Home / Romance / I'M DREAMING OF YOU / 2. NAKAKAGULAT NA HAPUNAN

Share

2. NAKAKAGULAT NA HAPUNAN

Author: RRA
last update Last Updated: 2022-05-26 00:54:57

Isinagawa ko pa rin ang libing ng aking mga magulang sa memorial park kahit na hindi ko nakuha ang mga labi nila. Ipinasunog ko ang mga natitirang labi ng mga eroplano na nakuha nila sa pinagbagsakan nito at iyon ang ipinalagay ko sa isang kabaong, kung saan itinuturing ko iyong mga labi ng mga magulang ko. Nasa memorial park pa ako ng mga sandaling iyon, umiiyak at kahit ako na lamang mag-isa roon ay nanatili pa rin ako sa lugar na iyon. Umiiyak. Hindi ko alam na nasa di kalayuan sina Yaya Adella at Atty. Bong Villegas. Si Atty. Bong Villegas ang abogado ng aming pamilya. Siya rin ang isa sa mga matatalik kong kaibigan ay pinagkakatiwalaan ng aking pamilya. Si Yaya Adella na simula pa noong isilang ako ay kasama ko na at halos ikalawang ina ko na.

Sila na lamang ang nakakaunawa sa akin. At alam kong kakampi ko pa rin sa kabila ng lahat ng mga naganap sa akin.

"Hindi ka pa ba tatayo riyan?" tanong sa akin ni Bong.

Nakasalampak pa kasi ako damuhan habang nakamasid pa rin sa lapida ng aking mga magulang.

"Bong bakit ako pa ang nawalan ng mga magulang? Masama ba akong tao?" mahina kong tanong sa kanya habang sa lapida pa rin nakatuon ang aking paningin.

Bumuntong hininga muna ito bago sumagot sa akin, "Olivia, hindi naman porket namatayan ka ng pamilya ay masama kana," sagot nito sa akin. Maya maya ay napansin namin ang pagkulimlim ng langit at ang pagbabadya ng pagbuhos ng ulan. "Tumayo ka na riyan Olivia," sambit muli ni Bong na may himig nang pakikiusap sa akin. Nakita naman naming tumatakbo si Yaya Adella papalapit sa amin at may dalang dalawang payong.

"Senyorita, halina kayo at baka abutan pa kayo ng ulan dito sa sementeryo," sabi rin nito sa akin na may himig rin ng pakikiusap at pag-aalala. Kaya naman sinikap ko nang tumayo, at marahan naman akong tinulungan ni Bong.

___________

Nasa sasakyan na kami ni Bong, "Ihahatid ko na kayo sa mansiyon na tinitirhan mo Olivia," sabi nito sa akin. Ako naman ay malayo pa rin ang tingin at napupuno ng pangamba. Dahil doon ay napahawak ako sa aking dibdib.

"Olivia, alam mo naman na mahina ang puso mo hindi ba?" tanong ni Yaya Adella sa akin. Nakita ko ang pagsulyap ni Bong sa akin habang nagmamaneho siya. Si Yaya Adella naman na nasa tabi niya sa harapan nakaupo ang binalingan ko. "O-opo naman Yaya," sambit ko kaagad sa matanda.

"Bakit? Olivia, may problema ka ba sa pamilya ng napang-asawa mo? Nakakalungkot lang kasi na hindi manlang dumalo sa libing ng iyong mga magulang ang asawa mong si John," wala sa loob na nasabi ni Bong.

Nagkatainginan na lamang kami ni Yaya Adella, alam ni Yaya ang sitwasyon ko sa bahay ng aking mga biyenan at sa asawa kong si John. Palihim akong sumenyas na huwag nang magkomento pa si Yaya sa sinabi nito.

"Ah, abala kasi siya sa maraming gawain, simula kasi ng maikasal kami ay nadagdagan ang mga trabaho niya lalo pa't nag merge ang aming mga kumpanya." Pagdadahilan ko kay Bong. Ayaw kong makahalata ito o makaisip manlang ng kahit na katiting na pagdududa sa tunay kong estado sa aking bagong pamilya. Pamilyang hindi naman ako itinuturing na kapamilya.

Mas lalo ko pang naramdaman ang ganoong klaseng pakireamdam ng mamatay ang mga magulang ko.

Ibinaba na lamang kami ni Atty. Bong Villegas sa harap ng mansiyon, hindi na siya pumasok pa sa loob dahil marami pa siyang trabahong dapat ayusin lalo na sa mga properties na naiwan ng aking mga magtulang. Kunwari ay inalok ko pa siyang pumasok upang maalis ang anuamang natitirang hinala sa kanyang isipan. Pero kahit ano pa lang pagtatago ko ay malalaman pa rin niya.

Sa pagmamaneho kasi niya ay nakita niya ang aking asawa sa gilid ng daan papasok ng isang botique na may kasamang ibang babae. At iyon ay lingid sa aking kaalaman.

Si Yaya Adella ay isinama ko na sa aking poder, wala naman na siyang ibang mapupuntahan at isa pa ay siya na lamang ang natitira sa aking pamilya. Nang makapasok kami sa loob ng mansiyon ay nakita kami ng aking hipag na si Angela Carlos, "O kamusta ang libing ng nasunog na eroplano?" sarkastiko nitong bati sa amin.

"Angela, maari bang huwag mo naman akong bastusin sa harap ng aking Yaya," sagot ko sa kanya sa malumanay na salita. Kailan man ay hindi ako nagtaas ng boses sa loob ng pamamahay na iyon.

"At bakit? Hindi naman talaga katawan ng tao ang ipinalibing mo hindi ba," sarkastiko pa rin ang tinig nito at sinamahan pa ng pagtataas ng kilay.

"Angela," sambit ng tinig sa likod ko. Sabay naman kaming napalingon sa boses ni Mama, ang aking biyenan. Si Gng. Luvie Carlos. "Ano ba yang sinasabi mo kay Olivia, ate mo siya, hindi mo siya dapat sinasabihan ng ganyan..." sambit nito sa anak niyang bunso sa lahat. Apat ang anak nito, si Jeffey, John, Liza at Angela. Pero sa lahat sa kanila ay isa lang ang trumato sa akin ng tama si Jeffrey lang, na sinasabi nilang may lihim na pagtingin sa akin. Ngunit ito rin ang lubos kong iniiwasan sa lahat. Dahil ayokong may masamang issue ang maibato sa akin ng asawa kong hangal.

Sa kabila ng lahat ay ayaw ko pa ring mapag-isipan niya ako ng masama, o makitaan niya ako ng butas para tuluyang hiwalayan. Hindi ko alam kung siya ba o ako talaga ang hangal, alam ko nang walang pagtingin sa akin si John pero eto parin ako at naghihintay na mahalin niya.

Ganito ba talaga ang pag-ibig, kung minsan ay masasabi mo na katangahan at kahangalan ang patuloy na umasa sa wala. Hanggang sa mga oras na ito patuloy ko pa rin siyang pinapangarap.

Isang pakasakit na katotohanan ang sumambulat sa akin, gabi noon at lahat kami ay nasa hapag kainan, ang buong pamilya Carlos ay nakaupo na sa kanilang kanya-kanyang pwesto. Si Yaya Adella ay personal na nagsisilbi sa akin, lahat sila ay palihim na nakatingin, naroon din ang tiyahin nilang si Mis, Loida Carlos, na alam kong nakamasid sa akin. Sina Mama at Papa, at ang laking gulat ko ay ang sabay na pagdating nina John at Helena Alvares. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang makitang tila ako lang ang lihim na natigilan sa mga nakita ko.

"Nagulat ka ba?" tanong sa akin ni John, habang humihila ng upuan sa harap ng lamesa upang paupuin si Helena. Marahan namang umupo si Helena at kasabay din noon ang pag-upo ng aking asawa sa tabi ng kasamang babae. Ang pagkakaalam ko sa babaeng ito ay secretary ito ng kanyang Papa sa kanilang kumpanya. Nakita ko ang palihim nitong pagngisi.

"B-bakit naman ako magugulat, ako lang ba ang walang nalalaman dito?" tanong ko na hindi lang sa kanya ipinukol ang aking tingin kundi inilibot ko iyon isa-isa sa mga taong naroon sa harap ng hapagkainan.

"Well, hindi kapa kasi namin na-inform sa pagdating ni Helena rito ngayong gabi Iha, iyon lang naman ang ibig sabihin ni John, please don't mind it," sambit naman ni Mama.

"Ma! Alam kong gusto niyo pa ring maging sivil ako kahit na hindi ko na iyong kayang gawin pa!" mainit ang ulong sambit ni John. Kitang-kita at damang-dama ng lahat ang tensiyong iyon sa pagitan namin ni John. Gusto kong mapaiyak ng mga sandaling iyon. Pakiramdam ko ay kalaban ko lahat at ako na lang mag-isa. Nang maramdaman ko ang paghawak ni Yaya sa aking balikat. Senyales ng pagdamay nito.

Pero ano ba naman si Yaya para sa mga ito, wala, kaya alam kong sa mga oras na iyon ay matatalo ako. "Bakit John, ano bang gusto mong iparating sa pagsama mo rito kay Helena?" marahan kong tanong bagamat medyo nabasag ang boses ko.

"Oh, camon, Olivia, huwag ka ngang magtanga-tangahan, you know all of this, at wala akong dapat na itago sa lahat, lalo na sa harap ng pamilya ko, and beside, we all know na lamang na kami," sambit nito. Pero ako naman si tanga na hindi ma-gets ang gusto niyang puntuhin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I'M DREAMING OF YOU   41. ANG PAGHIHIGANTI NI BONG

    CHAPTER 41- Ang Paghihiganti ni BongNang makabalik ako sa kay John agad kong ipinakita sa kaniya ang video, doon nalaman ni John ang katotohanan na hindi pala niya anak ang batang ngayon ay nasa emergency room.“Kaya pala hindi ko kadugo ang anak naming si Jonie. Hindi pala talaga ako ang ama niya kundi si Jeffrey. Nakakalungkot na pareho ang naging kapalaran namin ni Jonie, pareho kaming lumaki sa mga taong ginamit lang kami para sa mga pansariling hangarin.” Napayuko si John, ako naman ay nakadama ng awa para sa kaniya.Nahiman ko isang hita niya at nahawaka nito ang kamay ko saka ako tiningnan sa aking mga mata. Nang oras na iyon dama ko ang matinding kalungkutan sa mga paraan ng paghawak niya sa aking mga kamay. “I’m so sorry—hanggang ngayon humingi pa rin ako ng sorry sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa iyo, alam mo ba iyon?”“John, wala na iyon, matagal na kitang napatawad, lahat ng mga sakit na napagdaanan ko, lahat iyon, kin

  • I'M DREAMING OF YOU   40. ANG PAGKAWASAK NI HELENA

    KABANATA 40ANG PAGKAWASAK NI HELENANASA KOTSE SI HELENA, habang kausap niya si Jeffrey. Doon ay napag-usapan nila ang tungkol sa batang si Jonie na hininala kong anak nilang dalawa.“Bakit ka lumitaw roon? Para mo na ring inamin ang kataksilang ginagawa ko kay John!” galit na sigaw ni Helena.“At bakit hindi! Alam kong masama ako, pero may puso pa rin ako at mahal ko ang anak ko! Pumayag akong magpagamit sa iyo dahil gusto kong tuluyang magalit si Olivia kay John, pero hindi ko sinabing pababayaan kong mamatay ang anak ko—nauunawaan mo ba?!” galit na sabi ni Jeffrey. Matalim ang tingin naipinukol nito kay Helena.“Si John lang ang ama ng anak ko! Hindi ako papayag na mawasak kami ng dahil sa inyo ni Olivia, akin lang si John!” hesterikal na sigaw ni Helena, kaya malakas siyang nasampal ni Jeffrey.Ngunit mabilis na napisil ni Jeffrey ang mga pisngi ni Helena. “Oo alam ko, dahil akin lang din si Olivia! Pero sisiguruhin ko sa iyo na hindi mo na magagamit ang anak ko para sa iyong amb

  • I'M DREAMING OF YOU   39.BAKIT HINDI KO KADUGO ANG ANAK KO?

    KABANATA 39BAKIT HINDI KO KADUGO ANG ANAK KO?KINABUKASAN pumutok ang balitang nagkaroon ng malaking pagbagsak ng stock sa market, pero sa halip na ikalungkot ko iyon, lihim kong ikinatuwa, magkakaroon ng dahilan ang mga board members na question-in ang ilang malalaking pagbabago sa kanilang corporasyon.Ang Alacantara Corporation ay tuluyang nasakop ng mga Carlos, iyon ang isa sa mga nakikita kong maaaring maging dahilan para ihiwalay ang kumpanya ko, sa kanilang kumpanya.Alam ko na kung mangyayari iyon, pupulutin sa putik ang mga Carlos, saan kaya ni Jeffrey kukunin ang ilang milyong ibabalik sa mga investors, malaki na rin ang nalulugi sa pera ng mga ito.“Olivia, ito na ang pagkakataon, pilitin mong kumalas ang ilang investors, kapag nagkaganon, mapipilitan silang magbenta ng share nila, at iyon ang pagkakataon kong makabili ng ilang shares, sa pamamagitan ng kaibigan ko, pangalan.” Tiningnan ko si John, at nakita ko sa mga mata nito ang pagka-agrisibo dahil sa nalalapit na pagba

  • I'M DREAMING OF YOU   38.MGA NAWAWALANG ALAALA NI SOPHIA

    KABANATA 38MGA NAWAWALANG ALAALA NI SOPHIAKABANATA 38MGA NAWAWALANG ALAALA NI SOPHIA“NAROON SIYA.” Itunuro ni JC si Sophia na noo’y nakatunghay sa malawak na karagatan habang nasisilaw sa mataas na sikat ng araw.“SALAMAT JC, dahil inaalagaan mo pa rin si Sophia, alam mo naiingit ako sa iyo, kasi hindi ko man lang siya magawang lapitan,” sabi ko kay Jc habang pigil ang aking pag-iyak. Ayokong maging mahina ng mga sandaling iyon, kaya sinikap kong pigilan ang mga luha ko.Nalulungkot akong hindi ko magawang ibalik sa kanya ang pag-aalaga na ginawa niya sa akin noon.Noong ako ang nakaratay sa ospital.“Huwag kang mag-aalala, malakas at matapang na babae si Sophia, pasasaan ba at magbabalik rin ang mga alaala niya,” sabat ni John na nasa likuran ko na pala. “Nakita ko ang tapang at lakas niya noong unang beses niyang magpanggap na ikaw, buo ang loob niya na ipaghiganti ka, pero sinong mag-aakala, na kay Bong lang pala siya titiklop.”“Ang inaalala ko John, iyong bata sa sinapupunan n

  • I'M DREAMING OF YOU   37. ANG TUNAY NA PAGKATAO NI JOHN

    KABANATA 37ANG TUNAY NA PAGKATAO NI JOHNNalaman ko na kaya pala ganon ang ipinakita sa aking kasamaan ni John, para mabuksan ang isip ko at matutong lumaban, ayaw rin niyang maisip ng mga Carlos na pwede siyang gamitin ng mga ito para ma-control ako, ayaw niyang siya pa ang hilingan ng mga ito na kunin ang kayamanan ko, kaya lahat ay nauwi sa masakit naming pagsasama.Pero ngayon alam ko na, alam ni John noon pa bago kami ikasal, na siya pala ay hindi tunay na anak ng mga Carlos, kundi ginagamit lamang siya ng mga ito para makuha ng tuluyan ang kayaman ng mga Alacantara.Nagbalik sa akin ang alaala nang pagtatapat ni John ng mga tunay niyang dahilan.“Olivia, nalaman ko noon, noong bago tayo ikasal, nalaman ko na hindi nila ako tunay na anak, na anak ako ng matalik na kaibigan ng ama mo, at kasosyo nila sa negosyo, pinatay nila ang tunay kong mga magulang, at pinalaki nila ako para gamitin naman para makuha ang kayaman ng buong pamilya mo,” umiiyak na pagsasalaysay sa akin ni John.

  • I'M DREAMING OF YOU   36. SI OLIVIA AY NAGPANGGAP NA SI SOPHIA

    KABANATA 36SI OLIVIA AY NAGPANGGAP NA SI SOPHIA"Hello John, okay, I'll be right there in a few minutes...." malambing na sabi ko sa kabilang linya. "Okay Honey, palagi mong iingatan ang sarili mo, huwag kang magpapalipas ng gutom," tugon ni John sa akin mula sa kabilang linya.Okay na kami ni John, inanunsiyo na rin nito ang pagkakaayos namin sa buong pamilya ng mga Carlos, kahit na hindi magawang palayasin ni John si Helena dahil may anak daw sila, hinayaan na lang namin, isa pa ang mahalaga sa akin ay ang kapakanan ng relasyon namin.Ang mahalaga sa akin ay ang pagkakaayos at pagiging malinaw ng status namin sa isa't isa. Nagulat pa ako ng may biglang humalik sa pisngi ko mula sa likuran. Mabilis akong napalingon, inakala ko kasing si John iyon, ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Jeffrey pala iyon. Napatayo ako sa kinauupuan ko, mabuti na lang at ako pa lang ang nasa harap ng mahabang lamesa."J-Jeffrey? Ang akala ko ay nasa Madrid ka ngayon?" gulat kong tanong.Nu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status