Pagkapasok ni Jesabell sa room ay wala pa si Patty. Maaga pa kasi at hindi pa rin naman siya inaantok. Tiningnan niya ang cellphone ngunit walang message mula kay Tyron. Naiinis na naman siya. Kaninang may kasama siya ay nangungulit ito. Ngayong alam nitong mag isa na lang siya ay hindi siya kinukuntak. Ayaw naman niyanh siya ang unang gumawa ng moves. Mahigpit na bilin ni Jason ay dapat na pakipot na siya. Na hayaang si Tyron ang unang mag moves sa kanilang dalawa.Biglang pumasok sa isipan niya si Timothy. Ang bait nito at hindi magkalayo ang edad nito kay Tyron. Dagdag appeal sa pagkalalaki nito ang pagkaroon ng anak. Obvious na responsable itong ama kay Trix at single dad pa. Isa ito sa halimbawa ng isang hot single dad na gustong mabingwit ng karamihang babae lalo na at mapera rin. Naputol ang pag iisip niya sa pamilya ni Timothy nang biglang mag message si Tyron. Nagmamadali niyang binuksan iyon upang mabasa."I'm a little bit busy. Sleep early and good luck to your intern tomor
"May problema po ba kayo sa akin?" Curious niyang tanong sa babae at kanina pa siya pinag iinitan.Natigilan ang babae at napatingin sa kanila ang mga nakakarinig."Grabe, ang bago pa lang niya at intern lang pero ang lakas ng loob nang kuwestyunin si Ms. Katibag."Dinig ni Jesabell na bulong ng isang babaeng nasa kaharap ng table niya. Pagtingin niya kay Lory at halatang pinagtatawanan siya."How dare you! Hindi mo ako kilala para sagot sagutin ako?" Galit na angil ni Katibag."Excuse po at pasensya na pero nagtatanong lang po ako. Mawalang galang na rin po, bago lang ako at hindi pa alam ang gagawin. I need proper guide sa kung ano ang dapat kong gawin, like sa ginagawa sa mga kasama ko. Hindi niyo rin po kailangang sigawan ako para mapasunod sa utos ninyo dahil hindi po ako bingi." Mahabang litanya ni Jesabell. Napangisi si Emily habang palihim na pinapanood si Jesabell na kausap ang kaniyang tao. Natuwa siya sa nakikita at pag sagot sagot nito kay Katibag na alam niyang sobrang s
"Si Tyron o ikaw?" natatawa niyang bulong rin sa babae. "Kung ayaw mong bumaba ang tingin nila sa iyo ay huwag mo akong subukan dito. Ilayo mo sa akin iyang baboy mong tao at baka maigisa kita sa mantika niya." Sinadya niyang iparinig kay Katibag ang huli niyang sinabi.Parang napapasong lumayo si Emily kay Jesabell at nilapitan ang kaibigang namula na ang pisngi dahil sa galit. Hinawakan niya ito sa kamay at bumulong. "Calm down, huwag kang mag alala at makakaganti ka sa kaniya sa ibang paraan."Ngumitin si Jesabell sa babaeng kausap ni Emily at halatang pilit na pinapakalma ang sarili. Hinintay niya kung ano pa ang action na gagawin ni Emily upang hindi ito mapahiya sa kaniya.Tumikhim si Emily at humarap sa mga empleyadong tumigil na sa mga ginagawa. "Wala ba kayong mga trabaho?" Bulyaw niya sa mga ito at dito ibinunton ang galit na nadarama para kay Jesabell. "Ayusin ninyo ang mga trabaho ninyo ay dapat matapos hanggang bukas ang inyong bagong proposal!"Mabilis na humarap sa kani
"Miss, may boyfriend ka na? Kung wala pa ay puwedeng manligaw?" tanong ng isa sa lalaking may edad na kay Jesabell. Nanlaki ang mga mata ni Jesabell at umiling. Natakot siya bigla sa lalaki at mukhang katulad sa taong nanakit sa kaniya nang gabing iyon."Oh great, she said no, Cavin. At dahil wala siyang boyfriend ay puwede mo na siyang ligawan!" Udyok ng isa pang lalaki sa nauna."No... it's not what you think!" Natatarantang bawi ni Jesabell habang umiiling at kumukumpas ang isang kamay bilang senyas na wala."Wow, Jesabell, iba talaga ang beauty mo. Kahit saan mapunta ay maraming boys ang nagkakagusto." Puri ni Lory at hinawakan sa braso ang kaibigan."Tiyak na playgirl niya at sinasamantala ang mga lalaking nahuhumaling sa kaniya gamit ang kaniyang ganda!" nakaismid na kumento ng isa sa empleyadong mukhang bitter sa ganda ni Jesabell. Napangisi si Lory sa narinig. Mukhang mas marami ang hindi magkakagusto dito ngayon na gustong gusto niyang mangyari. Naiinis siya dito dahil nga
"Cute! Wala sa sariling naibulong ni Timothy.Manghang sumilip ang assistant ni Timothy sa loob ng department. Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy doon ng boss niya. Pero natuwa siya dahil nagkaroon ng interest sa babae ito na ngayon lang nangyari. Napalingon si Jesabell sa pinto nang maramdamang may nakatingin sa kaniya. Pero likod na lang ng dalawang lalaki ang nakikita niya.Inis na iniwan ni Lory ang kaibigan. Ang karamihan ay nakaalis na rin upang kumain. Hindi na siya nag abalang yayain itong kumain.Mula sa isang sulok ay ang talim ng tinging ipinukol ni Emily kay Jesabell. Kung nakakalason lang ang tingin ay tiyak na bumunula na ang bibig ni Jesabell."Siya ba ang dahilan kaya nakulong si Dory at suspended sa trabahon ng isang buwan?" tanong ni Katibag kay Emily.Nangangalit ang mga ngipin na tumamgo si Emily. "I hate her!" May gigil niyang turan habang masama pa rin ang tingin kay Jesabell na hindi aware na nakatingin siya dito."Huwag kang mag alala at ako ang nahala s
"Lilipat na po sa ibang bakanteng lamesa at nang hindi mo na iniisturbo ang pagkain ko. Nakakahiya naman kasi sa inyo at ako ay isang intern lamang, walang karapatang ipaglaban ang karapatan." May diin ang bawat kagatagmh binitiwan niya at sinigurong marinig ng lahat.Lahat ay natigilan at napasunod ang tingin kay Jesabell. Naawa dito ang karamihan at upang inaapi dahil intern lamang.Lalong namula ang pisngi ni Katibag at napahiya sa mga sinabi ni Jesabell. Alam niyang takot sa kaniya ang mga naroon at ginagalang siya. At ngayon masisira lang dahil sa babaeng iyon?Mabilis na nilapitan ni Emily ang kaibigan at pinigilan ito na magsalita pa. "Jesabell, maluwag pa dito sa table namin." Alok ng isang grupo sa kabilang table at naaawa sa dalaga.Hindi na nagpakipot si Jesabell at pinanindigan ang pagiging mukhang kawawa upang lalong magmukhang masama si Katibag. "Thank you!" Nahihiya siyang ngumiti sa mga naroon."Jesabell, will you stop acting so pitiful? Ikaw ang unang nang insulto k
Katulad sa inaasahan. Hindi nga naging madali kay Jesabell ang araw sa trabaho. Hindi maganda ang pakitungo sa kaniya ng karamihan at mukhang takot na maging kaibigan siya. Parang naging tamad na ring tumayo ang mga ito at maging tubig ay sa kaniya iutos. As intern, iyon ang trabaho nila. Ang maging utusan o umalalay sa mga empleyado upang mapadali ang trabaho ng mga ito. Pero kailangan din nilang matutunan ang mga minor step na trabaho ng mga ito. Pagkauwi galing sa trabaho ay bagsak ang katawan niya sa higaan. Masasakita ang binti niya at pagod din. Pagkabihis ay tulog na siya at saka niya lang nakita ang missed call na galing kay Tyron. Sa ikatlong araw niya sa trabaho ay mukhang lumala at lalong dumami ang kailangan niyang e print. Gusto pang matapos sa araw na iyon kaya mukha kailangan niyang mag over time.Napabuga siya ng hangin matapos mai-print ang unang tambak ng papel. Hindi na siya nakaka upo at doon na lang naka bantay sa harap ng printing machine. Ang nakakatawa pa at p
"Great! Puwede ko ba malaman kung para saan itong papers?" Mahinahon na tanong ni Timothy sa babae at itinaas ang hawak na isang papel.Muling kinabahan si Katibag at hindi masalubong ang tingin ng binatan hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Lalong hindi nito maaring malaman na basura lamang ang pinagagawa niya kay Jesabell. "Bakit ba ang dami mong tanong? Oras ng trabaho ay narito la at nang iisturbo ng trabaho ng iba. Kung ayaw mong matanggal sa trabaho ay umalis ka na at huwag bumalik!"Napatiim bagang si Timothy kasabay ng pagkuyom ng mga kamay.Nanlaki ang mga mata ni Jesabell at siya ang kinakabahan para sa matabang babae. Umiling siya dito upang patahimikn dahil kahit papaano ay concern siya dito. Ayaw niyang matanggal ito sa trabaho dahil sa kaniya. Bad record iyon sa kaniyang pangalan at lalo siyang layuan ng lahat."Ano, gusto mo siyang ipagtanggol?" Angil ni Katibag sa dalaga.Natampal ni Jesabell ang noo at nag iwas ng tingin na lang sa babae. "Mas kailangan mo na
"Hijo, ito ang ilan sa laruan mo noon. Sinadya kong ibalik dito ang mga gamit mo noong maliit ka pa at baka sakaling makatulong sa iyo upang makaalala."Naikuyom ni Felix ang mga kamay nang marinig ang sinabi ng ama habang nakatingin sa gamit na tinutukoy nito.Nilibot ni Jason ang tingin sa paligid ng silid. Pilit inaalala ang silid ngunit wala siyang maalala."Dad, that's mine."Kunot ang noo na nilingon ni Celso ang bunsong anak. "What the hell are you talking about?"Napatda si Felix sa kinatayuan nang marinig ang galit na boses ng ama. Ilang sandali pa ay napayuko siya ng ulo. Nakalimutan niyang inagaw nga lang pala niya iyon noon kay Jason at hindi alam ng ama na inangkin niya. "Sorry, dad, masama po ang pakiramdam ko kung kaya kung ano na lang ang nasabi ko.""Sa iyo ba ito?" Dinampot ni Jason ang isang robot na laruan at ipinakita kay Felix. Katuwa lang at hindi pa sila pormal na naipakilala sa isa't isa pero puro hindi maganda na ang nakikita nito sa kaniya. Kulang na lang ay
"Lucy, ano pa ang hinihintay mo? Tawagin mo ang doctor natin ngayon din!" Singhal ni Celso sa asawa nang dumaing muli si Jason sa sakit at sinasabunutan na ang sarili.Tarantang hinanap ni Lucy ang cellphone at inisan si Felix. Takot siya na magalit sa kaniya ang asawa at sa tagal ng nagdaang panahon ay ngayon lang ulit siya nito napagtaasan ng boses."Son, hold on. Dalhin na kita sa hospital!"Mabilis niyang hinawakan sa braso ang ama upang pigilan sa pagtayo. Totoong masakit ang ulo niya pero may ilang eksina ang nakikita niya sa balintatawa at halos kahawig ng ganitong senaryo. Ayaw niyang maputol iyon kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata."Daddy, I'm hurt!" Umiiyak na ani ng batang lalaki habang hawak ang tiyan."Daddy, ahhhh I can't hold anymore!" Sigaw ng isa pang bata at namilipit ito sa sakit umano habang hawak din ang tiyan. Mariing naikuyom ni Jason ang kaliwang kamay nang makita sa alaala kung gaano siya kamiserable sa alaalang iyon. Napahawak siya sa kaniyang tiyan na
Tinapik tapik niya ang likod ng ginoo at hinayaang lang itong magsalita. Ramdam niya ang pagmamahal nito bilang ama niya pero hindi pa niya alam paano palibagayan ang bagong damdamin. Saka lang lumuwag ang yakap nito sa kaniya nang may umubo mula sa hagdan. Pagtingin niya ay may lalaking nakatayo sa gitnamg hagdanan at mukhang nanghihinang humahakbang paibaba."Felix, be careful! Bakit ka lumabas ng silid mo?" Patakbong nilapitan ni Lucy ang isang anak upang alalayan ito.Amuse na pinagmasdan ni Jason ang lalaki. Ito pala ang kapatid niya at hindi niya alam kung anong klase ang sakit nito para mag alala nang husto ang parents nila. Ewan ba niya pero sa halip na matuwa o maawa na makita ito ay wala siyang nararamdaman. Pilit niyang kinakapa sa isipan ang nakaraan upang maalala ito ngunit sumasakit lamang ang ulo niya. Bigla din siyang binitiwan ng ama at nagmamadaling nilapitan ang lalaki na para bang takot na masaktan ang huli. Hindi manlang nito napansin na sumama bigla ang kaniyang
Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Celso at napatayo. "What?""Dad, sino po iyan?" tanong ni Felix at hinawakan ito sa kamay."Ang kapatid mo, nasa labas!" Halos takbuhin na ni Celso ang palabas sa silid ng bunsong anak.Inis na naitapon ni Felix ang unan sa sahig. Ang ina ay nasa labas at mukhang iyon ang dahilan kaya hindi pa ito bumabalik."Honey, where are you going?" tanong ni Lucy sa asawa nang makasalubong ito sa hallway."Hindi mo ba alam na nasa labas ang panganay nating anak? Nasaan si Roger?" Pagalit na tanong ni Celso habang patuloy sa paglalakad."What? Hindi ko alam, honey. Ako na ang lalabas at bumalik ka na sa silid ni Felix." Habol ni Lucy sa anak. Parang walang narinig si Celso at patuloy sa paglalakad diritso sa gate.Nang bumukas muli ang ang maliit na pinto sa gate ay saka lang umalis sa kagkasandal sa motor si Jason. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa ginang at ginoo na mukhang naghahabulan o nakipag unahan na makalapit sa kaniya."Anak ko!" Umiiyak na niyakap
"Are you sure na hindi mo kami ipakilala sa tunay mong pamilya?" tanong ni Tyron sa kaibigang si Jason."Hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ako napawalay sa kanila noon. At ayun sa pag imbistiga ko ay matapobre ang pamilya ng aking ama. Ayaw kong magustohan nila ako o tanggapin dahil sa status ng buhay ko ngayon."Nakakaunawang tumango si Tyron at hinawakan sa kanang braso ang kaibigan. "Kahit ano ang mangyari ay narito lang kami."Ngumiti si Jason at hinawakan ng mahigpit sa braso si Tyron. Suwerte ng kaibigan niya at ito ang naging asawa. Maging siya ay ginawang kapamilya. Kaya lang naman niya nahanap ang tunay na pamilya dahil may nagsagawa ng DNA test, kabilang ang lahat ng nanggaling sa bahay ampunan. At ang mga nawalan ng anak ay nakipag cooperate sa naturang organisation. "Jason, alalahanin mong may bagong tayo kanh negosyo at kailangan ka doon." Paalala ni Jesabell sa kaibigan dahil ang asawa niya ang mahirapan kapag wala ito.Muling tumango si Jason at nagpasalamat sa m
"Don’t worry, hindi na nila magugulo pa ang buhay natin. Siguraduhin kong mabubulok siya sa bilanggoan kasama si Paul."I trust you!" Tanging namutawi sa bibig niya at nagpaakay na sa binata pabalik sa silid.Naging maayos ang lahat at lumipas ang ilang araw ay nakalabas na rin ng hospital ang anak niya. Sa bahay nila Timothy na sila tumira pero bumili ito ng bago at mas malaking bahay. Ayaw umano siyang itira sa dating bahay kung saan nanirahan noon si Jona. Nasentensyahan ng twenty years na pagkabilanggo si Jona at maari pang madagdagan sa ibang kaso na ipapatong ni Timothy. Si Paul ay thirty years naman ang itatagal sa bilanggoan. Ang ama ay pinagamot niya pero sa isang nurse ipinaalaga. Napatawad na ni Janina ang ama pero hindi na kaya itong makasama pa. Ang tiyahin ay lumayas at naghanap ng ibang lalaking may pakinabang dito. Ang kasal nila ay naging mabilis ang preperasyon dahil sa tulong ng kapatid ni Timothy at iba pa niyang kaibigan."Congratulations!" Masayang bati ni Jesab
"Prepare ko na ang kasal ninyong dalawa at ang pagpalit ng birth certificate ng mga bata upang kayong dalawa ang legal parents na." Nakangiting lumapit si Minche kanina Janina at hinawakan ito saga kamay."Maraming salamat po, ate!' Niyakap ni Janina ang babae. Hindi na siya nagpakipot pa sa nais mangyari ng pamilya ni Timothy. Nagpasalamat siya dahil kasama na niya ang dalawang anak na napawalay sa kaniya noon. Nalungkot siya para sa batang akala niya ay kaniyang anak. Ilang sandali panay binulabog sila ng ingay mula sa labas ng silid."Janina, lumabas ka riyan at harapin ako!" Sigaw ni Josie at tinutulak ang bantay dahil ayaw siyang papasukin."Dito ka lang at ako na ang haharap sa kaniya," ani Timothy. "No, ako ang hinahanap niya. Tiyak na hindi siya titigil sa panggugulo hangga't hindi ko hinaharap." Pigil ni Janina sa binata at tumayo na.Napabuntong hininga si Timothy at binilin sa kapatid na bantayan muna ang mga anak saka sinundan si Janina."Ano ang kailangan mo?" Pagalit na
Halos manlaki pati ang ulo ni Paul nang makita ang lalaking naka posas at dala ng pulis palapit sa kaniya. Napailing siya at hindi magawang ikurap ang mga mata habang nakatitig sa pinsan niyang doctor. Nanlulumong bumagsak ang mga balikat ni Jona nang makita ang pinsna ni Paul. Kahit alam niyang hawak na ito ni Timothy ay nagulat pa rin siya nang makita ito. Wala na talagang pag asawa na malusutan nila ang kasong isasampa sa kanila ni Timothy. "Fuck, bakit nagpahuli ka?" Singhal ni Paul sa pinsan nang makabawi.Sinamaan lang ng doctor ang pinsan at hindi nagsalita. Ayaw na niyang madagdagan ang maging kaso. Nangako si Timothy na kapag tumayo siyang testigo ay bababa ang sentensya niya at makalabas agad sa kulungan."Ipasok na po sa kulungan ang dalawang iyan at huwag hayaang makalabas." Kausap ni Timothy sa pulis."Hayop ka, kapag hindi mo ako pinalabas dito ay hindi mo na makikita ang isa mo pang anak!" Panakot ni Paul sa lalaki at iyon ang naisip na huling alas."Naibalik ko na sa
Kahit may baril na nakatutok sa kaniya ay maliksi pa ring kumilos si Paul. Dumaklot siya ng lupa at isinaboy iyon sa babae sabay bangon. Bago pa ito makabawi sa oagkabigla ay sinipa niya ito ngunit nailigan pa rin. Nangalit ang bagang niya nang ngumiti ang babae. Hindi siya maaring tumagal doon. Kahit gusto niyang basagin ang mukha ng babae ay pinili niyang umalis. Ngumit pagkatalikod niya ay may lalaking nakahatang na sa daraanan niya. At hindi lang basta nakaharang dahil may baril ding hawak at nakatutok na sa kaniya."Police ito at napapalibutan ka na namin!" Pakiramdam ni Paul ay may bombang sumabog sa ulo niya. Napatulala na lang siya nang pagtulungan siyang lagyan ng posas sa dalawang kamay. Napahagulhol ng iyak si Jona nang maalis na ang busal sa kaniyang bibig. Ibinaba na rin siya sa sasakyan. Tulad ni Paul ay naka posas din ang mga kamay niya.Lalong nanlaki ang ulo ni Paul at nanlaki ang mga mata nang makita si Jona. "Damn, kahit kailan ay dinadamay mo ako sa pagiging tang