"Lolo, I will pray po para sa operasyon ninyo. Please be strong at hintayin ko ang inyong pagbabalik. Love you, lolo!" Nag sign heart ang kaniyang mga daliri habang nakangiti sa matanda."I love you too, apo. Kapag inaapi ka ng apo ko ay sabihin mo lang at bugbugin ko siya ngayon."Napakamot si Jesabell sa kilay at sinilip ang binata na nasa likod pa rin ng matanda. Wala sa kaniya ang atensyon nito at may hawak na isa pang cellphone. Hinampas ni Jonard sa binti ang apo nang mapansin na dito nakatingin ang dalaga. Pinandilatan niya ito ng mga mata nang pukulin siya nang nagtatanong tingin.Tumingin si Tyron sa camera nang makuha ang ibig sabihin ng abuelo. "Kausap ko ang assistant ko at kinakumusta ang kompanya." Paliwanag niya sa dalaga kahit hindi naman ito nagtatanong.Mukhang kinikilig na tumango si Jesabell. Ang akala pa naman niya ay si Emily na ang kausap ng binata."Apo, magpapahinga na ako. Kayo na muna ang bagala mag usap ng Kuya Tyron mo." Paalam ni Jonard sa dalaga.Nakang
Nakahinga nang maluwag si Tyron nang ibalita ng doctor na successful ang operasyon. Halos yakapin niya ito habang nagpapasalamat."Pero hindi pa siya maaring e travel ng ilang buwan.""I understand po, doc. Thank you so much!" Pasalamat niyang muli sa Pilipinong doctor.Sobrang saya ni Jesabell nang ibalita ni Tyron na successful ang operasyon sa lolo nito. Pagkalabas ng klase ay dumiritso na siya ng uwi sa dorm niya. Kailangan niya rin kasing maghanda para sa intern niya bukas. Kanina niya lang nalaman na sa kompanya ni Tyron siya papasok. Mukhang mapadalas na naman ang pagkikita nila ni Emily. Ang alam kasi niya ay supervisor ito sa isang department. Hiling niya lang na sana ay hindi siya mapunta under her supervision. "Hinatayin ko lang na lumakas si Lolo then uuwi na ako."Nakangiting bumalik ang atensyon niya sa kausap mula sa cellphone. "Ok lang ba kay lolo na maiwan mo diyan?""Yes, siya pa nga ang nagtutulak sa akin na umuwi at inaalala ka."Naluluha na niyakap niya ang unan
Minadali na ni Jesabell ang paliligo at baka ma late siya. Hindi na rin siya nag abalang extra careful sa sarili at naisip na pinatay na ni Tyron ang tawag dahil natahimik na ito sa kanilang linya. Basta na lang niya ipinulupot ang puting towel sa katawan. After mag brush teeth ay saka lang siya tumingin sa cellphone niya upang tingnan sana ang oras. Ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang makitang on video call pa rin iyon. Mabilis niyang tiningnan ang sarili. Mabuti na lang at natatakpan ng towel ang dibdib niya. Hindi niya makita ang binata kaya sumilip siya sa cam. Napangisi siya nang maaninag na ang pigura ni Tyron. Nasa sahid pala ito at na push up. Mukhang nagpapawis habang siya ay naliligo. "Kuya!" Pabiro niyang tawag dito.Napatingin si Tyron sa cellphone nang marinig ang magandang tinig ng dalaga. Pero agad ding umiwas ng tingin doon nang makita ang hitsura ng dalaga. Bahagya na niyang mailabas ang init sa katawan kanina pero mukhang babalik dahil sa nakikitang ayos ng da
"Tsk, saan ka ba pupunta ngayon?" Tumingin si Jason sa suot niyang relo."May dinner date ako ngayon sa isang restuarant. How about you? Saan ang lakad mo?" Nagtataka pa rin niyang tanong sa kaibigan."Nag off ako today at walang magawa kaya pinuntahan na kita." Pagsisinungaling ni Jason sa dalaga.""Wrong timing ka naman. Bakit hindi ka muna nagtanong nago nag off kung available ba ako." Paninisi niya sa kaibigan. Walang problema kung gusto siyang makasama sa paggala pero may lakad kasi siya ngayon na importante. "Ako pa ang kay kasalanan? Malay ko na may lakad ka today." Pagsusungit niya sa dalaga.Nagtataka na pinagmasdan ni Jesabell ang kaibigan. Obvious na napilitan lang itong puntahan siya ngayon. "May problema ka ba?""Tsss, isama mo na lang ako kung saan ka pupunta at sayang ang absent ko sa tranaho." Arogateng tugon niya sa kaibigan at nagpatiuna na ng lakad patungo sa sakayan ng bus."Hoy, teka, hindi pa ako pumapayag!" Habol niya kay Jason at ang bilis nitong maglakad."Ba
Nagkibit balikat si Jesabell, "sa tingin mo, mahal na rin niya ako?""Ako ba ang may hawak sa puso niya?" Pamimilusupo ni Jason sa dalaga."Hmmm, hindi ka talaga matinong kausap!" Humalukipkip si Jesabell sa kinaupuan.Napangiti si Jason habang pinagmamasdan ang kaibigan. Masaya siya dahil totoong masaya na ito ngayon. Sana lang ay tuloy tuloy na at hindi na muling masaktan pa ang puso nitong maagang nagmahal at dumanas ng pighati."Jason..." tawag niya sa kaibigan habang nakatingin sa labas ng bintana."Hmmm?"Nilingon niya ang kaibigan at mukhang tinatamad na magsalita. "Paano masabing seryuso sa babae ang isang lalaki?""Kapag may respito sa pagkababae mo at naging protective."Humulma ang magandang ngiti sa labi ni Jesabelle. "So... mahal ako ni Tyron?""Tsk, huwag umasa at masakit kapag nasaktan."Inis na inirapan ni Jesabell ang kaibigan at labo nitong kausap."Pero tingin ko naman ay level up na ang relasyon sa pagitan ninyong dalawa."Lalong napasimangot si Jesabell at sa hali
Pinigilan ni Jason ang matawa nang husto pagkabasa sa message ni Tyler. Napilitan lang talaga siya sundin ito at galit siya sa mga ginawang pambabaliwala sa damdamin ni Jesabell noon. Kung hindi lang para sa future niya ay sa sincerity nitong pinapakita ay never niyang tanggapin ang alok at kapalit ay ang bantayan si Jesabell."Hindi niya mapaghindian ang bata at mahalata ako kapag ginawardyahan ko siya nang husto." Pangatwiran ni Jason sa message kay Tyton."Napabuga ng hangin sa bibig si Tyron saka nag isip ng ibang paraan. Alam niyang mahal siya ni Jesabell pero—inis na dinampot niyang muli ang cellphone. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na si Jason ang kinuntak niya.Hindi naituloy ni Jesabell ang pagsubo ng tumunog ang cellphone na nakapatong sa lamesa. Napatingin sa kaniya ang mga kasalo kaya nahihiyang pinatay iyon na hindi tinitingnan kung sino ang caller."Sagutin mo na hija at mukhang importante. "Nakangiting turo ni Minche sa cellphone ng dalaga nang tumunog muli iyan.Nah
Napakamot sa ulo si Jason, ang seryuso kasi ng mga ito. Nang wala na sa kaniya ang atensyon ng mga ito ay nakangising nag send message siya kay Tyron. Kapag napakinggan nito ang pinadala niyang voice message ay tiyak na aatakehin ito ng galit. Para na rin siyang nakaganti sa galit niya dito noong pinag iinitan siya at nakikitang umiiyak ang kaibigan dahil dito. Hindi na nabura ang ngiti sa labi niya hanggang sa maghiwalay landas nila sa pamilya ni Timothy. "Ano ang problema?" tanong ni Jonard sa apo nang mapansin na ang dilim ng anyo nito."Lolo, kailangan ko na pong bumalik sa kompanya." Hindi niya magawang salubungin ang nang aarok na tingin ng abuelo.Napabuntong hininga si Jonard habang mataman na pinagmamasdan ang apo na alam niyang nagsisinungaling. "Nakaligtas ako sa operasyon kaya hindi na kita pipigilan sa gusto mong gawin sa kaniya. Pero hayaan mo siya sa nais niyang gawin at huwag pilitin sa isang bagay na ayaw niya.""Salamat po, lolo. Pero hindi ko po alam kung paano ma
Pagkapasok ni Jesabell sa room ay wala pa si Patty. Maaga pa kasi at hindi pa rin naman siya inaantok. Tiningnan niya ang cellphone ngunit walang message mula kay Tyron. Naiinis na naman siya. Kaninang may kasama siya ay nangungulit ito. Ngayong alam nitong mag isa na lang siya ay hindi siya kinukuntak. Ayaw naman niyanh siya ang unang gumawa ng moves. Mahigpit na bilin ni Jason ay dapat na pakipot na siya. Na hayaang si Tyron ang unang mag moves sa kanilang dalawa.Biglang pumasok sa isipan niya si Timothy. Ang bait nito at hindi magkalayo ang edad nito kay Tyron. Dagdag appeal sa pagkalalaki nito ang pagkaroon ng anak. Obvious na responsable itong ama kay Trix at single dad pa. Isa ito sa halimbawa ng isang hot single dad na gustong mabingwit ng karamihang babae lalo na at mapera rin. Naputol ang pag iisip niya sa pamilya ni Timothy nang biglang mag message si Tyron. Nagmamadali niyang binuksan iyon upang mabasa."I'm a little bit busy. Sleep early and good luck to your intern tomor
"No..." humigpit ang yakap niya sa asawa. "Please, give me time. Puwedeng kahit isang buwan lang ay iparamdam mo sa kaniya na ina ka niya?" Siya naman ngayon ang nakiusap sa asawa.Napaisip si Lucy at tumigil na sa pag iyak. "Isang buwan lang?" Naniniguro niyang tanong dito.Nakangiting tumango si Celso, "yes. Don't worry, kausapin ko si Felix mamaya paggising niya at ipaunawa ang sitwasyon."Nakangiting gumanti na ng yakap si Lucy sa asawa. Masaya siya dahil siya pa rin mas matimbang sa puso ng asawa kaysa anak nito sa ibang babae.Napangiti si Felix saka nagmulat ng mga mata nang lumabas na ng silid ang mga magulang. Siya pa rin ang magwawagi sa muli nilang pagkikita ni Jason.Napamulat si Jason nang maramdamang may taong nagmamasid sa kaniya. Nang makita si Felix at mataman niya itong pinagmasdan. "Hindi mobna ako kailangang bantayan habang natutulog."Tumalim ang tingin ni Felix sa lalaki at hindi natuwa sa sinabi nito at ang mapang asar na ngiting nakapaskil sa labi nito. "First
Ipinikit ni Jason ang mga mata nang lumapit sa kaniya ang doctor. Hinayaan niyang suriin nito ang mga mata niya,pulso at heartbeat."Maayos naman ang kalagayan niya po maliban sa pananakit ng ulo. Normal lang po iyan sa sakit niya ngayon kaya huwag siyang pilitin na makaalala. Bigyan ko po siya ng gamot na makatulog kapag sumakit ang ulo niya." Kausap ng doctor sa ama ni Jason."Maraming salamat po, doc." Kinamayan ni Celso ang manggagamot."Doc, may iniindang sakit din po si Senyorito Felix."Napamulat ng mga mata si Jason nang marinig ang sinabi ng katulong. Pinakatitigan niya ang ginang at nahuli niya kung paano siya nito titigan. Mas bata sa mga magulang niya ang katulong. "Ah yes please, pakitingnan ang bunso kong anak." Pakiusap ni Celso sa doctor.Nauna nang lumabas ang katulong at sumunod ang doctor."Matagal na ba ang katulong na iyon dito?" tanong ni Jason sa ama.Sandaling natigilan si Celso at nagtatakang napatingin sa anak. "May problema ba sa kaniya, son?""Wala naman
Umupo si Celso sa tabi ng anak at ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "She's your real mother."Nakahinga nang maluwag si Jason at nagkamali naman pala siya ng iniisip kanina."Almost ten years kaming kasal bago ka dumating sa buhay namin. Ang sabi ng doctor ay maliit ang chance na makabuo kami ng anak dahil laging nakukunan ang mommy mo noon. Naisip kong mag ampon na lang sana noon ngunit ayaw ng mommy mo. Kaya naisip ko na lang naag hired ng surrogate mother."Halos hindi na magawang kumurap ni Jason habang nakikinig sa kuwento ng ama. Mukhang mas madrama ang buhay ng parents kaysa kaniya."Hindi na kami lumayo noon at willing ang katulong namin na siya ang maging surrogate mother dahil mas bata siya kaysa amin at healthy naman. Naging matagumpay ang isinagawa at nabuo ka."Hulaan ko, naging selosa si Mommy?" tanong niya sa ama.Tumango si Celso, "nagkasakit ang mommy mo at hindi ko alam kung bakit nagkaganoon siya nang mag isang taon ka na. Pinagdudahan niya ako na sumisipi
"Hijo, ito ang ilan sa laruan mo noon. Sinadya kong ibalik dito ang mga gamit mo noong maliit ka pa at baka sakaling makatulong sa iyo upang makaalala."Naikuyom ni Felix ang mga kamay nang marinig ang sinabi ng ama habang nakatingin sa gamit na tinutukoy nito.Nilibot ni Jason ang tingin sa paligid ng silid. Pilit inaalala ang silid ngunit wala siyang maalala."Dad, that's mine."Kunot ang noo na nilingon ni Celso ang bunsong anak. "What the hell are you talking about?"Napatda si Felix sa kinatayuan nang marinig ang galit na boses ng ama. Ilang sandali pa ay napayuko siya ng ulo. Nakalimutan niyang inagaw nga lang pala niya iyon noon kay Jason at hindi alam ng ama na inangkin niya. "Sorry, dad, masama po ang pakiramdam ko kung kaya kung ano na lang ang nasabi ko.""Sa iyo ba ito?" Dinampot ni Jason ang isang robot na laruan at ipinakita kay Felix. Katuwa lang at hindi pa sila pormal na naipakilala sa isa't isa pero puro hindi maganda na ang nakikita nito sa kaniya. Kulang na lang ay
"Lucy, ano pa ang hinihintay mo? Tawagin mo ang doctor natin ngayon din!" Singhal ni Celso sa asawa nang dumaing muli si Jason sa sakit at sinasabunutan na ang sarili.Tarantang hinanap ni Lucy ang cellphone at inisan si Felix. Takot siya na magalit sa kaniya ang asawa at sa tagal ng nagdaang panahon ay ngayon lang ulit siya nito napagtaasan ng boses."Son, hold on. Dalhin na kita sa hospital!"Mabilis niyang hinawakan sa braso ang ama upang pigilan sa pagtayo. Totoong masakit ang ulo niya pero may ilang eksina ang nakikita niya sa balintatawa at halos kahawig ng ganitong senaryo. Ayaw niyang maputol iyon kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata."Daddy, I'm hurt!" Umiiyak na ani ng batang lalaki habang hawak ang tiyan."Daddy, ahhhh I can't hold anymore!" Sigaw ng isa pang bata at namilipit ito sa sakit umano habang hawak din ang tiyan. Mariing naikuyom ni Jason ang kaliwang kamay nang makita sa alaala kung gaano siya kamiserable sa alaalang iyon. Napahawak siya sa kaniyang tiyan na
Tinapik tapik niya ang likod ng ginoo at hinayaang lang itong magsalita. Ramdam niya ang pagmamahal nito bilang ama niya pero hindi pa niya alam paano palibagayan ang bagong damdamin. Saka lang lumuwag ang yakap nito sa kaniya nang may umubo mula sa hagdan. Pagtingin niya ay may lalaking nakatayo sa gitnamg hagdanan at mukhang nanghihinang humahakbang paibaba."Felix, be careful! Bakit ka lumabas ng silid mo?" Patakbong nilapitan ni Lucy ang isang anak upang alalayan ito.Amuse na pinagmasdan ni Jason ang lalaki. Ito pala ang kapatid niya at hindi niya alam kung anong klase ang sakit nito para mag alala nang husto ang parents nila. Ewan ba niya pero sa halip na matuwa o maawa na makita ito ay wala siyang nararamdaman. Pilit niyang kinakapa sa isipan ang nakaraan upang maalala ito ngunit sumasakit lamang ang ulo niya. Bigla din siyang binitiwan ng ama at nagmamadaling nilapitan ang lalaki na para bang takot na masaktan ang huli. Hindi manlang nito napansin na sumama bigla ang kaniyang
Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Celso at napatayo. "What?""Dad, sino po iyan?" tanong ni Felix at hinawakan ito sa kamay."Ang kapatid mo, nasa labas!" Halos takbuhin na ni Celso ang palabas sa silid ng bunsong anak.Inis na naitapon ni Felix ang unan sa sahig. Ang ina ay nasa labas at mukhang iyon ang dahilan kaya hindi pa ito bumabalik."Honey, where are you going?" tanong ni Lucy sa asawa nang makasalubong ito sa hallway."Hindi mo ba alam na nasa labas ang panganay nating anak? Nasaan si Roger?" Pagalit na tanong ni Celso habang patuloy sa paglalakad."What? Hindi ko alam, honey. Ako na ang lalabas at bumalik ka na sa silid ni Felix." Habol ni Lucy sa anak. Parang walang narinig si Celso at patuloy sa paglalakad diritso sa gate.Nang bumukas muli ang ang maliit na pinto sa gate ay saka lang umalis sa kagkasandal sa motor si Jason. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa ginang at ginoo na mukhang naghahabulan o nakipag unahan na makalapit sa kaniya."Anak ko!" Umiiyak na niyakap
"Are you sure na hindi mo kami ipakilala sa tunay mong pamilya?" tanong ni Tyron sa kaibigang si Jason."Hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ako napawalay sa kanila noon. At ayun sa pag imbistiga ko ay matapobre ang pamilya ng aking ama. Ayaw kong magustohan nila ako o tanggapin dahil sa status ng buhay ko ngayon."Nakakaunawang tumango si Tyron at hinawakan sa kanang braso ang kaibigan. "Kahit ano ang mangyari ay narito lang kami."Ngumiti si Jason at hinawakan ng mahigpit sa braso si Tyron. Suwerte ng kaibigan niya at ito ang naging asawa. Maging siya ay ginawang kapamilya. Kaya lang naman niya nahanap ang tunay na pamilya dahil may nagsagawa ng DNA test, kabilang ang lahat ng nanggaling sa bahay ampunan. At ang mga nawalan ng anak ay nakipag cooperate sa naturang organisation. "Jason, alalahanin mong may bagong tayo kanh negosyo at kailangan ka doon." Paalala ni Jesabell sa kaibigan dahil ang asawa niya ang mahirapan kapag wala ito.Muling tumango si Jason at nagpasalamat sa m
"Don’t worry, hindi na nila magugulo pa ang buhay natin. Siguraduhin kong mabubulok siya sa bilanggoan kasama si Paul."I trust you!" Tanging namutawi sa bibig niya at nagpaakay na sa binata pabalik sa silid.Naging maayos ang lahat at lumipas ang ilang araw ay nakalabas na rin ng hospital ang anak niya. Sa bahay nila Timothy na sila tumira pero bumili ito ng bago at mas malaking bahay. Ayaw umano siyang itira sa dating bahay kung saan nanirahan noon si Jona. Nasentensyahan ng twenty years na pagkabilanggo si Jona at maari pang madagdagan sa ibang kaso na ipapatong ni Timothy. Si Paul ay thirty years naman ang itatagal sa bilanggoan. Ang ama ay pinagamot niya pero sa isang nurse ipinaalaga. Napatawad na ni Janina ang ama pero hindi na kaya itong makasama pa. Ang tiyahin ay lumayas at naghanap ng ibang lalaking may pakinabang dito. Ang kasal nila ay naging mabilis ang preperasyon dahil sa tulong ng kapatid ni Timothy at iba pa niyang kaibigan."Congratulations!" Masayang bati ni Jesab