로그인Umuugong lang ang makina sa loob ng Porsche. Walang radyo. Walang nagsasalita sa tatlo.
Si Wendy nasa passenger seat, yakap pa rin ang bouquet na durog na sa gilid. Nakatingin siya kay Gavin na nasa driver's seat. Punit pa rin ang polo, kupas ang pantalon, manipis ang tsinelas. Pero yung mga kamay niya sa manibela, maayos. Yung upo niya, tuwid. Hindi yun kilos ng taong sanay mamalimos sa kalsada. Kanina lang anim na lalaking naka-suit ang yumuko at tinawag siyang Sir. Hindi niya alam kung ano ang unang itatanong. Si Sarah sa likod ang unang hindi nakatiis. "Wow! Epic ng exit natin dun men! Nakita niyo mukha nila? Yung Nicolo? Yung Sophia? Parang nakakita ng multo!" Gavin hindi lumingon, mata pa rin sa kalsada. "Tell me, prank ba to? Vlogger ka ba?" Gavin natawa. Mahina lang sa una tapos lumakas, tawang masarap pakinggan dahil alam mong totoo. Napakamot siya sa ulo gamit ang isang kamay. "Let's talk about it later." Lumingon siya kay Wendy. Mabilis lang tapos balik sa kalsada. "For now... I'll bring you home..." Tumingin siya kay Wendy sa side mirror, diretso ang mata. "Misis." Si Sarah ang unang napasinghap. "Hoy! Napahawak siya sa bibig. Wendy! Tinawag kang misis!" Namula si Wendy at napatingin sa bintana. "H-huwag mo nga akong tawaging ganyan..." Gavin nakatingin pa rin sa daan, pero may ngiti sa gilid ng labi. "Pero... iyon ang nakita ng buong Clark." Si Wendy hindi nakasagot. Yung salitang misis, parang umulit sa tenga niya. Oo nga pala. Sa mata ng lahat ng tao sa simbahan, mag-asawa na sila. Si Sarah sa likod kinikilig na, sinisiko ang upuan ni Wendy. "Sagutin mo! Misis ka na daw!" "Wala kang hiya," bulong ni Wendy kay Sarah, pero pulang-pula ang pisngi niya. Tumakbo ang Porsche sa highway. Yung McLaren at Aston Martin kanina, lumiko na sa ibang daan. Silang tatlo na lang ang naiwan. "Hoy kuya, seryoso," Sarah sumandal sa gitna ng dalawang upuan, "ano ba talaga trabaho mo?" Gavin ngumiti lang. "Marunong ka mag-drive ng Porsche, tapos naka-tsinelas ka. Ang galing mo mag-drive ah. Saan ka natuto?" Gavin hindi sumagot agad. Si Wendy nakatingin sa profile ni Gavin. Ngayon lang niya napansin, maayos ang panga, malinis ang leeg kahit punit ang polo. Maganda ang tindig ng balikat. Hindi siya slouchy. "Ikaw lagi nagda-drive?" tanong ni Wendy. "Minsan," sagot ni Gavin. "Minsan ka lang nagda-drive ng Porsche?" Sarah. Gavin tumawa lang ulit. Wendy, mas lalo siyang nagtataka. Hindi pulubi ang marunong magmaneho nang ganyan na parang extension na ng kamay niya ang manibela. Lumiko ang Porsche sa isang mataas na gate na itim. Kusa itong bumukas nang walang bumaba. May mahabang driveway, sa gilid may mga ilaw na nakabaon sa lupa. Napakaganda ng landscaping, may garden na ang mga halaman ay maayos ang gupit. Sa dulo, isang malaking modern villa. Puti at salamin, dalawang palapag, may infinity pool sa gilid na kumikislap kahit hapon pa lang. Huminto ang Porsche sa harap ng p***o. Si Sarah ang unang bumaba. Hindi pa siya nakakalabas ng tuluyan, nakahawak na siya sa p***o ng kotse. "Hindi..." Tumigil siya sa gitna ng driveway, tingin sa villa, tingin sa pool, tingin kay Gavin. "Hindi... hindi ako naniniwalang pulubi ka." Wendy bumaba rin, dahan-dahan, hawak ang laylayan ng gown niya para hindi sumayad sa sahig ng driveway. Gavin bumaba at kinuha yung lumang paper bag sa dashboard. Lumakad siya papunta sa p***o ng villa at binuksan ito gamit ang isang key na itim. Lumingon siya sa kanila. "Tuloy." Walang yabang, parang normal lang sa kanya na umuwi sa ganitong lugar araw-araw. Si Sarah pumasok na parang nasa museum. Hawak ang pader, tingin sa kisame na mataas. "Grabe... hotel ba to? Bahay mo ba talaga to?" Wendy pumasok nang maingat, takot madumihan ang puting tiles ng villa. Walang lumabas na maid. Walang butler na sumalubong. Si Gavin mismo ang dumiretso sa kusina na malaki at puti. Binuksan ang malaking ref na puno ng pagkain. "Nagluluto ka?" tanong ni Wendy habang nakatayo sa gilid ng kitchen island. "Minsan," sagot ni Gavin habang kumukuha ng steak at gulay. "Minsan?" ulit ni Sarah habang nakasandal sa counter. "Kapag gusto kong mapag-isa." Simple ang sagot pero iba ang dating. Hindi nagyayabang. Classy. Mabilis ang galaw ni Gavin sa kusina. Maayos ang paghiwa, hindi maingay ang kutsilyo sa chopping board. Yung steak nilagyan niya ng asin at paminta na parang sanay na sanay. Yung kawali mainit na agad, hindi nasunog ang mantika. Ilang minuto lang, may tatlong plato na sa mesa. Steak na medium, may soup na mainit, may salad, at may kape na bagong timpla. "Wow," Sarah habang sumusubo, "mas masarap pa to sa kinakainan namin sa Clark na mahal." Wendy kumakain nang dahan-dahan, pero tumitingin kay Gavin. "Saan ka natuto magluto ng ganito?" "Sa lola ko. Ayaw niya ng maraming tao sa kusina. Gusto niya ako lang tinuturuan niya." Wendy tumango. Pagkatapos kumain, niligpit ni Gavin ang mga plato. Bumalik siya sa mesa na may dalang lumang leather wallet. Inilapag niya sa mesa isa-isa. Walang salita. Una, ID. Pangalan at picture niya, naka-suit Pangalawa ang kanyang passport, makapal, maraming tatak. Pangatlo, car key ng Porsche na may logo. Pang-apat, black card na makintab. Pang-lima, business card na itim at ginto. Si Sarah nakatingin sa mga nakalapag, si Wendy hawak ang baso ng tubig. Gavin inangat ang tingin. "Hindi lahat ng nakikita sa unang tingin... yun ang buong katotohanan." Tapos kinuha niya ang business card at itinulak nang bahagya palapit kay Wendy. "By the way..." Tumingin siya diretso kay Wendy. "I'm Gavin Palma Chavez, 29, CEO of the Chavez group" Dead silence. Si Sarah napatayo. "Ha?! Chavez?!" Wendy nakatitig sa business card. Gavin Palma Chavez. Chairman. Chavez Group of Companies. Wendy dahan-dahan inangat ang ulo. "Ikaw... yung Chavez na..." "Oo," nahihiyang sabi nito habang kamot ang ulo "Hindi ako pulubi. Nagpapanggap lang ako. Gusto na ng lola ko mag-asawa ako. Pero lahat ng babaeng lumalapit sa akin, pera at status lang ang habol. Lahat ng pamilya na pinapakilala sa akin, negosyo lang ang nasa isip. Kaya naisip ko magpanggap gusto kong makita kung anong mangyayari kapag wala akong pangalan, walang pera, at walang kahit ano. Kung may tatanggap ba sakin?" Tumingin siya kay Wendy. "Tapos nakita kita sa simbahan. Ikaw ang unang babaeng pumayag magpakasal sa lalaking akala mong walang-wala." Wendy hindi makasagot. Yung mga mata ni Gavin seryoso pero hindi nanloloko. "Ikaw lang," dagdag ni Gavin. Si Sarah napahawak sa dibdib. "Lord, kinikilig ako!!" malanding tili ni Sarah. Maya-maya tumog ang cellphone ni Sarah. Sinagot niya. "Hello? Oo, oo nandito ako... sige papunta na ako." Binaba niya ang tawag at kinuha ang bag niya. "Wendy, kailangan ko na umalis. May shift pa ako. Hindi ako nakapagpaalam kanina." Wendy tumayo. "Hatid ka namin." "Hindi na. May naghihintay na sa labas ng gate. Nag-book ako ng tricycle kanina." Bago lumabas, hinila ni Sarah si Wendy sa may hallway. "Madam..." bulong ni Sarah pero rinig ni Gavin, "Jackpot ka. Wafu na, paldo pa, pang-KDrama pa." Wendy namula at tinulak si Sarah nang mahina. "Lumayas ka na nga." pagtataboy nito pero kahit nabawasan ang bigat ng loob na nararamdaman niya ngayon. Sarah tumawa lang at lumabas ng villa. Naiwan si Wendy at Gavin. Wendy bumalik sa mesa, kinuha niya ang business card at ibinalik kay Gavin. "Ayokong malaman muna nila kung sino ka, hayaan muna natin sila isipin na ganun." Gavin tumingin sa kanya. "Bakit?" "Magulo pa. Viral pa yung video sa simbahan. Pag nalaman nilang Chavez ka, mas lalaki ang gulo. Mas madaming gagamitin nag pagkakataon na yun para maging upportunidad" paliwanag niya Gavin tumango at ngumiti. "As you wish, Wify!"Mahigit dalawampung aplikante ang nagsisiksikan sa waiting area ng 32nd floor.May mga fresh graduate na naka-blazer na halatang bagong bili pa lang kahapon. May mga dating executive assistant na may dalang makakapal na folder na puno ng certificate of employment. May isang babae na malakas ang boses habang kinakausap ang katabi."Alam mo, galing ako sa multinational. Ang boss ko dati, senador," sabi ng babae na may pulang lipstick."Talaga?" sagot ng katabi niya."Oo. Kaya basic lang sa akin ang secretary work. Sigurado ako, ako ang kukunin," dagdag pa ng babae at tumawa.Si Wendy nakaupo sa pinakadulo. Walang kausap. Hawak lang ang manipis na brown folder. Suot pa rin ang simpleng puting blouse. Habang ang iba nag-aayos ng buhok at nag-a-apply ng pabango, si Wendy nakatingin lang sa glass wall kung saan tanaw ang hallway papuntang executive floor.Bumukas ang pinto ng HR office. Lumabas ang isang babae na may hawak na clipboard."Secretary applicants," sabi ng HR staff. "Please prep
Nakahinto ang itim na Porsche sa harap ng Chavez Group Tower.Limampung palapag ng salamin at bakal na halos sumasalamin sa buong Clark skyline. Sa ibaba, nakaukit sa makapal na itim na marmol ang pangalan ng kumpanya na halos kasing taas ng tao ang letra. CHAVEZ GROUP OF COMPANIES. Sa paligid, sunod-sunod ang pagpasok ng mga luxury cars. Mga lalaking naka-tuxedo na may dalang leather portfolio. Mga babaeng naka-stiletto na amoy bagong pabango kahit alas otso pa lang ng umaga.Nakaupo si Wendy sa passenger seat. Suot niya ang pinakasimpleng puting blouse at black slacks na nabili niya kagabi sa mall malapit sa villa. Walang logo. Walang alahas. Ang buhok nakatali lang. Hawak niya ang brown folder na may lamang resume at application form.Sa tabi niya, si Gavin nasa driver's seat. Nakatingin din sa gusali pero iba ang tingin niya. Parang sanay na sanay. Parang bahay lang."So," sabi ni Gavin habang pinapatay ang makina. "Ito ang mundo ko."Tumingin si Wendy sa kanya. "Malaki.""Malaki
Bumalik sa katahimikan ang villa. Wala na si Sarah. Yung ilaw sa sala nakabukas pa pero hindi masakit sa mata, yung sinag diretso sa garden na basa pa sa ulan kanina. Yung mesa sa gitna may dalawang baso ng tubig. Yung isa may bakas pa ng lipstick. Magkatapat pa rin si Wendy at Gavin. Si Wendy nakaupo sa dulo, hawak yung baso. Malamig na yung tubig pero hindi niya binibitawan. Si Gavin nasa kabilang upuan, nakasandal, yung dalawang kamay nasa ibabaw ng mesa, magkadikit ang daliri. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Wendy ang unang bumasag. "Pwede ba kitang tanungin?" mahina niyang tanong Gavin inangat ang tingin sa kanya. "Oo naman. What is it?" "Bakit mo ako tinulungan?" deretsang tanong niya. Gavin kinuha yung baso niya. Inikot sa mesa. Pinanood ang paggalaw ng tubig sa loob. "Hindi kita kilala," sagot niya. "Hindi rin kita nilapitan dahil naawa ako sayo." Tumingin siya kay Wendy, diretso. "Pero kanina sa simbahan, habang lahat sila tumatawa... walang tumayo. Kahit
Umuugong lang ang makina sa loob ng Porsche. Walang radyo. Walang nagsasalita sa tatlo.Si Wendy nasa passenger seat, yakap pa rin ang bouquet na durog na sa gilid. Nakatingin siya kay Gavin na nasa driver's seat. Punit pa rin ang polo, kupas ang pantalon, manipis ang tsinelas.Pero yung mga kamay niya sa manibela, maayos. Yung upo niya, tuwid. Hindi yun kilos ng taong sanay mamalimos sa kalsada. Kanina lang anim na lalaking naka-suit ang yumuko at tinawag siyang Sir.Hindi niya alam kung ano ang unang itatanong.Si Sarah sa likod ang unang hindi nakatiis."Wow! Epic ng exit natin dun men! Nakita niyo mukha nila? Yung Nicolo? Yung Sophia? Parang nakakita ng multo!"Gavin hindi lumingon, mata pa rin sa kalsada."Tell me, prank ba to? Vlogger ka ba?"Gavin natawa. Mahina lang sa una tapos lumakas, tawang masarap pakinggan dahil alam mong totoo.Napakamot siya sa ulo gamit ang isang kamay."Let's talk about it later."Lumingon siya kay Wendy. Mabilis lang tapos balik sa kalsada."For now
Bulungan ang buong simbahan habang naglalakad siya sa gitna ng aisle. Halos lahat ng bisita nakatayo na, ang iba nakasampa pa sa upuan para makita ang mukha ng pulubi. Ang mga cellphone nakataas lahat, pulang ilaw ng recording makikita sa dilim ng simbahan.Ang media na nasa gilid kanina, ngayon nasa gitna na rin at nakatutok ang camera kay Wendy at sa lalaki. Sa gilid ng pinto, dalawang security guard ang gustong lumapit para hilahin ang lalaki palabas. Pero mabilis silang pinigilan ng head coordinator ng simbahan."Sir, mamaya na. Huwag dito sa loob. Nasa gitna ng ceremony pa, makikita sa video," bulong ng coordinator at hinawakan ang braso ng guard. Kaya umatras ang mga guard pero nakabantay pa rin, handa kung sakaling manakit ang lalaki.Nakarating ang pulubi sa gitna. Nasa harap na siya ni Wendy. Amoy pawis at araw ang polo niya, pero tuwid pa rin ang tayo niya kahit punit ang laylayan ng pantalon at manipis na ang tsinelas. Hawak pa rin niya sa kaliwang kamay ang kalahating pan
Bumukas ang malaking pinto ng simbahan sa Clark at huminto ang wedding march.Tumayo ang lahat ng bisita at lumingon sa pinto. Nasa gilid ang mga coordinator at nakatingin din sa entrance."Heto na ang groom..." bulong ng isang coordinator na may hawak na clipboard.Bumukas nang buo ang pinto at pumasok si Nicolo Diaz. Naka-white suit, nakangiti, maayos ang buhok.Pero hindi siya nag-iisa.Mahigpit ang hawak ng isang babae sa braso niya. Matangkad, maputi, nakasuot ng mamahaling red designer dress na hapit sa katawan. Nakataas ang baba habang naglalakad.Si Sophia Vasquez.Nagbulungan ang buong simbahan."Hindi ba si Sophia Vasquez yon? Yung international model?""Bakit siya kasama ni Nicolo?""Asan si Wendy?"Dumiretso si Nicolo sa gitna ng altar kasama si Sophia. Hindi siya dumaan sa red carpet. Hindi siya lumingon sa mga bisita.Mabilis na lumapit ang head coordinator kay Nicolo."Sir Nicolo, magsisimula na po ang ceremony. Nasa bridal room na po si Ms. Wendy," sabi ng head coordin







