Accueil / Romance / I SECRETLY WED the BOSS / 6 - CALL ME ANTHONY

Share

6 - CALL ME ANTHONY

Auteur: Cristine Jade
last update Dernière mise à jour: 2024-11-22 17:46:43

Sa wakas ay nakarating na sila Analyn at Anthony sa ospital. Bumaba si Athony para may kuhain sa likod na compartment ng sasakyan niya. 

Nang isara na niya ito ay saka lang niya napansin na nakatayo si Analyn sa tabi niya. 

“Nervous?” seryosong tanong niya sa dalaga.

Pinaikot ni Analyn ang mga mata niya, sabay sabing, “sus! Bakit naman ako kakabahan? Sisiw na sisiw lang ‘to.” 

Nagkibit-balikat si Anthony. “Sisiw pala, eh. Eh di, tara na,” pagkatapos ay nauna na itong naglakad kay Analyn. 

Agad namang sumunod sa kanya si Analyn, pero sa totoo lang ay kinakabahan talaga siya. 

Habang nag-aabang sila sa pagdating ng elevator, hindi napigilan ni Analyn na magtanong kay Anthony. 

“Sir Anthony, masungit ba ang Lolo mo?”

“Nope.” 

“Okay,” sabi ni Analyn at saka palihim na nagbuga ng hangin. 

“Just call me simply Anthony. Or Ton.”

“Ha?” naguguluhang tanong ni Analyn. 

“I told you before, alam ni Lolo na may girlfriend na ako ng two years, di ba?”

“Ow.” 

Naintindihan na ni Analyn. Meron nga ba namang magkasintahan ng dalawang taon na ang tawag ng girlfriend niya sa boyfriend niya ay Sir Anthony?

“Okay, Anthony.” Exaggerated na bigkas ni Analyn sa pangalan ng boss niya, sabay paikot ng mga mata.

Matiim na tiningnan ni Anthony si Analyn, nagpapaalala na siya pa rin ang boss. 

“Ah, Anthony…” pagbibigay-diin ni Analyn sa pangalan ng boss niya, “bigla kong naalala. Mas matanda ka nga pala sa akin ng apat na taon. Dapat siguro, Kuya Anthony ang itawag ko sa ‘yo?” 

Tumiim ang bagang ni Anthony habang nakatingin kay Analyn. 

“Very funny,” seryosong sabi ni Anthony kay Analyn. Napansin ni Analyn na may diin ang pagkakasabi nun ni Anthony, kaya alam niyang inis na ito. 

Mabuti na lang at saktong dumating na ang elevator. 

“Up.” Anunsiyo ng elevator girl. 

Hindi na kinibo ni Analyn ang binata hanggang sa nakalabas na sila ng elevator. Nauuna itong maglakad sa kanya. Sumusunod lang si Analyn dahil hindi naman niya alam kung saan ang kuwarto ng Lolo nito.

Hanggang sa muntik pang mabangga si Analyn sa likod ni Anthony dahil sa biglang paghinto nito. 

“Ano ba naman?” Reklamo pa ni Analyn. 

Pero nabalewala ang pagrereklamo niya nang hawakan ni Anthony ang kamay niya at pagsalikupin ang mga kamay nila. Nagulat si Analyn sa ginawa na ito ni Anthony at hindi niya alam kung ano ang ire-react niya.

Habang nakatulala pa rin, namalayan na lang niya na binuksan na ni Anthony ang pintuan ng kuwartong nasa tapat ng kinatatayuan nila. Pumasok ito sa loob ng kuwarto. At dahil hawak ni Anthony ang kamay niya, kaya naman napahakbang na rin siya.

“Oh, nandito na si Tonton!” sabi ng matandang lalaki na kalaro ng chess ng isang may edad na ring lalaki, na sa hula ni Analyn ay ang lolo ni Anthony. 

Sa halip na kay Anthony tumingin, ang mga mata ng lolo niya ay kay Analyn napako. Nabanggit na ni Anthony sa Lolo niya na nagpakasal na sila ni Analyn kahapon. Kaya naman dinala niya rito ang dalaga.

“Ikaw ba si Ana?” 

Ngumiti si Analyn sa matanda. “Analyn po, ‘Lo.” 

“Ana o Analyn. Pareho lang ‘yun. Maupo ka rito.” Iminuwestra pa ng Lolo ni Anthony ang sofa na malapit sa kinauupuan niya. 

Bago makahakbang si Analyn ay pasimple itong pinigilan ni Anthony. Nagtaka si Analyn nang ipilit ni Anthony sa kamay niya ang maliit na paper bag na bitbit nito. 

“‘Naatraso kami ng pagdating dito, ‘Lo. Hindi kasi ako tinigilan nitong asawa ko hanggang hindi kami dumaan sa mall para bumili nitong supplements mo.” 

Naramdaman ni Analyn ang bahagyang pagtulak sa kanya ni Anthony sa kanyang likod, kaya naman humakbang na siya para lapitan ang Lolo ni Anthony. 

“Napaka-thoughtful naman ng batang ito.” 

Iniabot ni Analyn ang paper bag sa lolo ni Anthony, at saka nahihiyang naupo sa sofa. Naramdaman niyang umupo sa tabi niya si Anthony.

“Mabuti naman at sa wakas ay nadalaw mo ang Lolo Greg mo. Dalawang taon ka ring itinago sa akin ni Anthony,” sabi ng matanda kay Analyn. 

Mabuti na lang at habang nasa sasakyan ay na-brief na ni Anthony si Analyn kung ano ang mga dapat isagot sa lolo niya. 

“Actually po, matagal na po akong niyayaya ni Anthony na dalawin kayo, pero nahihiya po ako. Baka po kasi hindi kayo sang-ayon sa relasyon namin. Isa lang po akong hamak na designer sa kumpanya ninyo.” 

“Oh…” hinawakan ng lolo ni Anthony ang kamay ni Analyn, at saka bahagyang pinisil iyon, “walang matapobre sa mga De La Merced, iha. As long as nagmamahalan kayo ni Anthony, walang hahadlang sa inyo.”

“Iyan nga rin po ang sinasabi sa akin ni Anthony,” sinulyapan muna ni Analyn si Anthony sa tabi niya at saka ngumiti dito. Tapos ay muli siyang tumingin sa lolo nito, “pero nahihiya po talaga ako sa inyo.”

Hindi alam ni Anthony kung anong meron sa ngiti ni Analyn pero kusang umangat ang isang kamay niya at masuyong hinaplos ang buhok ng dalaga na para bang may namamagitan talaga sa kanilang dalawa. 

Nang makita naman ni Lolo Greg ang inakto ng apo ay natuwa siya para sa dalawa. Hindi niya napigilan ang mapangiti. 

Marami pang tinanong si Lolo Greg kay Analyn. Hanggang sa magyaya ito kay Analyn na maglaro sila ng chess. 

“Okay, ‘Lo. No problem.”

“Talaga? Marunong kang mag-chess?”

“Oo, ‘Lo! Pero hindi ako magaling, ha? Pang-kanto lang sa lugar namin ang level ko, ” natatawang sagot ni Analyn. 

“Sige nga. Let me see ‘yang level mo na ‘yan kung uubra sa akin…”.

“Game, ‘Lo. 

Nangangalahati na ang laro ng mag-lolo nang tumunog ang telepono ni Analyn.

“Lolo, sasagutin ko lang po ito. Babalik ako agad.”

“Okay.”

 “Si Anthony na po muna ang lalaban sa inyo.”,

Nang umalis si Analyn at lumabas ng kuwarto ay umupo si Anthony sa binakanteng upuan ng dalaga. Agad namang nakakita ng pagkakataon si Greg para tanungin ang apo.

“Anthony, niligawan at pinakasalan mo ba si Analyn ng dahil kay Ailyn? Aba eh, kamukhang-kamukha niya talaga si Ailyn natin.”

Nabitin sa ere ang hawak na chess piece ni Anthony. Nag-angat siya ng tingin at saka hinabol ng tingin ang bulto ni Analyn na papalabas ng pintuan. 

~CJ

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • I SECRETLY WED the BOSS   439 - GRAPES

    Hindi na sumagot si Analyn. Wala na ring sinabi si Edward. Tahimik na nag-usap ang mga mata nila habang sinasariwa ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa mula nung unang nagkakilala sila hanggang sa araw na sumuko na si Edward sa awtoridad.“Gusto ko sana’ng isama rito si Grapes kanina. Gusto ko sana siyang ipakilala sa ‘yo.”“Grapes?” nangingiting tanong ni Edward. “”Yung anak namin ni Anthony. Ilang buwan na pala akong buntis noon, hindi ko alam. Siguro, sa dami at sunod-sunod na problema ko noon, hindi ko namamalayan na ilang buwan na rin pala akong hindi dinadatnan.” Hindi napigilan ni Analyn ang mapangiti.“Bakit Grapes? Lalaki ba siya o babae?” “Kasi sa ubas ko siya ipinaglihi. Pero Antonette talaga ang pangalan niya. Babae.”Lumapad ang ngiti ni Edward. “So, babae pala… Antonette. Parang tunog Anthony din, ah?” Bahagyang natawa si Edward. “Pinagsamang Analyn at Anthony kasi. Si Papa Damian kasi ang nagpangalan sa kanya, so ayaw ko namang kontrahin pa si Papa.”Biglang naw

  • I SECRETLY WED the BOSS   438 - ITIM NA ROSAS

    Pagkatapos ng isang buwan ng kamatayan ni Eric, nagpunta si Analyn sa bahay ng mga Hidalgo. “Ikaw ba si Analyn?” tanong ng matandang mayordoma na sumalubong kay Analyn sa gate.Tumango si Analyn. “Ako nga.”“Halika, sumunod ka sa akin.”Pumasok sila sa loob ng bahay at saka binaybay iyon. Humanga si Analyn sa disenyo nito. Hindi pa siya nakaka-move on sa paghanga sa bahay ng nakita na niya ang lagusan palabas, at humantong sila sa likod-bahay. Mula roon, naglakad pa sila ng ilang metro. Abot-tanaw na ni Analyn ang bundok, pero pala-isipan pa rin sa kanya kung ano ba ang tinutukoy ni Eric sa bahaging ito ng bahay ng mga Hidalgo. Hanggang sa lumantad sa kanya ang ekta-ektaryang tanim ng mga kulay itim na mga rosas.Napatda si Analyn sa kinatatayuan niya. Pakiramdam niya ngayon ay nasa isa siyang panaginip. Naalala niya ang isang eksena noon sa pagitan nila Anthony at Eric.“Iyan na ang pinakamahal na bulaklak na kaya mong ibigay kay Analyn?”Isang bouquet iyon ng mga tulips. Sinamaan

  • I SECRETLY WED the BOSS   437 - MINAHAL KITA

    “Walang kikilos! Taas ang mga kamay!”Isa-isang nagsipasok ang mga unipormadong mga pulis at saka nilapitan ang apat na nilalang doon. Pero nagpumilit na makabangon si Eric at saka ubos-lakas na sinipa si Anthony, dahilan para bumagsak ito sa lapag palayo kay Eric. At dahil may iniindang sugat, hindi na nakuha ni Anthony na makatayo pa. “Anthony!” takot na sigaw ni Analyn. Akma sanang tatakbuhin ni Analyn si Anthony pero nagulat siya nang biglang dambahin ni Eric ang tumilapon niyang baril, kaya napahinto sa paglapit si Analyn kay Anthony. Ang unang naisip ni Analyn ay babarilin ni Eric si Anthony. Pero nagkamali siya, lahat sila ng akala. Dahil mabilis na itinutok ni Eric ang baril sa sintido niya.“Sir Eric!!!” sigaw ng sekretarya ni Eric at saka tinakbo ang amo.Nanlaki naman ang mga mata ni Anthony habang nakatingin kay Eric. Habang si Analyn ay nanigas at nanlamig bigla ang katawan. Pilit na inagaw ng sekretarya mula kay Eric ang hawak nitong baril. Pero hindi nagpadaig si

  • I SECRETLY WED the BOSS   436 - ANG KATOTOHANAN

    Parehong nagulat ang dalawang lalaki nang narinig nila ang pamilyar na boses na iyon. “Ai! Ano’ng ginagawa mo rito? Umalis ka na rito!”“Analyn! Paano kang napunta rito? Ipinakulong kita para hindi ka maging sagabal dito sa plano ko!”Natuon ang atensyon ni Analyn kay Eric dahil sa sinabi nito.“Alam ko na, Eric. Alam kong ikaw iyon.”Nagsalubong ang mga kilay ni Eric, habang ang baril ay nakatutok pa rin kay Anthony. Dahan-dahang naglakad si Analyn palapit sa kanilang dalawa.“Alam kong gumugol ka ng maraming oras at effort para mapalapit sa akin dahil ang pagkakaalam mo, pinatay ni Papa Damian ang kapatid mo. Eric, inatake siya. Hindi Diyos si Papa Damian. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para isalba ang kapatid mo. Pero nasa itaas na ang desisyon kung hanggang saan na lang ang buhay niya. Naging determinado ka na maghiganti sa doktor. Inisip mo na huwag na rin siyang mabuhay.”Pinipigilan ni Analyn ang pag-iyak niya habang sinasabi niya iyon. Gusto niyang masabi lahat kay Er

  • I SECRETLY WED the BOSS    435 - SANDALI

    “Noong mga panahong iyon, nasa rurok ang mga negosyo natin. Kasikatan nito noon. Aminado ako, sa sobrang abala namin, napapabayaan ka na namin. Kaya laking pasalamat ko kay Anthony at sa Lolo niya, at kahit paano, nagkaroon ka ng sandaling matutuluyan at makakasama noon habang busy kami. Pero si Fer, laging nakadikit sa amin ni Sixto noon.”“Nung nawala ka, ipinadala sa amin ni Fer ang dalawang anak niya. Si Brittany at si Alfie. Para raw malibang kami, hindi kami malungkot ni Sixto. Tapos nangibang-bansa na siya pagkatapos nun at hindi na bumalik dito sa Tierra Nueva mula noon. Ang bali-balita, may kinakasama na siyang lalaki rin doon.”Napamaang si Analyn sa narinig.“At para manatiling sikreto ang tungkol sa dalawang bata, hindi namin ipinagsabi na hindi namin anak sila Brittany at Alfie. Para na rin hindi na maungkat ang totoong katauhan ni Fer. Hanggang sa nasanay na ang mga tao na anak namin ni Sixto ang dalawa.”“Pero kahit kailan ba hindi ninyo pinaghinalaan si– Tito Fer? Na m

  • I SECRETLY WED the BOSS   434 - TEN MILLION

    Hindi namalayan ni Analyn na napalayo na siya sa kalalakad. Nakaramdam na siya ng pagod at nakarating sa isang parke. Minabuti niyang maupo na muna roon. May mga batang naglalaro sa parke at naengganyo siyang manood sa paglalaro nila. Pero hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga impormasyon na nalaman. Nang umalis na ang mga batang naglalaro ay naiwan pa rin si Analyn doon, nakatingin lang sa kawalan. Sakto na may dumating na isang pamilyar na sasakyan at bumaba roon ang lalaking kanina pa nag-aalala kay Analyn. “Ai-Ai!” Saka lang naputol ang mga iniisip ni Analyn. Nilingon niya ang tumawag sa kanya. “Sabi ni Jiro kanina ka pa umalis sa bahay mo. Ano’ng nangyayari?”“Sinusundan n’yo ko?” Alanganin si Anthony kung sasagutin ang tanong ni Analyn. Pero sa huli ay sinabi rin niya ang totoo. “Kailangan. Ayaw na kitang mawala uli.”Si Analyn naman ang hindi nakasagot. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng tuwa sa isinagot ng lalaki. “Bakit ka nandito? Hindi ka ba galit sa akin? Iniiwas

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status