Home / Romance / I Married The Beggar Everyone Laughed At / Chapter 3 : The Beggar's Proposal

Share

Chapter 3 : The Beggar's Proposal

Author: BelleNocturne
last update publish date: 2026-10-17 19:38:36

Bulungan ang buong simbahan habang naglalakad siya sa gitna ng aisle. Halos lahat ng bisita nakatayo na, ang iba nakasampa pa sa upuan para makita ang mukha ng pulubi. Ang mga cellphone nakataas lahat, pulang ilaw ng recording makikita sa dilim ng simbahan.

Ang media na nasa gilid kanina, ngayon nasa gitna na rin at nakatutok ang camera kay Wendy at sa lalaki. Sa gilid ng p***o, dalawang security guard ang gustong lumapit para hilahin ang lalaki palabas. Pero mabilis silang pinigilan ng head coordinator ng simbahan.

"Sir, mamaya na. Huwag dito sa loob. Nasa gitna ng ceremony pa, makikita sa video," bulong ng coordinator at hinawakan ang braso ng guard. Kaya umatras ang mga guard pero nakabantay pa rin, handa kung sakaling manakit ang lalaki.

Nakarating ang pulubi sa gitna.

Nasa harap na siya ni Wendy. Amoy pawis at araw ang polo niya, pero tuwid pa rin ang tayo niya kahit punit ang laylayan ng pantalon at manipis na ang tsinelas. Hawak pa rin niya sa kaliwang kamay ang kalahating pan de coco at sa kanan ang lumang paper bag na parang may lamang kahon sa loob.

Tumawa si Sophia Vasquez ng malakas, para marinig ng lahat. Lumapit pa siya nang isang hakbang habang nakahawak sa braso ni Nicolo Diaz.

"Perfect! Hanggang pulubi na lang talaga ang papatol sayo, Wendy! Ang ganda ng taste mo, from Diaz to... basura," sabi ni Sophia at tiningnan si Wendy mula ulo hanggang paa. "Tignan mo nga naman, after ng lahat ng yabang mo sa company, sa pulubi ka rin pala babagsak."

Umiling si Nicolo at ngumisi. Tinanggal niya ang bulaklak sa bulsa ng barong niya na dapat ibibigay kay Wendy.

"Bagay kayo, Wendy. Bagay na bagay. Pareho kayong kawawa. Pareho kayong walang kwenta ngayong araw. Akala ko may mararating ka, pero hanggang diyan ka lang pala," sabi ni Nicolo at tumawa nang mahina. "Pasalamat ka, may pumayag pa sayo."

"Hanggang pulubi na lang ang kaya mo, Wendy! Sinayang mo lang ang pag-aalaga ng pamilya mo sayo!" sigaw ni Melissa De Leon mula sa second row.

"Perfect couple nga! Dapat ikasal na agad! Live wedding ng pulubi at ng iniwan sa altar!" sigaw ni Luisa De Leon at tinawanan ng mga kamag-anak na katabi niya.

Tumayo si Alfredo Cheng mula sa VIP seat at itinuro si Wendy.

"Simula ngayon, huwag mo nang gamitin ang apelyido ko! Ang anak kong ikinagmamalaki, hindi nagpapaawa sa harap ng maraming tao! Hindi kita pinalaki para magpakasal sa pulubi!" sigaw ni Alfredo at namumula ang mukha.

Ang mga bisita sa likod nagsalita na rin.

"Ay kawawa naman."

"Desperada na."

"Ganyan ba talaga kapag iniwan sa altar, pati pulubi papatulan?"

Hindi lumingon ang pulubi sa kanila kahit isa. Hindi siya natinag kahit pinagtatawanan siya ng buong simbahan. Kay Wendy lang nakatingin ang mata niya. Seryoso, hindi nang-aasar.

"Kung seryoso ka... paninindigan ko," sabi ng pulubi. Mababa lang ang boses niya pero dahil tahimik ang paligid pagkatapos ng sigaw ni Alfredo, rinig ng mga nasa harap.

Nagulat si Wendy. Nanginginig ang kamay niya pero tinitigan niya ang lalaki.

"Hindi mo ako kilala," sabi ni Wendy.

"Hindi kailangan," sagot ng pulubi.

"Bakit mo ginagawa to? Wala kang mapapala sa akin. Wala na akong kahit ano ngayon," tanong ni Wendy at nangingilid na ang luha.

"Kasi walang babaeng dapat iwan sa altar. Hindi tama yung ginawa nila sayo," sagot ng pulubi. Simple lang ang salita pero parang tinamaan si Wendy.

Narinig yon ng ilang bisita sa harap at natigilan saglit.

Pero mabilis na binalik ni Sophia ang tawanan.

"Wow! Prince charming! Congratulations, Wendy. Nakahanap ka nga... pulubi naman. Ang romantic! Parang fairy tale na nabasa sa basurahan," sabi ni Sophia at pumalakpak nang dahan-dahan para gayahin ng iba.

"Bagay kayo," ulit ni Nicolo at tumawa. "Sige na, pakasalan mo na yang tagapagligtas mo. Tutal mukhang sanay ka naman sa charity."

Tawanan ulit ang buong simbahan. Mas malakas pa sa kanina. May mga bisita na sumisigaw pa ng "Kiss! Kiss!" para asarin si Wendy.

Tumingin si Wendy sa paligid. Lahat ng mukha na dati ay ngumiti sa kanya, ngayon tumatawa. Lahat ng kamay na dati ay pumalakpak para sa kanya, ngayon nakaturo sa kanya.

Pagkatapos ay tumingin ulit siya sa pulubi. Tanging siya lang ang hindi tumatawa.

"Kapag sumama ako sayo..." sabi ni Wendy, nanginginig ang boses.

"Wala nang atrasan," sagot ng pulubi at tumingin nang diretso sa mata ni Wendy.

"Hindi ako uurong. Hindi na ako babalik dito," sabi ni Wendy.

"Ako rin. Hindi ako uurong," sagot ng pulubi.

Tumango si Wendy. Huminga siya nang malalim. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ibinaba ang bouquet sa sahig ng simbahan. Hindi niya na pinulot. Iniwan niya roon ang bulaklak na dapat para sa kasal niya kay Nicolo.

Hindi na siya lumingon kahit tinatawag siya ni Alfredo.

"Wendy! Bumalik ka dito!"

Naglakad si Wendy palabas ng simbahan. Kasabay niya ang pulubi na hawak pa rin ang kalahating pan de coco at lumang paper bag. Tahimik lang ang pulubi habang naglalakad, nasa gilid ni Wendy, parang binabantayan siya.

Sumunod agad si Sarah Montelibano sa likod nila, bitbit ang maliit na bag ni Wendy at yakap ang high heels na hinubad ni Wendy kanina.

Lahat ng bisita nagsitayuan at sumunod palabas ng simbahan para manood. Ang media na may camera, humabol at tumakbo sa labas, nagtutulakan para makakuha ng magandang kuha.

Paglabas nila sa malaking p***o ng simbahan at pagtapat sa hagdan...

VRRROOOOM! VRRROOOOM! VRRROOOOM!

Tatlong mamahaling sports car ang sunod-sunod na huminto sa harap mismo ng simbahan. Hindi isa, hindi dalawa, kundi tatlo. Halos sabay-sabay na preno na nagpa-alikabok sa sahig.

Isang matte black na Porsche, isang pearl white na McLaren, isang dark emerald green na Aston Martin. Lahat makintab, lahat bago, lahat mabango pa ang goma.

Nagkagulo ang media sa labas. Napaatras ang mga bisita na sumunod.

"Ano yan? Kanino yan? May VIP ba na darating?" sabi ng isa

"Bakit may sports car dito? Kasal ba ng artista to?" dagdag pa nung ibang bisita

Sabay-sabay bumukas ang mga p***o ng tatlong kotse. Bumaba ang anim na lalaking naka-itim na suit na may earpiece sa tenga at nakasunglasses kahit hapon na. Mabilis ang kilos, maayos ang pila, halatang sanay.

Isa sa kanila, yung pinakamatangkad, lumapit sa pulubi at bahagyang yumuko. Hindi kay Wendy, kundi sa pulubi.

"Sir," sabi ng naka-suit at binuksan ang p***o ng gitnang sasakyan, yung matte black na Porsche.

Nagkatinginan sina Nicolo at Sophia. Nanlaki ang mata ni Nicolo.

"Anong Sir? Pulubi yan diba? Bakit tinawag na Sir?" bulong ni Nicolo kay Sophia.

"Pulubi yan diba? Paano siya naging Sir?" sabi ng isang bisita sa likod na rinig ng lahat.

Hindi sumagot ang mga naka-suit. Binuksan lang nila ang mga p***o ng sasakyan at naghintay.

Tumingin ang pulubi kay Wendy.

"Halika," sabi niya.

Nag-alangan man, nagpaubaya si Wendy at sumakay sa passenger seat sa harapan, si Sarah naman aligagang sumakay sa passenger seat sa likod. Kasunod nun ay umikot ang pulubi at sumakay sa driver's seat, inilagay niya sa dashboard ang hawak na lumang paper bag.

Sabay-sabay nagsara ang mga p***o ng tatlong sports car nang may malakas na kalabog.

VRRROOOOM!

Sabay-sabay ding umandar ang tatlong sports car paalis ng simbahan, mabilis pero maayos ang pila.

Naiwan ang lahat sa harap ng simbahan — si Nicolo, si Sophia, si Melissa, si Luisa, si Alfredo, ang buong entourage at ang media — nakatingin lang habang papalayo ang convoy at unti-unting nawawala sa kalsada ng Clark.

Walang makapagsalita. Walang makagalaw. Lahat hindi makapaniwala sa nakita at iisa ang tanong sa isipan...

Kung pulubi lang ang lalaking iyon bakit siya tinatawag na "Sir"?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Married The Beggar Everyone Laughed At   Chapter 7 : The Interview

    Mahigit dalawampung aplikante ang nagsisiksikan sa waiting area ng 32nd floor.May mga fresh graduate na naka-blazer na halatang bagong bili pa lang kahapon. May mga dating executive assistant na may dalang makakapal na folder na puno ng certificate of employment. May isang babae na malakas ang boses habang kinakausap ang katabi."Alam mo, galing ako sa multinational. Ang boss ko dati, senador," sabi ng babae na may pulang lipstick."Talaga?" sagot ng katabi niya."Oo. Kaya basic lang sa akin ang secretary work. Sigurado ako, ako ang kukunin," dagdag pa ng babae at tumawa.Si Wendy nakaupo sa pinakadulo. Walang kausap. Hawak lang ang manipis na brown folder. Suot pa rin ang simpleng puting blouse. Habang ang iba nag-aayos ng buhok at nag-a-apply ng pabango, si Wendy nakatingin lang sa glass wall kung saan tanaw ang hallway papuntang executive floor.Bumukas ang pinto ng HR office. Lumabas ang isang babae na may hawak na clipboard."Secretary applicants," sabi ng HR staff. "Please prep

  • I Married The Beggar Everyone Laughed At   Chapter 6 : Undercover Secretary

    Nakahinto ang itim na Porsche sa harap ng Chavez Group Tower.Limampung palapag ng salamin at bakal na halos sumasalamin sa buong Clark skyline. Sa ibaba, nakaukit sa makapal na itim na marmol ang pangalan ng kumpanya na halos kasing taas ng tao ang letra. CHAVEZ GROUP OF COMPANIES. Sa paligid, sunod-sunod ang pagpasok ng mga luxury cars. Mga lalaking naka-tuxedo na may dalang leather portfolio. Mga babaeng naka-stiletto na amoy bagong pabango kahit alas otso pa lang ng umaga.Nakaupo si Wendy sa passenger seat. Suot niya ang pinakasimpleng puting blouse at black slacks na nabili niya kagabi sa mall malapit sa villa. Walang logo. Walang alahas. Ang buhok nakatali lang. Hawak niya ang brown folder na may lamang resume at application form.Sa tabi niya, si Gavin nasa driver's seat. Nakatingin din sa gusali pero iba ang tingin niya. Parang sanay na sanay. Parang bahay lang."So," sabi ni Gavin habang pinapatay ang makina. "Ito ang mundo ko."Tumingin si Wendy sa kanya. "Malaki.""Malaki

  • I Married The Beggar Everyone Laughed At   Chapter 5 : The Queen's First Move

    Bumalik sa katahimikan ang villa. Wala na si Sarah. Yung ilaw sa sala nakabukas pa pero hindi masakit sa mata, yung sinag diretso sa garden na basa pa sa ulan kanina. Yung mesa sa gitna may dalawang baso ng tubig. Yung isa may bakas pa ng lipstick. Magkatapat pa rin si Wendy at Gavin. Si Wendy nakaupo sa dulo, hawak yung baso. Malamig na yung tubig pero hindi niya binibitawan. Si Gavin nasa kabilang upuan, nakasandal, yung dalawang kamay nasa ibabaw ng mesa, magkadikit ang daliri. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Wendy ang unang bumasag. "Pwede ba kitang tanungin?" mahina niyang tanong Gavin inangat ang tingin sa kanya. "Oo naman. What is it?" "Bakit mo ako tinulungan?" deretsang tanong niya. Gavin kinuha yung baso niya. Inikot sa mesa. Pinanood ang paggalaw ng tubig sa loob. "Hindi kita kilala," sagot niya. "Hindi rin kita nilapitan dahil naawa ako sayo." Tumingin siya kay Wendy, diretso. "Pero kanina sa simbahan, habang lahat sila tumatawa... walang tumayo. Kahit

  • I Married The Beggar Everyone Laughed At   Chapter 4 : The Man Behind The Rags

    Umuugong lang ang makina sa loob ng Porsche. Walang radyo. Walang nagsasalita sa tatlo.Si Wendy nasa passenger seat, yakap pa rin ang bouquet na durog na sa gilid. Nakatingin siya kay Gavin na nasa driver's seat. Punit pa rin ang polo, kupas ang pantalon, manipis ang tsinelas.Pero yung mga kamay niya sa manibela, maayos. Yung upo niya, tuwid. Hindi yun kilos ng taong sanay mamalimos sa kalsada. Kanina lang anim na lalaking naka-suit ang yumuko at tinawag siyang Sir.Hindi niya alam kung ano ang unang itatanong.Si Sarah sa likod ang unang hindi nakatiis."Wow! Epic ng exit natin dun men! Nakita niyo mukha nila? Yung Nicolo? Yung Sophia? Parang nakakita ng multo!"Gavin hindi lumingon, mata pa rin sa kalsada."Tell me, prank ba to? Vlogger ka ba?"Gavin natawa. Mahina lang sa una tapos lumakas, tawang masarap pakinggan dahil alam mong totoo.Napakamot siya sa ulo gamit ang isang kamay."Let's talk about it later."Lumingon siya kay Wendy. Mabilis lang tapos balik sa kalsada."For now

  • I Married The Beggar Everyone Laughed At   Chapter 3 : The Beggar's Proposal

    Bulungan ang buong simbahan habang naglalakad siya sa gitna ng aisle. Halos lahat ng bisita nakatayo na, ang iba nakasampa pa sa upuan para makita ang mukha ng pulubi. Ang mga cellphone nakataas lahat, pulang ilaw ng recording makikita sa dilim ng simbahan.Ang media na nasa gilid kanina, ngayon nasa gitna na rin at nakatutok ang camera kay Wendy at sa lalaki. Sa gilid ng pinto, dalawang security guard ang gustong lumapit para hilahin ang lalaki palabas. Pero mabilis silang pinigilan ng head coordinator ng simbahan."Sir, mamaya na. Huwag dito sa loob. Nasa gitna ng ceremony pa, makikita sa video," bulong ng coordinator at hinawakan ang braso ng guard. Kaya umatras ang mga guard pero nakabantay pa rin, handa kung sakaling manakit ang lalaki.Nakarating ang pulubi sa gitna. Nasa harap na siya ni Wendy. Amoy pawis at araw ang polo niya, pero tuwid pa rin ang tayo niya kahit punit ang laylayan ng pantalon at manipis na ang tsinelas. Hawak pa rin niya sa kaliwang kamay ang kalahating pan

  • I Married The Beggar Everyone Laughed At   Chapter 2 : Left At The Altar

    Bumukas ang malaking pinto ng simbahan sa Clark at huminto ang wedding march.Tumayo ang lahat ng bisita at lumingon sa pinto. Nasa gilid ang mga coordinator at nakatingin din sa entrance."Heto na ang groom..." bulong ng isang coordinator na may hawak na clipboard.Bumukas nang buo ang pinto at pumasok si Nicolo Diaz. Naka-white suit, nakangiti, maayos ang buhok.Pero hindi siya nag-iisa.Mahigpit ang hawak ng isang babae sa braso niya. Matangkad, maputi, nakasuot ng mamahaling red designer dress na hapit sa katawan. Nakataas ang baba habang naglalakad.Si Sophia Vasquez.Nagbulungan ang buong simbahan."Hindi ba si Sophia Vasquez yon? Yung international model?""Bakit siya kasama ni Nicolo?""Asan si Wendy?"Dumiretso si Nicolo sa gitna ng altar kasama si Sophia. Hindi siya dumaan sa red carpet. Hindi siya lumingon sa mga bisita.Mabilis na lumapit ang head coordinator kay Nicolo."Sir Nicolo, magsisimula na po ang ceremony. Nasa bridal room na po si Ms. Wendy," sabi ng head coordin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status