Share

Kabanata 23.1

Nagpaalam na aalis na muna ang mga lobo para makabalik sa kanilang kaharian, may biglaang meeting ang kanilang konseho kaya kinailangan nilang bumalik. Mahalaga ang presensya ng kanilang Alpha sa gagawing pagpupulong.

“I’ll be back after this.” Paalam ni Clayton kay Amara. Ngumiti na lamang siya at tumango. Umalis na ang mga lobo at mabilis na nag-anyong lobo ng sa ganun ay makarating sila kaagad sa kanilang kaharian.

Pagkalipas ng ilang oras na paglalakbay nila ay nakarating din sila sa kaharian at dumiretso na sila sa kwartong paggaganapan ng kanilang pagpupulong.

Napakunot na lamang si Clayton ng makitang lahat ng konseho ay kompleto sa kanilang mga upuan. Hindi sila nakokompleto lahat lalo na kung hindi masyadong mahalaga ang pag-uusapan. Nagtataka silang tiningnan pa ang ibang nasa royal blood ng ibang mga nilalang. Umupo na lamang sa harap si Clayton at sumunod naman sa kaniya ang dalawa pang kasama at naupo sa kaniyang tabi.<
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status