Share

Kabanata 24.1

Dahan dahan na kumalas sa pagkakayakap si Clayton at tiningnan si Amara. Panay hikbi na lamang nito ang maririnig, ang pagtaas baba ng kaniyang balikat at ang nanginginig niyang mga kamay. Inilibot niya ang kaniyang paningin at halos manlumo siya sa kaniyang nakita, halos mapuno ang kanilang bakuran ng mga nakabulagta ng mga katawan at wala ng buhay. Mas lalo itong napaiyak at naitakip na lamang ang kaniyang palad sa kaniyang mukha.

Hinawakan na lamang ni Clayton ang ulo ni Amara at dahan dahan niya itong isinandal sa kaniyang dibdib, maging siya ay nasasaktan kapag nakikitang umiiyak ang dalaga.

“Hindi mo ginusto Amara, please stop crying.” Pag-aalo niya dito at hinaplos na lamang ang likod ng dalaga dahil patuloy ito sa kaniyang pag-iyak.

“No, ginusto ko rin Clayton, hindi ko na maintindihan ang sarili ko alam ko ang ginagawa ko pero hindi ko mapigilan. Gising na gising lang ako pero wala akong magawa para ihinto.” Mas
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status