Share

4. KUNG MAY ISANG AKO

Kabanata 4

Matapos maihayag ang rebelasyon sa aking yaman, hinimok na ako ni Bong na kunin ang pamamahala ng buong kumpanya, malaki raw ang share ko, at may karapatan akong humawak ng malaking posisyon sa kumpanya ng mga Carlos, kung saan nakipag merge ang kumpanya ng aking Papa. OFA FOOD CORPORATION PHILIPINES ang dating pangalan nito, ngunit ng mag-merge ito sa kumpanya ng mga Carlos ay nailagay ang C sa pangalan nito. Na ngayon ay COFA na ang bagong pangalan.

Dahil doon ay hinihikayat nila akong kumuha ng posisyon sa bagong kumpanya na halos lahat ay pamilya nina John ang namamahala.

"Olivia, bakit hindi mo kunin ang posisyong CEO o kaya President, tiyak na mananalo ka sa botohan, ikaw ang may pinka malaking shares, kaya malaki rin ang karapatan mo." Paghihikayat pa sa akin ni Bong.

"Hindi ko pwedeng gawin iyan Bong, ang posisyong iyon ay kay John, ayokong maging dahilan pa ito ng lalo naming pagkakasira," sambit ko sa kanya.

"Look, kahit kailan ba ay itinuring kang asawa ng lalaking iyon, na ipinagtatanggol mo, my God Olivia! Gumising ka nga!" sabi pa ni Bong.

"Mind your own buisness, ayokong pagtalunan pa natin ito Bong," sambit ko sa lalaking alam kong nagmamalasakit lamang sa akin. Alam na nito ang tunay na kalagayan ko sa mansiyon. Alam na niya ang masamang pagtrato sa akin ng buong pamilya Carlos.

Umuwi akong bagsak ang balikat dahil hindi ko rin naman gusto na nagtatalo kami ni Bong patungkol sa mga ganitong bagay. Malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kong nagmamalasakit lamang siya sa akin. Pagpasok ko pa lamang ng bahay ay nabungaran ko na sa living area ang lahat, nakatingin sila sa akin na para bang napakalaki ng kasalanang nagawa ko. Napabuga ako ng hangin ng makita ko na naroon ding nakaupo si Helena, parang tunay na parte ng pamilya at tulad pa rin ng dati, para siyang sawang nakalingkis sa braso ni John. Samatalang si John naka cross arm at masama na naman ang tingin na ipinupukol sa akin. Napapaisip ako sa aking sarili, tanga ba talaga ako? O hangal dahil pinipilit ko pa rin ang sarili ko sa mga taong ito.

"Look whos here! Ang mayamang heredera, na yumabang na dahil alam na nating lahat kung gaano siya kayaman." sambit ni Angela.

"Angela can you please stop it! Walang ginagawa sa inyong masama si Olivia," sabi ni Jeffrey na noon ay naroon na. Matagal itong nasa Cebu dahil sa ilang project nito doon.

"Ah, nakakuha ng kakampi si Olivia, salamat sa pagtatanggol mo sa ASAWA ko!" malamig ang tinig na sambit ni John sa kanyang kuyang si Jeffrey.

"Oo nga ipingatatanmggol niya ako, na dapat ay ikaw ang gumagawa, pero kahit na katiting ay wala manlang akong madamang simpatya mula sa iyo. Iniisip ko lang kung si Jefferey na lang ang pinakasalan ko, siguro kahit papaano ay masaya ako. Pero anong magagawa ko kung sinunod ko ang dikta ng puso ko na ikaw John ang pakasalan dahil sa mga huwad mong kabutihan sa akin noon." Sigaw ko sa kanila ngunit iyon ay sa isipan ko lamang nasasabi. Nakatingin lamang ako sa kanila ng tingin na walang kahit na anong emosyon ang makikita sa akin.

Hindi ko alam kung pagpapanggap lamang ang mga kabutihang ipinakita ni John sa akin noon o dahil sa mayaman ang pamilya ko o baka naman nabagok siya at nalimutan na niya ang lahat ng maganda at mabuti naming samahan.

"Kuya Jeffrey, salamat na lang sa pagtatangol mo sa akin, pero ngayon ay masanay ka na dahil ang lahat ay nagpapakatotoo lang naman sa kanilang mga sarili, ang mga kulay nila ay naglabasan ng mamatay ang mga magulang ko," sabi ko kay Jeffrey.

Napangisi lamang si John sa tinuran ko. "Don't call him kuya, masyado mo namang sinasaktan ang kuya Jeffrey, matagal nang malalim ang pagtingin niya sa iyo, malay mo balang araw, maging kayo pala sa huli," sarkastikong sambit ni John. Na tinawanan naman ni Helena at ng iba pang naroon. Napalingon ako sa kanya, malungkot ang mga mata ko ngunit pinatalim ko iyon ng ipukol ko sa kanya, napansin ko ang bahagyang pagkagulat sa kanyang mga mata.

Ngunit hindi iyon nagtagal, ngumiti siya sa akin na tila naghihintay pa sa aking sasabihin, "Mas masakit ba kaysa sa mga ipinaparanas mo sa akin? Mas masakit bang marinig na tawagin ko siyang kuya, kaysa naman sa marinig ang mga halinghingan niyo! Daig niyo pa ang taong walang pinag-aralan at ang mansiyong ito, ay pinagkukutaan ng mga baboy!" Sabay hakbang ko paakayat sa hagdanan.

Hindi ko na inintindi pa ang mga sinasabi nila. Alam kong maraming mga nakomento sina Angela at ang iba pang mga naroon. Ako naman ay tumatakbong nagtungo sa aking silid. Sa wakas ay nasabi ko ang niloloob ko.

Ang sarap pala sa pakiramdam na masabi ko ang nararamdaman ko, ang sarap pala na kung minsan ay umiiral ang isang ako, ang isang ako na alam kong handang lumaban at hindi magpaapi, pero matapos noon ay nakadama na naman ako ng matinding sakit sa aking puso. Malakas kong pinupukpok ang dibdib ko para lang makalabas ang hangin at makahinga ako. Ngunit pakiramdam ko ay tumitindi ang kirot na nararamdaman ko sa puso ko. Dahilan para tuluyan akong bumigay at mawalan ng malay. Nagising ako na nakahiga na sa aking kama, una kong nabungaran ang mukha ni Jeffrey, naroon pala siya ngunit ibinaling ko ang aking mukha sa kabilang bahagi ng kama, sa bintana, "Bakit ka ba naririto?" malamig ang tinig kong tanong sa kanya.

"Pakiusap, huwag kang magalit sa akin, Olivia, ma-"

"Huwag na, huwag mong itutuloy," Putol ko sa sasabihin niya. "Alam ko na ang mga salitang iyan, pero alam mong hindi ko iyan paniniwalaan," sambit ko pa uli.

"Olivia, alam kong may malaki akong pagkakamali sa iyo, pero sa-"

"Oo malaki ang kasalanan mo sa akin!" napabangon akong bigla habang nasasabi sa kanya iyon. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Alam kong hindi niya inaasahan na masasabi ko iyon sa kanya. Matagal din kaming naging magkaibigan, kuya ang tingin ko sa kanya, at iyon din ang akala kong tingin niya sa akin. "Alam mo bang kapatid ang tingin ko sa iyo? At kung tunay ngang mahal mo ako, bakit hinayaan mong mapasok ako sa ganitong sitwasyon?"

"Olivia! Hindi ko to ginusto!" sabi pa nito.

"Oo! Walang may gusto nito! kahit ang asawa ko o ako! Ang mali ko lang minahal ko si John, ginawa kong magpakasal sa kanya dahil ang akala ko ay pareho kaming nagmamahalan, akala ko mahal niya ako." napahagulhol na ako ng malakas. Marahil ay naghahanap lamang ako ng masisisi. Hindi ko kayang sisihin ang sarili ko o si John. Dahil alam kong hindi namin kasalanan ito.

"Patawarin mo ako, kung hindi kita ipinaglaban, kung tumutol lang ako na makasal kayo, kahit na alam kong hindi ka mahal ni John, akala ko kasi...."

Ngunit nagulat kaming pareho ng bigla na lamang may sumampal sa mukha ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status