Share

30 - QUITS

Penulis: Cristine Jade
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-30 12:03:00

Nakakaloko ang ngiti ni Anthony habang nakatingin kay Analyn. Samantalang halos mawalan ng kulay ang mukha ni Analyn.

“Sir! Hindi maganda ‘yan! Nakikinig ka sa mga usapan ng may usapan.”

“Nakikinig? If I remember it correctly, nakatayo kayo nun sa tapat ng kotse ko.”

Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Saka lang niya naalala ang eksena na iyon na nakatayo sila ni Michelle sa tapat ng isang magarang sasakyan. Malay ba niya na may nakasakay doon, tapos ang malas pa niya dahil si Anthony pala ang sakay nun. 

Umirap si Analyn sa hangin.

“Bakit kasi ibang sasakyan ang gamit mo nun? Malay ko ba. Eto lang ang alam kong sasakyan mo.”

Bahagyang natawa si Anthony.

“Tara na. Ano pa’ng ginagawa mo riyan? Sumakay ka na at ipagluluto mo pa ako, di ba?”

Humalukipkip si Analyn.

“Sorry, Sir. Dahil nakinig ka sa usapan ng may usapan, binabawi ko na na ipagluluto kita ngayon.

“Tsk! You’re so ruthless.”

“Kasalanan mo.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • I SECRETLY WED the BOSS   388 - MARAMING BAKIT

    Nang nakatulog si Greg, sinamantala iyon ni Analyn na magpaalam na kay Rhia. Hinatid siya ng tapat na mayordoma sa labas ng kuwarto. “Pasensya ka na kay Sir Greg kung napagkamalan ka niyang si Mam Ailyn.”Umiling si Analyn, pero alam niyang alam ni Greg na siya talaga si Ailyn. “Wala iyon, Manang. Naiintindihan ko. Kailan ba talaga siya nagkasakit?”“Mahigit isang buwan na. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit siya hinimatay na lang. Ang huli lang niyang ginawa ay may binasa siyang text sa cellphone niya. Tapos bigla na lang dinakot niya ang dibdib niya at natumba na.”May nabubuong hinala sa isip ni Analyn, pero hindi na niya ito sinabi pa kay Rhia. Ang hula niya ay sinadyang hindi sabihin o ipasabi ni Anthony sa kanya ang nangyari sa lolo nito, dahil alam ni Anthony na sisisihin ni Analyn ang sarili niya kung sakaling nalaman niya. Napabuntong-hininga na lang si Analyn. Pagkatapos niyang magbilin kay Rhia ng mga dapat gawing pag-aalaga kay Greg ay umalis na ito roon. Pa

  • I SECRETLY WED the BOSS   387 - AI-AI

    Nanghihinang napaupo uli si Analyn sa dati niyang puwesto. Nakaalalay naman sa kanya si Jean. Isinandal ni Analyn ang ulo niya sa pader at saka mariing pumikit. Saka naman isa-isang pumasok sa isip niya ang mga hindi sinasadyang pagkikita nila Sixto at Mercy. Ang tila komportableng pakiramdam tungo sa kanila na para bang matagal na niya silang kakilala. Ang nararamdaman niyang koneksyon nila ni Mercy na halintulad sa isang anak at ina. Lahat ng iyon ay hindi pala nagkataon lang. Mariing nakagat ni Analyn ang ibabang labi ng pumasok sa isip niya si Ailyn. Ang impostorang si Ailyn! Ang kapal ng mukha niya na ariin ang lahat ng para sa kanya! Ang tapang ng apog niya na kunin ang katauhan ko!Nasa ganoong kalagayan at pag-iisip si Analyn nang biglang bumukas mula sa loob ang pintuan ng kuwarto kung saan nakaratay si Greg. Ang una niyang nakita ay si Karl na nasa tapat ni Analyn. “Karl, nandiyan ka–” Saka lang niya nakita ang nakaupong si Analyn na biglang tumuwid ng pagkaka-upo nang

  • I SECRETLY WED the BOSS   386 - TAKOT AT KABA

    Nasa labas na si Analyn ng kuwarto ni Greg. Pero hindi siya makapasok. Natatakot siya. Natatakot siya sa posible niyang makita sa loob ng kuwarto. Natatakot siya na baka mawala na si Greg. Kung sakaling mawawala nga ang matanda, hindi niya alam kung paano niya tatanggapin iyon. Sa huli, napagpasyahan niyang hindi muna pumasok. Naupo muna siya sa upuan na nasa labas ng kuwarto nito. Sa pagkakaupo niya roon, marami siyang naiisip. Maraming pumapasok na mga senaryo sa isip niya. Nakatulala lang si Analyn. Hindi alam ni Karl kung ano ang mga tumatakbo sa isip nito. Nag-aalala rin siya para rito. “Bakit hindi ka pa pumasok?” tanong ni Karl.“Natatakot ako.”“Paano mo malalaman kung ano ang kundisyon niya kung hindi ka papasok?”“Magpapalakas muna ako ng loob.”“Ibibili muna kita ng kahit anong makakain mo. Dito ka muna. Sandali lang ako.”“Dito ka lang. Alam ko namang pinapabantayan ako sa iyo ni Anthony. Dito ka lang, huwag kang aalis.”Hindi alam ni Karl kung itatanggi o aaminin kay A

  • I SECRETLY WED the BOSS   385 - NASAAN KA?

    “Mama…”Pinilit ni Mercy na bawiin ang tingin kina Analyn at Chili, at saka tiningnan si Ailyn. “Okay lang, huwag mong pilitin. Hayaan mo na muna si Chili dito sa likod-bahay.” Napabuga ng hangin si Ailyn. “Salamat, Mama. Hayaan mo, pipilitin ko na araw-araw puntahan at makita si Chili dito.”Nakangiting tumango si Mercy, pero hindi maalis sa isip niya ang sinabi ni Analyn na kung pet lover ka noong bata ka ay hindi iyon pwedeng magbago hanggang sa pagtanda, at mananatili kang pet lover. Pero ang nakita niya kanina kay Ailyn tungo sa alaga nitong aso ay punong-puno ng takot at disgusto sa aso. Ayaw man niya, pero nakaramdam ng lungkot si Mercy sa inasal ng anak.“Tara na,” yaya ni Mercy kay Ailyn at saka siya nagpatiuna ng naglakad palabas doon. Agad namang sumunod si Ailyn. Pero pagtapat niya sa puwesto ng aso ay galit na tinahulan na naman siya nito, kaiba sa trato niya kay Mercy at Analyn. Samantala, nagpalit na si Analyn ng damit niya. Muli niyang isinuot ang damit na suot n

  • I SECRETLY WED the BOSS   384 - CHILI

    Dahan-dahang inangat ni Analyn ang isang kamay at saka hinawakan ang ulo ng aso. Marahan niyang kinamot-kamot iyon. Mahina namang umingit ang aso na tila nagustuhan ang ginagawa sa kanya ni Analyn. “Kumusta naman si Chili?” tanong ni Mercy habang pinagmamasdan ang aso at si Analyn.“Okay naman po siya,” sagot ng kasambahay, peo kagabi po maligalig siya. Parang may gustong puntahan.”“‘Yan si Chili. Lagi kasi kaming nasa biyahe ni Sixto noon. Naaawa ako sa anak ko na nag-iisa lang siyang naiiwan sa bahay. Kaya binili ko si Chili. Mahilig siya sa mga sili kaya Chili ang naging pangalan niya. Pero hindi niya kinakain ang mga sili. Inaamoy-amoy lang niya. May mga tanim kasi kaming sili sa likod-bahay. Lagi niyang pinupuntahan ang mga tanim tapos aamuyin niya hanggang sa magsawa siya.”Ang aso ay bumitaw kay Analyn at saka nahiga sa lapag nang patihaya na tila nagpapakamot ng kanyang tiyan. Kaya naman si Analyn ay bumaba at tumalungko para pagbigyan ang aso.“Kaya lang… mula ng nawala si

  • I SECRETLY WED the BOSS   383 - A CHILD'S PAINTING

    Para maisalba si Analyn, agad na nagyaya na si Mercy sa babae. “Tara na.” Sumunod na si Analyn kay Mercy. Pero bago siya tuluyang lumabas doon ay sinulyapan niya ng tingin si Anthony at Sixto. NAPANSIN ni Analyn na ang bahay ng mga Esguerra ay lubhang malaki. Kakaiba rin ang mga disenyong makikita mo sa loob at labas nito. “Iyong mga nakikita mo, hindi ‘yan ang original design nitong bahay. Pero noong ni-renovate ito, marami akong naging suggestion na mga designs,” komento ni Mercy habang naglilibot sila ni Analyn. “Ibig n’yo pong sabihin, nagde-design din kayo by profession?” Kaya siguro gusto niyang siya ang sumama sa akin sa paglilibot sa bahay nila…Tumango si Mercy. “Oo, pero hindi ako nakatapos ng kurso. Pero iyan ang hilig ko maski noong bata pa ako.”Nagulat naman si Analyn sa pagkakahalintulad nila ni Mercy sa hilig nila.Nasa likod-bahay sila ng napansin ni Analyn ang mga maliliit na mga punong-kahoy doon na may mga kulay puti at pink na mga bulaklak. Napakarami ng mga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status