Pero nagpumiglas si Vi sa mga humawak sa kanya.
“Ayoko! Hindi ako aalis dito! Walang makakapagpaalis sa akin dito kung hindi si boss Anthony lang!”
“Nagnakaw ka ng design ng ibang tao, tapos ang lakas ng loob mong sabihing ayaw mong umalis?” nanunuyang sabi ni Mr. Lee kay Vi.
Humulagpos si Vi mula sa mga humahawak sa kanya at saka niya sinugod si Analyn.
“Ikaw! Kasalanan mo ‘to! Sinet-up mo ko!” galit na galit na sabi niya rito habang nakaturo ang daliri niya kay Analyn at panay ang tulo ng mga luha.
Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Analyn. “Ako na nga ang ninakawan mo ng design, ikaw pa ang may ganang magalit sa akin? Dapat lang ‘yan sa ‘yo.”
“Sige na, ilabas n’yo na ‘yan,” utos ni Mr. Lee sa mga security guard na naroroon.
Sa pagkakataong ito, hindi na nagreklamo si Vi at kusang sumama na sa mga guwardiyang kumuha sa kanya.
“Hmp! Sino na ngayon ang nag-plagiarized daw? Hah! Ang matindi pa, ngayon, alam na ng bu
Nakakaloko ang ngiti ni Anthony habang nakatingin kay Analyn. Samantalang halos mawalan ng kulay ang mukha ni Analyn.“Sir! Hindi maganda ‘yan! Nakikinig ka sa mga usapan ng may usapan.”“Nakikinig? If I remember it correctly, nakatayo kayo nun sa tapat ng kotse ko.”Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Saka lang niya naalala ang eksena na iyon na nakatayo sila ni Michelle sa tapat ng isang magarang sasakyan. Malay ba niya na may nakasakay doon, tapos ang malas pa niya dahil si Anthony pala ang sakay nun.Umirap si Analyn sa hangin.“Bakit kasi ibang sasakyan ang gamit mo nun? Malay ko ba. Eto lang ang alam kong sasakyan mo.”Bahagyang natawa si Anthony.“Tara na. Ano pa’ng ginagawa mo riyan? Sumakay ka na at ipagluluto mo pa ako, di ba?”Humalukipkip si Analyn.“Sorry, Sir. Dahil nakinig ka sa usapan ng may usapan, binabawi ko na na ipagluluto kita ngayon.“Tsk! You’re so ruthless.”“Kasalanan mo.”
Alam ng mga kasambahay ni Lolo Greg na nung araw na iyon ang uwi niya galing sa ospital. Kaya naman, napakaraming nilutong ulam sa mansyon. Kung noong unang kumain sila kasama ni Lolo Greg ay hindi pamilyar si Analyn sa mga kinain nila, ngayon ay pamilyar na pamilyar na siya sa mga nakahain.“Pagkatapos n’yo kumain, sumunod kayong dalawa sa study room.” Iyon lang ang sinabi ni Greg, pagkatapos ay tumayo na.Agad namang umalalay ang isang may edad ng kasambahay kay Greg. Sabay na silang maglakad palayo roon.Napatingin si Analyn kay Anthony. Gusto niya sanang itanong sa binata kung alam niya ang dahilan kung bakit sila kakausapin ng matanda ng pribado, pero parang hindi naman nababahala ang lalaki at tuloy-tuloy lang sa pagkain. NANG makapasok si Analyn sa loob ng study room ni Greg, agad siyang napahinto at sinuyod ng tingin ang silid. Walang nakaligtas sa paningin niya maski ang mga antique na
“Bakit gusto mong magpalipas ng gabi rito?” tanong ni Analyn ng mapag-solo sila ni Anthony.Hinarap siya ni Anthony. “Unless, gusto mong tamaan ng kidlat ang sasakyan natin.”Saka naman biglang kumidlat nang malakas, kasunod ang malakas na kulog.“P-Pero… alam mo ba ang ibig sabihin nun? Kailangan nating magsama sa iisang kuwaerto dahil mag-asawa tayo.”“And so?” tanong ni Anthony kay Analyn.“Eh di ba, ayaw mong pumapasok ako sa kuwarto mo? Hindi namantayo pwedeng matulog sa magkaibang kuwarto, magtataka si Lolo Greg.”Napansin ni Anthony na hindi komportable si Analyn habang sinasabi sa kanya iyon. Tila pa nga nahihiya ito at hindi makatingin ng derecho sa kanya. Naisipan niyang biruin ang dalaga.“Okay lang. Wala naman tayo sa bahay ko. Pwede tayong matulog sa iisang kuwarto ngayon.”“Ha?”Magpo-protesta pa sana si Analyn pero dumating ang may edad nang kasambahay ng mansyon, si Manang Edna.
“Hmm?”Mahina at malat ang boses ni Anthony. Hindi alam ni Analyn kung tulog na ba talaga ito at nagising lang niya. Pero tila may something sa paos na boses ni Anthony, parang ang seksi ng dating sa pandinig ni Analyn. Uminit tuloy ang mukha niya.“Sir, isosoli ko na ‘tong bracelet. Masyadong mahal ‘to. Baka masira o mawala ito, wala akong ibabayad dito.”Bahagyang nilingon ni Anthony sa Analyn.“Ibinigay ni Lolo sa iyo iyan. Gusto mo bang malungkot ang matanda? Saka ano’ng sasabihin mo sa kanya kung bakit mo ibinabalik?”Dinig ni Anthony ang malakas na pagbuntong-hininga ni Analyn.“Kung ganun, ibabalik ko na lang sa’yo kapag naghiwalay na tayo.”Natigilan si Anthony. Alam niyang sa paghihiwalay matatapos ang drama nila na ito ni Analyn. Pero may naramdaman siyang inis ng mismo kay Analyn nanggaling ang mga salitang iyon.“Ik
Bigla na lang nag-preno si Anthony. “Don’t tell me na virgin ka pa?” natatawang tanong niya kay Analyn. Tiningnan siya ni Analyn, tapos ay inirapan. Nagtatalo ang isip niya kung aaminin ba sa binata o hindi. Nakakahiya ba kung aaminin niyang sa edad niyang ito ay wala pa siyang karanasan? Knowing Anthony, paniguradong maraming babae na itong natikman. Pero naisip niya na mas nakakahiya kung aaminin niya kay Anthony na kinain niya ang sinabi niya kagabi tungkol doon sa paglampas nila sa espasyo ng higaan nila sa kama.“How could you? Siyempre… h-hindi na. Ginawa ko na… ‘yun. Dati.” Sa wakas ay naisip niyang isagot.Biglang tumigil ang pagtawa ni Anthony, tapos ay sumama ang timpla ng mukha nito. Hindi nagtagal ay muli na nitong pinaabante ang sasakyan. Napansin ni Analyn ang pagbabago ng itsura ng mukha nito, pero hindi na niya pinansin.LUMABAS si Analyn mula sa elevator. Muntik pa niyang mabangga ang nagmamadali ring si Michelle. “Good morning!” masayang pagbati ni Michelle.“Goo
Nagulat si Vivian pag-akyat niya sa palapag ng opisina ni Anthony. Nandoon na ito at nakaupo na. Nataranta si Vivian. Hindi pa siya nakapaghanda ng almusal ng boss niya. Mabilis siyang kumilos. Naghanda siya ng black coffee at French toast na paboritong almusal ng amo. “Boss, sorry. Heto na ang breakfast mo. Hindi mo naman ako sinabihang maaga kang papasok ngayong araw.”Hindi man lang tiningnan ni Anthony ang pagkaing inilapag ni Vivian sa mesa niya, patuloy lang ito sa binabasa niyang financial report. Sorry. Kumain na ko sa bahay. Maaga kasi akong nagising. Sa iyo na lang muna ‘yan.”Natigilan si Vivian. Kumain na siya? "O-Okay…”Muli niyang kinuha ang plato kahit mabigat sa kalooban niya. Masaya siya kapag kinakain ni Anthony ang inihahanda niyang almusal para rito. Sa ilang taon niyang pagsisilbi sa binata, ngayon lang niya narinig na kumain ito sa bahay niya bago pumasok ng trabaho. Saka naman niya napansin ang kaliwang daliri ni Anthony na may suot na singsing.Natigilan si
Nawala man si Vi, pero kailangang ituloy pa rin ang proyekto. At dahil design ni Analyn iyon, responsibilidad niyang ayusin ang nabinbing proyekto. Ang unang ginawa ni Analyn ay gawan ng major revision ang design. Ayaw niyang sa tuwing maiugnay kay Vi ang lalabas na design. Walang duda na nakapassa sa final review at final approval ang bagong disenyo ni Analyn.Pagkatapos ng matagumpay na contract signing, naging mainit na usapan sa departamento kung makukuha ba ni Analyn ang posisyon ng pagiging manager. Pero marami rin ang nagsasabi na malakas din ang laban ni Fatima dahil sa mga achievements nito sa kumpanya. “Ayokong maging manager, maraming trabaho ‘yun.” Iyan ang sagot ni Analyn kay Michelle ng banggitin ng huli ang naririnig niyang usap-usapan.“Ha? Tatanggihan mo if ever na i-offer sa ‘yo? Gagi. Hindi ba at kailangan mo ng pera para sa medical expenses ng Papa mo? Siyempre, promotion ‘yun. Kapag na-promote ka, madadagdagan ang sahod mo. Okay ka lang?”Medical expenses? Upd
Lahat ng mga kasamahan ni Analyn ay tila gulat na gulat sa narinig. Ayaw man ni Analyn na magsimula ng ganung tsismis, pero wala na siyang maisip na pwedeng idahilan para makaiwas sa mga kasamahan niya. And besides, tama lang ‘yun. Makaganti man lang ako sa kanya sa pag-take advantage niya sa akin kaninang umaga! Hah!“Oo. May ano ‘yung asawa ko eh… ano… ‘yung mga legs niya lumalaki, ganyan,” pagmumuwestra pa ni Analyn sa sariling binti niya, “pati paa niya. Grabe! Mula nung bata siya ganun na siya. Kaya ayaw niyang may nakakakita sa kanya na ibang tao. Alam n’yo naman ang mga lalaki, mataas ang ego niyan. Ma-pride. Ayaw nilang napipintasan sila. Ganun.”Pagkasabi ni Analyn nun ay walang nangahas na magsalita o magtanong pa. Lahat ay nakatingin kay Analyn na may awa. Si Fatima lang ang may lakas ng loob na nagsalita.“Napaka-santa mo naman pala, Analyn. Willing kang mag-sacrifice para sa asawa mo.”“Sinabi mo pa,” malungkot na sagot ni Analyn, “kung hindi ko lang nga na mahal na maha
Naunang bumaba ng sasakyan si Analyn, kasunod niya sa likuran si Anthony. Lahat ng madaanan nilang mga empleyado ay sabay silang binabati. Pagdating sa palapag ng President’s Office, wala pa ni isang staff ang nandoon pero naroroon na si Ailyn. Nasa loob na siya ng opisina ni Athony at ginagawa na ang trabaho niya. Nang narinig niya ang pagbukas ng pintuan, nag-angat agad siya ng tingin. Malapad ang ngiti niya dahil alam niyang dumating na si Anthony. “Tonton!” Pero agad na napawi ang ngiti niya ng nakita niya ang pagmumukha ni Analyn. “A- Miss Analyn…”Ngumiti si Analyn kay Ailyn. “You’re so early. Mukhang swak na swak ka talaga sa posisyon mo rito sa opisina ni Anthony.”Sinulyapan ni Ailyn si Anthony, tila ba humihingi ito ng tulong sa lalaki. Eksakto naman na may dumating na isang opisyal ng DLM Group na may dala-dala g dokumento. “Boss Anthony, mabuti nandito ka na. May nakalimutan kang pirmahan dun sa bagong project natin, kailangan na itong dalhin ngayon sa munisipyo.”T
20th floor. Sa condo unit ni Elle. Doon tumuloy si Analyn mula sa bahay ni Anthony. “Kanina, ipinatawag ni Papa Sixto ‘yung tatlong anak para hatiin na sa kanila ‘yung shares niya.”Nagulat si Analyn sa sinabi ni Elle. Nabasa naman ni Elle sa mukha ni Analyn na gusto nitong malaman ang dagdag na impormasyon pa kaya sinabi na niya. “20% kay Alfie, 15% kay Ate Brittany at 10% kay Ate Ailyn.” Lalong nagulat si Analyn. “Bakit pinakamalaki kay Alfie?” “Ang isa pang nakakagulat, kanina, may nagpuntang pulis sa bahay ng mga Esguerra. Kinuwestiyon sila isa-isa. Galit na galit ang matanda. Ikaw ba ang may pakana nun?”Napangiti si Analyn sa narinig. “Magaling si mamang pulis, ha… pagagawan ko nga siya ng tarpaulin, tapos ibabalandra ko roon sa police station nila.”“Sira!”Tumawa lang si Analyn. “Napapansin ko, lagi ka ng masaya ngayon.”“Hindi na kasi ako pinagbubuhatan ng kamay ni Alfie.”“Talaga ba? Himala yata? Nag-therapy ba siya?”“Natulungan ko siya sa isang project, tuwang-tuwa a
Samantala, tila naman napako na si Analyn sa pagkakaupo sa loob ng sasakyan at hindi na niya nakuhang makababa. Nakatingin lan siya sa dalawang taong na nasa harapan ng bahay ni Anthony. Gusto na niyang bawiin ang tingin niya, pero hindi niya magawa kahit nasasaktan na siya. Mahal na niya kasi, kaya ramdam na niya ang sakit. Ngayon lang niya na-realize na ganun na pala kalapit sa isa’t isa sila Anthony at Ailyn. Hindi niya alam kung kaya pa ba niyang magtiwala kay Anthony, lalo na kung wala siya sa paligid nito.Habang papalapit si Anthony sa sasakyan na kinalululanan ni Analyn, mataman lang siyang nakatingin sa asawa. Nang huminto ito sa tapat ng bintana kung saan siya nakaupo at kinatok ang salamin, hindi pa rin siya natinag. Kahit na hindi nakikita ni Anthony ang sakay ng sasakyan dahil sa madilim na tint, alam niya sa puso niya na si Analyn ang nasa loob nito. “Analyn.” Ngayon ay may kasama ng pagtawag ang ginawa niyang pagkatok sa bintana. Huminga muna ng malalim si Analyn at
Malakas na itinulak ni Analyn si Anthony.“Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagtatrabaho na si Ailyn sa kumpanya mo?!”“Alam mo na ngayon.”“Huwag kang pilosopo!”“This is the reason why I didn’t tell you. Kapag sinabi ko, magagalit ka rin naman.”“Mahal mo na ba siya?!”Pumikit si Anthony, at saka hinilot-hilot ang pagitan ng mga kilay niya.“Na-inlove ka na talaga sa kanya?” hindi makapaniwalang tanong uli ni Analyn. Nilapitan niya si Anthony at saka hinila ang kamay nito para mapilitan siyang magdilat ng mga mata at tingnan siya.“Analyn…”“Sagutin mo ko, Anthony!”Hinila ni Anthony si Analyn palapit sa kanya. “Isa lang ang Mrs. De la Merced sa buhay ko.”Niyakap ni Anthony si Analyn at saka hinalikan ang buhok nito. Pilit namang humihiwalay sa kanya ni Analyn. “Pero maraming babae.”Pilit namang ibinalik ni Anthony ang asawa sa pagkakayakap. “No. Wala. Kahit isa.”Hinuli ni Anthony ang mukha ni Analyn at saka ito pilit hinalikan sa mga labi. Kahit anong piglas ni Analyn ay hind
Nang itulak ni Analyn ang pintuan ng opisina ni Anthony, nakita niyang nakaupo si Anthony sa mesa nito habang may pinipirmahang mga dokumento habang nakayukong nakaalalay dito si Ailyn, para ilipat ng pahina ang mga pinipirmahan ng aawa. Magkalapit na magkalapit ang mukha ng dalawa. Konting galaw pa siguro at mahahalikan na nila ang isa’t isa. “Kailan ka pa nagpalit ng sekretarya? Hindi ako na-inform na wala na pala rito ang dati mong sekretarya,” tanong ni Analyn pagkakita sa dalawa. Bahagyang nagulat si Anthony, pero hindi siya nagpahalata. “Analyn, ano’ng ginagawa mo rito? Ipinagbilin ko sa bahay na huwag kang paalisin.”Agad na tumayo si Anthony para salubungin si Analyn. “Bakit? Para hindi ko malaman itong sikreto n’yo?” Tumuwid ng tayo si Ailyn. Kalmado lang itong ngumti kay Analyn. “Miss Analyn, nandito ako as assistant ni Tonton. Ito kasi ang gusto ni Papa.” Matalim na tinitigan ni Analyn si Ailyn. Nakaramdam naman ng takot si Ailyn kaya lumipad ang tingin niya kay Anth
Nanginginig ang buong katawan ni Analyn habang ikinukuwento kay Anthony ang nangyari. Takot na takot pa rin siya, at tanging si Anthony lang ang makakapagtanggal ng takot niya. Hinagod ni Anthony ang likuran ni Analyn. “Itinawag mo na kamo sa pulisya, di ba? Dapat may resulta na ang imbestigasyon nila ngayon.” Umiling-iling si Analyn. “Hindi, Anthony. Masama ang kutob ko. Malakas ang paniniwala ko na hindi basta-bastang pagkawala ito. Malakas ang kutob ko na may kumuha sa Papa ko.”“Shh… huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Malapit na tayo sa dating bahay niya. Baka nandun lang siya.” “Sana nga, Anthony. Sana nga…”NANG dumating sila Anthony at Analyn sa dating bahay ni Damian, walang senyales na galing doon si Damian. Saradong-sarado ito, at naka-lock ng padlock ang pintuan sa labas. Imposibleng makapasok si Damian doon.“Wala siya rito, Anthony. Ano’ng gagawin natin?”Dinukot ni Anthony ang telepono niya mula sa bulsa ng pantalon at saka tumawag sa bahay. Pero wala pa rin d
“Kapag dumating siya riyan, pakitawagan agad ako.”[“Opo.”]Gustong-gusto ng magpunta ni Analyn sa istasyon ng pulis, pero nag-aalala siya na baka biglang dumating naman doon si Damian at hindi siya makita. Naisipang niyang tumawag na lang muna sa hotline ng pulisya. Mabilis namang may sumagot kay Analyn. Ipinaliwanag niya ang sitwasyon niya. “Sir, tulungan n’yo naman akong ma-view ang mga CCTV footages sa malapit sa area.”Mga ilang minuto lang ay may dumating ng apat na pulis. Pagkatapos magpakilala kay Analyn, nagkanya-kanyang lakad ang mga ito para puntahan ang mga bahay, establishimyento at barangay na malapit sa lugar. Pero halos sabay-sabay din silang bumalik na may malungkot na balita.Lahat ng CCTV sa paligid ay sira kaya wala silang nakuhang recording.“Imposible!” namamanghang sabi ni Analyn. “Totoo po, Mam. Nasira siya magda-dalawang oras na ang nakaraan,” sabat ng isang may-ari ng isang establishimyento na sumama roon sa pulis. “Itinawag namin siya agad sa provider, p
[“Ah, sa Secretary’s Office po ito. Nasa meeting po si Sir Anthony.”]Saka lang nakahinga ng maluwag si Analyn. “Pagkatapos ng meeting niya, pakisabing tawagan ako.”[“Okay.”]Pagkababa niya sa tawag ay may kumatok sa pintuan ng kuwarto. Dumungaw doon si Damian.“Ano ba, Analyn? Tanghali na. Ang sabi mo, dadalhin mo ako sa tabing-dagat?” iritableng sabi nito.“Si Papa, parang bata… eto na nga, oh. Gising na ko.”Sumimangot si Damian. “Nangako ka kaya!”Tinawanan siya ni Analyn. “Oo na. Magbibihis lang ako.”SA isang malapit na resort dinala ni Analyn ang ama. Maaga pa lang, pero marami ng tao roon. Biglang naalala ni Analyn na weekend nga pala ng araw na iyon, at maaaring iyon ang dahilan. Tila naman masayang-masaya si Damian sa lugar. Pansin ni Analyn na tuwang-tuwa ang ama sa maraming tao na lugar. Naupo si Damian sa tabing-dagat at hinayaan na mabasa ng tubig-dagat ang mga paa niya. Nakatanaw siya sa malayong bahagi ng dagat habang tipid na nakangiti. “Analyn, naaalala mo ba n
Nang nasa loob na ng elevator ang dalawa, nagtanong si Ailyn kay Brittany. “Ano’ng nangyari?”Matalim na tiningnan ni Brittany si Ailyn. Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono niya sa bag niya at saka tumipa nang pagalit. Nang matapos sa pagtipa ay saka niya ipinakita kay Ailyn ang isinulat niya. “Anthony treats you well.”Pagkabasa ni Ailyn ay nag-angat siya ng tingin pero iniwasan niyang tingnan si Brittany.“Mabuti siya sa akin. Pero iyon ay dahil sa nakaraan…”Muling pagalit na tumipa si Brittany sa telepono niya.“Magaling kang magpa-ikot ng mga lalaki.” Hindi na sumagot si Ailyn. Sa halip ay nagyuko na lang siya ng ulo. Ayaw niyang makipagtalo kay Brittany. Pero tila hindi pa rin tapos si Brittany sa gusto niyang sabiihin. Muli siyang tumipa sa telepono niya.“Nilalansi ko na nga si Anthony para malaman mo kung ano ang damdamin niya sa iyo bilang si Ailyn. Tapos, eto pa ang mapapala ko? Masaya ka na? Ha? Mukhang nakuha mo na si Anthony. Protektado ka na niya.”Sunod-sunod na