Share

Kabanata 46.1

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, kinurap ko pa ng ilang beses para tuluyan ko ng makita ng malinaw ang paligid ko. Napakunot na lamang ako ng mapansin kong hindi pamilyar sa akin itong lugar. Kahit na ramdam ko ang sakit sa tagiliran ko ay pinilit kong bumangon, inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Alam kong wala ako sa palasyo ni Clayton. Nasaan ba ako?

Nagtungo ako sa bintana at kinusot ang mga mata ko dahil baka namamalikmata lang ako sa nakikita ko pero kahit na ilang beses kong kusutin ang mga mata ko ay walang nagbabago sa nakikita ko sa paligid ko. Nasa taas ako ng isang puno? Paano nagkaroon ng bahay sa taas ng puno?

Napatingin na lang ako sa pintuan ng marinig ko ang pagbukas nun, pumasok ang isang babaeng alam kong siya ang huli kong nakita bago ako nawalan ng malay.

“Who are you?” blangko kong tanong sa kaniya. Ibinaba niya naman ang dala dala niyang pagkain. Hawak hawak ko ang tagiliran kong ramdam ko pa rin
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status