Home / Romance / I SECRETLY WED the BOSS / 328 - NAUGHTY WIFE

Share

328 - NAUGHTY WIFE

Author: Cristine Jade
last update Last Updated: 2025-04-23 22:05:30

Humalakhak ng malakas si Eric.Tila naaliw ito sa sinabi ni Elle.

“Joke ba ‘yan, Elle?” Pagkatapos ay muling tumawa ito.

Natigilan si Elle, saka umiling. “Hindi. Totoo ang sinasabi ko.”

Huminto sa pagtawa si Eric at saka itinulak si Elle. “Tapos na ang pagiging doktor at pasyente natin. Tapos na ang pagiging doktor ko sa ‘yo.”

“Aw, come on, Doc Eric. Ang sabi mo noon ako lang ang gusto mong maging pasyente mo bilang isang psychologist. Actually, naguguluhan nga ako. Babalik ka pala rito sa San Clemente para pamahalaan ang mga negosyo ng pamilya n’yo, pero bakit ka pumunta sa Tierra Nueva para maging doktor ko?”

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Eric at saka napailing. Bakit ba kasi halos lahat ng mga babae, tingin agad nila sa sarili nila ay espesyal sila sa mata ng isang lalaki?

“Sa tingin mo, bakit?” mapanghamong tanong ni Eric kay Elle.

Nagsalubong ang mga kilay ni Elle. “Hindi dahil sa akin?”

Hinawakan ni Eric ang baba ni Elle, “masyado kang careless, Elle. Ano’ng n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • I SECRETLY WED the BOSS   367 - DON'T LEAVE ME

    Ang bilis namang nagawa!“Saan ako pupunta?” tanong ni Analyn.“Sumakay ka na rito.” “May dala akong sasakyan.”“Ipapa-drive ko na lang sa isa sa mga bodyguard ko.” Hindi alam ni Analyn, pero tila wala siyang gana na makipag-kontrahan kay Anthony. Kaya sumakay na lang siya sa sasakyan nito. Sa likurang bahagi siya umupo, kung saan din nakaupo si Anthony. Nasa unahang upuan ang sekretarya nito.Pagka-upo ni Analyn, napansin niya agad ang tambak na mga papel at mga folder sa tabi ni Anthony.“Ang busy-busy mo siguro dahil sa nangyari, sorry,” sabi ni Analyn dito.Matalim siyang sinulyapan ni Anthony. “Huwag mong isipin na dahil sa iyo ‘yan. Huwag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili,” sagot ni Anthony.Nakagat na lang ni Analyn ang ibabang labi niya sa sagot ng asawa.“Iyong… iyong mga property na ibinigay mo sa akin, ibabalik ko rin sa ‘yo. Aasikasuhin ko kapag may oras na ko.”“Hindi ako nambabawi ng naibigay ko na,” sagot ni Anthony, pero sa labas ng bintana nakatingin.Sa wak

  • I SECRETLY WED the BOSS   366 - ANNULMENT PAPER

    Pabalik na si Analyn sa opisina niya. Huminto siya sa stoplight at saka kinuha ang recording machine niya. Mahigpit niya iyong hinawakan na para bang doon nakasalalay ang buhay niya. Muli niyang pinakinggan ang usapan nila ni Brittany kani-kanina lang. Lagi na siyang may dala nito. Mula ng sunod-sunod ang kinasangkutan niyang aberya, naging maingat na siya at nire-record na niya ang pakikipag-usap niya sa kahit sinong nakakausap niya. Pero hindi niya inaasahan na ibubuko ni Brittany mismo ang sarili niya at nai-record niya iyon. Pero kulang pa rin iyon. Hindi kayang patunayan ng sinabi ni Brittany na siya ang utak ng eskandalo niya. Ang isa pang gustong mangyari ni Analyn ay mapatunayan niya na wala siyang relasyon kay Edward at walang nangyari sa kanila.Ang sabi ni Brittany, hindi niya iyon kayang gawin mag-isa. Pero sino ang kasabwat niya? O ang mas tamang tanong ay sino-sino? Isang miyembro ng pamilya Esguerra? Pero hindi papayag ang pamilyang iyon na dudumi ang imahe nila. Kun

  • I SECRETLY WED the BOSS   365 - RECORDED

    Nang humarap nga si Brittany sa pinanggalingan ng boses, hindi na siya nagulat na si Brittany ang nakita niya roon. Nakangiting lumapit sa kanya si Brittany. “Sa loob ng isang taon, naging successful ako, Analyn.”“Oh? Eh di, congrats.”Hindi inalintana ni Brittany ang sarkastikong reaksyon ni Analyn sa sinabi niya. “Pero ikaw… ano’ng nangyari sa ‘yo? Hindi ko inaasahan na magiging ganun ka…”Tumuwid ng upo si Analyn. “Wala akong alam sa sinasabi mo. Wala akong ginagawang masama.”“Wala?” Pagkatapos ay mahinang tumawa si Brittany. “Nagkalat na ang mga pictures mo sa internet, tapos sasabihin mo wala kang ginagawang masama? Kung ako si Anthony, hihiwalayan kita, ora mismo.”Matamang tinitigan ni Analyn si Brittany, pagkatapos ay saka niya sinabing, “hiwalay na kami ni Anthony. Huwag kang mag-alala.”Kitang-kita ni Analyn ang pagkagulat sa mukha ni Brittany. Ang itsura ng mukha nito ay iyon para bang litong-lito, at nag-iisip kung niloloko lang ba siya ni Analyn. “Ano? Pumayag kang m

  • I SECRETLY WED the BOSS   364 - CHARITY DINNER

    “Boss, meron tayong invitation sa isang project bidding,” anunsyo ni Anji pagkapasok sa opisina ni Analyn.“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Analyn. Hindi siya makapaniwalang may nagtiwala pa sa kanya pagkatapos ng kinasangkutan niyang eskandalo. “Yup! Isang museum dito sa Tierra Nueva, at ang local government ang mag-sponsor ng project.” “Sige, makikipag-bid tayo. Ipa-ready mo na sa kanilang lahat ang mga requirements na kailangangan natin.” Malapad na nguimiti si Anji, sabay sabi ng, “Yes!” SA araw ng bidding, isinama ni Analyn si Anji. Kapwa sila tahimik sa loob ng sasakyan na mina-maneho ni Analyn. “Kinakabahan ka ba, Mam?” tanong ni Anji. Hindi na nagsinungaling pa si Analyn. Tumango siya, “medyo.”“Kaya natin ‘to, Mam! Ikaw pa ba? Sisiw lang sa ‘yo ‘to.” Ngumiti lang si Analyn. Noon… nung alam niyang sinusuportahan pa siya ni Anthony. Nang papasok na sila Analyn at Anji sa loob ng venue ng bidding, nagulat si Analyn nang sa pagbukas niya ng pintuan ay si Ailyn an

  • I SECRETLY WED the BOSS   363 - LOYALTY

    Heto nga siya, gulong-gulo ang isip sa dami ng problema niya. Tapos, nakuha pa siyang tanungin nito na para bang nagpapa-contest ng tamang sagot sa tanong niya. Bigla naman niyang naisip ang naging simula ng relasyon nila ni Anthony. “Blind date.”Malapad na napangiti ang matandang babae sa sagot ni Analyn. “Yes! Tama!” Bahagyang nagulat si Analyn na tumama ang sagot niya kahit na hindi naman niya iyon pinag-isipan talaga. Bigla lang pumasok sa isip niya ang senaryo nung nakipag blind date siya at si Anthony sa iba kaya sila nagtagpo.“Usong-uso ang blind date noon. Nung kapanahunan namin,” tila excited na kuwento ng matandang babae, “pero ngayon parang hindi na.”Gusto sanang kontrahin ni Analyn ang sinabi nito, pero minabuti niyang hindi na lang. “Looking back, wala kaming feelings sa isa’t isa nung umpisa. Puro away kami. Galit, bati, galit, bati. Ganun. Dati iniisip namin, nakakasawa.”“Pero ngayon, kapag binabalikan namin? Natatawa na lang kami,” singit ng matandang lalaki.

  • I SECRETLY WED the BOSS   362 - HINDI MAKIKIPAGHIWALAY

    Nasa opisina na si Anthony at pumipirma ng mga dokumento ng nagmamadaling pumasok ang sekretarya niya sa kuwarto.“Boss! Umalis ng bahay n’yo si Mam!”Napahinto si Anthony sa ginagawa niya, pagkatapos ay padabog uling pumirma. “Sabihan mo asi Karl na sundan siya kahit saan magpunta,” walang emosyon na sabi ni Anthony.Sunod-sunod na tango ang ginawa ng sekretarya, “yes, boss!” NA-OSPITAL si Elle. Kaya naman pagkalabas ng opisina ay doon dumiretso si Analyn. “Ano? Umalis ka na sa bahay ni Anthony?” gulat na sabi ni Elle. “Bakit? Sinasaktan ka ba niya mula nung may lumabas na eskandalo mo?” Umiling si Analyn. “Hindi. Umalis na ako dahil maghihiwalay na kami.”“Ha? Nagpirmahan na ba kayo?”Iyon nga ang ipinagtataka ni Analyn. Ilang araw na rin ang nakalipas mula ng umalis siya sa bahay ni Anthony at hinamon niya ito ng hiwalayan. Pero wala pang dumadating sa kanya na papeles para sa separasyon nila. Ni hindi nga siya sinagot ni Anthony sa text message niya. Imposible din naman na hin

  • I SECRETLY WED the BOSS   361 - SUSPEK SI AILYN

    Mga ilang din si Analyn na nanatili sa condo ni Elle. Pagkatapos nun ay naisipan niyang muling umuwi. Pagkadating sa bahay ni Anthony, binuksan niya ang laptop niya at saka muling pinanood ang video ng eskandalo niya. Hindi dahil sa gusto lang niya itong panoorin at makita uli. Pero nagbabaka-sakali siya na baka may makita siya na pwedeng makapagturo sa kanya kung sino ang nasa likod ng video na iyon.Napansin ni Analyn na sa buong video, hindi ipinakita ang mukha ni Anthony, kung hindi tanging katawan lang niya. Obvious, na kung sino man ang may hawak ng camera ay ayaw niyang ipaalam kung sino ang lalaki. Sa kanya ipinokus ng kumukuha ng video ang lahat. Sa mukha niya at sa katawan niya.“Kasabwat kaya si Edward?” naitanong niya sa sarili. ILANG araw na ang nagdaan, pero hindi pa rin nag-uusap sila Anthony at Analyn kahit na nasa iisang bahay lang sila. Si Elle ang naga-update kay Analyn kung nasaan si Anthony at kung ano ang mga lakad nito. Kung saan kinukuha ni Elle ang mga impor

  • I SECRETLY WED the BOSS   360 - DRUGGED

    Kinahapunan, alas-dos. Nagpa-presscon si Anthony sa pamamagitan ng tungkol sa isyu na kinasangkutan ni Analyn.Napaka-kalmado ni Anthony sa buong pagsasalita niya, tila ba hindi iniinda ang nangyaring dagok sa pagsasama nilang dalawa ni Analyn. Pero ang hindi nila ala, deep inside, durog na durog ang Presidente ng DLM Group. Ni wala ngang nakaalam na ilang minutong umiyak si Anthony bago ang simula ng presscon. Habang si Analyn ay tahimik na nakaharap ngayon sa mata ng mga press, iniinda ang kislap ng mga camera at ng nanunuring mga tingin ng mga ito sa mukha niya.“Ipinapakiusap ko lang sa lahat ng mga naririto, at ng mga nanonood sa LIVE, kung pwedeng paki-delete na po ang video at mga pictures ng tungkol sa isyu ng asawa ko. Nakipag-uganyan na kami sa Cybercrime Division, at ang sinumang mahuli na nagpapakalat pa ng nasabing video at mga picture ay mabibigyan din ng karampatang parusa ayon sa batas. At kung sino man ang may pakana ng pag-frame up sa asawa ko ay sinisigurado ko na

  • I SECRETLY WED the BOSS   359 - LOST REPUTATION

    “Anthony!” tawag ni Analyn sa asawa pagkabukas niya ng pintuan ng opisina nito.’Nakatayo si Anthony sa tabi ng salaming dingding, nakatanaw sa labas. Hindi ito lumingon ng tinawag siya ni Analyn. Naglakas-loob na naglakad palapit si Analyn sa asawa at saka hinawakan ito sa braso niya. “Anthony, may sasabihin ako sa ‘yo.”Saka lang nilingon ni Anthony ang asawa. Mataman niya itong tiningnan. Nakaramdam ng takot si Analyn sa klase ng tingin nito sa kanya. Sa katunayan, napaatras pa siya sa takot. “Analyn. May envelope sa ibabaw ng mesa ko. Tingnan mo ang laman,” walang emosyon na sabi ni Anthony.Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Analyn, nahuhulaan na niya kung ano ang laman ng envelope na sinasabi ni Anthony. “Ayoko, ayokong makita kung ano man ang laman niyan.”“Titingnan mo… o kailangan ko pang iduldol sa pagmumukha mo?” Nilingon ni Analyn ang mesa ni Anthony at saka hinanap doon ang envelope na sinasabi niya. Mabilis na nakita iyon ni Analyn. Makapal ito, at halatang maraming

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status