Nang lumabas si Analyn mula sa kuwarto niya ay agad siyang sinalubong ng Mama niya. Nakakapagtakang kalmado na ito.
“Analyn, sorry na. Nabigla lang ako kanina. Okay lang sa akin kung sino man iyong pinakasalan mo. Pamilya pa rin tayo, hindi ba? Pero magpapakasal na ang kapatid mo at si Tin. At bilang nag-iisang kapatid ni Jiro, obligasyon mo na bigyan sila ng perang pampakasal nila.”
Bahagyang hinawi ni Analyn ang Mama niya at saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa pintuan.
“Wala ho akong pera.”
Nagulat si Analyn nang ubod lakas siyang pinaharap ng Mama niya paharap dito.
“Kung ganon, hiwalayan mo ang lalaking ‘yan. Pansamantala, makipag-live in ka muna kay Michael habang pinoproseso pa ang paghihiwalay n’yo. Kailangan natin ang pera ni Michael sa pagpapakasal ni Jiro.”
Ubod lakas na tinagtag ni Analyn ang kamay ng Mama niya na nakahawak pa ng mahigpit sa braso niya.
“Okay ka lang, ‘Ma? Para naman akong piraso ng karne na binebenta mo kung kanino.”
“Hoy, Analyn. Pinalaki ka namin, dinamitan at pinag-aral ng ilang taon. Pagkatapos ngayoj, pababayaan mo na lang ang kapatid mo ngayong kailangan ka niya?”
“‘Ma, si Papa lang ang nag-alaga sa akin. Siya lang ang nagpalaki, nagdamit at nagpa-aral sa akin sa pamilyang ito. Isa pa, hindi mo ako dapat singilin sa pag-aaral ko dahil pinag-aral ko ang sarili ko nung college ako. Si Papa lang ang pamilya ko sa bahay na ‘to.”
Nilingon ni Analyn si Jiro. Nakatayo ito sa pintuan nila sa sala habang nakikinig sa pagtatalo nila ng Mama niya. Nagsalubong ang mga tingin nila. Mula pa noon at hanggang ngayon, walang makapang koneksyon si Analyn dito.
“Isa pa…” pagpapatuloy ni Analyn, “hindi ko naman talaga kapatid si Jiro. So, bakit ako magkakaroon ng obligasyon sa pagpapakasal niya?”
Labingdalawang taon si Analyn noon nang masangkot siya sa aksidente at mawala ang kanyang memorya.
Dahil walang kumilala sa kanya noon na kaanak njya, naawa sa kanya si Damian, ang kinikilala niyang Papa niya ngayon, na noon ay nagtatrabaho sa ospital kung saan siya nakaratay ngayon. Iniuwi siya nito sa bahay niya pansamantala, hanggang sa may maghanap daw sa kanyan na pamilya niya.
Pero dalawang taon na ang lumipas at wala ni isa mang tao ang naghanap sa kanya. Kaya naman naisipan ni Damian na ampunin siya sa legal na paraan para makapag-aral siya. Walang nagawa noon ang Mama niya sa desisyon ni Damian. Si Damian ang nagbigay sa kanya ng pangalang Analyn.
GAMIT ang natitirang pera sa wallet niya, bumaba na ng taxi si Analyn sa gate ng Grace Village. Alas-siyete na iyon ng gabi. Hindi niya magawang pumasok sa loob, paano ay nakalimutang ipadala sa kanya ni Anthony ang sabi nito kanina na numero at pangalan ng kalye ng bahay niya. Hindi naman niya alam ang numero ng telepono nito at tanging numero lang niya ang kinuha ng binata.
Walang magawa si Analyn kung hindi hintayin na lang si Anthony dito sa labas ng subdivision. Naupo siya sa gutter malapit sa gate habang kalong ang dalawang bag na dala.
Kainip-inip ang naging paghihintay doon ni Analyn, isabay pa na maalinsangan ang panahon at wala man lang hangin.
May isang oras na rin siyang naghihintay ng may tumama sa kanyang ilaw mula sa isang sasakyan. Nilingon ni Analyn iyon at nakilala niya ang sasakyan ni Anthony.
Agad siyang tumayo, natakot siya na hindi mapansin ng lalaki. Ang tagal na niyang naghintay sa lalaki at nangangawit na siya sa pagkakaupo roon.
Napansin naman agad ni Anthony ang nakaupong si Analyn kaya itinabi niya ang sasakyan dito. Ibinaba niya ang salamin ng bintana sa tapat niya at saka malamig ang boses na tinanong si Analyn.
“What are you doing here?”
Dahil sa sagutan nila kanina ng Mama niya at sa inip sa paghihintay kay Anthony ay gusto niya sanang sagutin ng pabalbal ang binata. Pero bigla niyang naisip na si Anthony ang boss ng kumpanyang pinapasukan niya at sasagot sa mga bayarin niya sa ospital kaya nagtimpi siya.
“Sir, nakalimutan n’yo lang namang ibigay sa akin ang number at street ng bahay n’yo sa loob. Paano ako papasok diyan?”
Agad na lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Anthony sa narinig.
“Sorry. I was busy attending a meeting. Sakay na,” sabi nito kay Analyn.
Dinampot na ni Analyn ang dalawang bag niya at saka sumakay sa sasakyan ni Anthony. Ilang liko lang at huminto na sila sa tapat ng isang magandang bahay. Bumaba na si Anthony, kaya naman sumunod na si Analyn, bitbit ang mga bag niya. Nagtaka siya kung bakit tila hinihintay siya ni Anthony sa labas ng pintuan.
“Remember the passcode,” sabi sa kanya ni Anthony at saka iniangat ang kamay sa isang tila number board sa pintuan ng bahay niya, “052900.”
Habang sinasabi niya iyon ay sabay ding pinipindot ni Anthony ang mga numero sa number board. Nang matapos pindutin ni Anthony ang anim na numero ay itinulak na niya ang pintuan at pumasok na sa loob.
Sumunod naman agad si Analyn, pero agad siyang napahinto ng makita ang loob ng sala. Humanga siya sa disenyo nun. Bagaman ang kulay ng mga dekorasyon at muwebles ay simple at malamig sa mata, mahahalata pa rin ang karangyaan sa kabuuan ng sala.
“Pwede ka ng umakyat sa kuwarto mo. Doon ka sa kaliwang side. Iyong sa kanan ay kuwarto ko at study room. Hindi ka pwedeng basta-basta papasok doon ng wala akong pahintulot. Naiintindihan mo ba?”
Tumango si Analyn. “Yes, Sir.”
“At isa pa, hindi mo pwedeng galawin ang pagkaka-ayos ng mga kasangkapan ko dito. Wala kang aalisin, at wala ka ring idadagdag.”
“Okay! Walang problema.”
Mas problemado pa nga ako nung nakatira ako sa bahay kasama si Mama at Jiro.
Naisip pa ni Analyn na ngayon, wala na talaga siyang magiging problema. Malilibre na siya sa pambayad sa ospital, makaka-ipon pa siya ng pang-down para sa isang maliit na apartment para tirhan niya pagkatapos ng kasunduan nila ni Anthony
KAKATAPOS lang ni Analyn na ayusin ang mga gamit niya sa kanyang magiging kuwarto ng may kumatok sa pintuan nito. Binuksan niya ang pintuan at nabungadan doon si Anthony na nakapagpalit na ng damit pambahay.
May hawak itong papel na pilit niyang inilagay sa kamay ni Analyn.
“Those were my hobbies. Mga pagkain na allergic ako. Mga ayaw ko. Mga paborito kong pagkain. Kabisaduhin mo lahat. Ayokong mabuking tayo ni Lolo sa isang simpleng dahilan lang.”
“Okay,” pinasadahan ng basa ni Analyn ang nakalagay sa papel, tapos ay nag-angat ng tingin kay Anthony, “kailangan ko rin bang gumawa ng ganito?”
“No need,” malamig na sagot ni Anthony, pagkatapos ay tumalikod na at i iwan na si Analyn doon sa pintuan.
Hindi na niya kailangang hingin sa dalaga ang mga bagay na ganun. Ano pa at napa-imbestigahan na niya ito.
Nang makita naman ni Analyn na umalis na ang amo ay isinara na niya ang pintuan at diretso sa kama. Doon niya muling binuklat ang papel na ibinigay ni Anthony. Binasa niya iyon isa-isa hanggang sa makarating siya sa pinaka-ibaba ng papel. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Pagkatapos ay natutop niya ang kanyang bibig.
Pati ba naman ang size ng underwear niya kailangan ding alam ko?
~C.J.
Hindi na sumagot si Analyn. Wala na ring sinabi si Edward. Tahimik na nag-usap ang mga mata nila habang sinasariwa ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa mula nung unang nagkakilala sila hanggang sa araw na sumuko na si Edward sa awtoridad.“Gusto ko sana’ng isama rito si Grapes kanina. Gusto ko sana siyang ipakilala sa ‘yo.”“Grapes?” nangingiting tanong ni Edward. “”Yung anak namin ni Anthony. Ilang buwan na pala akong buntis noon, hindi ko alam. Siguro, sa dami at sunod-sunod na problema ko noon, hindi ko namamalayan na ilang buwan na rin pala akong hindi dinadatnan.” Hindi napigilan ni Analyn ang mapangiti.“Bakit Grapes? Lalaki ba siya o babae?” “Kasi sa ubas ko siya ipinaglihi. Pero Antonette talaga ang pangalan niya. Babae.”Lumapad ang ngiti ni Edward. “So, babae pala… Antonette. Parang tunog Anthony din, ah?” Bahagyang natawa si Edward. “Pinagsamang Analyn at Anthony kasi. Si Papa Damian kasi ang nagpangalan sa kanya, so ayaw ko namang kontrahin pa si Papa.”Biglang naw
Pagkatapos ng isang buwan ng kamatayan ni Eric, nagpunta si Analyn sa bahay ng mga Hidalgo. “Ikaw ba si Analyn?” tanong ng matandang mayordoma na sumalubong kay Analyn sa gate.Tumango si Analyn. “Ako nga.”“Halika, sumunod ka sa akin.”Pumasok sila sa loob ng bahay at saka binaybay iyon. Humanga si Analyn sa disenyo nito. Hindi pa siya nakaka-move on sa paghanga sa bahay ng nakita na niya ang lagusan palabas, at humantong sila sa likod-bahay. Mula roon, naglakad pa sila ng ilang metro. Abot-tanaw na ni Analyn ang bundok, pero pala-isipan pa rin sa kanya kung ano ba ang tinutukoy ni Eric sa bahaging ito ng bahay ng mga Hidalgo. Hanggang sa lumantad sa kanya ang ekta-ektaryang tanim ng mga kulay itim na mga rosas.Napatda si Analyn sa kinatatayuan niya. Pakiramdam niya ngayon ay nasa isa siyang panaginip. Naalala niya ang isang eksena noon sa pagitan nila Anthony at Eric.“Iyan na ang pinakamahal na bulaklak na kaya mong ibigay kay Analyn?”Isang bouquet iyon ng mga tulips. Sinamaan
“Walang kikilos! Taas ang mga kamay!”Isa-isang nagsipasok ang mga unipormadong mga pulis at saka nilapitan ang apat na nilalang doon. Pero nagpumilit na makabangon si Eric at saka ubos-lakas na sinipa si Anthony, dahilan para bumagsak ito sa lapag palayo kay Eric. At dahil may iniindang sugat, hindi na nakuha ni Anthony na makatayo pa. “Anthony!” takot na sigaw ni Analyn. Akma sanang tatakbuhin ni Analyn si Anthony pero nagulat siya nang biglang dambahin ni Eric ang tumilapon niyang baril, kaya napahinto sa paglapit si Analyn kay Anthony. Ang unang naisip ni Analyn ay babarilin ni Eric si Anthony. Pero nagkamali siya, lahat sila ng akala. Dahil mabilis na itinutok ni Eric ang baril sa sintido niya.“Sir Eric!!!” sigaw ng sekretarya ni Eric at saka tinakbo ang amo.Nanlaki naman ang mga mata ni Anthony habang nakatingin kay Eric. Habang si Analyn ay nanigas at nanlamig bigla ang katawan. Pilit na inagaw ng sekretarya mula kay Eric ang hawak nitong baril. Pero hindi nagpadaig si
Parehong nagulat ang dalawang lalaki nang narinig nila ang pamilyar na boses na iyon. “Ai! Ano’ng ginagawa mo rito? Umalis ka na rito!”“Analyn! Paano kang napunta rito? Ipinakulong kita para hindi ka maging sagabal dito sa plano ko!”Natuon ang atensyon ni Analyn kay Eric dahil sa sinabi nito.“Alam ko na, Eric. Alam kong ikaw iyon.”Nagsalubong ang mga kilay ni Eric, habang ang baril ay nakatutok pa rin kay Anthony. Dahan-dahang naglakad si Analyn palapit sa kanilang dalawa.“Alam kong gumugol ka ng maraming oras at effort para mapalapit sa akin dahil ang pagkakaalam mo, pinatay ni Papa Damian ang kapatid mo. Eric, inatake siya. Hindi Diyos si Papa Damian. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para isalba ang kapatid mo. Pero nasa itaas na ang desisyon kung hanggang saan na lang ang buhay niya. Naging determinado ka na maghiganti sa doktor. Inisip mo na huwag na rin siyang mabuhay.”Pinipigilan ni Analyn ang pag-iyak niya habang sinasabi niya iyon. Gusto niyang masabi lahat kay Er
“Noong mga panahong iyon, nasa rurok ang mga negosyo natin. Kasikatan nito noon. Aminado ako, sa sobrang abala namin, napapabayaan ka na namin. Kaya laking pasalamat ko kay Anthony at sa Lolo niya, at kahit paano, nagkaroon ka ng sandaling matutuluyan at makakasama noon habang busy kami. Pero si Fer, laging nakadikit sa amin ni Sixto noon.”“Nung nawala ka, ipinadala sa amin ni Fer ang dalawang anak niya. Si Brittany at si Alfie. Para raw malibang kami, hindi kami malungkot ni Sixto. Tapos nangibang-bansa na siya pagkatapos nun at hindi na bumalik dito sa Tierra Nueva mula noon. Ang bali-balita, may kinakasama na siyang lalaki rin doon.”Napamaang si Analyn sa narinig.“At para manatiling sikreto ang tungkol sa dalawang bata, hindi namin ipinagsabi na hindi namin anak sila Brittany at Alfie. Para na rin hindi na maungkat ang totoong katauhan ni Fer. Hanggang sa nasanay na ang mga tao na anak namin ni Sixto ang dalawa.”“Pero kahit kailan ba hindi ninyo pinaghinalaan si– Tito Fer? Na m
Hindi namalayan ni Analyn na napalayo na siya sa kalalakad. Nakaramdam na siya ng pagod at nakarating sa isang parke. Minabuti niyang maupo na muna roon. May mga batang naglalaro sa parke at naengganyo siyang manood sa paglalaro nila. Pero hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga impormasyon na nalaman. Nang umalis na ang mga batang naglalaro ay naiwan pa rin si Analyn doon, nakatingin lang sa kawalan. Sakto na may dumating na isang pamilyar na sasakyan at bumaba roon ang lalaking kanina pa nag-aalala kay Analyn. “Ai-Ai!” Saka lang naputol ang mga iniisip ni Analyn. Nilingon niya ang tumawag sa kanya. “Sabi ni Jiro kanina ka pa umalis sa bahay mo. Ano’ng nangyayari?”“Sinusundan n’yo ko?” Alanganin si Anthony kung sasagutin ang tanong ni Analyn. Pero sa huli ay sinabi rin niya ang totoo. “Kailangan. Ayaw na kitang mawala uli.”Si Analyn naman ang hindi nakasagot. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng tuwa sa isinagot ng lalaki. “Bakit ka nandito? Hindi ka ba galit sa akin? Iniiwas