“KUYA!” sigaw ni Ivan ng makita ang Kuya niyang sunod sunod na ibinagsak ang mga babasagin niyang gamit. Sapilitan niyang inagaw iyun at hinawakan sa magkabilang balikat ang Kuya niya. “Kuya listen to me, walang mangyayari sa pagwawala mo.”
“Sino ang nagpakalat ng ganung balita?” ang kaniyang tinig na minsan mo lang marinig, tinig na magpapatayo sa mga balahibo mo. Ang tinig niyang ano mang oras ay makakapatay na. Sunod sunod na napalunok si Ivan dahil ang huli niyang marinig ang tinig na iyun ng kaniyang Kuya ay halos pumatay ng dalawampung nilalang at wala sino man ang nakapigil sa kaniya.“Kuya.” Natatakot na ring usal ni Ivan, matalim siyang tinitigan ni Clayton.“Answer me Ivan, sino ang nagpakalat nun?! I will kill them!!”“Kuya.” Tanging naiusal niya, napasabunot na lamang si Clayton sa kaniyang sarili.“Just fucking answer me!!”Dahan dahan na kumalas sa pagkakayakap si Clayton at tiningnan si Amara. Panay hikbi na lamang nito ang maririnig, ang pagtaas baba ng kaniyang balikat at ang nanginginig niyang mga kamay. Inilibot niya ang kaniyang paningin at halos manlumo siya sa kaniyang nakita, halos mapuno ang kanilang bakuran ng mga nakabulagta ng mga katawan at wala ng buhay. Mas lalo itong napaiyak at naitakip na lamang ang kaniyang palad sa kaniyang mukha.Hinawakan na lamang ni Clayton ang ulo ni Amara at dahan dahan niya itong isinandal sa kaniyang dibdib, maging siya ay nasasaktan kapag nakikitang umiiyak ang dalaga.“Hindi mo ginusto Amara, please stop crying.” Pag-aalo niya dito at hinaplos na lamang ang likod ng dalaga dahil patuloy ito sa kaniyang pag-iyak.“No, ginusto ko rin Clayton, hindi ko na maintindihan ang sarili ko alam ko ang ginagawa ko pero hindi ko mapigilan. Gising na gising lang ako pero wala akong magawa para ihinto.” Mas
Nakaabang si Ivan sa tapat ni Amara habang si James ay pinipilit na pakalmahin si Samantha subalit nagulat na lamang silang lahat ng biglang tumalsik si Samantha. Naging mabilis ang kilos ni James at Ivan. Sinalo ni Ivan si Amara na hinahabol ang kaniyang hininga habang si James naman ay pinuntahan si Samantha na tumama ang likod sa isang puno.Tiningnan naman nila si Clayton na galit na nakatingin sa kanila. Mabilis na dinakwit ni Clayton ang kwelyo ni Samantha at iniangat ito.“Kuya!” sigaw ni Ivan, hindi siya makalapit dahil buhat buhat niya pa rin si Amara.“A-Alpha Clayton.” Nahiirapang sambit ni Samantha sa pangalan ni Clayton.“Sinong nag-utos sayo na galawin siya ha?” malamig niyang tanong dito.“P-Pasensya na.” sagot niya, nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata ng mas higpitan ni Clayton ang pagkakasakal sa kaniya.“Sa susunod na gagawin mo pa
Lumipas ang araw, naging mabilis din ang paggaling ng sugat ni Clayton. Sinubukan ding kontrolin ni Amara ang kaniyang kapangyarihan ng palihim. Lumalabas siya ng bahay para itraining ang sarili. Natatakot din siyang maglakbay ng mag-isa at hindi gamay ang kaniyang kapangyarihan. Makontrol niya man lang kahit kaunti ang kapangyarihan niya okay na para ituloy ang paglalakbay at paghahanap niya sa kasagutan ng lahat.Napapaisip na rin si Clayton, gusto niyang magtanong sa katauhan ni Amara subalit natatakot siyang marinig ang kasagutan dahil paano nga kung nakompirma niya? hindi siya handa lalo na at kailangan nga nilang patayin ang katulad niya.“Pag-isipan mong mabuti Alpha Clayton, nababahala kami para sa mga mahal namin sa buhay.” Muling nagkaroon ng pagpupulong sa kaniyang kaharian na pinuntahan ng mga iba ibang nilalang.“Nabalitaan namin ang nangyari sa mga grim reapers.” Sabat ng pinuno ng gumiho.&ldq
‘I don’t want to be an evil, ayaw kong kamuhian ako ng ibang nilalang. Alam kong darating ang oras na malalaman ni Clayton ang tungkol sa akin.’ Nagtataka siyang nakatingin kay Amara habang nakayuko pa rin ito, kita niya rin ang pag-angat ng balikat ng dalaga dahil sa paghugot nito ng malalim na hininga. ‘Kailangan kong masagot lahat ng katanungan ko, hindi pwedeng habang buhay akong makukulong sa mga iyak ng mga napatay ko.’Muntik pa niyang maibagsak ang batong nakalutang sa tapat ni Amara dahil sa pagtataka. Naguguluhan siya kung nagsalita ba si Amara o nabasa niya ang isip nito.‘Impossible,’ hindi makapaniwalang wika ni Clayton sa kaniyang sarili. ‘Anong nangyayari? Bakit parang nababasa ko ang isip niya?’ halos manghina ang kaniyang tuhod at nawala naman ang control niya sa batong nasa uluhan lang ni Amara. Hindi niya iyun namalayan, naramdaman naman iyun ni Amara at mabilis na ikinum
Pagkatapos ng nangyari sa kagubatan na iyun ay bumalik si Clayton sa baba ng bundok upang hanapin si Amara, hating gabi na ng kumatok ito sa pintuan. Ilang minuto pa siyang naghintay sa labas bago may bumukas ng pintuan sumalubong naman sa kaniya ang matandang mukhang kagigising lang.“Oh, iho anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?” paos niyang tanong. Seryoso naman si Clayton na nakatingin sa matanda.“Where is Amara?” tila nagising naman ang diwa ng matanda ng seryosong nagtanong ang binata.Nakaramdam din siya ng kaba, inaasahan niya namang malalaman ni Clayton ang lahat subalit hindi niya inaasahan na maglalakbay ito ng ganitong oras para hanapin si Amara.“Wala siya dito.” Tanging sagot ng matanda. Bumuntong hininga naman si Clayton saka malumanay na nagsalita.“Can you answer my question? Anak ba siya—“ hindi na natapos ni Clayton ang kaniyang sasabihin ng hilain
Paulit ulit siyang umiling at umaasang hindi totoo ang sinabi ni Clayton. Ayaw niya ng makitang mahirapan pa ang Apo niya, ayaw niya ng iparanas pa ang naranasan ng mga magulang nito. Bakit kailangang maulit ang nakaraan? Bakit kailangang maulit ang lahat? at sa anak at apo pa niya?“No, this is not happening.” Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nalaman. Hindi siya hadlang sa kung sino man ang makakapareha ng kaniyang apo subalit bakit kailangang sa isang lobo nanaman? Bakit kailangan niyang maranasan ang nangyari sa kaniyang mga magulang? Hindi pa siya tapos sa kinakaharap niyang problema na wala pang kasiguraduhan kung maayos pa ba o malulutasan pa niya, subalit ano nanaman itong problemang dumating sa kaniya?Napahilot na lamang sa noo si Amelia dahil sumasakit ang ulo niya sa kaiisip, tila ba isinumpa ang kababaihan sa kaniyang pamilya. Hindi pa ba sapat ang minsang nangyari kay Amaia at Dawn? Hindi pa rin ba nakokontento ang Dyosa ng buwan
AMARA POVIlang araw na akong naglalakbay sa walang katapusan na kagubatang ito, para akong naglalakad sa walang katapusang daan at walang kasiguraduhan. Napahawak na lang ako sa tiyan kong wala pa ring laman hanggang ngayon. Nagugutom na ako, nanghihina na rin ako dahil kahit tubig ay wala akong baon baon. Hindi na ako nakauwi noong gabing iyun sa bahay dahil alam kong hindi na ligtas, hindi sila titigil hangga’t hindi ako nahuhuli. Hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos kay Lola, sana maayos lang siya.Naalala ko naman si Clayton, anong ginagawa niya sa lugar na yun ng ganung oras? Akala ko ba nasa kaharian niya lang siya? Bakit siya nandun? Mapait na lang akong napangiti ng maalalang muntik niya akong patayin parang sinasaksak ng ilang libo ang puso ko sa ginawa niya. Kung hindi ko naramdaman ang batong nasa itaas ko pala ay mamatay ako, hindi biro ang laki ng batong ibabagsak niya sa akin.Napabuntong hininga na lang ak
"Stupid.” Usal ko sa sarili ko ng marealize ko ang ginawa kong paghabol kanina sa usa kung pwede ko naman palang gamitin ang kapangyarihan ko. Pinahirapan ko pa ang sarili ko. Umahon na ako sa ilog at nanguha ng mga kahoy para maihaw ko na itong isda. Ng makaipon na ako ng sapat na kahoy para pang ihaw ay pinaapoy ko na ito, tinuhog ko na rin ang kawawang isda.“Pasensya ka na kung ikaw ang panglalaman ko ngayon sa tiyan ko, gutom na gutom na talaga ako.” itinapat ko na ito sa apoy at pinaikot ikot, para akong naging taong kalye sa kalagayan ko ngayon. Pati sa pagkain ay nahihirapan ako. Naghintay pa ako ng ilang minuto, amoy pa lang niya natatakam na talaga ako. Inahon ko na ito ng pwede ng kainin, gutom na talaga ako. Hinipan hipan ko pa ito dahil mainit pa, umupo ako sa tabi ng puno saka sumandal dun.Magdidilim nanaman pala pero ito pa lang ang laman ng tiyan ko, kung magpapatuloy na ganito ang mangyayari sa akin baka hindi ko pa lang nahaha