Dalawang linggo bago matapos ang taon, tapos na lahat ng naka-pending na trabaho sa Design Department. Kaya naman mas madalas na nadadalaw ni Analyn ang Papa niya sa ospital.
Tulad ngayong araw, nag-half day uli siya sa trabaho at ginugol ang oras niya sa tabi ng ama-amahan. Hindi pa rin ito nagigising. Nag-aalala na si Analyn.
Kasalukuyan niyang minamasahe ang katawan nito habang malungkot na nakatingin sa sa hapis na mukha nito. Malungkot ding nakatingin si Jan sa mukha ng dalaga.
“Analyn, cheer up. Huwag kang masyadong mag-alala. Okay naman ang vital signs ng Papa mo.”
“Hindi mo maalis sa akin ang magkaganito, Doc Jan,” sagot ni Analyn habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ng ama, “pagkatapos ng Bagong Taon, ika-apat na taon na ni Papa na natutulo
Iniluwa si Analyn ng private elevator ni Anthony. Pinaakyat siya ng lalaki sa opisina nito. “Miss Analyn,” bati sa kanya ni Vivian. Tila inaabangan talaga siya nito sa labas ng pintuan ng opisina ni Anthony. Tumango lang si Analyn sa babae at saka pumasok na sa loob. Nakayuko si Anthony, tila may binabasa sa ibabaw ng mesa niya. Saka lang nakita ni Analyn na nakatunghay ito sa isang planner. Nag-angat lang ito ng tingin ng marinig ang tunog ng takong ng sapatos ni Analyn.“According to you, tapos na ang lahat ng pending projects ng department n’yo for this year,” sabi ni Anthony sa mala-business-like na tono. “Yes,” maikling sagot ni Analyn. “Well, I want you to participate in the preparation for the annual DLM Christmas Party.”Mabilis na tiningnan ni Analyn si Vivian. Habang nakatingin lang si Vivian sa amo. Nang sa tingin ni Analyn ay wala siyang balak tingnan ni Vivian, ibinaling niya ang tingin kay Anthony.“Pero si Assistant Vivian ang taon-taong nag-aasikaso nun. Hindi nama
Kahit wala namang ginagawang masama si Analyn, nakaramdam siya bigla ng guilt. Pagkasabi nun ay hindi na nagsalita uli ang lalaki. Lalo namang nakonsiyensiya si Analyn. Gusto sana niyang magpaliwanag, pero hindi niya alam kung paano uumpisahan.Saka lang napansin ni Analyn na hindi pauwi sa Grace Village ang tinatahak nilang daan.“Saan tayo pupunta? May pupuntahan ka pa ba? Pwede naman akong umuwi na sa bahay.”“Sasama ka sa ‘kin.”“Okay.”Sa isang casino sila humantong. Sa isang kuwarto na puro may edad na mga lalaki at babae sila pumasok. Hinubad ni Anthony ang jacket niya at saka initsa kay Analyn.
Naghilamos ng mukha niya si Analyn kahit hindi naman niya balak gawin iyon. Hindi siya humihinto sa pagbasa sa mukha niya na para bang sa pamamagitan nun mapapawi ang nararamdaman niya ngayong pagkapahiya. Hindi pa siya nainsulto nang ganun sa buong buhay niya. Naiinis din siya kay Anthony. Ibang Anthony ang kasama niya ngayon at ito ang Anthony na hindi niya kilala. Naiinis siya sa binata. Hinayaan nito na insultuhin siya ng mga babaeng naroroon. Ni hindi man lang siya nito pinagtanggol kagaya ng ginagawa niya dati. Hinayaan lang nito na matapakan ang pagkatao niya. Kapag gusto niya ay kaya niyang gawin kahit makapanakit pa siya.Lahat tuloy ng nagawang maganda at mabuti ni Anthony noon para kay Analyn ay nabura ng lahat, at napalitan ng pangit na impresyon. Patuloy lang si Analyn sa paghilamos sa kanyang mukha ng biglang bumukas ang pintuan ng CR. Bahagya niyang sinilip ang pintuan kahit na nakayuko, at ang nakita niya roon ay sapatos na panlalaki. “Tama ka. Walang puso ang is
Hindi umuwi si Analyn sa bahay ni Anthony ng gabing iyon. Masyadong masama ang loob niya sa binata. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ito. Naghanap siya ng apartelle na malapit at saka nagbayad para sa isang gabing pananatili.Hindi rin naman siya nakatulog. Marami siyang iniisip. Tungkol kay Anthony at sa kung ano ba talaga ang meron sila. Pero bukod doon, meron ding napagtanto si Analyn sa sarili niya. Nahulog na ang loob niya sa binata. May nararamdaman na siya para rito. Kung kailan pa nagsimula, hindi na alam ni Analyn. Isa lang ang sigurado niya. Kapag pinangatawanan niya ang nararamdaman, alam niyang para na rin niyang ipinahamak ang sarili.Pero ano naman ang kaya ang binata? Naitanong niya sa sarili kung may nararamdaman na rin kaya ito sa kanya? Kahit konti? O baka naman siya lang ang nag-aabalang mag-isip at wala lang siya sa amo?
Nasa kalahatian na ang programa ng makita ni Analyn na dumating si Elle, na may kasamang may edad ng mag-asawa. Marahil ay mga magulang niya ito at ni Brittany. Agad na dumiretso ang pamilya sa mesa kung saan nakaupo si Anthony.Napansin ni Analyn na laging nakadikit si Elle kay Anthony kahit saan man ito magpunta sa loob ng venue. Kahit may kausap si Anthony, nasa di-kalayuan lang si Elle at nakamasid. Sa mga hindi nakakakilala kay Elle, iisipin nila na interesado si Elle kay Anthony dahil sa ginagawa nito. Napansin din ni Anthony ang ginagawa ng dalaga kaya mahinahon niya itong pinagsabihan. “Elle, bisita ka ngayon. Huwag mo akong buntutan. Kung may sasabihin ka sa akin, let’s schedule it on another day. But not now. I am busy entertaining my guests.”“Nakita ko kasi ang bwisit na babaeng ‘yun. Baka lapitan ka, kaya binabakuran kita.”“Elle.”“Ayokong napagkikita ka sa mga okasyong katulad nito na kasama mo siya. Hindi bagay!”Hindi sinagot ni Anthony si Elle. Sa halip, lumingon s
Hindi kilala ni Analyn ang lalaki. Ni hindi niya alam kung bisita ba ng DLM ito. Pansin niya ang namumula nitong mga mata.Biglang tumayo si Analyn mula sa kinauupuan. “Sino ka? Umalis ka na, bago pa ako tumawag ng guard.”“Ako? Pinapaalis mo?” sagot ng lalaki at saka humakbang palapit kay Analyn.“Lumayo ka, huwag mo akong hahawakan.” Pilit na pinapatatag ni Analyn ang boses niya sa kabila ng takot na nararamdaman niya.Pero humakbang pa rin ang lalaki at mabilis na nahawakan ang pisngi niya.“Oh, hinawakan kita. Ano’ng mangyayari?” nang-aasar na sabi nito.Tinabig ni Analyn ang kamay ng lalaki. “Aalis
“Sir Anthony! Nahuli namin ang walanghiya!” sigaw mula sa likuran ni Anthony. Lumingon si Anthony sa likod, nakita niya ang hindi kilalang lalaki na nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng mga lalaking empleyado ng DLM. Napansin din niya ang dugo sa may kilay nito at sa gilid ng bibig. Mabilis siyang tumayo at nagmamadaling sinugod ang lalaking gumawa ng kahalayan kay Analyn. Pinagsusuntok niya ito nang walang humpay hanggang sa halos hindi na makilala ang mukha nito. Napamaang ang nanonood na si Vivian. Hindi niya akalain na gagawin ng amo ang ganito, ang tahasang ipakita sa mga empleyado ng DLM at mga matataas na mga bisita kung paano niya iginanti ang sinapit ni Analyn. Nababaliw na ba ang amo ko?! Sa totoo lang, nasorpresa talaga ang lahat ng mga naroroon. Hindi nila maunawaan kung bakit ganun na lang ang galit ng presidente ng DLM sa lalaking nagtangka sa empleyado niya. Sa isang babaeng empleyado.Oo. Obligado ang DLM na protektahan ang kanilang mga empleyado, pero parang
Nasa isang fruit stand si Analyn. Dumaan muna siya roon para bumili ng prutas. Dadalawin niya si Elle ngayon sa ospital. Mabuti na lang at dun din naka-confine ang dalaga kung saan naroon ang Papa niya. Kukunin na sana niya ang wallet niya sa loob ng bag ng marinig niya ang pamilyar na boses ni Anthony. Hinanap niya ang pinagmumulan ng boses nito. Doon pala sa TV iyon nanggagaling. Kasalukuyang ini-interview si Anthony ng mga reporter tungkol sa nangyari nung gabi ng party ng DLM. Sa background ay ang hotel na pinagdausan ng party at may nakalagay na abiso na UNDER RENOVATION. Wala naman kasing magagawa ang management ng hotel kung hindi sumunod sa gusto ni Anthony. Makapangyarihan ang batang presidente ng DLM. Kayang-kaya niya talaga ipasara ang hotel kapag ginusto niya. “Miss, magbabayad ka ba o manonood muna ng balita?” “Ay, eto…” sagot ni Analyn, sabay dukot ng wallet niya sa bag. Iniabot niya sa babae ang bayad niya at saka kinuha ang pinamili.NASA female medical ward ng os
Nang itulak ni Analyn ang pintuan ng opisina ni Anthony, nakita niyang nakaupo si Anthony sa mesa nito habang may pinipirmahang mga dokumento habang nakayukong nakaalalay dito si Ailyn, para ilipat ng pahina ang mga pinipirmahan ng aawa. Magkalapit na magkalapit ang mukha ng dalawa. Konting galaw pa siguro at mahahalikan na nila ang isa’t isa. “Kailan ka pa nagpalit ng sekretarya? Hindi ako na-inform na wala na pala rito ang dati mong sekretarya,” tanong ni Analyn pagkakita sa dalawa. Bahagyang nagulat si Anthony, pero hindi siya nagpahalata. “Analyn, ano’ng ginagawa mo rito? Ipinagbilin ko sa bahay na huwag kang paalisin.”Agad na tumayo si Anthony para salubungin si Analyn. “Bakit? Para hindi ko malaman itong sikreto n’yo?” Tumuwid ng tayo si Ailyn. Kalmado lang itong ngumti kay Analyn. “Miss Analyn, nandito ako as assistant ni Tonton. Ito kasi ang gusto ni Papa.” Matalim na tinitigan ni Analyn si Ailyn. Nakaramdam naman ng takot si Ailyn kaya lumipad ang tingin niya kay Anth
Nanginginig ang buong katawan ni Analyn habang ikinukuwento kay Anthony ang nangyari. Takot na takot pa rin siya, at tanging si Anthony lang ang makakapagtanggal ng takot niya. Hinagod ni Anthony ang likuran ni Analyn. “Itinawag mo na kamo sa pulisya, di ba? Dapat may resulta na ang imbestigasyon nila ngayon.” Umiling-iling si Analyn. “Hindi, Anthony. Masama ang kutob ko. Malakas ang paniniwala ko na hindi basta-bastang pagkawala ito. Malakas ang kutob ko na may kumuha sa Papa ko.”“Shh… huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Malapit na tayo sa dating bahay niya. Baka nandun lang siya.” “Sana nga, Anthony. Sana nga…”NANG dumating sila Anthony at Analyn sa dating bahay ni Damian, walang senyales na galing doon si Damian. Saradong-sarado ito, at naka-lock ng padlock ang pintuan sa labas. Imposibleng makapasok si Damian doon.“Wala siya rito, Anthony. Ano’ng gagawin natin?”Dinukot ni Anthony ang telepono niya mula sa bulsa ng pantalon at saka tumawag sa bahay. Pero wala pa rin d
“Kapag dumating siya riyan, pakitawagan agad ako.”[“Opo.”]Gustong-gusto ng magpunta ni Analyn sa istasyon ng pulis, pero nag-aalala siya na baka biglang dumating naman doon si Damian at hindi siya makita. Naisipang niyang tumawag na lang muna sa hotline ng pulisya. Mabilis namang may sumagot kay Analyn. Ipinaliwanag niya ang sitwasyon niya. “Sir, tulungan n’yo naman akong ma-view ang mga CCTV footages sa malapit sa area.”Mga ilang minuto lang ay may dumating ng apat na pulis. Pagkatapos magpakilala kay Analyn, nagkanya-kanyang lakad ang mga ito para puntahan ang mga bahay, establishimyento at barangay na malapit sa lugar. Pero halos sabay-sabay din silang bumalik na may malungkot na balita.Lahat ng CCTV sa paligid ay sira kaya wala silang nakuhang recording.“Imposible!” namamanghang sabi ni Analyn. “Totoo po, Mam. Nasira siya magda-dalawang oras na ang nakaraan,” sabat ng isang may-ari ng isang establishimyento na sumama roon sa pulis. “Itinawag namin siya agad sa provider, p
[“Ah, sa Secretary’s Office po ito. Nasa meeting po si Sir Anthony.”]Saka lang nakahinga ng maluwag si Analyn. “Pagkatapos ng meeting niya, pakisabing tawagan ako.”[“Okay.”]Pagkababa niya sa tawag ay may kumatok sa pintuan ng kuwarto. Dumungaw doon si Damian.“Ano ba, Analyn? Tanghali na. Ang sabi mo, dadalhin mo ako sa tabing-dagat?” iritableng sabi nito.“Si Papa, parang bata… eto na nga, oh. Gising na ko.”Sumimangot si Damian. “Nangako ka kaya!”Tinawanan siya ni Analyn. “Oo na. Magbibihis lang ako.”SA isang malapit na resort dinala ni Analyn ang ama. Maaga pa lang, pero marami ng tao roon. Biglang naalala ni Analyn na weekend nga pala ng araw na iyon, at maaaring iyon ang dahilan. Tila naman masayang-masaya si Damian sa lugar. Pansin ni Analyn na tuwang-tuwa ang ama sa maraming tao na lugar. Naupo si Damian sa tabing-dagat at hinayaan na mabasa ng tubig-dagat ang mga paa niya. Nakatanaw siya sa malayong bahagi ng dagat habang tipid na nakangiti. “Analyn, naaalala mo ba n
Nang nasa loob na ng elevator ang dalawa, nagtanong si Ailyn kay Brittany. “Ano’ng nangyari?”Matalim na tiningnan ni Brittany si Ailyn. Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono niya sa bag niya at saka tumipa nang pagalit. Nang matapos sa pagtipa ay saka niya ipinakita kay Ailyn ang isinulat niya. “Anthony treats you well.”Pagkabasa ni Ailyn ay nag-angat siya ng tingin pero iniwasan niyang tingnan si Brittany.“Mabuti siya sa akin. Pero iyon ay dahil sa nakaraan…”Muling pagalit na tumipa si Brittany sa telepono niya.“Magaling kang magpa-ikot ng mga lalaki.” Hindi na sumagot si Ailyn. Sa halip ay nagyuko na lang siya ng ulo. Ayaw niyang makipagtalo kay Brittany. Pero tila hindi pa rin tapos si Brittany sa gusto niyang sabiihin. Muli siyang tumipa sa telepono niya.“Nilalansi ko na nga si Anthony para malaman mo kung ano ang damdamin niya sa iyo bilang si Ailyn. Tapos, eto pa ang mapapala ko? Masaya ka na? Ha? Mukhang nakuha mo na si Anthony. Protektado ka na niya.”Sunod-sunod na
Nang dumating ang sasakyan ni Anthony sa gate ng DLM Building, nakita niyang nakatayo roon si Ailyn. Nakasuot ito ng simpleng blouse at maong jeans. Pinahinto niya si Karl at saka nagbaba ng salamin ng bintana. “Tonton!” masayang pagbati ni Ailyn.“Ano’ng ginagawa mo rito?” “Ayaw nila akong papasukin sa loob. Ayaw nilang maniwala na magsisimula na akong magtrabaho rito.”Saka lang naalala ni Anthony ang usapan nila ni Sixto. “Sumabay ka na. Pagagawan kita ng ID sa itaas.” Pagkasabi nun ay binuksan ni Anthony ang pintuan para makasakay si Ailyn. Pagkadating sa palapag ng Executive Office, dinala agad ni Anthony si Ailyn sa opisina ng mga sekretarya niya at ipinakilala ang babae. “From now on, makakasama n’yo na rito si Ailyn. Pansamantala ko muna siyang magiging assistant. Ituro n’yo na sa kanya ang mga basic na dapat niyang matutunan.”Pasimpleng nagtinginan at nagkalabitan ang mga staff ni Anthony. Sa tinagal-tagal nila sa departamentong iyon, ngayon lang nagsama ng babaeng sekr
Sobrang nagulat si Analyn sa narinig. “Anthony, huwag.”“Mga litrato lang ‘yun, mas mahalaga ka.”Umiling-iling si Analyn. “Pero nagbalik na siya…”Nagbuga ng hangin si Anthony. “Asawa, kung sakaling hindi bumalik si Ailyn, ipapatapon ko pa rin ang mga ‘yan.” Pagkatapos ay nagbaling siya ng tingin kay Damian. “Dad, wala kang ginawang kasalanan. Huwag mong pansinin itong asawa ko. Dito ka lang sa bahay ko.”“P-Pasensiya na… nalito kasi ako. Akala ko kasi–”“Papa! Ano… magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Pupuntahan na lang kita mamaya dun,” agaw ni Analyn sa sasabihin pa ni Damian, dahil ayaw niyang marinig ni Anthony ang sasabihin nito. Nag-aatubili si Damian, tila may gusto pa siyang sabihin. Pero sa bandang huli, umalis na rin siya at iniwan ang dalawa roon.Nang nakaalis na si Damian at si Edna, kinausap ni Analyn si Anthony. “Anthony, huwag mo ng ipatapon. Malay mo, baka hanapin ni Ailyn ang mga lumang litrato ninyong dalawa.”Sumimangot si Anthony. “Sincere ako sa sinabi ko.
Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. “Manang, ang Papa ko?”“Naroroon sa dining.”Dumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.“Papa, ano’ng kinakain mo?” tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. “Papa, ano ‘yan?”Nilingon ni Damian si Analyn. “Picture mo “to.”Nagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyon“Ano"ng picture ko? Patingin nga…” Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. “Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. “Naku, Mam. Kanina pa niya hawak ‘yan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan ‘yan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw ‘yan, picture mo raw ‘yan. Ipinaliwanag
Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hangga’t maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.“Papa, dumating na si Anthony,” sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. “Sorry, Tito. Late na ako nakarating,” sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.“Not too late, son…” tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. “Anak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.”Ganun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. “Tonton…” nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni