공유

5 - GOOD TASTE

작가: Cristine Jade
last update 최신 업데이트: 2024-11-19 20:21:57

Alam ni Analyn na gusto lang siyang inisin ni Anthony kaya inilagay roon ang size ng underwear niya. Kaya naman itiniklop na lang niya ang papel at saka iniwan sa ibabaw ng kama niya. Gusto niyang mag-shower nang mabilis bago tuluyang mahiga sa malambot na kama. 

Nakahiga na si Analyn nang maalala niyang kailangan niyang magsabi sa boss niya na hindi siya papasok bukas. As usual, inaasahan na niyang magagalit ang boss niya. Nag-half day na raw siya ngayong araw tapos ay wala pa siya bukas. Binigyan pa siya ng ultimatum nito. Na kung hindi siya papasok bukas ay ima-mark siyang absent ng isang buong linggo. Ibig sabihin, hindi siya makukuha ang sahod ng pang isang linggo. 

Napabuntong-hininga na lang si Analyn. Malaking bagay din iyong sahod niya ng isang linggo. Sabi nga nga nila, sahod is life!

Pero hindi naman niya pwedeng idahilan sa boss niya na sasamahan niya si Anthony na dalawin ang lolo nito. Hindi pwedeng malaman sa opisina na nagpakasal siya sa boss ng DLM. Well, Sir Anthony is lifer.

KINABUKASAN, maagang nagising si Analyn. Naligo na rin siya agad at saka namili na ng damit na isusuot. Naglagay lang siya ng light make-up, pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto bitbit ang bag na ginagamit niya rin pagpasok sa opisina. Nagulat pa siya nang datnan si Anthony na nakaupo sa sala. Wala naman kasi silang oras na pinag-usapan kagabi. Agad na tumayo si Anthony nang makita siya at nagpatiuna nang lumabas ng bahay.

Nang nasa sasakyan na, nagbukas ng topic na mapag-uusapan si Analyn. Nabibingi siya sa sobrang katahimikan nilang dalawa.

“Nag-file ako ng leave ngayong araw pero hindi in-approve ni Sir Richie. Tapos ia-absent din daw niya itong buong isang linggo ko. Kaya isang linggo akong walang sasahurin kapalit ng pagsama ko sa iyo ngayon.”

“Para magkano lang naman iyong one week mong sahod,” malamig na sagot ni Anthony. 

Lumipad ang tingin ni Analyn sa katabing lalaki. Gusto niyang magtaas ng boses dito pero pinigilan niya ang sarili. Hindi ba niya alam na para sa isang katulad niya na ordinaryong empleyado ay napakalaking bagay na nung isang linggong sahod ? Palibhasa isa siyang walang awang kapitalista.

“Amuin mo si Lolo mamaya at ako na ang bahala sa one week payroll mo.”

Nang narinig ni Analyn ang sinabi ni Anthony, tahimik siyang nagdiwang. Hindi na siya nagsalita pa sa takot na baka may masabi pa siyang ikakainis ng lalaki. Baka kasi bawiin pa nito ang sinabi kanina. 

May ilang minuto na rin silang bumibiyahe nang huminto ang sasakyan nila sa tapat ng isang mall. Dahil dito, lubos na nagtaka si Analyn at hindi siya nakatiis na hindi magtanong.

“Sabi mo bibisita tayo sa Lolo mo?”

Hindi sumagot si Anthony, sa halip ay sinuyod niya ng tingin ang suot ni Analyn. 

“Sa itsura mo ngayon, kapag ipinakilala kita kay Lolo bilang asawa ko, iisipin niya agad na nalulugi na ang mga negosyo ng DLM. Mukha kasing hindi ka na kayang ibili ng damit ng asawa mo diyan sa suot mo. Parang pinaglumaan na ng panahon.”

Luma? Wala pang isang taon ang damit na suot niya mula ng mabili niya ito sa isang thrift shop na nagbebenta ng mga damit na galing diumano sa iminodel sa Fashion Week.

Bumaba na ng sasakyan si Anthony kaya sumunod na rin si Analyn. Pati nang pumasok sa mall ang lalaki ay tahimik na nakasunod lang sa kanya ang dalaga. Huminto si Anthony sa isang boutique na sa tingin ni Analyn ay puro designer clothes ang laman. Hindi na nagawang pigilan ni Analyn ang lalaki nang pumasok ito doon at dumiretso sa mga damit pambabae. Pumili ito ng ilang piraso ng mga damit at saka pahagis na ibinigay kay Analyn.

“Try it on.” 

“Mukhang mahal dito,” mahinang sabi ni Analyn sa binata para hindi marinig ng sales staff na nasa likuran nila. 

“Bakit, sinabi ko ba na ikaw ang magbabayad?” tanong ni Anthony sa dalaga. 

Biglang ngumiti ng malapad si Analyn. “Isusukat ko na,” sabi niya, sabay naglakad na papuntang fitting room.

Sa loob ng fitting room, isa-isang sinilip ni Analyn ang mga presyo ng bawat damit. Napangiwi na lang siya sa nakitang presyo ng mga nito, na ang pinakamura ay katumbas na ng isang buwang sahod niya. Ngayon lang makakapagsuot si Analyn ng ganitong kamahal nga mga damit. Kaya naman ingat na ingat siya sa paghawak at pagsukat sa mga ito. 

Bawat isukat na damit ni Analyn ay ipinapakita niya kay Anthony. Pero tila wala pa ring pumapasa sa metikulosong panlasa ng tagabayad niya. Isang damit na lang ang natitira na hindi pa niya naisusukat at tanging dalangin ni Analyn na sana ay pumasa na kay Anthony. Nakakapagod din ang magsukat nang magsukat. 

Nang isuot ni Analyn ang huling damit, may kausap sa telepono si Anthony paglabas niya ng fitting room kaya minabuti niyang pagmasdan na muna ang sarili sa full-length mirror na katabi.

Sumunod naman sa kanya ang sales staff na naga-assist sa kanya. 

“Bagay na bagay sa iyo, Mam iyang isang ’yan. It compliments your skin colour. Your boyfriend has a good taste,” puri pa ng sales staff kay Analyn.m

Narinig ni Anthony ang komento ng staff, kaya nag-angat siya ng tingin. Nakita niya agad si Analyn sa harap ng mahabang salamin habang pinagmamasdan ang sarili. Sinuyod din ng tingin ni Anthony si Analyn doon sa salamin para mapansin niya ang bakingkinitang beywang ng dalaga. Hindi inaasahan ni Anthony na biglang lilingon sa gawi niya si Analyn kaya naman nagkatitigan sila saglit. 

“Okay na ba ‘to?” 

“Yes,” maikling sagot ni Anthony na tila napaso sa biglaang pagkakatitigan nila ng dalaga. Mabilis itong tumayo at saka lumapit sa staff. Inabot niya rito ang credit card niya.

“Isama mo na rin iyong ibang sinukat niya. Samahan mo na rin ng dalawang pares ng sapatos.” 

Nangningning ang mga mata nung staff nang marinig iyon. Nagmamadali itong kumilos papunta sa counter na tila natatakot na magbago ang isip ni Anthony.

Nilapitan ni Analyn si Anthony at saka binulungan. “Hindi mo naman kailangang bilhin lahat ‘yun. Tama na itong suot ko.”

Salubong ang kilay na nilingon ni Anthony ang dalaga. 

“Alangan namang iyan at iyan din ang isusuot mo sa mga susunod na pagdalaw mo kay Lolo?” 

Hindi na nakasagot pa si Analyn. Tumahimik na lang siya. Akala niya ay tapos na silang mamili at aalis na, pero hinila siya ni Anthony sa tindahan ng alahas. Pumili ito ng pares ng singsing at saka ibinigay sa kanya ang pambabaeng kopya.

“Wear it,” utos nito sa kanya, at saka naman isinuot sa sariling daliri niya iyong isa. 

“Tingnan mo silang dalawa. Bagay na bagay sila.” Iyan ang narinig ni Analyn na komento ng isang staff patungkol sa kanila ni Anthony. 

“Bagay nga. Kaso mukhang hindi naman siya mahal nung lalaki. Hindi man lang siya kinonsulta sa pagpili ng singsing. Much more, hindi man lang isinuot sa daliri niya,” komento naman nung isang staff.

~C.J.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Tita Sanchez Nicolas
Super ganda ng story.
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • I SECRETLY WED the BOSS   439 - GRAPES

    Hindi na sumagot si Analyn. Wala na ring sinabi si Edward. Tahimik na nag-usap ang mga mata nila habang sinasariwa ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa mula nung unang nagkakilala sila hanggang sa araw na sumuko na si Edward sa awtoridad.“Gusto ko sana’ng isama rito si Grapes kanina. Gusto ko sana siyang ipakilala sa ‘yo.”“Grapes?” nangingiting tanong ni Edward. “”Yung anak namin ni Anthony. Ilang buwan na pala akong buntis noon, hindi ko alam. Siguro, sa dami at sunod-sunod na problema ko noon, hindi ko namamalayan na ilang buwan na rin pala akong hindi dinadatnan.” Hindi napigilan ni Analyn ang mapangiti.“Bakit Grapes? Lalaki ba siya o babae?” “Kasi sa ubas ko siya ipinaglihi. Pero Antonette talaga ang pangalan niya. Babae.”Lumapad ang ngiti ni Edward. “So, babae pala… Antonette. Parang tunog Anthony din, ah?” Bahagyang natawa si Edward. “Pinagsamang Analyn at Anthony kasi. Si Papa Damian kasi ang nagpangalan sa kanya, so ayaw ko namang kontrahin pa si Papa.”Biglang naw

  • I SECRETLY WED the BOSS   438 - ITIM NA ROSAS

    Pagkatapos ng isang buwan ng kamatayan ni Eric, nagpunta si Analyn sa bahay ng mga Hidalgo. “Ikaw ba si Analyn?” tanong ng matandang mayordoma na sumalubong kay Analyn sa gate.Tumango si Analyn. “Ako nga.”“Halika, sumunod ka sa akin.”Pumasok sila sa loob ng bahay at saka binaybay iyon. Humanga si Analyn sa disenyo nito. Hindi pa siya nakaka-move on sa paghanga sa bahay ng nakita na niya ang lagusan palabas, at humantong sila sa likod-bahay. Mula roon, naglakad pa sila ng ilang metro. Abot-tanaw na ni Analyn ang bundok, pero pala-isipan pa rin sa kanya kung ano ba ang tinutukoy ni Eric sa bahaging ito ng bahay ng mga Hidalgo. Hanggang sa lumantad sa kanya ang ekta-ektaryang tanim ng mga kulay itim na mga rosas.Napatda si Analyn sa kinatatayuan niya. Pakiramdam niya ngayon ay nasa isa siyang panaginip. Naalala niya ang isang eksena noon sa pagitan nila Anthony at Eric.“Iyan na ang pinakamahal na bulaklak na kaya mong ibigay kay Analyn?”Isang bouquet iyon ng mga tulips. Sinamaan

  • I SECRETLY WED the BOSS   437 - MINAHAL KITA

    “Walang kikilos! Taas ang mga kamay!”Isa-isang nagsipasok ang mga unipormadong mga pulis at saka nilapitan ang apat na nilalang doon. Pero nagpumilit na makabangon si Eric at saka ubos-lakas na sinipa si Anthony, dahilan para bumagsak ito sa lapag palayo kay Eric. At dahil may iniindang sugat, hindi na nakuha ni Anthony na makatayo pa. “Anthony!” takot na sigaw ni Analyn. Akma sanang tatakbuhin ni Analyn si Anthony pero nagulat siya nang biglang dambahin ni Eric ang tumilapon niyang baril, kaya napahinto sa paglapit si Analyn kay Anthony. Ang unang naisip ni Analyn ay babarilin ni Eric si Anthony. Pero nagkamali siya, lahat sila ng akala. Dahil mabilis na itinutok ni Eric ang baril sa sintido niya.“Sir Eric!!!” sigaw ng sekretarya ni Eric at saka tinakbo ang amo.Nanlaki naman ang mga mata ni Anthony habang nakatingin kay Eric. Habang si Analyn ay nanigas at nanlamig bigla ang katawan. Pilit na inagaw ng sekretarya mula kay Eric ang hawak nitong baril. Pero hindi nagpadaig si

  • I SECRETLY WED the BOSS   436 - ANG KATOTOHANAN

    Parehong nagulat ang dalawang lalaki nang narinig nila ang pamilyar na boses na iyon. “Ai! Ano’ng ginagawa mo rito? Umalis ka na rito!”“Analyn! Paano kang napunta rito? Ipinakulong kita para hindi ka maging sagabal dito sa plano ko!”Natuon ang atensyon ni Analyn kay Eric dahil sa sinabi nito.“Alam ko na, Eric. Alam kong ikaw iyon.”Nagsalubong ang mga kilay ni Eric, habang ang baril ay nakatutok pa rin kay Anthony. Dahan-dahang naglakad si Analyn palapit sa kanilang dalawa.“Alam kong gumugol ka ng maraming oras at effort para mapalapit sa akin dahil ang pagkakaalam mo, pinatay ni Papa Damian ang kapatid mo. Eric, inatake siya. Hindi Diyos si Papa Damian. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para isalba ang kapatid mo. Pero nasa itaas na ang desisyon kung hanggang saan na lang ang buhay niya. Naging determinado ka na maghiganti sa doktor. Inisip mo na huwag na rin siyang mabuhay.”Pinipigilan ni Analyn ang pag-iyak niya habang sinasabi niya iyon. Gusto niyang masabi lahat kay Er

  • I SECRETLY WED the BOSS    435 - SANDALI

    “Noong mga panahong iyon, nasa rurok ang mga negosyo natin. Kasikatan nito noon. Aminado ako, sa sobrang abala namin, napapabayaan ka na namin. Kaya laking pasalamat ko kay Anthony at sa Lolo niya, at kahit paano, nagkaroon ka ng sandaling matutuluyan at makakasama noon habang busy kami. Pero si Fer, laging nakadikit sa amin ni Sixto noon.”“Nung nawala ka, ipinadala sa amin ni Fer ang dalawang anak niya. Si Brittany at si Alfie. Para raw malibang kami, hindi kami malungkot ni Sixto. Tapos nangibang-bansa na siya pagkatapos nun at hindi na bumalik dito sa Tierra Nueva mula noon. Ang bali-balita, may kinakasama na siyang lalaki rin doon.”Napamaang si Analyn sa narinig.“At para manatiling sikreto ang tungkol sa dalawang bata, hindi namin ipinagsabi na hindi namin anak sila Brittany at Alfie. Para na rin hindi na maungkat ang totoong katauhan ni Fer. Hanggang sa nasanay na ang mga tao na anak namin ni Sixto ang dalawa.”“Pero kahit kailan ba hindi ninyo pinaghinalaan si– Tito Fer? Na m

  • I SECRETLY WED the BOSS   434 - TEN MILLION

    Hindi namalayan ni Analyn na napalayo na siya sa kalalakad. Nakaramdam na siya ng pagod at nakarating sa isang parke. Minabuti niyang maupo na muna roon. May mga batang naglalaro sa parke at naengganyo siyang manood sa paglalaro nila. Pero hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga impormasyon na nalaman. Nang umalis na ang mga batang naglalaro ay naiwan pa rin si Analyn doon, nakatingin lang sa kawalan. Sakto na may dumating na isang pamilyar na sasakyan at bumaba roon ang lalaking kanina pa nag-aalala kay Analyn. “Ai-Ai!” Saka lang naputol ang mga iniisip ni Analyn. Nilingon niya ang tumawag sa kanya. “Sabi ni Jiro kanina ka pa umalis sa bahay mo. Ano’ng nangyayari?”“Sinusundan n’yo ko?” Alanganin si Anthony kung sasagutin ang tanong ni Analyn. Pero sa huli ay sinabi rin niya ang totoo. “Kailangan. Ayaw na kitang mawala uli.”Si Analyn naman ang hindi nakasagot. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng tuwa sa isinagot ng lalaki. “Bakit ka nandito? Hindi ka ba galit sa akin? Iniiwas

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status