Share

I'M DREAMING OF YOU
I'M DREAMING OF YOU
Author: RRA

1. PAGDADALAMHATI AT PASAKIT

Gabi na naman at mag-isa na naman ako sa aking silid habang nakatingin sa liwanag ng buwan na aking nasisilayan mula sa labas ng aking bintana. Tulad ng dati ay hindi na naman dito matutulog ang aking asawang si John. Simula ng ikasal kami ay hindi ko pa naranasang makasama siya ng mahigit sa limang minuto sa bahay na ito.

Ang akala ko ay ako na ang magiging pinaka masayang tao sa buong mundo matapos ang aming kasal ni John Carlos. Pero ang lahat ng iyon ay ang simula pala ng aking malawakang bangungot. Hindi ko alam na doon mismo sa araw na iyon magsisimula ang aking kalbaryo.

Naaalala ko pa ang aming unang gabing pagsasama, "Ano sa akala mo, tatratuhin kita bilang isang asawa?" malamig ang tinig na sambit sa akin ni John, ng nasa hotel na kami ng lugar nang aming honeymoon.

"B-bakit John, ano bang kasalanang aking nagawa, kanina lamang ay okay ang pakitungo mo sa akin, ngunit ngayong nandito na tayo sa Hongkong ay nagbago kana sa akin ng pakitungo?" nagtatatka kong tanong sa kanya.

"Dahil hindi kita totoong mahal!" sigaw nito sa akin na ikinagulat ko ng labis. Hindi ko akalaing magkaiba pala kami ng damdamin para sa isa't isa. Ang akala ko kasi ay totoo ang mga magagandang ugali at pagtrato na ipinapakita nito sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo? Bakit ipinamukha mo sa akin na iisa ang ating nararamdaman?" nahintakutan kong tanong sa kanya. Ang lahat ng saya at pagpupunyagi sa puso ko ng mga oras na iyon ay nawala at naglaho. Napalitan lahat ng takot at pangamba. Ngunit sa kabila ng lahat ay umaasa pa rin ako na matututunan niya akong amahalin.

Makalipas ng isang buwan.

Kasalukuyan:

At ngayon ang gabing ito ang isa sa pinakamasakit na katotohanan, namatay ang aking mga magulang sa pagbagsak ng sarili naming eroplano noong papunta silang Madrid, doon ay may isang buisness proposal silang dadaluhan. Ngunit hindi na sila nakabalik pa. Walang katawan ang nakuha dahil sa pagsabog na naganap at ako ngayon ay ulila nang lubos. Napahikbi na lamang ako at nayakap ang mga nakatiklop kong mga binti at doon isinubsob ang aking mukha at patuloy na lumuha.

Hindi alam ng aking mga magulang ang malungkot kong karanasan sa mga taong inaakala nilang kaibigan. Ngunit patuloy pa rin akong umaasa na magiging maayos ang lahat sa amin ng asawa ko. Minsan pang sumagi sa aking isipan na maaring maawa ito sa akin dahil sa pagkamatay ng aking mga magulang. Kahit na hindi na niya ako matutunang mahalin kundi matutunan manlang niya akong pakitunguhan ng maayos. Pakikitungo kahit manlang bilang kaibigan ang hinihiling ko. Dahil sa kabila ng lahat ay mahal na mahal ko pa rin siya.

Isang malakas na kalabog ang nagpagulat sa akin, kalabog ng dahon ng pintuan ng aking kwarto. Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagsino ko ang bulto ng katawan at halos anino pa lamang ang aking nakikita, "Anong ginagawa ng asawa kong hilaw sa kanyang silid, mag-isa ka bang umiiyak at nagdadalamhati rito!" galit ang tinig nito na sambit sa akin. Doon ko pa lang napagtanto na si John pala ang nasa may bukana ng pintuan.

"John, namatay ang aking mga magulang, maari ba akong humingi ng kaunti manlang na pagdamay mula sa iyo?" tanong ko sa kanya. Sa pag-asang dadamayan ako nito kahit na sandali lamang.

Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit, isang malamig at walang imosyong pagyakap. Pahigpit ng pahigpit at halos hindi na ako makahinga, "Ganito bang pagdamay ang nais mo?" malamig ang tinig nitong bulong sa akin. At sinabayan ng malakas na pagtulak.

Pabagsak akong napahiga sa aking kama, pasalamat ko na lamang na napakalambot noon at hindi ako gaanong nasaktan. Natatakot akong napatingin sa kanya, hindi siya kumikilos sa kanyang kinatatayuan. "Alam mo bang ito ang matagal ko nang ipinagdarasal? Mamatay na ang mga taong humiling na pakasalan kita? Dahil ngayon natupad na ang isa sa mga panalangin ko, kaya napagpasyahan kong umuwi ngayon at ipakita sa iyo ang walang paglagyan kong kasiyahan!" sabi pa nito sa akin at tumawa pa ito ng malakas.

Panalangin, kung ganon ay ipinapanalangin pala nito na mawala na kami ng aking pamilya sa kanyang landas? Bakit? Ano bang nagawa ko sa kanya at ng aking pamilya? Sa pagkakaalam ko ay ang pamilya ko ang nagligtas sa kanilang papalubog nang kumpanya. Na kung hindi sa pera ng aking pamilya ay wala na ang kumpanya nila.

"B-Bakit John? Anong bang nagawa ng aking pamilya sa iyo at ganyan na lang ang tuwa mo na nawala ang mga magulang ko? Awa at simpatya ang hinihingi ko sa iyo ngayon bilang asawa mo, bigyan mo manlang ako kahit na pakitang tao na pagdamay," hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga butil-butil kong luha.

"Anong nangyayari sa akin? Ikaw! kayo ng pamilya mo ang sumira sa buhay ko?" Dinuro niya ako at kitang-kita ko ang matinding galit sa mga mata niya. Parang halimaw na umiilaw ang mga mata nito sa twing tatamaan ng liwanag ng buwan mula sa bintana.

"Minahal kita! Iyon lang ang tanging kasalanan na naiisip ko! Pero kasalanan mo rin naman dahil nagpakita ka sa akin ng kabaitan, ang akala ko talaga ay mahal mo rin ako, at ang nagkakaunawaan tayo," malakas na sampal ang natanggap ng aking pisngi mula sa kanyang mga palad. Hindi ko akalaing hahantong na sa pananakit ang gagawin niya sa akin. Sampal na hindi ko inaakala na magagawa niya sa akin. Taliwas sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi ko inaakalang magagawa niya akong saktan.

Ang mabait na lalaki na noon ay nakilala ko, ngayon ay unti-unti nang nawawala sa aking isipan. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya, nalasahan ko rin ang lasang kalawang mula sa gilid ng aking labi, pakiramdam ko ay nasugatan nga ito. "Isang pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko ginusto! Alam mo bang nagpakamatay si Jilianne! Ang girlfriend ko, ang babaeng minamahal ko, alam mo bang dinadala pala niya ang magiging anak namin! Dahil sa inyo, nawalan ako ng tunay na pamilyang nagmamahal sa akin at tunay na nagmamalasakit!"

"Patawarin mo ako, kung ako ba talaga ang dahilan ng pagkawala ng sinasabi mong pamilya, pero wala naman akong kasalanan, ang kasalanan ko lang ay minahal kita!" sambit ko muli, ngunit galit niya akong itinulak muli. At tumalikod siya upang umalis. Sa hindi ko malamang dahilan sa aking sarili ay kungbakit patakbo pa akong bumaba sa aking kama at halos naglulumuhod sa kanyang paanan. "Im begging you John! Just forgive me and my family! Kung kami ang naging sanhi ng pagdurusa mo," umiiyak kong sambit. Nakakapit ako sa laylayan ng kanyang suot na pantalon.

Ngunit pasipa niya lang akong itinaboy mula sa kanyang talampakan, "Umalis ka sa buhay ko, iyon ang bagay na nais kong gawin mo! O kaya ay mamatay ka na rin katulad ng iyong mga magulang!" malakas nitong sabi sa akin. Naiwan naman akong nakahandusay sa sahig at yakap ang aking sarili habang patuloy na umiiyak.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status