Naramdaman ni Anthony na tila may nakatingin sa kanya kaya mabilis niyang sinupil ang ngiti bago nilingon si Raymond. Nahuli niyang nakangiti ito sa kanya na tila nanunukso. Tiningnan niya ng masama ang lalaki na nagbibigay babala na wala siyang nakita kay Anthony.
“Salamat, Sir Anthony, salamat,” masayang-masaya na sabi ni Analyn habang yakap-yakap ang laptop niya.
Napukaw nun ang atensyon ng dalawang lalaki at sabay silang lumingon kay Analyn. Nagpatuloy ito sa masayang pag-indak yakap ang laptop niya. Tunay na walang pagsidlan ang saya na nararamdaman niya ngayon.
“Instead of thanking me, use your brain on your work,” sa halip ay sagot ni Anthony.
Hindi alam ni Anthony kung maaawa o maiinis siya sa dalaga. Tinatapakan na siya sa departamento niya, pero hindi niya makuhang lumaban. Sayang ang talento niya na inaabuso ng mga nagiging boss niya. Kung hindi pa niya nakita mismo ng dalawang mata niya ang disenyo na iyon ni Analyn, malamang
Nang pumasok si Analyn sa Design department, kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya. Agad siyang nilapitan ng mga kasamahan niya.“Bakit? Ano’ng nangyari? Bakit ka pinaakyat ni boss Anthony sa opisina niya?” Si Michelle ang nagtanong.Malalim na bumuntong-hininga si Analyn. “Gusto nga kasing makita ni Sir Anthony ang ga drawings ko sa laptop ko, kaso hindi talaga nito mabuksan. Napagalitan pa tuloy ako.”“Kawawa ka naman,” sabi ng isang kasamahan ni Analyn.“Oo nga. Pakiramdam ko tuloy para rin akong napagalitan ni boss Anthony,” sabi naman ng isa pa.Tahimik na naglakad si Analyn papunta sa mesa niya. “Tapusin ko na nga ang mga papel na ‘to.”Samantala, hindi mapigilan ng nakatagong si Vi ang mapangiti. Biglang nawala ang kabang kanina pa niya nararamdaman. Ngayon, nakakasigurado siya na talagang walang kamukha ang disenyo niya.Umalis na siya sa may pintuan at kinuha ang bag niya. Mabuti pang umuwi na siya. Panatag na ang lo
“Okay. Okay. Sorry. Nakalimutan ko ‘yan sabihin. Sorry. First time ko lang kasi mag-present, medyo kinakabahan ako.” Bahagya pang yumukod si Vi sa mga tao niya.Pagkatapos ay nilingon niya si Analyn.“Thank you for adding that up, Analyn. You are very meticulous, napansin mo ang maliit na bagay na ‘yun,” nakangiting sabi ni Vi kay Analyn, kahit sa loob niya ay gigil na gigil na siya sa babae.“You may take your seat, Analyn.”Pero hindi sumunod si Analyn. Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya na ipinagtaka ni Vi.“Hindi mo ba itatanong boss Vi kung bakit alam na alam ko?Biglang nanlamig ang mga kamay ni Vi sa tanong na iyon ni Analyn. Idagdag pa ang confident na aura ngayon ng babae. Habang siya ay kanina pa kinakabahan at ang gisto na lang niya ay matapos na ang panahon na ito.Pero naisip niya, kahit ano pa ang sabihin ni Analyn ngayon, wala naman siyang patunay na sa kanya ang disenyo.“Okay, pagbibigyan
Pero nagpumiglas si Vi sa mga humawak sa kanya.“Ayoko! Hindi ako aalis dito! Walang makakapagpaalis sa akin dito kung hindi si boss Anthony lang!”“Nagnakaw ka ng design ng ibang tao, tapos ang lakas ng loob mong sabihing ayaw mong umalis?” nanunuyang sabi ni Mr. Lee kay Vi.Humulagpos si Vi mula sa mga humahawak sa kanya at saka niya sinugod si Analyn.“Ikaw! Kasalanan mo ‘to! Sinet-up mo ko!” galit na galit na sabi niya rito habang nakaturo ang daliri niya kay Analyn at panay ang tulo ng mga luha.Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Analyn. “Ako na nga ang ninakawan mo ng design, ikaw pa ang may ganang magalit sa akin? Dapat lang ‘yan sa ‘yo.”“Sige na, ilabas n’yo na ‘yan,” utos ni Mr. Lee sa mga security guard na naroroon.Sa pagkakataong ito, hindi na nagreklamo si Vi at kusang sumama na sa mga guwardiyang kumuha sa kanya.“Hmp! Sino na ngayon ang nag-plagiarized daw? Hah! Ang matindi pa, ngayon, alam na ng bu
Nakakaloko ang ngiti ni Anthony habang nakatingin kay Analyn. Samantalang halos mawalan ng kulay ang mukha ni Analyn.“Sir! Hindi maganda ‘yan! Nakikinig ka sa mga usapan ng may usapan.”“Nakikinig? If I remember it correctly, nakatayo kayo nun sa tapat ng kotse ko.”Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Saka lang niya naalala ang eksena na iyon na nakatayo sila ni Michelle sa tapat ng isang magarang sasakyan. Malay ba niya na may nakasakay doon, tapos ang malas pa niya dahil si Anthony pala ang sakay nun.Umirap si Analyn sa hangin.“Bakit kasi ibang sasakyan ang gamit mo nun? Malay ko ba. Eto lang ang alam kong sasakyan mo.”Bahagyang natawa si Anthony.“Tara na. Ano pa’ng ginagawa mo riyan? Sumakay ka na at ipagluluto mo pa ako, di ba?”Humalukipkip si Analyn.“Sorry, Sir. Dahil nakinig ka sa usapan ng may usapan, binabawi ko na na ipagluluto kita ngayon.“Tsk! You’re so ruthless.”“Kasalanan mo.”
Alam ng mga kasambahay ni Lolo Greg na nung araw na iyon ang uwi niya galing sa ospital. Kaya naman, napakaraming nilutong ulam sa mansyon. Kung noong unang kumain sila kasama ni Lolo Greg ay hindi pamilyar si Analyn sa mga kinain nila, ngayon ay pamilyar na pamilyar na siya sa mga nakahain.“Pagkatapos n’yo kumain, sumunod kayong dalawa sa study room.” Iyon lang ang sinabi ni Greg, pagkatapos ay tumayo na.Agad namang umalalay ang isang may edad ng kasambahay kay Greg. Sabay na silang maglakad palayo roon.Napatingin si Analyn kay Anthony. Gusto niya sanang itanong sa binata kung alam niya ang dahilan kung bakit sila kakausapin ng matanda ng pribado, pero parang hindi naman nababahala ang lalaki at tuloy-tuloy lang sa pagkain. NANG makapasok si Analyn sa loob ng study room ni Greg, agad siyang napahinto at sinuyod ng tingin ang silid. Walang nakaligtas sa paningin niya maski ang mga antique na
“Bakit gusto mong magpalipas ng gabi rito?” tanong ni Analyn ng mapag-solo sila ni Anthony.Hinarap siya ni Anthony. “Unless, gusto mong tamaan ng kidlat ang sasakyan natin.”Saka naman biglang kumidlat nang malakas, kasunod ang malakas na kulog.“P-Pero… alam mo ba ang ibig sabihin nun? Kailangan nating magsama sa iisang kuwaerto dahil mag-asawa tayo.”“And so?” tanong ni Anthony kay Analyn.“Eh di ba, ayaw mong pumapasok ako sa kuwarto mo? Hindi namantayo pwedeng matulog sa magkaibang kuwarto, magtataka si Lolo Greg.”Napansin ni Anthony na hindi komportable si Analyn habang sinasabi sa kanya iyon. Tila pa nga nahihiya ito at hindi makatingin ng derecho sa kanya. Naisipan niyang biruin ang dalaga.“Okay lang. Wala naman tayo sa bahay ko. Pwede tayong matulog sa iisang kuwarto ngayon.”“Ha?”Magpo-protesta pa sana si Analyn pero dumating ang may edad nang kasambahay ng mansyon, si Manang Edna.
“Hmm?”Mahina at malat ang boses ni Anthony. Hindi alam ni Analyn kung tulog na ba talaga ito at nagising lang niya. Pero tila may something sa paos na boses ni Anthony, parang ang seksi ng dating sa pandinig ni Analyn. Uminit tuloy ang mukha niya.“Sir, isosoli ko na ‘tong bracelet. Masyadong mahal ‘to. Baka masira o mawala ito, wala akong ibabayad dito.”Bahagyang nilingon ni Anthony sa Analyn.“Ibinigay ni Lolo sa iyo iyan. Gusto mo bang malungkot ang matanda? Saka ano’ng sasabihin mo sa kanya kung bakit mo ibinabalik?”Dinig ni Anthony ang malakas na pagbuntong-hininga ni Analyn.“Kung ganun, ibabalik ko na lang sa’yo kapag naghiwalay na tayo.”Natigilan si Anthony. Alam niyang sa paghihiwalay matatapos ang drama nila na ito ni Analyn. Pero may naramdaman siyang inis ng mismo kay Analyn nanggaling ang mga salitang iyon.“Ik
Bigla na lang nag-preno si Anthony. “Don’t tell me na virgin ka pa?” natatawang tanong niya kay Analyn. Tiningnan siya ni Analyn, tapos ay inirapan. Nagtatalo ang isip niya kung aaminin ba sa binata o hindi. Nakakahiya ba kung aaminin niyang sa edad niyang ito ay wala pa siyang karanasan? Knowing Anthony, paniguradong maraming babae na itong natikman. Pero naisip niya na mas nakakahiya kung aaminin niya kay Anthony na kinain niya ang sinabi niya kagabi tungkol doon sa paglampas nila sa espasyo ng higaan nila sa kama.“How could you? Siyempre… h-hindi na. Ginawa ko na… ‘yun. Dati.” Sa wakas ay naisip niyang isagot.Biglang tumigil ang pagtawa ni Anthony, tapos ay sumama ang timpla ng mukha nito. Hindi nagtagal ay muli na nitong pinaabante ang sasakyan. Napansin ni Analyn ang pagbabago ng itsura ng mukha nito, pero hindi na niya pinansin.LUMABAS si Analyn mula sa elevator. Muntik pa niyang mabangga ang nagmamadali ring si Michelle. “Good morning!” masayang pagbati ni Michelle.“Goo
Nang nasa loob na ng elevator ang dalawa, nagtanong si Ailyn kay Brittany. “Ano’ng nangyari?”Matalim na tiningnan ni Brittany si Ailyn. Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono niya sa bag niya at saka tumipa nang pagalit. Nang matapos sa pagtipa ay saka niya ipinakita kay Ailyn ang isinulat niya. “Anthony treats you well.”Pagkabasa ni Ailyn ay nag-angat siya ng tingin pero iniwasan niyang tingnan si Brittany.“Mabuti siya sa akin. Pero iyon ay dahil sa nakaraan…”Muling pagalit na tumipa si Brittany sa telepono niya.“Magaling kang magpa-ikot ng mga lalaki.” Hindi na sumagot si Ailyn. Sa halip ay nagyuko na lang siya ng ulo. Ayaw niyang makipagtalo kay Brittany. Pero tila hindi pa rin tapos si Brittany sa gusto niyang sabiihin. Muli siyang tumipa sa telepono niya.“Nilalansi ko na nga si Anthony para malaman mo kung ano ang damdamin niya sa iyo bilang si Ailyn. Tapos, eto pa ang mapapala ko? Masaya ka na? Ha? Mukhang nakuha mo na si Anthony. Protektado ka na niya.”Sunod-sunod na
Nang dumating ang sasakyan ni Anthony sa gate ng DLM Building, nakita niyang nakatayo roon si Ailyn. Nakasuot ito ng simpleng blouse at maong jeans. Pinahinto niya si Karl at saka nagbaba ng salamin ng bintana. “Tonton!” masayang pagbati ni Ailyn.“Ano’ng ginagawa mo rito?” “Ayaw nila akong papasukin sa loob. Ayaw nilang maniwala na magsisimula na akong magtrabaho rito.”Saka lang naalala ni Anthony ang usapan nila ni Sixto. “Sumabay ka na. Pagagawan kita ng ID sa itaas.” Pagkasabi nun ay binuksan ni Anthony ang pintuan para makasakay si Ailyn. Pagkadating sa palapag ng Executive Office, dinala agad ni Anthony si Ailyn sa opisina ng mga sekretarya niya at ipinakilala ang babae. “From now on, makakasama n’yo na rito si Ailyn. Pansamantala ko muna siyang magiging assistant. Ituro n’yo na sa kanya ang mga basic na dapat niyang matutunan.”Pasimpleng nagtinginan at nagkalabitan ang mga staff ni Anthony. Sa tinagal-tagal nila sa departamentong iyon, ngayon lang nagsama ng babaeng sekr
Sobrang nagulat si Analyn sa narinig. “Anthony, huwag.”“Mga litrato lang ‘yun, mas mahalaga ka.”Umiling-iling si Analyn. “Pero nagbalik na siya…”Nagbuga ng hangin si Anthony. “Asawa, kung sakaling hindi bumalik si Ailyn, ipapatapon ko pa rin ang mga ‘yan.” Pagkatapos ay nagbaling siya ng tingin kay Damian. “Dad, wala kang ginawang kasalanan. Huwag mong pansinin itong asawa ko. Dito ka lang sa bahay ko.”“P-Pasensiya na… nalito kasi ako. Akala ko kasi–”“Papa! Ano… magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Pupuntahan na lang kita mamaya dun,” agaw ni Analyn sa sasabihin pa ni Damian, dahil ayaw niyang marinig ni Anthony ang sasabihin nito. Nag-aatubili si Damian, tila may gusto pa siyang sabihin. Pero sa bandang huli, umalis na rin siya at iniwan ang dalawa roon.Nang nakaalis na si Damian at si Edna, kinausap ni Analyn si Anthony. “Anthony, huwag mo ng ipatapon. Malay mo, baka hanapin ni Ailyn ang mga lumang litrato ninyong dalawa.”Sumimangot si Anthony. “Sincere ako sa sinabi ko.
Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. “Manang, ang Papa ko?”“Naroroon sa dining.”Dumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.“Papa, ano’ng kinakain mo?” tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. “Papa, ano ‘yan?”Nilingon ni Damian si Analyn. “Picture mo “to.”Nagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyon“Ano"ng picture ko? Patingin nga…” Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. “Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. “Naku, Mam. Kanina pa niya hawak ‘yan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan ‘yan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw ‘yan, picture mo raw ‘yan. Ipinaliwanag
Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hangga’t maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.“Papa, dumating na si Anthony,” sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. “Sorry, Tito. Late na ako nakarating,” sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.“Not too late, son…” tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. “Anak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.”Ganun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. “Tonton…” nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni
Pagkaraan ng dalawang araw, nakatanggap nga ng imbistasyon si Anthony sa isang selebrasyon mula sa mga Esguerra. Nasa tabi niya si Analyn ng iabot sa kanya iyon ng isang kasambahay at ng buksan niya. “Nakakainis ‘yung mga tao na hindi marunong lumugar. May asawa ka ng tao, bakit kailangan ka pa nilang imbitahin sa okasyon ng dalaga nilang anak?”“Hindi lang naman ang kaugnayan ko kay Ailyn ang ugnayan namin ng mga Esguerra. Matagal na rin silang kaibigan ng pamilya namin. Inimbita ako as a family friend, hindi bilang childhood sweetheart ni Ailyn.”Nang dumating ang araw ng party ng mga Esguerra, sinamahan pa ni Analyn si Anthony sa pagbibihis nito. “Alam ko, hindi ka mapipigilan na pumunta roon, kaya go! Pumunta ka lang. Hihintayin na lang kita rito sa bahay.”Hinawakan ni Anthony ang kamay ng asawa at saka dinala sa mga labi niya para halikan. “Hindi ka galit?” tanong niya pagkaraan niyang masuyong mahalikan ang kamay nito.“Bakit naman ako magagalit? Ako ang asawa. Unless, wala
Nang sinabi ni Anthony ang pangalan na iyon, walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi malinaw kung ano talaga ang nararamdaman niya. Parang may kalituhan pa ngang nakita si Analyn sa mga mata niya. Nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod si Analyn. Muntik pa siyang matumba. Litong-lito ang isip niya. Of all people, bakit si Ailyn? Bakit naging si Ailyn?Bigla niyang naalala nung una niyang nakatagpo ang babae. Napansin niya agad ang pagkakapareho ng mga mata at kilay ni Ailyn sa kanya. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng ulo.“Sigurado ba ‘yan?” tanong ni Analyn. Nagbuga ng hangin si Anthony. “The DNA test confirmed it. Isa pa, marami siyang detalye na nagma-match sa dating Ailyn.”Naiintindihan na ngayon ni Analyn kung bakit inako ni Anthony ang pagpapa-DNA test. At kung bakit hindi masabi ni Edward sa kanya na si Ailyn na dating sekretarya niya ang totoong Ailyn. Ang ipinagtataka lang ni Analyn, ang tagal na pumirmi ni Ailyn sa Tierra Nueva, pero walang nakadiskubre na
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa
“Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.