Home / Romance / I'M DREAMING OF YOU / 3. KASAL SA PAPEL

Share

3. KASAL SA PAPEL

Author: RRA
last update Last Updated: 2022-05-27 16:55:53

Natapos nga ang aming hapunan, at sumambulat sa aking harapan ang hayagan at harap-harapang pangbabae ng aking asawa. At ang masakit pa ron ni wala manlang sa kanyang pamilya ang kumontra at pinagsabihan ang ginawang iyon ni John. Para silang mga bulag at pipi sa maling ginagawa ni anak nila. At ang pakiramdam ko pa nga ay ako ang sampid sa mga ito. Ngunit wala na akong pakialam don, ang pinaka masakit sa akin ay ang makitang napaka sweet nila sa isa't isa. Na para bang ang Helenang iyon ang kanyang asawang pinakasalan at hindi ako. Masakit na parang dinudurog ang puso ko.

Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanila? Ano bang pagkakamali ko? Mali ba na minahal ko siya ng buong puso at buong buhay ko? Mali ba iyon? Nakadapa ako sa kama ko at patuloy na humihikbi. Narinig ko ang katok ni Yaya, at pumasok siya sa aking silid.

"Olivia, mahal kong alaga, bakit mo hinahayaang gawin nila sa iyo ang bagay na ito? Marangal kang babae," sambit ni Yaya, at naririnig ko na rin ang paghikbi nito.

"Yaya, pakiusap, alam kong mahirap para sa iyo na makita akong ganito, pero ang hiling ko ay magbulag-bulagan ka na lang, manahimik at ipikit ang iyong mga mata sa mga masasaksihan mo pa sa mansiyong ito." Utos ko sa aking Yaya na alam kong nahihirapan sa nakikita niyang sitwasyon ko. Hindi ko rin alam kung bakit? Pero ang puso ko ay lalo pang natutunang mahalin at pangarapin ang lalaking alam kong akin na.

"Pero iha, anong sinasabi mo? Bakit ko naman hahayaan lang na apihin ka nila? Olivia, ipaglaban mo ang iyong dangal, marangal kang babae, hindi ka dapat nila ginaganyan, hindi ka nanggaling sa mahirap na pamilya, hindi ka babaeng walang pinag-aralan, anong ibig mong sabihin na magbulag-bulagan lang ako?" sabi pa ni Yaya Adella.

"Yaya, makinig kang mabuti sa akin, kung makikita nilang wala kang kayang gawin at duwag ka sa kanila, hindi ka nila mapapansin, at pababayaan ka lang nilang mabuhay, hindi natin alam ang kaya nilang gawin para sa kayamanan." Nahawakan kong bigla ang aking dibdib at labis na nag-alala sa akin si Yaya Adella.

"Nakita mo na Olivia, pati ang kalusugan mo ay maaapektuhan ng labis, paano na kung mapahamak ka, kailangan mong mapatingnan ang puso mo, baka lumala iyan," sambit nitong muli sa akin.

"Hindi Yaya okay lang ako, paki kuha na lang po ang gamot ko sa drawer." Sabay turo ko sa drawer na malapit sa aking kama. Lumapit doon ang matanda at kinuha nga ang aking gamot iniabot niya iyon sa akin kasama ng Isang basong tubig. Ininom ko iyon at inalalayan niya akong humiga sa aking kama. Ngunit sabay kaming nagulat nang marinig namin ang maingay na halinghing buhat sa kabilang silid. Sina John at Helena. Maingay nilang ginagawa ang kababuyan nila upang iparinig sa akin at ipamukha ang kanilang mga nakakasukang pagsasama sa kama.

"Yaya, please lang umalis kana rito sa kwarto ko," sambit ko na naninigas pa ang aking leeg, at pinipilit kong tatagan ang aking loob sa harap nito. Napayukong marahang tumayo ang matanda at lumabas ng aking kwarto. At nang mawala na ito sa aking paningin ay unti-unti nang lumabo ang aking mga mata,habang nakatingin ako sa kaunting liwanag mula sa lamp shade na naroon. At napasubsob na lamang muli ang aking mukha sa aking mga tuhod na nooy parati kong taguan ng aking mga luha.

"Bakit? Masama ba ako? Ganito na ba kalaki ang galit mo sa akin John! Para saktan mo ako ng ganito! Minahal kita iyon lang ang nakikita kong mali kong nagawa!" sigaw ko sa isipan ko. At patuloy na humihikbi at umiiyak ng mag-isa.

Habang ang aking asawa ay nagpapasasa sa alindog ng ibang babae, at harapang ipinaparinig sa akin. Tama ang sinabi ni Yaya, marangal akong babae, may pinag-aralan at mayaman, pero bakit ganito? Bakit hindi ko magawang ipaglaban ang sarili kong karapatan sa mga taong umaapi sa akin? Hanggang kailan ako mananatili sa panaginip kong kasama ko si John? Masaya kami at nagmamahalan. Hanggang kailan ako mangangarap na totoo lahat ang aking mga ninanais. Mahal ko si John at ang masakit pa nito, hindi ko kayang wasakin siya. Hindi ko kayang lumaban para ipaglaban ang sarili kong damdamin. Kung may isang ako lang sana na kayang lumaban para sa aking sarili, kung may-isang ako lang na kayang sampalin ang babaeng iyon dahil hinahawakan niya ang lalaking mahal ko. Kung may isang ako lang....

Iyon ang tanging nasa isipan ko ng gabing iyon, isang ako na nais kong tumayo, lumaban para sa akin. Pero saan ko siya hahanapin?

Umaga na noon at Hindi ako nakatulog. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Bong. Ang aming Atorney. Matapos ang isang linggo mula ng ipalibing ko ang mga pinaniniwalaan kong labi nila ay eto na nga, si Atty. Bong Villegas. Para i-announce ang lahat ng mga hinabilin ng pamilya ko. Papunta na siya sa mansiyon ng aking kasalukuyang pamilya. Si Atty. Bong na ang hindi ko alam ay may nalalaman na sa aking kasalukuyang estado.

Lahat ay naroon na upang pakinggan ang sasabihin niya sa akin. Mabuti raw na ma-witness nila ang nilalaman ng testamento ng aking mga magulang. Nagulat naman ako na present ang buong pamilya Carlos. Tila yata inaabangan nila ang proklamasyon ng aking mana.

"Nakakagulat naman na kumpleto ang buong pamilya mo Miss Olivia Alcantara," pabiting sambit ni Bong sa lahat. At ang kanyang mga salita ay tila may bigat at diin. May pagka sarkastiko.

"Olivia Alcantara Carlos, Atty. Bong...Nakalimutan mo yata na isang miyembro ng pamilya ko ang tinatawag mong Olivia Alcantara," sambit naman ni Papa, si Chairman Adolfo Carlos.

"Ah, ganoon po ba? Ang akala ko kasi ay malapit nang maghain ng anullement paper ang anak niyo sa aking kliyente, kamakailan lang kasi ay nakita ko siyang may kasamang ibang babae." Nagulat ang lahat sa sinabing iyon ng aking abogado, at tumikhim na lamang ako upang mabago ang usapan.

"Um...Atty. villegas, please anounce the last will and testament ng parents ko," singit ko sa usapan nila. Malamlam ang mga matang napatingin sa akin si Bong. at maya maya pa nga ay inilahad niya sa amin ang mga naiwang habilin ng aking mga magulang.

Mayaman ang pamilya ko, ang angkan ng Alcantara at Fuentebella ay parehong nagmula sa mga mayayamang pamilya. Malaki rin ang mga properties na naiwan ng aking ina sa akin, at ang lahat ng mga ari-arian ng aking ama. At kung pagsasamahin iyon liban pa sa mga share,s of stock namin sa kumpanya ito ay nagkakahalaga ng five hundred bilyong dolyares. Dahilan sa ang aking mga magulang ay sa America nag-invest ng kanilang yaman. Ang pera naman namin dito sa Philipinas ay nagkakahalaga rin naman ng fifty billion liban pa sa seventy-five persent ng share of stock sa kumpanya. Lahat iyon ay napasaakin. Kaya kung talagang pera ang nais ni John ay makukuha na niya ang lahat kung ako naman ang mamatay. Alam kong naglakihan ang mga mata sa anouncement ni Bong sa kanila.

"Ang lahat ng mga kayamanang nabanggit ko, lahat iyon ay mapapasa kamay lahat ni Olivia Fuentebella Alcantara. At hinihiling ng mga namayapa at gumawa ng testamento para sa ikabubuti ng kanilang anak, ito'y hindi mapupunta sa kamay ng kahit na kanino kahit pa ang anak nila ay mamatay ng may asawa na. Liban na lang kung kusa niya itong ipagkaloob sa kanyang asawa."

"Ano! Pero alam nilang kasal ang anak nila sa aking anak na si John!" Napatayo pang sambit ni Chairman Carlos sa abogado.

"Oo nga po, huwag niyong kalimutang pumirma kayo ng prenuptials agreement bago niyo sila ipinakasal, sa bibig niyo mismo nanggaling na hindi maghahabol sa kayamanan ng mga Alcantara ang pamilya Carlos. Isa pa, hindi naman conjugal properties ang mga minana niya. Mahigit isang buwan pa lamang silang mag-asawa sa papel," saad pa ni Atty. Bong Villegas.

At ang mga salita nitong " KASAL SA PAPEL" ay may diin at tinig na galit. Alam kong galit si Bong dahil sa mga nalaman nito sa tunay kong kalagayan dito sa mansiyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I'M DREAMING OF YOU   42. ANG PAGKIKITA NG MAGKAIBIGAN

    CHAPTER 42:ILANG oras lang ang naging biyahe nila at nakarating sila sa isang private beach resort. Agad nilang dinala si Jeffrey sa tabing dagat, nakagapos ang mga kamay nito at paa.“Walanghiya ka Bong hayup ka! Anong gagawin mo sa akin!”Mabilis na sinabunutan ni Bong ang buhok nito. “Anong gagawin ko sa iyo? Gagawin ko lang naman ang walang awa mong ginawa kay Sophia! Kung inaakala mong hindi ko makakayang gawin sa iyo iyon, pwes kayang-kaya ko! Kaya rin kitang lunurin dito! Pero bago iyon….”Kinuha ni Bong sa bulsa nito ang isang maliit na punyal, at mabilis na iginuhit iyon sa pisngi ni Jeffrey. Sinugatan niya ito sa mukha upang maramdaman nito ang hapdi ng sugat na iyon sakaling malubog ito sa tubig dagat.“Hayup ka Bong! Magbabayad ka! Siguruhin mo lang na hindi ako makaliligtas sa lugar na ito! Kung hindi papatayin kita!” sigaw ni Jeffrey habang paulit-ulit siyangf nilulubog ni Bong sa tubig

  • I'M DREAMING OF YOU   41. ANG PAGHIHIGANTI NI BONG

    CHAPTER 41- Ang Paghihiganti ni BongNang makabalik ako sa kay John agad kong ipinakita sa kaniya ang video, doon nalaman ni John ang katotohanan na hindi pala niya anak ang batang ngayon ay nasa emergency room.“Kaya pala hindi ko kadugo ang anak naming si Jonie. Hindi pala talaga ako ang ama niya kundi si Jeffrey. Nakakalungkot na pareho ang naging kapalaran namin ni Jonie, pareho kaming lumaki sa mga taong ginamit lang kami para sa mga pansariling hangarin.” Napayuko si John, ako naman ay nakadama ng awa para sa kaniya.Nahiman ko isang hita niya at nahawaka nito ang kamay ko saka ako tiningnan sa aking mga mata. Nang oras na iyon dama ko ang matinding kalungkutan sa mga paraan ng paghawak niya sa aking mga kamay. “I’m so sorry—hanggang ngayon humingi pa rin ako ng sorry sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa iyo, alam mo ba iyon?”“John, wala na iyon, matagal na kitang napatawad, lahat ng mga sakit na napagdaanan ko, lahat iyon, kin

  • I'M DREAMING OF YOU   40. ANG PAGKAWASAK NI HELENA

    KABANATA 40ANG PAGKAWASAK NI HELENANASA KOTSE SI HELENA, habang kausap niya si Jeffrey. Doon ay napag-usapan nila ang tungkol sa batang si Jonie na hininala kong anak nilang dalawa.“Bakit ka lumitaw roon? Para mo na ring inamin ang kataksilang ginagawa ko kay John!” galit na sigaw ni Helena.“At bakit hindi! Alam kong masama ako, pero may puso pa rin ako at mahal ko ang anak ko! Pumayag akong magpagamit sa iyo dahil gusto kong tuluyang magalit si Olivia kay John, pero hindi ko sinabing pababayaan kong mamatay ang anak ko—nauunawaan mo ba?!” galit na sabi ni Jeffrey. Matalim ang tingin naipinukol nito kay Helena.“Si John lang ang ama ng anak ko! Hindi ako papayag na mawasak kami ng dahil sa inyo ni Olivia, akin lang si John!” hesterikal na sigaw ni Helena, kaya malakas siyang nasampal ni Jeffrey.Ngunit mabilis na napisil ni Jeffrey ang mga pisngi ni Helena. “Oo alam ko, dahil akin lang din si Olivia! Pero sisiguruhin ko sa iyo na hindi mo na magagamit ang anak ko para sa iyong amb

  • I'M DREAMING OF YOU   39.BAKIT HINDI KO KADUGO ANG ANAK KO?

    KABANATA 39BAKIT HINDI KO KADUGO ANG ANAK KO?KINABUKASAN pumutok ang balitang nagkaroon ng malaking pagbagsak ng stock sa market, pero sa halip na ikalungkot ko iyon, lihim kong ikinatuwa, magkakaroon ng dahilan ang mga board members na question-in ang ilang malalaking pagbabago sa kanilang corporasyon.Ang Alacantara Corporation ay tuluyang nasakop ng mga Carlos, iyon ang isa sa mga nakikita kong maaaring maging dahilan para ihiwalay ang kumpanya ko, sa kanilang kumpanya.Alam ko na kung mangyayari iyon, pupulutin sa putik ang mga Carlos, saan kaya ni Jeffrey kukunin ang ilang milyong ibabalik sa mga investors, malaki na rin ang nalulugi sa pera ng mga ito.“Olivia, ito na ang pagkakataon, pilitin mong kumalas ang ilang investors, kapag nagkaganon, mapipilitan silang magbenta ng share nila, at iyon ang pagkakataon kong makabili ng ilang shares, sa pamamagitan ng kaibigan ko, pangalan.” Tiningnan ko si John, at nakita ko sa mga mata nito ang pagka-agrisibo dahil sa nalalapit na pagba

  • I'M DREAMING OF YOU   38.MGA NAWAWALANG ALAALA NI SOPHIA

    KABANATA 38MGA NAWAWALANG ALAALA NI SOPHIAKABANATA 38MGA NAWAWALANG ALAALA NI SOPHIA“NAROON SIYA.” Itunuro ni JC si Sophia na noo’y nakatunghay sa malawak na karagatan habang nasisilaw sa mataas na sikat ng araw.“SALAMAT JC, dahil inaalagaan mo pa rin si Sophia, alam mo naiingit ako sa iyo, kasi hindi ko man lang siya magawang lapitan,” sabi ko kay Jc habang pigil ang aking pag-iyak. Ayokong maging mahina ng mga sandaling iyon, kaya sinikap kong pigilan ang mga luha ko.Nalulungkot akong hindi ko magawang ibalik sa kanya ang pag-aalaga na ginawa niya sa akin noon.Noong ako ang nakaratay sa ospital.“Huwag kang mag-aalala, malakas at matapang na babae si Sophia, pasasaan ba at magbabalik rin ang mga alaala niya,” sabat ni John na nasa likuran ko na pala. “Nakita ko ang tapang at lakas niya noong unang beses niyang magpanggap na ikaw, buo ang loob niya na ipaghiganti ka, pero sinong mag-aakala, na kay Bong lang pala siya titiklop.”“Ang inaalala ko John, iyong bata sa sinapupunan n

  • I'M DREAMING OF YOU   37. ANG TUNAY NA PAGKATAO NI JOHN

    KABANATA 37ANG TUNAY NA PAGKATAO NI JOHNNalaman ko na kaya pala ganon ang ipinakita sa aking kasamaan ni John, para mabuksan ang isip ko at matutong lumaban, ayaw rin niyang maisip ng mga Carlos na pwede siyang gamitin ng mga ito para ma-control ako, ayaw niyang siya pa ang hilingan ng mga ito na kunin ang kayamanan ko, kaya lahat ay nauwi sa masakit naming pagsasama.Pero ngayon alam ko na, alam ni John noon pa bago kami ikasal, na siya pala ay hindi tunay na anak ng mga Carlos, kundi ginagamit lamang siya ng mga ito para makuha ng tuluyan ang kayaman ng mga Alacantara.Nagbalik sa akin ang alaala nang pagtatapat ni John ng mga tunay niyang dahilan.“Olivia, nalaman ko noon, noong bago tayo ikasal, nalaman ko na hindi nila ako tunay na anak, na anak ako ng matalik na kaibigan ng ama mo, at kasosyo nila sa negosyo, pinatay nila ang tunay kong mga magulang, at pinalaki nila ako para gamitin naman para makuha ang kayaman ng buong pamilya mo,” umiiyak na pagsasalaysay sa akin ni John.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status