Sa pinakamalaking art gallery sa Tierra Nueva idinaos ang birthday party ni Ailyn. Nang dumating doon sila Eric at Analyn ay marami ng mga bisita ang naroroon. Inirehistro muna ni Analyn ang regalo niya kay Ailyn bago pumasok sa loob ng venue. Sakto naman na pagkatapos maipa-rehistro ni Analyn ang dalang regalo ay saka naman dumating ang pamilya Esguerra sa pangunguna ng mag-asawang Sixto at Mercy. Sinusundan sila nila Brittany at Edward, habang nasa likuran nila ang mag-asawang Elle at Alfie. Pinakahuling naglalakad sila Ailyn, na naka-angkla sa braso ni Anthony. Napaismid si Analyn pagkakita kay Ailyn at sa dating asawa. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ni Analyn ay ang suot ni Ailyn. Halos parehong-pareho ang tabas ng suot nitong damit sa suot niya. Bukod pa roon, puti rin ang kulay ng damit nito. Bumulong si Eric sa tenga ni Analyn. “Halos pareho ang damit n’yong dalawa. Pareho ng tabas, pero magkaiba ang pattertn. Pero mas maganda kang magdala ng damit kaysa sa kanya.”Hindi
Bago dumating ang araw ng art exhibit ni Ailyn, pinapunta ni Analyn si Anji sa ibang bansa. Ang alam sa opisina nila ay official business ang ipinunta roon ni Anji, pero hindi malinaw sa kanila kung anong proyekto iyon. Nagpatahi rin si Analyn ng isang kulay puting bestida para sa okasyon na iyon. Paglabas niya, nasalubong niya si Ailyn. Unang napansin ni Analyn ang tila mamahalin at branded na bag na bitbit nito na halatang ipinagmamalaki niya base sa pagkakabitbit niya roon.Bahagyang tumikwas ang isang kilay ni Analyn. “Magsusukat ka rin ng damit?”Inilipat ni Ailyn sa isang kamay niya ang handle ng bag mula sa isang kamay. “Ah, oo. Regalo sa akin ito ni Anthony. Birthday gift daw niya sa akin.”“Birthday mo? Kailan?” Kunwari ay walang alam si Analyn. “Sa Sabado. So far, ang alam ko… inimbita ka ni Mama,” sagot ni Ailyn na may kasama pang pagtaas ng isang kilay.“Sa Sabado na ba ‘yun?” “Oo.”Inosenteng ngumiti si Analyn.“Okay. Eh di, pupunta ako. Para maki-celebrate sa birt
Nagpatulong si Analyn na makakuha ng imbitasyon kay Jean para makapasok sa fashion show. Legal naman iyon dahil wala namang magtataka sa presensiya niya roon dahil may-ari naman siya ng isang kumpanya. Sinadya ni Analyn na dumating sa fashion show na nagsisimula na ang palabas. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa harapan at doon naupo, bitbit ang kanyang bag at isang magasin. Nagulat ang mga naroroon at ang lahat ng mga mata ay nasa kanya ang atensyon, lalo na ang mga VIP na nakaupo sa harapan. Hindi pa nagtatagal na lumalapat ang pang-upo ni Analyn sa upuan ay nakarinig na siya ng mga bulong-bulungan. “Tama ba ang nakikita ko? Si Analyn ‘yan, di ba? Ang dating asawa ni Anthony De la Merced?” “Oo nga! Siya nga! Bakit siya nagpunta rito?”“Ang lakas naman ng loob niyan na magpunta rito.”May mahinang tawanan pang narinig si Analyn mula sa likuran niya, pero binalewala na lang niya ang mga naririnig. Sa halip, binuksan niya ang dalang magasin at saka binuklat-buklat iyon na til
Pagkalipas ng dalawang araw, nagawa ni Analyn na makipagkita kay Jiro. Sa isang luma at tagong coffee shop sila nagkita. Pagkapasok ni Analyn doon ay agad inilibot ang mga mata at nakita sa isang tagong sulok doon si Jiro. Nakasuot ito ng baseball cap at face mask. Agad niyang nilapitan ang lalaki.“Bakit ganyan ang itsura mo?” sabi ni Analyn na nasa tapat na siya ni Jiro. “Bakit? Ano’ng itsura ko?” “‘Yan,” sabi ni Analyn habang matamang tinitingnan ang mukha ni Jiro, “spy ka ba?”Agad na nilibot ng tingin ni Jiro ang paligid.“Shhh! Ang ingay mo naman! Umupo ka na.” Naupo nga si Analyn. “Nag-iingat lang ako. Mahirap na. Baka mamaya may nakasunod pala sa ‘yo,” sabi ni Jiro.Umirap sa hangin si Analyn. “Magkapatid naman tayo. Normal lang na nagkikita tayo.”Hindi nagkomento si Jiro sa sinabi ni Analyn, pagkatapos ay may inilabas siyang maliit na brown envelope at saka inilatag sa ibabaw ng mesa nila.“Nagawa ko na iyong inutos n’yo ni Miss Jean. Nakipagkita si Ailyn sa isang sik
Nang nakatulog si Greg, sinamantala iyon ni Analyn na magpaalam na kay Rhia. Hinatid siya ng tapat na mayordoma sa labas ng kuwarto. “Pasensya ka na kay Sir Greg kung napagkamalan ka niyang si Mam Ailyn.”Umiling si Analyn, pero alam niyang alam ni Greg na siya talaga si Ailyn. “Wala iyon, Manang. Naiintindihan ko. Kailan ba talaga siya nagkasakit?”“Mahigit isang buwan na. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit siya hinimatay na lang. Ang huli lang niyang ginawa ay may binasa siyang text sa cellphone niya. Tapos bigla na lang dinakot niya ang dibdib niya at natumba na.”May nabubuong hinala sa isip ni Analyn, pero hindi na niya ito sinabi pa kay Rhia. Ang hula niya ay sinadyang hindi sabihin o ipasabi ni Anthony sa kanya ang nangyari sa lolo nito, dahil alam ni Anthony na sisisihin ni Analyn ang sarili niya kung sakaling nalaman niya. Napabuntong-hininga na lang si Analyn. Pagkatapos niyang magbilin kay Rhia ng mga dapat gawing pag-aalaga kay Greg ay umalis na ito roon. Pa
Nanghihinang napaupo uli si Analyn sa dati niyang puwesto. Nakaalalay naman sa kanya si Jean. Isinandal ni Analyn ang ulo niya sa pader at saka mariing pumikit. Saka naman isa-isang pumasok sa isip niya ang mga hindi sinasadyang pagkikita nila Sixto at Mercy. Ang tila komportableng pakiramdam tungo sa kanila na para bang matagal na niya silang kakilala. Ang nararamdaman niyang koneksyon nila ni Mercy na halintulad sa isang anak at ina. Lahat ng iyon ay hindi pala nagkataon lang. Mariing nakagat ni Analyn ang ibabang labi ng pumasok sa isip niya si Ailyn. Ang impostorang si Ailyn! Ang kapal ng mukha niya na ariin ang lahat ng para sa kanya! Ang tapang ng apog niya na kunin ang katauhan ko!Nasa ganoong kalagayan at pag-iisip si Analyn nang biglang bumukas mula sa loob ang pintuan ng kuwarto kung saan nakaratay si Greg. Ang una niyang nakita ay si Karl na nasa tapat ni Analyn. “Karl, nandiyan ka–” Saka lang niya nakita ang nakaupong si Analyn na biglang tumuwid ng pagkaka-upo nang