Share

Kabanata 27.2

"Stupid.” Usal ko sa sarili ko ng marealize ko ang ginawa kong paghabol kanina sa usa kung pwede ko naman palang gamitin ang kapangyarihan ko. Pinahirapan ko pa ang sarili ko. Umahon na ako sa ilog at nanguha ng mga kahoy para maihaw ko na itong isda. Ng makaipon na ako ng sapat na kahoy para pang ihaw ay pinaapoy ko na ito, tinuhog ko na rin ang kawawang isda.

“Pasensya ka na kung ikaw ang panglalaman ko ngayon sa tiyan ko, gutom na gutom na talaga ako.” itinapat ko na ito sa apoy at pinaikot ikot, para akong naging taong kalye sa kalagayan ko ngayon. Pati sa pagkain ay nahihirapan ako. Naghintay pa ako ng ilang minuto, amoy pa lang niya natatakam na talaga ako. Inahon ko na ito ng pwede ng kainin, gutom na talaga ako. Hinipan hipan ko pa ito dahil mainit pa, umupo ako sa tabi ng puno saka sumandal dun.

Magdidilim nanaman pala pero ito pa lang ang laman ng tiyan ko, kung magpapatuloy na ganito ang mangyayari sa akin baka hindi ko pa lang nahaha

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status