Home / Romance / I SECRETLY WED the BOSS / 139 - JUST CALL ME

Share

139 - JUST CALL ME

Author: Cristine Jade
last update Last Updated: 2025-01-17 13:59:08

Nasa isang fruit stand si Analyn. Dumaan muna siya roon para bumili ng prutas. Dadalawin niya si Elle ngayon sa ospital. Mabuti na lang at dun din naka-confine ang dalaga kung saan naroon ang Papa niya.

Kukunin na sana niya ang wallet niya sa loob ng bag ng marinig niya ang pamilyar na boses ni Anthony. Hinanap niya ang pinagmumulan ng boses nito.

Doon pala sa TV iyon nanggagaling. Kasalukuyang ini-interview si Anthony ng mga reporter tungkol sa nangyari nung gabi ng party ng DLM. Sa background ay ang hotel na pinagdausan ng party at may nakalagay na abiso na UNDER RENOVATION.

Wala naman kasing magagawa ang management ng hotel kung hindi sumunod sa gusto ni Anthony. Makapangyarihan ang batang presidente ng DLM. Kayang-kaya niya talaga ipasara ang hotel kapag ginusto niya.

“Miss, magbabayad ka ba o manonood muna ng balita?”

“Ay, eto…” sagot ni Analyn, sabay dukot ng wallet niya sa bag. Iniabot niya sa babae ang bayad niya at saka kinuha ang pinamili.

NASA female medical ward ng os
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Catherine Balagot
,𝚔𝚊𝚐𝚊𝚢𝚊 𝚔𝚊 𝚙𝚘 𝚗𝚐 𝚊𝚞𝚝𝚑𝚘𝚛 𝚗𝚐 𝚜𝚎𝚌𝚛𝚎𝚝 𝚖𝚊𝚛𝚛𝚒𝚊𝚐𝚎 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝚝𝚑𝚎 𝚌𝚘𝚕𝚍-𝚑𝚎𝚊𝚛𝚝𝚎𝚍 𝚋𝚒𝚕𝚕𝚒𝚘𝚗𝚊𝚒𝚛𝚎 𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚐𝚊𝚕 𝚖𝚊𝚐-𝚞𝚙𝚍𝚊𝚝𝚎 𝚝𝚊𝚣 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚘𝚗𝚝𝚒 𝚙 𝚋𝚞𝚝𝚒 𝚗𝚕𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚢 𝚗𝚊𝚑𝚊𝚗𝚊𝚙 𝚊𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚐𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚐𝚊𝚗𝚍𝚊 𝚛𝚗...
goodnovel comment avatar
Gina Amraleb Navajas
Ang unte naman Ng update
goodnovel comment avatar
Marlet Basbas
galing ni analyn mang inis
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • I SECRETLY WED the BOSS    140 - WALA AKONG KINALAMAN

    Pagkalabas mula sa kuwarto ni Elle ay diretso ng umalis ng ospital si Analyn. Hindi na muna siya dumaan sa kuwarto ng Papa niya. May mas importante siyang kailangang lakarin.Agad siyang pumara ng taxi. Habang sakay ng taxi, naalala niya ang narinig niyang usapan nila Anthony at Vivian kagabi habang nasa study room ang lalaki. Naka-speaker ang telepono ni Anthony kaya niya narinig. Dalawa lang kasi sila sa bahay kaya siguro kampante si Anthony na ilagay sa speaker mode ang telepono nito. Isa pa, hindi siguro niya akalain na lalabas si Analyn sa kuwartong pinaglagakan niya sa babae. Lumabas kasi si Analyn at hinanap si Anthony para sana sabihin dito na magpadala ng damit niya. Gusto kasi niyang palitan ang punit-punit niyang damit. Narinig ni Analyn kung paanong idinetalye ni Vivian ang gabing iyon na nagpunta sa Buenaventura si Anthony. Totoo namang kumain si Analyn at ang mga taga-Design department nung gabing iyon, at ipinaalam niya iyon kay Anthony. Pero nagkataon na nakita ni

    Last Updated : 2025-01-18
  • I SECRETLY WED the BOSS   141 - TWO PHONE CALLS

    Nakaramdam ng lungkot si Edward sa naging pasya ni Analyn. Nang bigla niyang napansin ang bakas ng kalmot sa leeg nito. “Wait. Sinaktan ka ba ni Anthony?”Napa-isip si Analyn. Bigla niyang naalala na baka nagurlisan nung lalaki ang leeg niya kagabi habang nanlalaban siya rito. “Hindi,” maikling sagot ni Analyn, “aalis na ko,” paalam niya sabay talikod na kay Edward. Nag-aalala siyang maungkat pa ang nangyari kagabi sa party. Pero nagulat ang dalaga ng bigla siyang haltakin ni Edward. “Magsabi ka ng totoo, sinaktan ka ba niya?”“Hindi nga!” inis na sagot ni Analyn. Bumaba mula sa treadmill si Edward at saka padaskol na hinila si Analyn. Agad namang pumalag si Analyn, pero sadyang mas malakas sa kanya ang lalaki kaya walang hirap itong natangay siya papunta sa kung saan.“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong ni Analyn habang pinipilit alisin ang brasng hawak niya mula sa kamay ni Edward. Pumasok sila sa isang kuwarto na tila opisina. Iniupo siya ni Edward sa swivel chair na nasa liko

    Last Updated : 2025-01-18
  • I SECRETLY WED the BOSS    142 - WALKED OUT

    Pagbalik ni Anthony sa kuwarto ni Analyn, gising na ito pero nakatulalang nakaupo sa kama niya.“Bakit? May sakit ka ba?” tanong ni Edward habang naglalakad palapit kay Analyn. Nang huminto siya sa tapat ng babae ay sinalat niya ang noo nito para tingnan kung may lagnat ito. Hindi naiwasan ni Analyn na pagmasdan si Anthony. Sa totoo, hindi siya nakatulog ng nakaraang gabi dahil sa sinabi sa kanya ni Edward tungkol sa namamanang mental illness ng nanay ni Anthony. Parang ang hirap paniwalaan na meron na rin nung sakit si Anthony.“Okay lang ako.”Ngumiti si Anthony. “Good. Get up. Mag-almusal na tayo. Dadalaw tayo kay Elle.”Hindi na kumontra pa si Analyn at sumunod na kay Anthony.NAGTAKA si Analyn na hindi sila sa ospital nagpunta. Wala siyang alam na nakalabas na pala ng ospital ang babae. Ang bahay nila ay makaluma, at maliit lang kumpara sa bahay ng lolo ni Anthony na sobrang laki. Ang bahay nila Elle ay parang iyong katulad ng mga napapanood niya sa mga horror na pelikula. Iyon

    Last Updated : 2025-01-18
  • I SECRETLY WED the BOSS   143 - MGA AYAW NA PAGKAIN

    Mula ng araw na iyon, hindi na umuwi si i si Anthony sa bahay na ‘yon. Umuwi si Analyn sa bahay ni Anthony sa Grace Village, gusto niya talagang magpaliwanag sa lalaki. Pero hindi rin niya napagkikita roon ito. Nagdesisyon si Analyn na magpunta sa opisina nito sa DLM. Nagtaka siya na wala si Vivian doon. “Ilang araw ng hindi pumapasok si Assistant Vivian, Miss Analyn,” sabi ng napagtanungan na sekretarya ni Analyn. Ilang araw ng hindi pumapasok? Parang napaka-imposible kay Vivian ang hindi pumasok at hindi niya makita si Anthony. “Si Sir Anthony?”“Wala po si boss.”Natigilan si Analyn. Sandali siyang napaisip. Wala pareho si Anthony at Vivian. Ilang araw hindi umuwi si Anthony at ilang araw na ring hindi pumapasok si Vivian. “May maitutulong ba ako sa iyo, Miss?” Naputol ang mga iniisip ni Analyn.“Ah, wala. I mean, sige na. Aalis na ko.”HINDI pumasok si Analyn sa Creatives. Nagbilin lang siya kay Michelle ng mga dapat pang gawin, pagkatapos ay umuwi na uli siya sa bahay ni An

    Last Updated : 2025-01-20
  • I SECRETLY WED the BOSS   144 - MOVIE DATE GONE WRONG

    Huling araw ng pasok sa trabaho. Ang lahat ay nagmamadaling umuwi. Naiwan pa sa opisina niya si Analyn. Wala siya ganang umuwi agad. Kanina pa nga niya iniisip kung saan muna dadaan para hindi muna siya makauwi agad. Saktong niyaya siya ni Michelle na manood ng sine. Pero narinig pala ni RJ ang usapan nila.“Hey! Sama ako sa inyo. Ako ang taya.”Gusto kasi ng lalaki na makasama si Analyn. Nakita niya ang pagkakataon na ito. Who knows, baka sa susunod, silang dalawa na lang ni Analyn ang lalabas.“Uy, gusto ko ‘yan… libre. Call!” masayang sabi ni Michelle. “So, tara na?” excited na pag-aaya ni RJ.Magkakasunod silang naglakad papunta sa elevator. Nang bumukas ito, nagulat silang tatlo ng makita si Anthony sa loob kasama ang isang sekretarya niya. Agad na bumati sila Michelle at RJ sa presidente ng DLM. Si Analyn ay hindi kumibo kaya nagtaka si RJ dito. Nakatayo lang siya roon at nakatingin sa lalaki. Kailangan pa siyang hatakin ni Michelle para pumasok sa loob ng elevator. Nang mags

    Last Updated : 2025-01-20
  • I SECRETLY WED the BOSS   145 - INCREASE HER CREDIT LIMIT

    Pagkalabas ni Analyn sa mall, naglakad-lakad muna siya. Nagsingungaling siya kay RJ. Hindi naman niya kailangang umuwi na. Ayaw niya munang umuwi. Ayaw niyang makita si Anthony. Kahit saan pwede siyang pumunta, huwag lang sa bahay nito. Iniisip ni Analyn kung saan siya pwedeng manatili muna ng napatingin siya sa tindahan sa tapat niya. Isa iyong high-end na branded na clothing store. Pumasok siya sa loob nito. Walang ibang namimili sa loob nito kaya agad siyang sinalubong ng store staff. Pasimpleng sinuri ng staff ang suot na damit ni Analyn. Base sa nakita niya, branded din ang suot ng babae, pati na ang bag na gamit nito. Simple lang ang alahas na suot, pero base sa kislap nito ay halatang totoo at hindi peke. Magiliw niyang inasikaso si Analyn. Samantala, wala naman talagang bibilhin si Analyn doon. Hindi siya mahilig bumili ng mga bagay na hindi naman niya talaga kailangan. Napakarami pang mga damit sa lagayan niya na hindi pa niya nasusuot. Nagugulat na lang siya kada bukas ni

    Last Updated : 2025-01-20
  • I SECRETLY WED the BOSS   146 - NOTHING HAPPENED

    Nakatingin si Anthony sa labas ng bintana pero wala naman itong tinitingnan doon. Halatang okupado ang isipan niya. Mayamaya, inutusan niya ang driver niya. “Change route tayo! Ibalik mo. Pupunta tayo sa Century Hotel malapit sa DLM.”“Noted, boss.”Halatang hindi mapakali si Anthony habang binabagtas nila ang daan patungo sa Century Hotel. Panay ang tapik ng mga daliri niya sa nakasaradong laptop nito. Ramdam din ng sekretarya niya ang tensyon sa amo niya. Abot-tanaw na nila ang Century Hotel ng may nakita si Anthony na kulay blue na sports car na tumawid papunta dun sa hotel. Mabilis na nakilala ni Anthony ang brand at modelo ng sasakyan.Subaru BRZ latest edition. Isang tao lang ang meron nito dito sa buong Tierra Nueva. Agad na nakaramdam ng kaba si Anthony. “Check the room number where my wife is staying!” nagpa-panic na utos niya sa sekretarya.“Y-Yes, boss!” nagtatarantang sagot nito.Samantala, agad na dumiretso si Edward sa kuwarto na sinabi ni Analyn. Kadarating lang ni

    Last Updated : 2025-01-21
  • I SECRETLY WED the BOSS    147 - SINO AKO?

    Samantala, nakita agad ni Analyn ang sasakyan na para sa kanya. Agad siyang sumakay. Pag-abante ng sasakyan, hindi napigilan ni Analyn ang mapangiti. Ang hindi alam ni Edward, bago siya dumating sa hotel ay tinawagan ni Analyn si Michelle.“Tawagan mo ako after forty minutes. Mag-isip ka ng dahilan kung bakit kailangan kong bumalik ng office.”[“Ha? Bakit?”]“Huwag ng magtatanong. Basta gawin mo ang pinapagawa ko. Bibilhan kita ng paborito mong pabango.”[“Sus, iyon lang pala, eh. Call you later.”]SAMANTALA, sa hotel na inalisan ni Analyn, nasa tapat ng room 1636 si Anthony, ang sekretarya nito at isang bodyguard. “Sure ka ba?” tanong nito sa sekretarya niya, “i-check mong mabuti.”Mapapansin na pulang-pula ang mukha ni Anthony dahil sa galit niya sa sekretarya niya ngayon. Kabaligtaran naman ang itsura ng sekretarya niya na putlang-putla dahil sa takot kay Anthony.Sumunod naman ang sekretarya. Nanginginig ang mga kamay nito na muling tumunghay sa mensahe sa telepono niya. Malamig

    Last Updated : 2025-01-21

Latest chapter

  • I SECRETLY WED the BOSS   347 - SINO 'TO?

    Nang nasa loob na ng elevator ang dalawa, nagtanong si Ailyn kay Brittany. “Ano’ng nangyari?”Matalim na tiningnan ni Brittany si Ailyn. Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono niya sa bag niya at saka tumipa nang pagalit. Nang matapos sa pagtipa ay saka niya ipinakita kay Ailyn ang isinulat niya. “Anthony treats you well.”Pagkabasa ni Ailyn ay nag-angat siya ng tingin pero iniwasan niyang tingnan si Brittany.“Mabuti siya sa akin. Pero iyon ay dahil sa nakaraan…”Muling pagalit na tumipa si Brittany sa telepono niya.“Magaling kang magpa-ikot ng mga lalaki.” Hindi na sumagot si Ailyn. Sa halip ay nagyuko na lang siya ng ulo. Ayaw niyang makipagtalo kay Brittany. Pero tila hindi pa rin tapos si Brittany sa gusto niyang sabiihin. Muli siyang tumipa sa telepono niya.“Nilalansi ko na nga si Anthony para malaman mo kung ano ang damdamin niya sa iyo bilang si Ailyn. Tapos, eto pa ang mapapala ko? Masaya ka na? Ha? Mukhang nakuha mo na si Anthony. Protektado ka na niya.”Sunod-sunod na

  • I SECRETLY WED the BOSS   346 - HOT

    Nang dumating ang sasakyan ni Anthony sa gate ng DLM Building, nakita niyang nakatayo roon si Ailyn. Nakasuot ito ng simpleng blouse at maong jeans. Pinahinto niya si Karl at saka nagbaba ng salamin ng bintana. “Tonton!” masayang pagbati ni Ailyn.“Ano’ng ginagawa mo rito?” “Ayaw nila akong papasukin sa loob. Ayaw nilang maniwala na magsisimula na akong magtrabaho rito.”Saka lang naalala ni Anthony ang usapan nila ni Sixto. “Sumabay ka na. Pagagawan kita ng ID sa itaas.” Pagkasabi nun ay binuksan ni Anthony ang pintuan para makasakay si Ailyn. Pagkadating sa palapag ng Executive Office, dinala agad ni Anthony si Ailyn sa opisina ng mga sekretarya niya at ipinakilala ang babae. “From now on, makakasama n’yo na rito si Ailyn. Pansamantala ko muna siyang magiging assistant. Ituro n’yo na sa kanya ang mga basic na dapat niyang matutunan.”Pasimpleng nagtinginan at nagkalabitan ang mga staff ni Anthony. Sa tinagal-tagal nila sa departamentong iyon, ngayon lang nagsama ng babaeng sekr

  • I SECRETLY WED the BOSS    345 - AS AN ASSISTANT

    Sobrang nagulat si Analyn sa narinig. “Anthony, huwag.”“Mga litrato lang ‘yun, mas mahalaga ka.”Umiling-iling si Analyn. “Pero nagbalik na siya…”Nagbuga ng hangin si Anthony. “Asawa, kung sakaling hindi bumalik si Ailyn, ipapatapon ko pa rin ang mga ‘yan.” Pagkatapos ay nagbaling siya ng tingin kay Damian. “Dad, wala kang ginawang kasalanan. Huwag mong pansinin itong asawa ko. Dito ka lang sa bahay ko.”“P-Pasensiya na… nalito kasi ako. Akala ko kasi–”“Papa! Ano… magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Pupuntahan na lang kita mamaya dun,” agaw ni Analyn sa sasabihin pa ni Damian, dahil ayaw niyang marinig ni Anthony ang sasabihin nito. Nag-aatubili si Damian, tila may gusto pa siyang sabihin. Pero sa bandang huli, umalis na rin siya at iniwan ang dalawa roon.Nang nakaalis na si Damian at si Edna, kinausap ni Analyn si Anthony. “Anthony, huwag mo ng ipatapon. Malay mo, baka hanapin ni Ailyn ang mga lumang litrato ninyong dalawa.”Sumimangot si Anthony. “Sincere ako sa sinabi ko.

  • I SECRETLY WED the BOSS   344 - ITAPON NA

    Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. “Manang, ang Papa ko?”“Naroroon sa dining.”Dumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.“Papa, ano’ng kinakain mo?” tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. “Papa, ano ‘yan?”Nilingon ni Damian si Analyn. “Picture mo “to.”Nagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyon“Ano"ng picture ko? Patingin nga…” Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. “Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. “Naku, Mam. Kanina pa niya hawak ‘yan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan ‘yan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw ‘yan, picture mo raw ‘yan. Ipinaliwanag

  • I SECRETLY WED the BOSS   343 - WELCOME PARTY

    Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hangga’t maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.“Papa, dumating na si Anthony,” sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. “Sorry, Tito. Late na ako nakarating,” sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.“Not too late, son…” tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. “Anak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.”Ganun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. “Tonton…” nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni

  • I SECRETLY WED the BOSS   342 - AYOKONG PUMUNTA

    Pagkaraan ng dalawang araw, nakatanggap nga ng imbistasyon si Anthony sa isang selebrasyon mula sa mga Esguerra. Nasa tabi niya si Analyn ng iabot sa kanya iyon ng isang kasambahay at ng buksan niya. “Nakakainis ‘yung mga tao na hindi marunong lumugar. May asawa ka ng tao, bakit kailangan ka pa nilang imbitahin sa okasyon ng dalaga nilang anak?”“Hindi lang naman ang kaugnayan ko kay Ailyn ang ugnayan namin ng mga Esguerra. Matagal na rin silang kaibigan ng pamilya namin. Inimbita ako as a family friend, hindi bilang childhood sweetheart ni Ailyn.”Nang dumating ang araw ng party ng mga Esguerra, sinamahan pa ni Analyn si Anthony sa pagbibihis nito. “Alam ko, hindi ka mapipigilan na pumunta roon, kaya go! Pumunta ka lang. Hihintayin na lang kita rito sa bahay.”Hinawakan ni Anthony ang kamay ng asawa at saka dinala sa mga labi niya para halikan. “Hindi ka galit?” tanong niya pagkaraan niyang masuyong mahalikan ang kamay nito.“Bakit naman ako magagalit? Ako ang asawa. Unless, wala

  • I SECRETLY WED the BOSS   341 - IKAW AY SIYA

    Nang sinabi ni Anthony ang pangalan na iyon, walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi malinaw kung ano talaga ang nararamdaman niya. Parang may kalituhan pa ngang nakita si Analyn sa mga mata niya. Nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod si Analyn. Muntik pa siyang matumba. Litong-lito ang isip niya. Of all people, bakit si Ailyn? Bakit naging si Ailyn?Bigla niyang naalala nung una niyang nakatagpo ang babae. Napansin niya agad ang pagkakapareho ng mga mata at kilay ni Ailyn sa kanya. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng ulo.“Sigurado ba ‘yan?” tanong ni Analyn. Nagbuga ng hangin si Anthony. “The DNA test confirmed it. Isa pa, marami siyang detalye na nagma-match sa dating Ailyn.”Naiintindihan na ngayon ni Analyn kung bakit inako ni Anthony ang pagpapa-DNA test. At kung bakit hindi masabi ni Edward sa kanya na si Ailyn na dating sekretarya niya ang totoong Ailyn. Ang ipinagtataka lang ni Analyn, ang tagal na pumirmi ni Ailyn sa Tierra Nueva, pero walang nakadiskubre na

  • I SECRETLY WED the BOSS   340 - SINO SIYA?

    Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa

  • I SECRETLY WED the BOSS   339 - IT'S A TRAP

    “Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status