FAZER LOGINHindi ko maalis ang tingin ko sa picture, tatlong tao ang naroon. Ang nanay ko, si Celesta at isang babaeng hindi ko kilala. Nasa likod ng picture ang petsa ng kapanganakan ko, Nove,ber 14, 2001.Ibig sabihin, noong araw na isinilang ako, magkakasama silang tatlo. Pero bakit? At sino ang babaeng sinasabi ni Rafael na hindi ko dapat makilala?“Papa, kilala mo siya, hindi ba?” tanong ko.Hindi agad sumagot si Rafael. Inilagay niya ang litrato sa loob ng kaniyang pitaka at umiwas ng tingin.“Serena, may mga bagay na mas mabuting hindi mo na hukayin.”Napatawa ako nang mapait.“Talaga? Hanggang ngayon ba, iyon pa rin ang sagot mo sa akin? Lahat na lang ng bagay tungkol sa buhay ko, mas mabuting hindi ko malaman?”“Hindi ko sinasabing hindi mo dapat malaman. Gusto ko lang na maging handa ka.”“Paano ako magiging handa kung wala kayong sinasabi sa akin?”Lumapit si Mikaela at hinawakan ang braso ko.“Serena, kalma muna. Kailangan nating malaman kung sino ang babaeng iyon bago tayo gumawa ng
“Anak, huwag kang magtatanong kung nasaan ako. Hindi pa ligtas.”“Ma, please. Sabihin mo sa akin kung ano ang ibig mong sabihin sa tunay na dahilan kung bakit ako ipinanganak.”May ilang segundong katahimikan.Pagkatapos ay nagsalita siya.“Dahil ang araw na ipinanganak ka ang araw na nawala sa amin ang lahat.”Napaluha ako.“Ano ba ang ginawa nila sa iyo?”“Hindi si Victor ang unang taong nagtangkang kontrolin ang buhay mo, anak.”Napatingin ako kina Mikaela at Rafael.“Kung ganoon, sino?”Mahina siyang huminga.“May isang taong tumulong sa akin para maitago ka. Isang taong pinagkatiwalaan ko nang higit pa kay Victor.”“Sino siya, Mom?”Bago siya makasagot, may narinig akong kaluskos sa kabilang linya.“Serena, makinig ka. Huwag mong ibibigay ang dokumentong hawak mo kay Celeste. At huwag na huwag mong sasabihin kay Adrian na nakausap mo ako.”“Bakit? Kilala naman niya kayo!”“Dahil may isang bahagi ng pangako niya sa akin na hindi niya pa natutupad.”“Anong pangako?”Ngunit naputol
Parang tumigil ang mundo ko.“Anong ibig mong sabihin?”“Siya ang pumasok sa nasusunog na bahay para ilabas ka, siya rin ang nagdala sayo sa ospital. At siya rin ang unang humingi sa akin ng tulong para maitago ka kay Victor.”Napahawak ako sa mesa, kung totoo iyon bakit sinabi sa akin ni Adrian na wala siyang nagawa para iligtas ang ina ni Mikaela.At bakit hindi niya sinabi sa akin na iniligtas niya ako?“Bakit niya ginawa iyon?”“Dahil may alam siya tungkol sa nanay mo na hindi mo pa natutuklasan.”“Anong alam niya?”Bago sumagot si Rafael, tumunog ang cellphone ko. Isang mensahe mula sa isang unknown number. “You are asking the wrong people, Serena.”May kalakip na voice recording ang message, pinindot ko ang play button.Una kong narinig ang mahinang ingay ng apoy. Pagkatapos ay isang boses ng babae, boses ng nanay ko. “Adrian, kapag hindi mo siya nailabas dito, huwag mong hahayaang malaman niya ang tunay na dahilan kung bakit siya ipinanganak.”Napahawak ako sa cellphone haban
Natigilan ako, muli kong binasa ang huling pangungusap. “Anong ibig sabihin nito?” tanong ko.Dahan-dahang tumingin si Celeste kay Adrian.“May isang bagay na hindi mo pa alam tungkol sa asawa mo.”Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.“Ano iyon?”Hindi sumagot si Celeste. Sa halip, inilabas niya ang isa pang litrato mula sa kahon.Larawan iyon nina Isabella at Adrian, ngunit hindi iyon ang nag pagulat sa akin. Sa likod nila ay nakatayo ang kinalakihan kong ama, mas bata siya sa picture ngunit malinaw kong nakilala ang kanyang mukha. May hawak siyang isang sanggol, at sa likod ng picture may nakasulat na isang message.“The night we saved Serena, Adrian made a promise to her mother.”Tumingin ako kay Adrian.“Anong pangako ang ginawa mo sa nanay ko?”Matagal siyang natahimik bago sumagot.“Na kapag dumating ang araw na bumalik ka para maghiganti, hindi kita hahayaang mamatay para lang makuha mo ang katotohanan.”Nangilid ang luha ko.“Kung ganoon, bakit mo ako pinakasalan?”
“U-ulitin mo ang sinabi mo.” halos pabulong na sabi ko. Nakatitig ako kay Adrian, naghihintay na bawiin niya ang sinabi niya. Ngunit hindi niya ito ginawa, sa halip inulit lang niya ang sinabi niya. “Hindi si Victor ang pumatay sa nanay mo,” ulit niya. “Si Isabella ang nagplano ng sariling pagkamatay para mailigtas ka.”Napailing ako.“Paano mo nasabing pinlano niya iyon? Nakita ko ang litrato ng bahay na nasunog. Sinabi sa akin ni Gabriel na namatay siya roon.”“Dahil iyon ang kwentong ipinakalat nila.”“Kung hindi siya namatay, nasaan siya?”Hindi agad sumagot si Adrian.At muli, naramdaman ko ang pamilyar na galit na ilang taon kong kinimkim. Isa na namang lihim. Isa na namang katotohanang pinili ng ibang tao na itago sa akin.“Alam mo kung nasaan ang nanay ko?”“Hindi.”“Pero alam mong buhay siya?”“Hindi rin ako sigurado.”Napatawa ako ng mapait.“Napakagaling mo talagang magbigay ng sagot na walang kasiguraduhan.”Lumapit siya sa akin.“Serena, makinig ka. May mga bagay na hin
Hindi ko na alam kung alin ba ang mas masakit, ang malaman na hindi si Gabriel ang tunay kong ama. O ang matuklasan na may mga taong nag desisyon na itago sa akin ang katotohanan sa loob ng ilang taon. Nakatitig ako sa litrato sa cellphone ni Mikaela.Si Gabriel, nakaupo sa isang lumang mesa. Katabi niya si Rafael. Sa kabilang bahagi naman ay si Mikaela, na mukhang mas bata pa ng ilang taon. May hawak silang mga baso, ngunit walang ngiti sa kanilang mga mukha.Sa likod ng litrato ay may nakasulat na petsa.The night your mother died.“Anong ibig sabihin nito?” tanong ko kay Mikaela sa tawag.Walang sumagot.“Mika, kausapin mo ako. Bakit kasama mo si Gabriel at Rafael noong gabing namatay si Mama?”Narinig ko ang malalim niyang paghinga.“Dahil may pinangako kami.”“Anong pangako?”“Na ililigtas ka namin.”Napapikit ako. “Mula kanino?”“Serena…”“Tumigil ka sa pagtawag sa pangalan ko na parang bata ako! Buong buhay ko, kasinungalingan ang pinaniniwalaan ko. Gusto ko ng sagot!”“Hindi







