Home / Romance / I SECRETLY WED the BOSS / 391 - BIRTHDAY GIFT

Share

391 - BIRTHDAY GIFT

Author: Cristine Jade
last update Last Updated: 2025-05-29 21:48:28

Bago dumating ang araw ng art exhibit ni Ailyn, pinapunta ni Analyn si Anji sa ibang bansa. Ang alam sa opisina nila ay official business ang ipinunta roon ni Anji, pero hindi malinaw sa kanila kung anong proyekto iyon.

Nagpatahi rin si Analyn ng isang kulay puting bestida para sa okasyon na iyon.

Paglabas niya, nasalubong niya si Ailyn. Unang napansin ni Analyn ang tila mamahalin at branded na bag na bitbit nito na halatang ipinagmamalaki niya base sa pagkakabitbit niya roon.

Bahagyang tumikwas ang isang kilay ni Analyn.

“Magsusukat ka rin ng damit?”

Inilipat ni Ailyn sa isang kamay niya ang handle ng bag mula sa isang kamay.

“Ah, oo. Regalo sa akin ito ni Anthony. Birthday gift daw niya sa akin.”

“Birthday mo? Kailan?” Kunwari ay walang alam si Analyn.

“Sa Sabado. So far, ang alam ko… inimbita ka ni Mama,” sagot ni Ailyn na may kasama pang pagtaas ng isang kilay.

“Sa Sabado na ba ‘yun?”

“Oo.”

Inosenteng ngumiti si Analyn.

“Okay. Eh di, pupunta ako. Para maki-celebrate sa birt
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Janice Gepayo
ahahaha ang sweet ang unique ng tawagan nu ah hehehe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I SECRETLY WED the BOSS   395 - RETRIEVED

    Malakas ang ulan. Nakaupo ang batang Ailyn sa likod ng trunk ng sasakyan, habang yakap niya sa isang braso ang isang stuff toy na teddy bear. “Ai-Ai, magpakabait ka dun sa pupuntahan mo, ha? Huwag kang maging pasaway doon.”Hindi sumagot si Ailyn. Nakatitig lang siya sa malalaking patak ng ulan sa labas ng bintana sa tapat niya. Mayamaya ay lumiko sa isang subdivision ang sinasakyan nila. Naka-ilang liko pakanan at pakaliwa sila ng biglang nag-preno ang driver ng sasakyan nila.“Bakit may bata?” nagtatakang sabi ng driver. Napukaw nun ang atensyon ni Ailyn. Sumilip siya sa harapang salamin para tingnan ang sinabi ng driver. Nakita niya roon ang isang batang lalaki na nakaupo sa lupa habang umiiyak at hawak ang tuhod niyang may dugo.Bumusina ang driver, inaasahang aalis na iyong bata sa pagbusina niya. Pero tila may sariling mundo ang bata at walang tigil sa pag-iyak. “Kanino kayang anak ang batang ‘yan? Bakit walang kasama? Kahit yaya man lang. Pinabayaan nila ang bata. Eh, puro

  • I SECRETLY WED the BOSS   394 - PLAGIARIST

    “Hindi pala niya original painting ‘yan?” komento ng isa. “Ang taas pa naman ng bid ko.”“Tsk! Tsk! Sinira niya ang sariling birthday niya.”Kitang-kita sa mukha ni Ailyn ang pagkataranta. Ang ilang bisita ay nagsimula ng kumuha ng larawan at video. Nagpa-panic na rin ang mag-asawang Sixto at Mercy, hindi alam kung ano ang gagawin. “Ailyn, totoo ba?” tanong ni Mercy sa inaakalang anak.Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Ailyn. “Hindi… hindi ko ginawa ‘yun…”Para namang may biglang naalala si Ailyn at saka niya inilibot ng tingin ang paligid. Hanggang sa huminto ang paglibot niya ng tingin sa isang babae na nakatayo sa di kalayuan. Nang nakita naman ni Analyn na nakatingin sa kanya si Ailyn ay ngumiti siya sa babae at saka walang boses na binigkas ang salitang ‘happy birthday’, pero sinigurado niyang maiintindihan iyon ng babae. Naikuyom ni Ailyn ang kanyang isang kamay habang pinipigilan ang panggigigil kay Analyn. Galit na galit ang mga ugat niya sa leeg habang matiim na nakat

  • I SECRETLY WED the BOSS   393 - BIDDING STARTS NOW

    “Thank you, Papa…” mangiyak-ngiyak na sabi ni Ailyn, at saka yumakap kay Sixto. Hindi alam ni Analyn kung maiinggit ba siya kay Ailyn o maaawa siya sa sarili niya. Siya dapat ang naroroon ngayon sa itaas ng stage. Siya dapat ang nagdiriwang ng kaarawan niya ngayon. Hindi naman kasi niya alam ang talagang araw ng kaarawan niya. Ang ginawa lang ni Damian na birthday niya ay nung araw na nakita siya nito sa ospital. Biglang pinatay ang mga ilaw. Mula sa kung saan ay may lumabas na tatlong layer ng cake, habang nakatutok doon ang spotlight. Nakapatong iyon sa isang trolley habang itinutulak ni Anthony. Pumailanlang ang tugtog ng Happy Birthday Song sa ere, na sinabayan ng mga bisita. Pinili ni Analyn na hindi makikanta. Nakatitig lang siya kay Ailyn na nasa itaas ng stage. Napakasuwerteng nilalang, sabi ni Analyn sa isip niya. Meron siyang isang guwapo at makapangyarihang fiance, mababait na mga magulang, at magandang estado sa buhay. Na kay Ailyn lahat ng iyon. Na dapat ay para sa k

  • I SECRETLY WED the BOSS   392 - OVER HEARD

    Sa pinakamalaking art gallery sa Tierra Nueva idinaos ang birthday party ni Ailyn. Nang dumating doon sila Eric at Analyn ay marami ng mga bisita ang naroroon. Inirehistro muna ni Analyn ang regalo niya kay Ailyn bago pumasok sa loob ng venue. Sakto naman na pagkatapos maipa-rehistro ni Analyn ang dalang regalo ay saka naman dumating ang pamilya Esguerra sa pangunguna ng mag-asawang Sixto at Mercy. Sinusundan sila nila Brittany at Edward, habang nasa likuran nila ang mag-asawang Elle at Alfie. Pinakahuling naglalakad sila Ailyn, na naka-angkla sa braso ni Anthony. Napaismid si Analyn pagkakita kay Ailyn at sa dating asawa. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ni Analyn ay ang suot ni Ailyn. Halos parehong-pareho ang tabas ng suot nitong damit sa suot niya. Bukod pa roon, puti rin ang kulay ng damit nito. Bumulong si Eric sa tenga ni Analyn. “Halos pareho ang damit n’yong dalawa. Pareho ng tabas, pero magkaiba ang pattertn. Pero mas maganda kang magdala ng damit kaysa sa kanya.”Hindi

  • I SECRETLY WED the BOSS   391 - BIRTHDAY GIFT

    Bago dumating ang araw ng art exhibit ni Ailyn, pinapunta ni Analyn si Anji sa ibang bansa. Ang alam sa opisina nila ay official business ang ipinunta roon ni Anji, pero hindi malinaw sa kanila kung anong proyekto iyon. Nagpatahi rin si Analyn ng isang kulay puting bestida para sa okasyon na iyon. Paglabas niya, nasalubong niya si Ailyn. Unang napansin ni Analyn ang tila mamahalin at branded na bag na bitbit nito na halatang ipinagmamalaki niya base sa pagkakabitbit niya roon.Bahagyang tumikwas ang isang kilay ni Analyn. “Magsusukat ka rin ng damit?”Inilipat ni Ailyn sa isang kamay niya ang handle ng bag mula sa isang kamay. “Ah, oo. Regalo sa akin ito ni Anthony. Birthday gift daw niya sa akin.”“Birthday mo? Kailan?” Kunwari ay walang alam si Analyn. “Sa Sabado. So far, ang alam ko… inimbita ka ni Mama,” sagot ni Ailyn na may kasama pang pagtaas ng isang kilay.“Sa Sabado na ba ‘yun?” “Oo.”Inosenteng ngumiti si Analyn.“Okay. Eh di, pupunta ako. Para maki-celebrate sa birt

  • I SECRETLY WED the BOSS   390 - MAGASIN

    Nagpatulong si Analyn na makakuha ng imbitasyon kay Jean para makapasok sa fashion show. Legal naman iyon dahil wala namang magtataka sa presensiya niya roon dahil may-ari naman siya ng isang kumpanya. Sinadya ni Analyn na dumating sa fashion show na nagsisimula na ang palabas. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa harapan at doon naupo, bitbit ang kanyang bag at isang magasin. Nagulat ang mga naroroon at ang lahat ng mga mata ay nasa kanya ang atensyon, lalo na ang mga VIP na nakaupo sa harapan. Hindi pa nagtatagal na lumalapat ang pang-upo ni Analyn sa upuan ay nakarinig na siya ng mga bulong-bulungan. “Tama ba ang nakikita ko? Si Analyn ‘yan, di ba? Ang dating asawa ni Anthony De la Merced?” “Oo nga! Siya nga! Bakit siya nagpunta rito?”“Ang lakas naman ng loob niyan na magpunta rito.”May mahinang tawanan pang narinig si Analyn mula sa likuran niya, pero binalewala na lang niya ang mga naririnig. Sa halip, binuksan niya ang dalang magasin at saka binuklat-buklat iyon na til

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status