Hinang hina na akong naglalakad, ilang oras na akong naglalakbay pero wala pa rin akong makitang ilog na pwede kong pag-inuman. Wala na akong lakas para gamitin ang kapangyarihan ko, natatakot din akong gamitin dahil baka mawala ako sa sarili ko o makontrol ako ng sarili kong kapangyarihan.
Napahawak na lang ako sa isang puno ng maramdaman ko na ang pagkahilo ko, umiikot na talaga ang paligid ko. Nanunuyo na ang lalamunan ko, wala akong kasiguraduhan sa mangyayari sa akin.
Unti unti ng nandilim ang paligid ko, hinanda ko na rin ang katawan ko sa magiging impact nun sa pagbagsak ko. Hindi ko alam kung nag-iilusyon na ba ako dahil sa pagod, gutom at pagkauhaw dahil may naaninag akong tao. Akala ko lupa ang babagsakan ko pero pakiramdam ko para itong isang bisig ng kung sino.Masyado lang siguro akong pagod kaya kung ano ano na ang nakikita ko. Tuluyan ko ng naipikit ang mga mata ko.***Dahan dahan kong iminulat ang mga mata k“I’m just concerned.” Hilaw akong natawa sa sinabi niya, concerned? Uso pa ba ang salitang iyun dito? Lalo na kung hindi mo naman kilala ang isang nilalang. “You’re not safe here iha.” Nilingon ko siya at tinitigan ang mukha niya, bata pa siya kung titingnan pero kung kausapin ako akala mo parang ang laki ng agwat ng taon namin. “Huwag kang palilinlang sa mga nakikita mo, hindi ako katulad ng iniisip mo.”Magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang isang lalaki.“Nandiyan na si Ama, Ina.” Halos mag-isang guhit na lang ang mga kilay ko ng tawagin niyang Ina ang babaeng kausap ko. Papalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa, paano niyang naging anak ito kung ganiyan kabata ang mukha niya? Kung titigan mong mabuti para lang silang magkaedad.Napalingon naman ako dito sa lalaking ito ng kunot noo niya akong tiningnan, sinundan ko pa ang bawat tingin ng mga mata niy
Nanatili na lang ako dito sa ilog at least dito makakapag-isip ako ng maayos, malayo sa magulong paligid. Hindi ko inisip na darating ang panahon na magiging kakambal ko ang problema. Wala lang akong pinoproblema noong kami pa lamang ni Lola. Namimiss ko na rin si Lola, kamusta na kaya siya? Hinayaan kong lumandas ang mga luha ko, hindi ko lubos maisip na mangyayari sa akin lahat ng ito, ang paglayo ko kay Lola, ang paglalakbay ko ng mag-isa. Napayuko na lang ako at pinunasan ang mga luha ko ng may umupo sa tabi ko. Hindi ko na iyun nilingon pa dahil base pa lang naman sa suot niyang nakita ko kanina ay alam ko na.“Pasensya ka na iha, ganun lang talaga si Lucas pero mabait siya.” Wika niya sa akin.“Hindi naman po iyun eh, ayos lang po ako.” kita ko sa gilid ng mata ko na nilingon niya ako pero nilaro ko na lang ang tubig gamit ang mga paa ko.“Hindi ko alam kung anong dahilan mo kung bakit ka napadpad sa ka
“Gaya ng sabi ko sayo ang lugar na kinabibilangan namin ngayon ay wala sa mapa dahil ng mag-umpisa kaming tumira dito ay wala kahit anong nilalang ang nandito. Halo halo kaming mga nandito, ang mga nilalang na mas pinili ang katahimikan kesa sa mga kaharian naming nakakasakal.”“Kung ganun po maaaring may lobo at bampira rin dito?”“Ganun na nga, isa ako sa mga bampira.” Ngiti niyang wika. “Pero hindi ako katulad ng iniisip mo, hindi lahat ng katulad ko ay masama.” Dagdag pa niya. Hindi naman yun ang ang iniisip ko, siguro iba iba lang talaga ang ugali o paniniwala ng bawat nilalang dahil kahit naman sa normal na mundo ay ganun, iba ibang ugali ang makakasalamuha mo.“Hindi naman ho ganun ang iniisip ko.”“Mabuti naman kung ganun, hindi kami pumapaslang ng tao para mabuhay. Ang dugo ng hayop paminsan minsan ay sapat na para mabuhay kami.”&nb
Hindi ako pwedeng magtagal dito kailangan ko ng maglakbay uli at maghanap. Hindi ko pala natanong kay Lola ang pangalan ng mga magulang ko para kahit papaano sana ay mapapabilis ang paghahanap ko sa kanila. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, mukhang mabilis ang takbo ng oras ng hindi ko namamalayan dahil malapit nanamang kumagat ang dilim. Tumayo na ako sa kinauupuan ko kanina at nagulat pa ako ng pagharap ko ay nakita ko si Lucas.“A-Anong ginagawa mo d-dito?” utal utal ko pang tanong sa kaniya. Blangko lang naman niya akong tiningnan pero bakas na may gusto siyang sabihin.“It’s nothing. I’m just checking you.” Yun lamang ang sinabi niya bago niya ako tinalikuran. Hindi ko talaga mahuli ang ugali ng lalaking yun, bakit parang may pagkakahawig sila ni Clayton o sadyang namimiss ko lang talaga siya kaya siya ang nakikita ko kay Lucas? Napabuntong hininga na lang ako, makakalimutan ka rin niya Amara kapag nakilala niya
“Lucas!” napatingin kami sa isang babaeng tumawag sa kaniya. Nakangiti pa ito saka lumapit sa amin. “Pinagluto kita ng paborito mong pagkain.” Napangiwi na lang ako sa tinig ng pananalita niya, may kasama kasing landi. Wala naman akong pakialam sa kanila hindi ko lang maisip na katulad din pala sa mundo ng tao dito sa kanila. Akala ko hindi na uso ang landian dito dahil may mga mate mate naman kasi sa kanila, maghihintay ka na lang kung sino ang para sayo, ang ibibigay ng tadhana sayo. Hindi ko na lang sila pinansin at sa harap ko na lang itinuon nag paningin ko.“Salamat Mhey, nag-abala ka pa.” parang nahihiya pang wika ni Lucas. Napatingin na lang ako sa paa ko ng may tumapak dun kaya kunot noo kong tiningnan ang babaeng ito, ano ba problema nito?Sinenyas pa niyang umalis ako, aba ay nauna akong umupo dito, kung gusto nilang maglandian maghanap sila ng mapwepwestuhan. Hindi niya na lang tinawag si Lucas para lumayo sil
Maaga akong nagising, bumangon na ako sa higaan ko at lumabas ng kwarto. Wala akong kadala dala kaya aalis din akong walang dala rito. Napatingin naman sa akin si Ate Maia na nakaupo sa sala.“Good morning,” ngiting bati niya sa akin. Naupo naman ako sa kaharap niyang upuan at ngumiti.“Thank you Ate sa pagpapatuloy sa akin dito, kailangan ko ng magpaalam.” Nawala naman ang ngiti sa kaniyang labi at sumeryoso ang reaksyon ng kaniyang mukha.“Aalis ka na rin ba ngayon? Delikado ang ginagawa mong paglalakbay ng wala ka man lang kasanda-sandata Amara. Hindi normal na gubat ang ginagalawan mo dahil bawat sulok na pupuntahan mo ay buhay ito, in short maging ang gubat ay buhay.”“Pero kailangan ko ng gumalaw Ate hindi dapat ako nagsasayang ng oras. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung nagtagal pa.”“Hindi ko alam kung bakit masyado kang nagmamadali Amara, hind
THIRD PERSON POVNagpatuloy siya sa kaniyang paglalakbay hanggang sa kumagat ang dilim. Gaya ng nakasanayan niya ay aakyat siya sa isang puno para dun magpalipas ng gabi.Sa kabilang banda naman ay nagmamadaling umuwi si Lucas sa kanilang bahay para paalalahanan ang kaniyang inang si Maia.“Ina!” malakas niyang sigaw ng makapasok na siya sa loob ng kanilang bahay, lumabas naman sa kwarto si Maia na may pagtataka sa kaniyang mukha dahil sa ikinikilos ni Lucas.“May nangyari ba?” nag-aalala niyang tanong. Hindi niya naman muna sinagot ang kaniyang ina bagkus ay dumiretso siya sa kusina at maging sa kwarto na tila ba may hinahanap.“Where’s Amara?” tanong niya.“Umalis na siya kanina pang umaga dahil kailangan niya magmadali.”“What?”“Ano bang nangyayari Lucas, tell me hindi yung ganiyan na mas
“Huwag mo ng subukang tumakas.” Wika ng pinuno ng mga kadiliman ng ipalutang niya si Amara at sinasakal ito gamit ng kaniyang kapangyarihan.“Ano bang nagawa ko sa inyo?!” sigaw niya kahit na nahihirapan na siyang huminga. Sinusubukan niyang kumawala subalit bilang tao lamang ay hindi niya iyun magagawa.“Wala kang nagawa pero may magagawa ka para sa amin.” Ang boses niyang makakapagpatayo ng mga balahibo mo dahil sa lalim nito. Konontrol ni Amara ang kaniyang kapangyarihan dahil kahit kaunting galos man lang ang maibigay niya sa mga kadiliman ay magawa niya, dahan dahan niyang pinalabas ang isang apoy saka inihagis sa pinuno ng mga kadiliman, hindi naman nila iyun napansin kaya dumaplis ito sa mukha ng kanilang pinuno at dumiretso naman iyun sa mga kasama niya na naging dahilan ng kanilang pagtilapon. Galit na tiningnan ng kanilang pinuno si Amara na nakalutang pa rin kaya inihampas niya ito ng sunod sunod sa mga puno ha