Galit na galit si Emily nang dumating sa bahay at wala si Tyron. Hindi talaga siya binalikan kanina sa hospital kaya mag isa siyang umuwi. Ang balak na panunuyo sa binata ay hindi magawa at wala si Tyron.Umalis na si Nida sa harapan ng dalaga at baka sa kaniya na naman ibunton ang galit nito. Habang tumatagal ay mukhang nag iba na ang ihip ng hangin kaya nag aalala siya para sa sarili. Kapag bumalik si Jesabell at maging reyna sa mansion ay tiyak na wala na siyang lugar dito. Nakailang buga ng hangin si Emily habang nanlilisik ang mga mata dahil sa galit. Hindi niya matanggap na wala na siyang halaga sa puso ni Tyron ngayon at si Jesabell na lang ang inaalala. Pagkaiwan sa kaniya kanina sa hospital ay hindi na siya binalikan. Ni hindi rin siya kinakamusta ngayon kung nakauwi na ba o nasa hospital pa rin. Malalim na ang gabi kaya siguradong hindi na ito uuwi pa."Relax, hindi ka maaring pumangit dahil sa galit at selos!" Kausap ni Emily sa sarili habang nakaharap sa malaking salamin.
"Jesabell, what kind of attitude is that? Wala ka sa bahay para umasta ng ganiyan dito. Hindi mo na ba talaga igagalang ang kuya mo?" Mukhang nasasaktan na sermon ni Emily sa babae.Sinamaan ni Jesabell ng tingin si Emily. Hindi siya maaring mawala sa poise niya sa harapan nito at ng iba pa na humuhusga sa character ng pagkatao niya. Bigla siyang ngumiti at nagbago ang isip. "Oh sorry, ang templang kape ko nga lang pala ang gustong inumin ni Mr. CEO." Nanlaki ang mga mata ni Emily nang mabasa ang nasa isipan ni Jesabell. Mabilis siyang humarang sa daraanan nito nang tumayo. "Saan ka pupunta? Oras ng trabaho at hindi ka allowed gawin ang ano mang gusto mo."."Are you sure? Mas pakikinggan ba kita kaysa sa utos ng CEO?" Nang aasar niyang tanong kay Emily."You—""Ms. Emily, please huwag niyo nang e delay ang pag alis niya. Utos ng CEO ang lahat ng ito." Mahinahon na pakiusap nu Julia sa dalaga.Taas noo at binangga ni Jesabell balikat ang dibdib ni Emily upang makadaan. Nilingon pa ni
"What the hell are you doing?" Bulyaw ni Tyron kay Emily.Bumuka ang bibig ni Emily ngunit nanginig ang ibabang labi dahil sa kabang nadarama at galit. "She.... she kissed you!" Naiiyaj niyang turo kay Jesabell. "I kissed her and it's none of your business to interfere!"Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Jesabell at hindi makapaniwala sa narinig na sinabi ni Tyron kay Emily. Siguradong durog at duguan ang puso ni Emily sa masakit na salitang binitiwan ni Tyron. Ang sakit niyong nakita na ngang may kahalikang iba ang lalaking mahal ay pagsabihan pa na parang basura sa buhay ng binata."So-sorry, I'm just worried na baka may ibang makakita sa inyo. Alam mong ang alam ng lahat dito ay ako ang fiancee mo." Naiiyak pa rin na paliwanag ni Emily sa binata. Nangunot ang noo ni Tyron at wala siyang matandaang nag announce siya tungkol sa relasyon nila ni Emily sa kompanya."Tyron, ang alam ng lahat dito ay kapatid mo si Jesabell kaya hindi tama na makitang—""Hindi ko kailangan ang opini
"Please, huwag ka nang magalit sa akin. May nangyari lang talagang hindi maganda kahapon kaya—""Hindi mo kailangan mo magpaliwanag at wala tayong relasyon." Putol niya sa pagsasalita at malakas na tinulak ito upang makalayo.Napabuga ng hangin sa bibig si Tyron at ayaw makinig sa kaniya ng dalaga. Nang tatalikod na naman ito ay binuhat na niya ito at pinaupo sa itaas ng lamesa."What the hell, Tyron? Ano ba ang problema mo?" Galit niyang hinampas sa dibdib ang binata at pumagitnan pa ito sa pagitan ng mga hita niya upang hindi siya makagalaw ng maayos. Mabilis niyang iniwas ang tingin sa nangungusap nitong mga mata. Lalambot na naman kasi ang puso niya at bibigay agad kapag ganito sa kaniya si Tyron."Patawarin mo na ako at hayaang makabawi sa kagagohang nagawa ko noon." Pagsusumamo niya sa dalaga."Bakit, ano ba ang kasalanan mo sa akin?" Pang aasar niya rito. Marami itong kasalanan at gusto niyang malaman kung alam din ba nito ang kasalanang nagawa sa kaniya."Marami, pero nagaqa k
Pagbalik ni Jesabell sa puwesto ay nakatingin sa kaniya ang lahat pero tahimik. Hindi niya alam kung bakit mukhang naaawa na naman ang tingin sa kaniya ng ilan. Ang iba ay mukhang nandidiri sa kaniya. Nagkibit balikat na lamang siya at hindi pinansin ang mga ito. Pagkaupo niya ay halos wala din siyang magawa. Wala kasing naglalakas loob na utusan pa siya at hindi niya gusto iyon."Ayusin ang trabaho at huwag gumaya sa isa diyan na gusto ay maging buhay senyprita lang dito sa kompanya." Malakas na pumalakpak pa si Katibag habang umiikot sa area.Umikot ang mga mata ni Jesabell at alam niyang siya ang pinaparinggan ng babaeng mataba. Bigla niyang naalalang mag draw na lang ng naisip niyang jewelry. Inspired siya ngayon at masaya kaya hindi niya dapat sayangin. "Jesabell, ano ang ginawa mo sa office ng CEO kanina?" Hindi na nakatiis na tanong ni Lory."Nothing." Matabang niyang sagot kay Lory habang patuloy sa ginagawa. "Hey, huwag madaya. Sige na ikuwento mo na!" Pamimilit ni Lory at
"A-ang cellphone ko..." halos bulong niyang reklamo nang tumalikod na ang binata at hawak oa rin ang phone niya.Ibinulsa ni Tyron ang cellphone ng dalaga at tumingin sa paligid. Naglibot muna siya sa paligid at tinitingnan ang gawa ng mga naroon habanh nakapamulsa. "Sir, good morning!" Magmamadaling bati ni Katibag sa binata nang makalapit dito.Napatingin si Tyron sa babaeng bumati sa kaniya. Nakilala niya ito. "Kumusta ang intern natin dito?" Napalunok ng sariling laway si Katibag at kinabahan. Ang lalim kung maningin ang binata at nakaka intimidate din. "A-ayos naman po, sir.""Good, ayaw kong mabalitaang na tini-take advantage ninyo ang intern." Pagkasabi niyon ay tiningnan ni Tyron isa isa ang mga naroon. Muling napalunok ng sariling laway si Katibag at kinabahan. Mukhang hindi pa alam ng CEO ang ginawa niya maya mahinahon pa ito. Nilingon muna ni Tyron si Jesabell bago tuluyang umalis. Wala rin siya balak ibalik ang cellphone nito hangga't hindi siya kinakausap nang maayos
Napasinghap siya nang pakawalan na ni Tyron ang labi niya. Ang akala niya ay titigil na ito pero gumapang pa ang halik nito sa kaniyanh leeg. "Uhmmm... Tyron, nasa office tayo." Kulang sa lakas na paalala niya dito nang tanggalin nito ang butones ng suot niyang blusa."Akin ka lang!" He said in raspy voice while nibbling her right ear."Argh, you such a jerk!" Naiinis siya pero hindi magawang itulak ang binata.Dahan dahang nag angat ng mukha si Tyron at tumitig ang namumungat na mga mata sa dalaga."Now you know?" nakangising niyang hinaplos ang ibabang labi ng dalaga gamit ang hinalalaki.Nakasimangot na umiwas siya ng tingin sa binata. Pumaling ang mukha niya sa kaliwang direction ngunit sinapo nito ang mukha niya ay hinarap dito. Wala siyang magawa kundi ang makipagtitigan sa mga mata nitong nangungusap. Napalunok siya ng sariling laway nang makita ang humulma ang pilyong ngiti sa labi ng binata. Kaunti na lang talaga at ma rape na niya ito. Nawala na naman sa sarili si Tyron nan
"Huwag mo na akong e block ok?" Masuyo niyang pakiusap sa dalaga habang mataman itong pinagmamasdan."Oo na, huwag mo lang akong galitin." Mukhang napilitang aniya.Nakangiting ibinaba na ni Tyron ang dalaga mula sa pagka upo sa lamesa saka lumayo dito. "Ihahatid kita mamaya, okay?""Hindi ba si Emily ang ihahatid mo?" Nakatikwas ang kilay na aniya."May sarili siyang sasakyan na.""Pero kung wala ay ihahatid mo?" Mataray niyang tanong muli sa binata.Napabuntong hininga si Tyron, "ang relasyon ko kay Emily ay hindi katulad ng inaakala mo."Inis na tinalikuran niya ang binata. "Kaya pala ang alam ng lahat dito ay siya ang fiancee mo at ako ay malaking hadlang sa relasyon ninyong dalawa!"Napabuga na ng hangin sa bibig si Tyron at hinayaang makaalis na ang dalaga. Kapag ganito ang mood nito ay hindi madaan sa paliwanag. Alam.niya ring nagseselos ito. Nang wala na ang dalaga ay tinawagan niya si Julia mula sa intercom. "Sir, may kailangan po kayo?" tanong ni Julia nang makapasok sa loo
"Isa ka pa!" Bulyaw rin ni Celso sa katulong. "Hindi na siya bata para ipagtanggol at hindi malamang ang tamang asal at mali!"Napahiyang nagyuko ng ulo si Rowena at hindi na nagsalita upang hindi madagdagan ang galit ng ginoo."Felix, matanda ka na at hindi puwedeng nakatago ka lang lagi sa saya ng iyong ina at yaya. Mula bukas ay kailangan mo nang magtrabaho sa kompanya. Magsisimula ka sa ibaba at kailangan mong patunayang karapat dapat kang maging CEO!"Naikuyom ni Felix ang mga kamay at mariing naglapat ang mga labi. Ang alam niya ay siya ang maging CEO pero hindi na kailangang paghirapan ang posisyon. Dahil lang sa pagdating ni Jason ay nagbago ng pasya ang ama. Walang salitang umalis siya at hindi na tinapos ang pagkain."Huwag mong sundan!" Pagalit na sita ni Celso sa katulong. Kung hindi kasi ang asawa niya ay si Rowena ang na spoiled sa anak niya. Pagtingin niya sa asawa ay malungkot ito pero hindi siya magawang sumbatan o magalit dahil alam nitong naputol na ang pisi ng pa
Umangat ang isang sulok ng labi ni Jason namg mabasa ang message ng mag asawang kaibigan. Una niyang binata ay message ni Jesabell. "Ano ang breakfast mo today with your family?"Pasimple niyang kinuhanan ng larawan ng larawan ang hawak na baso at send sa kaibigan. "Very clear." Pumalatak siya namg mag send ng angry sticker si Jesabell at hindi natuwa sa kaniyang reply. Mabilis niyang inubos na ang laman ng baso saka ibinulsa ang cellphone at tumigin sa ama. "I'm done, mauna na po ako sa inyo at may meeting ako ngayong umaga.""Pero wala kang nakain, hijo. Hintayin mo muna si Rowena at—""Its ok, dad. Hindi pa po ako gutom at ok na ako sa tubig." Putol niya sa pagsasalita ng ama."Meeting?" Tumawa si Felix, "what kind of meeting ang pupuntahan mo sa isang kanto?" Nang iinsultong tanong niya sa kapatid.Seryusong tinapunan niya ng tingin si Felix. "Paano mo nalamang sa kanto ang punta ko? Hindi mo pa ba naranasang mag attend ng isang meeting at mukha sobrang confuse ka?"Bubuka sana a
"Anak, gising ka na pala. Halika at sumalo ka na sa pagkain." Aya ni Celso kay Jason.Napatingin si Jason sa pagkaing nakahain sa lamesa. Mukhang bilang iyon para sa taong nasa hapag kainan na. Hindi niya akalaing sa yaman ng pamilya ay ang tipid sa pagkain."Kuya, sa iyo na ito. Pasensya na at nasanay ang katulong magluto na para sa amin lang tatlo." Alok ni Felix sa kapatid at diniinan ang huling sinabi."Salamat pero hindi ko gusto ang ganyang pagkain." Nakangiting tanggi niya sa kapatid. '"Son, sabihin mo kung ano ang gusgo mong kainin at ipaluto ko sa katulong." Nahihiyang kausap ni Celso sa binata."Huwag na po, dad. Matanda na ako para asikasuhin pa ng katulong. Isa pa ay hindi ako sanay kumain ng heavy meal." Ngumiti si Jason sa ama at may kasamang pasaring iyon sa kapatid."Tagal mo rin nanirahan sa mahirap na lugar kaya sanay sa simpleng pagkain." Pang aasar na puro ni Felix sa kapatid."Hindi mo masasabi ang buhat natin kaya dapat hindi maarti sa buhay lalo na sa pagkain.
"No..." humigpit ang yakap niya sa asawa. "Please, give me time. Puwedeng kahit isang buwan lang ay iparamdam mo sa kaniya na ina ka niya?" Siya naman ngayon ang nakiusap sa asawa.Napaisip si Lucy at tumigil na sa pag iyak. "Isang buwan lang?" Naniniguro niyang tanong dito.Nakangiting tumango si Celso, "yes. Don't worry, kausapin ko si Felix mamaya paggising niya at ipaunawa ang sitwasyon."Nakangiting gumanti na ng yakap si Lucy sa asawa. Masaya siya dahil siya pa rin mas matimbang sa puso ng asawa kaysa anak nito sa ibang babae.Napangiti si Felix saka nagmulat ng mga mata nang lumabas na ng silid ang mga magulang. Siya pa rin ang magwawagi sa muli nilang pagkikita ni Jason.Napamulat si Jason nang maramdamang may taong nagmamasid sa kaniya. Nang makita si Felix at mataman niya itong pinagmasdan. "Hindi mobna ako kailangang bantayan habang natutulog."Tumalim ang tingin ni Felix sa lalaki at hindi natuwa sa sinabi nito at ang mapang asar na ngiting nakapaskil sa labi nito. "First
Ipinikit ni Jason ang mga mata nang lumapit sa kaniya ang doctor. Hinayaan niyang suriin nito ang mga mata niya,pulso at heartbeat."Maayos naman ang kalagayan niya po maliban sa pananakit ng ulo. Normal lang po iyan sa sakit niya ngayon kaya huwag siyang pilitin na makaalala. Bigyan ko po siya ng gamot na makatulog kapag sumakit ang ulo niya." Kausap ng doctor sa ama ni Jason."Maraming salamat po, doc." Kinamayan ni Celso ang manggagamot."Doc, may iniindang sakit din po si Senyorito Felix."Napamulat ng mga mata si Jason nang marinig ang sinabi ng katulong. Pinakatitigan niya ang ginang at nahuli niya kung paano siya nito titigan. Mas bata sa mga magulang niya ang katulong. "Ah yes please, pakitingnan ang bunso kong anak." Pakiusap ni Celso sa doctor.Nauna nang lumabas ang katulong at sumunod ang doctor."Matagal na ba ang katulong na iyon dito?" tanong ni Jason sa ama.Sandaling natigilan si Celso at nagtatakang napatingin sa anak. "May problema ba sa kaniya, son?""Wala naman
Umupo si Celso sa tabi ng anak at ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "She's your real mother."Nakahinga nang maluwag si Jason at nagkamali naman pala siya ng iniisip kanina."Almost ten years kaming kasal bago ka dumating sa buhay namin. Ang sabi ng doctor ay maliit ang chance na makabuo kami ng anak dahil laging nakukunan ang mommy mo noon. Naisip kong mag ampon na lang sana noon ngunit ayaw ng mommy mo. Kaya naisip ko na lang naag hired ng surrogate mother."Halos hindi na magawang kumurap ni Jason habang nakikinig sa kuwento ng ama. Mukhang mas madrama ang buhay ng parents kaysa kaniya."Hindi na kami lumayo noon at willing ang katulong namin na siya ang maging surrogate mother dahil mas bata siya kaysa amin at healthy naman. Naging matagumpay ang isinagawa at nabuo ka."Hulaan ko, naging selosa si Mommy?" tanong niya sa ama.Tumango si Celso, "nagkasakit ang mommy mo at hindi ko alam kung bakit nagkaganoon siya nang mag isang taon ka na. Pinagdudahan niya ako na sumisipi
"Hijo, ito ang ilan sa laruan mo noon. Sinadya kong ibalik dito ang mga gamit mo noong maliit ka pa at baka sakaling makatulong sa iyo upang makaalala."Naikuyom ni Felix ang mga kamay nang marinig ang sinabi ng ama habang nakatingin sa gamit na tinutukoy nito.Nilibot ni Jason ang tingin sa paligid ng silid. Pilit inaalala ang silid ngunit wala siyang maalala."Dad, that's mine."Kunot ang noo na nilingon ni Celso ang bunsong anak. "What the hell are you talking about?"Napatda si Felix sa kinatayuan nang marinig ang galit na boses ng ama. Ilang sandali pa ay napayuko siya ng ulo. Nakalimutan niyang inagaw nga lang pala niya iyon noon kay Jason at hindi alam ng ama na inangkin niya. "Sorry, dad, masama po ang pakiramdam ko kung kaya kung ano na lang ang nasabi ko.""Sa iyo ba ito?" Dinampot ni Jason ang isang robot na laruan at ipinakita kay Felix. Katuwa lang at hindi pa sila pormal na naipakilala sa isa't isa pero puro hindi maganda na ang nakikita nito sa kaniya. Kulang na lang ay
"Lucy, ano pa ang hinihintay mo? Tawagin mo ang doctor natin ngayon din!" Singhal ni Celso sa asawa nang dumaing muli si Jason sa sakit at sinasabunutan na ang sarili.Tarantang hinanap ni Lucy ang cellphone at inisan si Felix. Takot siya na magalit sa kaniya ang asawa at sa tagal ng nagdaang panahon ay ngayon lang ulit siya nito napagtaasan ng boses."Son, hold on. Dalhin na kita sa hospital!"Mabilis niyang hinawakan sa braso ang ama upang pigilan sa pagtayo. Totoong masakit ang ulo niya pero may ilang eksina ang nakikita niya sa balintatawa at halos kahawig ng ganitong senaryo. Ayaw niyang maputol iyon kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata."Daddy, I'm hurt!" Umiiyak na ani ng batang lalaki habang hawak ang tiyan."Daddy, ahhhh I can't hold anymore!" Sigaw ng isa pang bata at namilipit ito sa sakit umano habang hawak din ang tiyan. Mariing naikuyom ni Jason ang kaliwang kamay nang makita sa alaala kung gaano siya kamiserable sa alaalang iyon. Napahawak siya sa kaniyang tiyan na
Tinapik tapik niya ang likod ng ginoo at hinayaang lang itong magsalita. Ramdam niya ang pagmamahal nito bilang ama niya pero hindi pa niya alam paano palibagayan ang bagong damdamin. Saka lang lumuwag ang yakap nito sa kaniya nang may umubo mula sa hagdan. Pagtingin niya ay may lalaking nakatayo sa gitnamg hagdanan at mukhang nanghihinang humahakbang paibaba."Felix, be careful! Bakit ka lumabas ng silid mo?" Patakbong nilapitan ni Lucy ang isang anak upang alalayan ito.Amuse na pinagmasdan ni Jason ang lalaki. Ito pala ang kapatid niya at hindi niya alam kung anong klase ang sakit nito para mag alala nang husto ang parents nila. Ewan ba niya pero sa halip na matuwa o maawa na makita ito ay wala siyang nararamdaman. Pilit niyang kinakapa sa isipan ang nakaraan upang maalala ito ngunit sumasakit lamang ang ulo niya. Bigla din siyang binitiwan ng ama at nagmamadaling nilapitan ang lalaki na para bang takot na masaktan ang huli. Hindi manlang nito napansin na sumama bigla ang kaniyang