Home / Romance / I'M DREAMING OF YOU / 5. HULING SAKIT

Share

5. HULING SAKIT

Author: RRA
last update Last Updated: 2022-05-27 17:18:36

Si Mama, siya ang sumampal sa akin. Mabilis kong nahawakan ang pisngi ko at nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa biyenan ko. Na noo'y nanlalaki ang mga mata at hinihingal pa dahil sa galit. Agad siyang nahawakan ni Jeffrey upang awatin. "Wala kang karapatang wasakin ang pamilya ko! Alam mo kung hindi lang dahil sa yaman mo, hindi ko hahayaan ang kahit na sino sa mga anak ko na mapakasalan ka."

"Bakit po Mama? Ano bang kasalanan ko? Sa pagkakaalam ko hindi ko kayo pinilit na ipakasal sa akin si John?" sabi ko habang hawak ko ang isang pisngi ko. "Umalis na kayo rito sa kwarto ko!" sigaw ko na lang.

"Aba ang lakas naman ng loob mo!" nanginginig na sambit ni Mama ni John at Jeffrey sa akin. Nanlalaki ang mga mata nito pati na ang butas ng ilong, at halos habol ang hininga dahil sa pagpipigil. Tiningnan ko siya ng tuwid sa mga mata niya.

"Ayaw niyong umalis? Sige ako na lang ang aalis! Gusto ba ni John ng kalayaan? Para magsama na sila ng Helenang iyon?"

"No! Dito ka lang Olivia!" mariing sambit ni Jeffrey. " Ma! Stop it!" Pigil muli ni Jeffrey. Nakita ko naman ang matinding takot sa mga mata ng kanyang mama. At isang bagay ang nagbigay sa akin ng ideya sa naging reaksiyon ng mga ito.

"Ah! Ayaw niyo sa akin bilang asawa ng kahit na sino sa mga anak niyo, pero ayaw niyo ring mawala ako sa pamilya niyo, hindi ba?" Nakataas ang kilay ko habang pinupukol ng masamang tingin ang biyenan kong babae.

"Tama na iyan! Iwan niyo na siya rito sa kwarto niya!" Narinig naming lahat ang boses ni Papa. Ang biyenan kong lalaki. At Chairman ng kumpanya ng mga Carlos.

________________

Napaupo ako sa gilid ng kama at muling napahawak sa aking puso. Matinding kirot na naman ang dumaratal at kumakalat sa buo kong katawan. Habang habol ang hininga na pilit kong inaabot sa ibabaw ng aking drawer ang maliit na botelya ng aking gamot. Nabigla ako ng isang kamay ang naunang dumampot nito at ibinigay sa akin.

"Kailangan mo ba iyan?" tanong nito sa akin ng makuha ko ang botelya buhat sa kanya. Nakita niya ang butil-butil kong pawis sa noo, at ang mahina kong paghabol sa aking hininga. "Umamin ka nga may sakit ka ba?" seryoso ang tanong nito sa akin. Tingin na tila may pakialam. Pero alam ko naman na pagpapanggap lang iyon. Hindi na ako muling maniniwala na totoo ang kabutihan niya

"Umalis ka na," sambit ko.

"Sagutin mo ang tanong ko?" Naipatong pa nito ang dalawang kamay sa baywang.

"Shut up John! And leave me alone! Get out of here! Ayoko nang maniwala na may natitira pang respeto sa pagkatao mo!"

"Olivia!" sambit nito sa pangalan ko. At lalo lamang akong nakaramdan ng sakit. Hindi dulot ng sakit ko. Kundi dulot ng sakit ng kalooban na ibinibigay nila sa akin. Nagpumilit akong tumayo at lumakad papunta sa pintuan. Humawak ako sa door knob. At itinuro ko ang daan palabas.

"Get out!" Malakas kong sabi sa kanya. At ibinuhos ko ang buong lakas ko para maisigaw iyon. Itinaas nito ang kamay upang sabihin okay. Lumakad siya palabas ng silid ko. Ako naman ay naiwang nakatingin sa kanyang likurang hindi lumilingon sa akin.

"Ganyan nga Olivia, maging matapang ka!"bulong nito na hindi ko na narinig pa.

Bagamat nanghihina ako ay nagawa ko paring maisara at mai-lock ang pintuan ng silid ko. Nanginginig pa ang aking mga mga kamay ng maisubo ko ang gamot at mabilis itong nalunok, kasabay ng isang basong tubig na tinungga ko. Matapos noon ay ilang minuto pa ang hinintay ko at nakadama na ako ng kaunting ginhawa.

Nakahiga na ako sa aking kama nang muli romihistro sa aking isipan ang mukha ni John. Nakatingin ang mga mata ko sa kisame ng aking silid at nagmistula itong isang puting papel kung saan nakaguhit ang gwapong mukha ni John. Ang mga mata nito na tila laging nakangiti at nangungusap. Kahit pa madalas itong tumingin sa akin na tila may galit. Ang makapal nitong kilay na laging nakakunot ang tila parati nang nagpapasaya sa akin. Kahit na ganoon ang tingin nito sa akin, masama at nakasimangot ay masaya na ako basta matingnan lamang niya ako. Iyon lang at sapat na sa akin.

"Mahal kita John, at sa tingin ko kaya ko pang magtiis. Kahit na ilang panahon pa." Nakahawak ako sa aking dibdib at sumagi sa isip ko ang sakit ko na matagal ko na palang iniinda.

Six months later:

Makalipas ang anim na buwan ay wala pa ring nagbabago sa relasyon namin ng pamilya Carlos. Kaming lahat ay tuluyan nang nagkalayo ng loob. Si Jefferey ay umalis sa mansiyon at tumira malapit sa opisina. Ganon din sana ang gagawin ni John upang makalayo sa akin. Ngunit pinigilan ito ng biyenan kong lalaki.

"Alam mo, I'm so happy na hindi ako pinayagan ni Papa, at least hindi na ako gagastos ng upa. Hindi naman nila ako pinagbabawalan na magdala ng mga babaeng gusto kong dalin dito sa bahay," tahasang sambit sa akin ni John. Ako naman ay nagdidilig ng halaman sa aking balkonahe. Pumunta lamang siya sa aking silid para lamang ipagmalaki sa akin na hindi siya pinayagan ng kanyang Papa na bumukod ng tirahan.

"At masaya ka ng dahil doon?" sarkastiko kong sagot sa kanya.

"At bakit naman hindi? Atleast makakasama ko pa rin sa mansiyong ito ang mahal kong asawa!" sambit nito na pinasarkastikohan din ang tinig. Tinig na halatang nang-uuyam, salitang halatang may paninisi. Alam ko kasing ako ang tunay na dahilan ng hindi pagpayag ni Papa na uamlis siya. "Well marapat yatang pagtiisan nating ang lahat, ang ganitong sitwasyon, hindi ka ba nagsasawa na sa kabila ng ipinapakita ko sa iyong kawalan ng gana, at eto pa rin tayo, bakit hindi ka na lang kusang umalis?" galit na ang tinig nito na lahatang nagagalit na dahil sa hindi niya magawa ang nais niya. Lumingon ako sa kanya habang hawak ko ang host ng tubig na ginagamit kong pandili ng halaman.

"Iyan ba talaga ang gusto mo? Ang umalis ako sa bahay na ito? Pero asawa kita, kasal tayo, at kung hihilingin mo sa akin na ibigay ko sa'yo ang lahat ng kayamanan ko, gagawin ko," napagaralgal kong sambit sa akanya. At sa mga sinabi ko, kung inaakala ko na ngingiti siya, taliwas pa rin sa inaasahan ko. Lalong dumilim ang mukha nito.

"D*mn! Anong palagay mo sa akin! Kaparis ng mga iyon na mukhang pera! Hindi mo ako mabibili Olivia! Hindi ako gaya ng mga taong iyon na pwede mong tapalan ng pera! Maghirap ka kung gusto mo! Mangarap ka hanggang nais mo! Pero hindi mo ako makukuha, hindi mo makukuha ang pag-ibig ko na inaasam-asam mo!" tumalikod ito at saka tuluyang umalis sa silid ko. Narinig ko pang pabagsak niyang isinara ang pintuan ng aking kwarto. Kaya naman nakadama ako ng kaunting pagkagulat dahil sa malakas na tunog ng pintuan. At dahil doon ay nakadama ako ng matinding sakit sa aking dibdib, huminga ako ng malalim at pilit na ininda ang lahat ng sakit.kinuha ko ang gamot ko na nasa bulsa ko. Lagi ko na kasing dala ang gamot ko.

__________________

Nang gabing iyon ay nag-uwi na naman si John ng babae sa mansiyon. Ngunit ang dati niyang ginagawa na sa katabing silid niya dinadala ang babae niya ay iba sa ginawa niya ng mga oras na iyon. Malakas na katok mula sa pintuan ng aking silid ang narinig ko. Papatulog pa lamang sana ako, marahan akong bumaba sa aking kama, at lumakad patungo sa pintuan. Alam kong si John na nanaman iyon. Kaya ng bukasan ko ay malakas niyang itinulak ang pintuan. "Ano bang kailangan mo sa akin?" pasigaw kong tanong.

"Anong kailangan ko sa iyo?" mabilis niya akong itinulak at napasandal ako sa dahon ng pintuan ko, hinila niya ang isang babaeng hindi ko kilala, iba kay Helena. "John ano bang ibig nitong sabihin?" tanong ko na sumunod sa kanilang pagpasok. Mabilis naman nitong isinara ang pintuan ko at inilock pa iyon ng todo.

"Dito kami, dito kami magpapakasaya nitong si Vivian, ang babae ko sa gabing ito. Panoorin mo kung paano namin paliligayahin ang isa't isa. Para naman malaman mo na kaming mga lalaki ay ganito ang hinahangad sa mga babae. Ganito ang gusto ko! Naiintindihan mo! Kaya lang hindi ko kasi masikmura o maatim na ikama ka! Pwe!" padura nitong sabi sa harapan ko. Ako naman ay napaupu sa likod ng pintuan ko. Naninigas ang mga kamay ko na humahawak sa door knob ng pinto. Gusto kong umalis at tumakas sa sitwasyong iyon. Ang marinig siya na nasa kandungan ng iba ay lubhang napakasakit na, ngayon pa kaya na gagawin niya sa harapan ko kasama ang ibang babae na nanaman, "Sumpain ka na John!" sigaw ng isipan ko. Habang nakatitig lamang ako sa kanya. Habang nakikita ko siya na unti-unting nagtatanggal ng mga saplot nila sa harap ko. Ilang minuto pa at kapwa na sila hubad. Ang mga baboy nilang katawan na magkadikit at sa ibabaw pa ng aking kama nila ginagawa ang kababuyan nila.

Sobrang sakit sa mata, nakakadiring tingnan ang mga ginagawa nila sa harapan ko. Ako naman ay nakatingin lang sa kanila habang patuloy na pinipigilang tumulo ang luha ko. Ayokong magpakita ng kahinaan sa kabila ng lahat ng ito na pinapakita sa akin ni John. Pero husto na John! Hustong husto na. Said na ako! Nahawakan ko ang dibdib ko, iyon na siguro ang pinaka huling pasakit na magagawa niya sa akin. At dahil doon ay patuloy ko iyong pinagmasdan.

"Sige gawin niyo iyan sa harapan ko! At pagmamasdan ko naman kayo!" tumayo ako upang mas makita pa ang kanilang kawalanghiyaan sa sarili kong silid. Upang makita ang kanilang kawalang respeto. Nagsisikip ang dibdib ko, pero hindi dahil sa sakit ko kundi dahil sa galit. At alam ko kung anoman ang mangyari sa akin, hinding-hindi ko malilimutan ang mga pangyayari ngayon John. Isang sumpang binitiwan ko sa isipan ko, bago ako tuluyang bumagsak sa harapan nila. At ang lahat ay naging madilim na sa aking paningin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I'M DREAMING OF YOU   41. ANG PAGHIHIGANTI NI BONG

    CHAPTER 41- Ang Paghihiganti ni BongNang makabalik ako sa kay John agad kong ipinakita sa kaniya ang video, doon nalaman ni John ang katotohanan na hindi pala niya anak ang batang ngayon ay nasa emergency room.“Kaya pala hindi ko kadugo ang anak naming si Jonie. Hindi pala talaga ako ang ama niya kundi si Jeffrey. Nakakalungkot na pareho ang naging kapalaran namin ni Jonie, pareho kaming lumaki sa mga taong ginamit lang kami para sa mga pansariling hangarin.” Napayuko si John, ako naman ay nakadama ng awa para sa kaniya.Nahiman ko isang hita niya at nahawaka nito ang kamay ko saka ako tiningnan sa aking mga mata. Nang oras na iyon dama ko ang matinding kalungkutan sa mga paraan ng paghawak niya sa aking mga kamay. “I’m so sorry—hanggang ngayon humingi pa rin ako ng sorry sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa iyo, alam mo ba iyon?”“John, wala na iyon, matagal na kitang napatawad, lahat ng mga sakit na napagdaanan ko, lahat iyon, kin

  • I'M DREAMING OF YOU   40. ANG PAGKAWASAK NI HELENA

    KABANATA 40ANG PAGKAWASAK NI HELENANASA KOTSE SI HELENA, habang kausap niya si Jeffrey. Doon ay napag-usapan nila ang tungkol sa batang si Jonie na hininala kong anak nilang dalawa.“Bakit ka lumitaw roon? Para mo na ring inamin ang kataksilang ginagawa ko kay John!” galit na sigaw ni Helena.“At bakit hindi! Alam kong masama ako, pero may puso pa rin ako at mahal ko ang anak ko! Pumayag akong magpagamit sa iyo dahil gusto kong tuluyang magalit si Olivia kay John, pero hindi ko sinabing pababayaan kong mamatay ang anak ko—nauunawaan mo ba?!” galit na sabi ni Jeffrey. Matalim ang tingin naipinukol nito kay Helena.“Si John lang ang ama ng anak ko! Hindi ako papayag na mawasak kami ng dahil sa inyo ni Olivia, akin lang si John!” hesterikal na sigaw ni Helena, kaya malakas siyang nasampal ni Jeffrey.Ngunit mabilis na napisil ni Jeffrey ang mga pisngi ni Helena. “Oo alam ko, dahil akin lang din si Olivia! Pero sisiguruhin ko sa iyo na hindi mo na magagamit ang anak ko para sa iyong amb

  • I'M DREAMING OF YOU   39.BAKIT HINDI KO KADUGO ANG ANAK KO?

    KABANATA 39BAKIT HINDI KO KADUGO ANG ANAK KO?KINABUKASAN pumutok ang balitang nagkaroon ng malaking pagbagsak ng stock sa market, pero sa halip na ikalungkot ko iyon, lihim kong ikinatuwa, magkakaroon ng dahilan ang mga board members na question-in ang ilang malalaking pagbabago sa kanilang corporasyon.Ang Alacantara Corporation ay tuluyang nasakop ng mga Carlos, iyon ang isa sa mga nakikita kong maaaring maging dahilan para ihiwalay ang kumpanya ko, sa kanilang kumpanya.Alam ko na kung mangyayari iyon, pupulutin sa putik ang mga Carlos, saan kaya ni Jeffrey kukunin ang ilang milyong ibabalik sa mga investors, malaki na rin ang nalulugi sa pera ng mga ito.“Olivia, ito na ang pagkakataon, pilitin mong kumalas ang ilang investors, kapag nagkaganon, mapipilitan silang magbenta ng share nila, at iyon ang pagkakataon kong makabili ng ilang shares, sa pamamagitan ng kaibigan ko, pangalan.” Tiningnan ko si John, at nakita ko sa mga mata nito ang pagka-agrisibo dahil sa nalalapit na pagba

  • I'M DREAMING OF YOU   38.MGA NAWAWALANG ALAALA NI SOPHIA

    KABANATA 38MGA NAWAWALANG ALAALA NI SOPHIAKABANATA 38MGA NAWAWALANG ALAALA NI SOPHIA“NAROON SIYA.” Itunuro ni JC si Sophia na noo’y nakatunghay sa malawak na karagatan habang nasisilaw sa mataas na sikat ng araw.“SALAMAT JC, dahil inaalagaan mo pa rin si Sophia, alam mo naiingit ako sa iyo, kasi hindi ko man lang siya magawang lapitan,” sabi ko kay Jc habang pigil ang aking pag-iyak. Ayokong maging mahina ng mga sandaling iyon, kaya sinikap kong pigilan ang mga luha ko.Nalulungkot akong hindi ko magawang ibalik sa kanya ang pag-aalaga na ginawa niya sa akin noon.Noong ako ang nakaratay sa ospital.“Huwag kang mag-aalala, malakas at matapang na babae si Sophia, pasasaan ba at magbabalik rin ang mga alaala niya,” sabat ni John na nasa likuran ko na pala. “Nakita ko ang tapang at lakas niya noong unang beses niyang magpanggap na ikaw, buo ang loob niya na ipaghiganti ka, pero sinong mag-aakala, na kay Bong lang pala siya titiklop.”“Ang inaalala ko John, iyong bata sa sinapupunan n

  • I'M DREAMING OF YOU   37. ANG TUNAY NA PAGKATAO NI JOHN

    KABANATA 37ANG TUNAY NA PAGKATAO NI JOHNNalaman ko na kaya pala ganon ang ipinakita sa aking kasamaan ni John, para mabuksan ang isip ko at matutong lumaban, ayaw rin niyang maisip ng mga Carlos na pwede siyang gamitin ng mga ito para ma-control ako, ayaw niyang siya pa ang hilingan ng mga ito na kunin ang kayamanan ko, kaya lahat ay nauwi sa masakit naming pagsasama.Pero ngayon alam ko na, alam ni John noon pa bago kami ikasal, na siya pala ay hindi tunay na anak ng mga Carlos, kundi ginagamit lamang siya ng mga ito para makuha ng tuluyan ang kayaman ng mga Alacantara.Nagbalik sa akin ang alaala nang pagtatapat ni John ng mga tunay niyang dahilan.“Olivia, nalaman ko noon, noong bago tayo ikasal, nalaman ko na hindi nila ako tunay na anak, na anak ako ng matalik na kaibigan ng ama mo, at kasosyo nila sa negosyo, pinatay nila ang tunay kong mga magulang, at pinalaki nila ako para gamitin naman para makuha ang kayaman ng buong pamilya mo,” umiiyak na pagsasalaysay sa akin ni John.

  • I'M DREAMING OF YOU   36. SI OLIVIA AY NAGPANGGAP NA SI SOPHIA

    KABANATA 36SI OLIVIA AY NAGPANGGAP NA SI SOPHIA"Hello John, okay, I'll be right there in a few minutes...." malambing na sabi ko sa kabilang linya. "Okay Honey, palagi mong iingatan ang sarili mo, huwag kang magpapalipas ng gutom," tugon ni John sa akin mula sa kabilang linya.Okay na kami ni John, inanunsiyo na rin nito ang pagkakaayos namin sa buong pamilya ng mga Carlos, kahit na hindi magawang palayasin ni John si Helena dahil may anak daw sila, hinayaan na lang namin, isa pa ang mahalaga sa akin ay ang kapakanan ng relasyon namin.Ang mahalaga sa akin ay ang pagkakaayos at pagiging malinaw ng status namin sa isa't isa. Nagulat pa ako ng may biglang humalik sa pisngi ko mula sa likuran. Mabilis akong napalingon, inakala ko kasing si John iyon, ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Jeffrey pala iyon. Napatayo ako sa kinauupuan ko, mabuti na lang at ako pa lang ang nasa harap ng mahabang lamesa."J-Jeffrey? Ang akala ko ay nasa Madrid ka ngayon?" gulat kong tanong.Nu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status