron mang naalog ang utak rito, baka ikaw iyon?” Napahalukipkip pa ako at sumandal sa kinauupuan ko. Tinaasan ko ito ng kilay, na alam kong ikinagulat na naman nila. Hindi pa rin sila sanay sa bagong ugali ng Olivia’ng kaharap nila ngayon.“Ha! Ang lakas na pala talaga ng loob niya n
Hinatid pa ako ni Jeffrey sa mismong opisina ko, nagulat pa kaming pareho nang makita namin sa harap ng opisina si Bong. "O ang tagal niyo naman, saan ba kayo galing?" kaswal na tanong ni Bong sa amin. Well alam ko naman na pasakalye niya lang iyon. Hindi ko naman alam kung ano ang pakay niya sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" maiksi kong tanong. "Ano pa hinihintay ang best friend ko," sabay tingin nito kay Jefferey. Nakita nitong nakahawak sa braso ko si Jeffrey kaya naman napabitiw na ako. Alam kong okay na ako, at pwede na akong iwan nito. "Okay, Bye Olivia, and see you later!" He said while he smirked at me. Sa puntong iyong medyo na alangan na akong tumbasan pa ng ngiti rin ang kanyang tinuran. At hindi pa man ako lumilingon ay tila nakikita ko na ang masasamang titig sa akin ni Bong. ------------------------ Ilang minuto na ang lumipas at wala na rin si Jeffrey, ngunit si Bong ay nanatiling walang imik, nakayuko lamang ito habang nakapatong ang mga braso sa mga hita. Hindi
KABANATA 20Nanlalaki ang mga mata niya, halos mapugtu na ang hininga niya ng takpan ng lalaki ang bibig niya dahil sa napakalakas niyang pagtili. "Sophia! Shut up!" mariin ngunit pabulong lamang ang salita ng tinig na hindi ko kaagad nakilala.Dala marahil ng matinding kaba, at pag-aalala na maabutan ako ng lalaking humahabol sa akin, at hindi ko akalaing naroon pa si Bong ng mga oras na iyon, "W-what are you doing here! You're driving me crazy! O my gosh!" humihingal kong sambit habang nakahawak ang isang kamay ko sa aking dibdib na kulang na lang ay lumabas sa aking kalooban."What happened?" Nag-aalala nitong hinawakan ang mukha ko, ako naman ay napasandal na sa pader ng building na kinaroroona namin. "You know, You're the one who made me this way! Ikaw na lang palagi ang iniisip ko, hindi mo ba alam na akong nababaliw dahil sa iyo!" Mabilis nitong hinablot ang isang kamay ko at pahila na akong isinama sa paglalakad niya.Ako naman ay humahangos ding napapasunod na lang sa binata,
KABANATA 21 Halos mag-iisang taon pa lang naman ako sa poder ng mga Carlos, pero malaki na rin naman ang nagawa ko, nabawi ko ang pamamahala at posisyon bilang CEO ng kumpanya sa asawa nitong si John. At alam kong kahit pa paano ay naturuan ko na ng leksiyon ang mga magulang at kapatid nito. Ang problema lang ko lang, hindi ko pa lubusang nauunawaan ang nilalaman ng diary ni Olivia, at kung anong relasyon ba talaga ang meron sila ni John noon, kung anong lihim ang nakapaloob sa mga sulat na iyon nina Olivia at Jhon. At kung sino ang nagtangka sa aking buhay. "Anong iniisip mo?" tanong ni Bong, naka-topless ito at nababalot lang ng towel ang pang-ibaba nito. "Bakit ka naman, bumaba rito na ganyan lang ang suot mo? Mag-asawa ba tayo? Para i-trato mo ako ng ganyan? Masyado ka naman yatang bastos Mr. Villegas!" inis kong sambit at sinabayan pa ng irap ang binata. Bukod sa naiinis na akong inabala nito ang pag-iisip ko ay ganoon itong humarap sa 'kin. "Bakit, malay mo naman sa bandang