After 7 Years, He Discovered His Wife Was the Real Heiress

After 7 Years, He Discovered His Wife Was the Real Heiress

last update最終更新日 : 2026-09-20
作家:  Jackie La Salleたった今更新されました
言語: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 評価. 1 レビュー
7チャプター
16ビュー
読む
本棚に追加

共有:  

報告
あらすじ
カタログ
コードをスキャンしてアプリで読む

概要

Drama

CEO

Heir/Heirness

Divorce

Forgiveness

Pitong taon siyang naging asawa ni Brandon Legaspi—pero ni minsan, hindi niya naramdamang asawa siya. Walang wedding ceremony. Walang public appearances. Walang pagmamahal na ipinakita sa harap ng mundo. Sa loob ng pitong taon, tahimik na tiniis ni Eunice Mendez ang lahat para maging mabuting asawa, manugang, at ina. Hanggang isang araw, nalaman niyang nagdaos ng wedding ang sarili niyang asawa. At ang bride? Hindi siya. Isa sa mga estudyante ni Brandon. Mas masakit pa, nandoon ang kanyang biyenan at anak—pero sa halip na ipagtanggol siya, pareho siyang itinaboy. Para kay Brandon, kailangan niyang humingi ng tawad sa babaeng pinakasalan nito. Para sa pamilya Legaspi, isa siyang kahihiyan. At para sa sarili niyang anak, hindi na siya ang ina nito. Sa araw na iyon, nagpasya si Eunice. Tama na. Ayaw na niyang maging Mrs. Legaspi. Akala ni Brandon, kapag nawala ang pangalan niya, wala nang matitira kay Eunice. Pero isang malaking pagkakamali ang ginawa niya. Dahil ang babaeng minamaliit niya sa loob ng pitong taon ay isang academic genius na kayang baguhin ang mundo ng technology. At ang babaeng tinatawag nilang ordinaryo? Siya pala ang tunay at nag-iisang heiress ng pinakamakapangyarihang pamilya. Nang magsimulang mabunyag ang kanyang tunay na pagkatao, nagbago ang lahat. Biglang dumami ang gustong lumapit sa kanya—kabilang si Tonee Butch Sevilla, isang makapangyarihang lalaki na walang takot na ipakita sa buong mundo kung gaano niya pinahahalagahan si Eunice. Samantala, saka lamang napagtanto ni Brandon ang halaga ng asawang dati niyang binalewala. “Eunice, nagsisisi na ako. Magpakasal tayo ulit.” Ngumiti nang malamig si Eunice. “Layas.” Sa pagkakataong ito, hindi na siya ang babaeng naghihintay na piliin. Siya na ang babaeng kailangang habulin, suyuin, at pag-agawan ng lahat.

もっと見る

第1話

Chapter 1

“Hello po, kayo po ba si Mrs. Legaspi?”

Natigil si Eunice sa paghahalo ng sabaw.

Maganda ang kanyang mood nang araw na iyon, kaya nakangiti siyang sumagot.

“Oo, ako si Mrs. Legaspi. Pero pitong taon na kaming kasal ni Mr. Legaspi at wala naman kaming

planong magkaroon ng wedding ceremony.”

Natahimik ang kabilang linya.

“Sandali lang po… Mali ba ang number na

natawagan ko? Kayo po ba si Ms. Martha Jimenez, asawa ni Mr. Brandon Legaspi?”

Klang! Nakakabinging mga salita!

Nahulog mula sa kamay ni Eunice ang sandok.

Parang biglang huminto paligid.

“Hello? Naririnig n’yo po ba ako? Kayo po ba si Ms. Martha?”

Namumutla si Eunice.

“Ako… hindi ako—”

“Pasensya na po. Mukhang maling number ang natawagan ko.”

Naputol ang tawag.

Pitong taon silang kasal.

Mayroon silang anim na taong gulang na anak.

At kilala niya ang pangalang Martha Jimenez.

Dating estudyante ito ni Brandon, ngayon ay nagtatrabaho sa laboratoryo ng kumpanya nito.

Maraming beses nang nabanggit ni Brandon ang pangalan ng babae.

Puro papuri.

Hindi naniwala si Eunice na nagkataon lamang ang tawag.

Lalo na dahil parehong pangalan nina Brandon at Martha ang eksaktong binanggit ng wedding company.

Alas-diyes ng gabi. Tahimik

Mag-isa si Eunice sa malaking sala.

Tahimik siyang nakaupo sa sofa habang hinihintay ang kanyang asawa.

Paulit-ulit niya itong tinawagan.

Walang sumasagot.

Hanggang sa bandang alas-onse—

Tumunog ang kanyang cellphone.

Si Brandon.

Bago pa man siya makapagsalita, malamig na boses nasa kabilang linya.

“Busy ako. Hindi ka ba pwedeng maging mas mature?”

Hindi niya alam kung kailan nagsimula, ngunit sa mga mata ng kanyang asawa, siya na ang naging isang immature at makulit na asawa.

“Uuwi ka ba ngayong gabi?”

“Hindi. May business trip ako ngayong weekend.

Dito na ako matutulog sa kumpanya.”

“Kailangan mo ba akong—”

Bago niya matapos ang sasabihin—

May boses ng isang babae sa kabilang linya.

“Teacher, bilisan mo, iyong wedding company ay—”

Nanlamig ang buong katawan ni Eunice. Teacher? Sa ganitong oras?

“Okay, hanggang dito na lang. Busy ako nitong mga araw. Huwag mo akong istorbohin sa mga bagay sa bahay.”

Tinapos ni Brandon ang tawag.

Ngunit malinaw niyang narinig ang dalawang salitang iyon.

Wedding company.

Parang may nagyelong kamay na humawak sa kanyang puso.

Pagsikat ng araw, nasa sasakyan na si Eunice patungo sa kalapit na bayan.

Hindi siya natulog buong gabi.

Namamaga ang kanyang mga mata.

Maputla ang kanyang mukha.

Matapos ang isang gabing puno ng takot at pagdududa, nagpasya siyang alamin mismo ang katotohanan.

Tumawag siya sa wedding company gamit ang ibang numero at nagpanggap na may itatanong tungkol sa kasal.

At nang walang pag-aalinlangan, ibinigay ng staff ang address.

Hindi nagtagal, nakita niya ang nag-iisang high-end hotel sa lugar.

Pagpasok niya sa lobby—

Parang tumigil ang mundo.

May malaking larawan ng bride at groom na nakadisplay sa gitna.

Ang bride ay isang magandang dalaga.

Matamis ang kanyang ngiti.

Kita ang kaligayahan sa kanyang mukha.

Nang ilipat ni Eunice ang kanyang tingin sa groom—

Parang may matalim na kutsilyong tumarak sa kanyang puso.

Ang lalaking nasa larawan—

Ay ang kanyang asawa.

Si Brandon.

“Excuse me, sino ka?”

Napalingon si Eunice.

Isang middle-aged couple ang nakatayo sa kanyang harapan.

Maingat siyang tinitigan ng lalaki.

“Kanina ka pa nakatingin sa wedding photo ng anak namin at ng manugang namin. Bisita ka ba sa kasal?”

Anak namin.

Biglang naintindihan ni Eunice.

Sila ang mga magulang ni Martha.

“Nandito ako para makita si Brandon. Ako ang—”

“Oh!”

Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin.

Ngumiti ang ama ni Martha.

“Kamag-anak ka pala ng pamilya ni Brandon!”

Natigilan si Eunice.

Kamag-anak?

Hindi siya basta kamag-anak.

Siya ang legal na asawa ni Brandon Legaspi.

Ngunit tumango lamang siya.

“Mmm.” Sa isip nya, pati ang mga magulang nya ay walang alam.

Agad siyang hinawakan sa braso ng ina ni Martha.

“Naku, bakit ngayon ka lang? Halika na!

Magsisimula na ang kasal!”

“Napakaswerte talaga ng anak namin kay Brandon!”

“Gwapo na, matalino pa, may magandang pamilya at napakaganda ng trabaho.”

“Perfect!”

“Masayang-masaya kami dahil napangasawa siya ni Martha.”

Tahimik lang si Eunice. Nasa isip nya ang mga samut-saring tanong.

Pagkatapos ay marahan siyang nagtanong.

“Mabuti ba si Brandon kay Martha?”

“Mabuti?”

Napatawa ang ama ni Martha.

“Napakabuti!”

“Hindi lang kay Martha. Pati sa buong pamilya namin.”

“Tinulungan niyang makahanap ng trabaho ang kapatid ni Martha.”

“Pati bahay namin, tinulungan niyang ipaayos.”

“Si Brandon din ang bumili ng mga mamahaling furniture sa loob.”

“Imported lahat!”

Dagdag pa ng ina ni Martha, “Nakaraang buwan,

sumakit ang tiyan ko. Nag-alala si Martha kaya humingi siya ng tulong kay Brandon.”

“Alam mo ba?” dugtong nito.

“Pinagamot niya ako sa malaking ospital!”

“Siya mismo ang tumulong para makakuha kami ng VIP room.”

“Hinahanap pa niya ang pinakamagaling na doktor at pati ang director ng ospital!”

“Buong panahon, kasama niya si Martha sa pag-aasikaso sa akin.”

“Ang arte mo talaga,” biro ng ama ni Martha.

“Sumakit lang naman ang tiyan mo, akala mo mamamatay ka na.”

Ngunit kitang-kita ang pagmamalaki sa kanyang mukha.

Samantala—

Biglang nanigas ang katawan ni Eunice.

Noong nakaraang buwan…

Naalala niya ang araw ng kanyang operasyon.

Kailangan niyang sumailalim sa thyroid surgery.

Sinabihan niya si Brandon nang maaga.

Nangako itong pupunta.

Ngunit sa araw ng operasyon—

Hindi ito dumating.

Tinawagan niya.

Walang sagot.

Kaya siya mismo ang pumirma sa mga

kinakailangang dokumento.

Sa loob ng tatlong araw niyang pananatili sa ospital, mga temporary caregiver lamang ang kasama niya.

Nang tanungin niya si Brandon kung bakit hindi ito dumating, malamig nitong sinabi—

May isang napakahalagang matanda raw itong kailangang samahan sa pagpapagamot.

At nang magtanong pa siya—

“Eunice, hindi ka ba pwedeng maging mas mature?”

“Thyroid surgery lang naman iyon. Hindi ka naman mamamatay!”

“Alam mo namang busy ako!”

“Hindi ba kita binigyan ng pera para kumuha ng caregiver?”

Ngayon…

Habang nakatingin siya sa masayang mga magulang ni Martha—

Sa wakas, nalaman niya ang katotohanan.

Ang napakahalagang taong sinamahan ni Brandon noong araw ng kanyang operasyon—

Ay ang ina ni Martha.

Biglang sumikip ang kanyang dibdib.

Parang hindi siya makahinga.

At bago pa siya tuluyang makapagsalita—

もっと見る
次へ
ダウンロード

最新チャプター

続きを読む

読者の皆様へ

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


レビュー

Jake S. La Salle
Jake S. La Salle
🫶🏻🥹umpisa palang, kaabang abang na agad ang mga susunod na chapters!
2026-09-20 19:44:42
1
0
7 チャプター
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status