Share

Kabanata 46.2

“Hindi iyun ganun magiging madali dahil nandiyan si Lucifer na babantayan ka.” tuluyan na akong bumagsak sa narinig ko. Masyadong magulo ang nangyayari, hindi ko kayang iproseso ng sabay sabay ang lahat. “I know it’s hard, may dahilan ang lahat ng nangyayari Amara at maaaring magbago pa ang propesiya. Sinabi ko lang sayo ito para makapaghanda ka para hindi ka na nagugulat. Magpahinga ka na muna, gagaling din yang sugat mo.” hindi na ako nakasagot pa sa kaniya. Tuluyan na siyang lumabas ng kwartong ito habang ako naman ay hindi ko alam ang gagawin ko, anong una kong dapat gawin. Ito ba ang dahilan kung bakit niya ako inilayo? Kung bakit niya ako kinuha sa palasyo ni Clayton para makaiwas sa mga nilalang na maaaring pumatay sa akin. Ano pa bang purpose ko sa mundong ito? Anong panghahawakan ko? Ang sinabi niyang maaaring magbago ang propesiya? Paano ko panghahawakan iyun kung wala namang kasiguraduhan?!!

“AAAHHHHHH!!” napasabunot na lamang ako sa sarili kong buhok sa inis!
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status