Wala sa wisyo habang naglalakad palayo sa coffee shop ni Cora. Tila malalim ang iniisip nito.
Nang makarating siya sa pinagparadahan ng sasakyan ni Anthony, huminto siya sa tapat ng lalaki na nakasandal sa labas ng kotse niya.
“Kasuklam-suklam talaga ang mga lalaki,” sabi niya sa harap ni Anthony pero sa kawalan siya nakatingin.
Agad na nagdikit ang mga kilay ni Anthony pagkarinig sa sinabi ng babae. “Bakit naman?”
“Hindi sila makuntento sa babaeng mahal nila. Humahanap pa rin sila ng ibang putahe. Hindi ba nila alam na napakasakit para sa isang babae ang maghintay ng ilang taon sa lalaki, pagkatapos lolokohin ka lang pala?”
“Don’t count me.”
Binawi ni Analyn ang tingin sa kawalan at saka hinarap si Anthony.
“At ano’ng karapatan mong iitsa-pwera ang sarili mo sa mga lalaking manloloko? Nagawa mo na bang magmahal? Kawawa ang mga babae sa tulad mong makapangya
“Sinubukan ni Fatima na hingin ang copyright license mula kay Cora, pero hindi niya iyon nakuha… Ibig sabihin… alam ko na! Alam ko na! Alam ko na, Sir Anthony…”Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Anthony, gustong-gusto na niyang malaman kung ano ang nasa isip ni Analyn ngayon.“Kailangan kong makausap ng personal si Xian. Siya pala ang dapat kong kinausap at hindi si Cora! Tama! Salamat sa impormasyon, Sir. Ang galing-galing mo talaga!”Napapantastikuhang nakatingin lang si Anthony sa dalaga. Pero aaminin niya na bahagyang tumaba ang puso niya sa papuri nito sa kanya.“Tara na, Sir Anthony. Umuwi na tayo. Alam ko na ang gagawin ko.”Tatayo na sana si Anthony pero pinigilan ito ni Analyn.“Wait. Ayaw mo ba talaga ng barbeque? Sarap ng pusit nila! Obvious na sariwa. Recommended. Kuha ka na, treat ko sa ‘yo dahil sa imporamasyon mo.”Seryo
Kakatapos lang mag-shower ni Analyn. Mahihiga na sana siya pagkatapos magpatuyo ng buhok nang mag-ring ang telepono niya.Agad siyang kinabahan nang makita ang pangalan ni Cora sa screen ng telepono niya. Pero pilit niyang isinantabi ang kaba. Baka paranoid lang siya at may sasabihin lang sa kanya ang babae. Baka magtatanong lang kung bakit hindi siya nagpunta kanina sa coffee shop nito.Pagkatapos huminga nang malalim, sinagot na ni Analyn ang tawag. Pero bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Cora.[“Kasabwat ka ba niya?”]Malamig ang boses ni Cora, hindi ito ang karaniwang sarili nito ngayon.Nung una ay hindi maintindihan ni Analyn ang tanong ni Cora. Pero biglang pumasok sa isip niya ang mukha ni Xian. Mukhang nagpunta na si Xian at nagka-usap na silang dalawa.Hindi malaman ni Analyn kung ano ang isasagot kay Cora. Hindi niya alam kung paano ba niya ipagtatanggol ang sarili. Na
Nagulat si Analyn na nandoon siya sa lugar malapit sa coffee shop ni Cora. Nakatayo siya sa walkway ng baywalk. Hindi pa niya maisip kung paano siya napunta roon nang biglang sumulpot si Anthony sa tabi niya.Hinawakan nito ang isang kamay niya at saka bahagya itong pinisil.“We will be together forever,” seryosong sabi ng lalaki sa kanya.Hindi sumagot si Analyn, naguguluhan pa siya sa mga nangyayari. Hanggang sa unti-unti ay biglang lumalabo ang mukha ni Anthony. Parang drawing lang na binubura ng pambura ng lapis ang mukha niya hanggang sa tuluyang hindi mo na makilala ang mukha niya.Bumalikwas ng bangon si Analyn. Nagpalinga-linga siya sa paligid at nasiguro niyang nasa kuwarto siya sa bahay ni Anthony. Napahawak si Analyn
“Oh, tara na. Nakahanda na ang mesa. Kumain na kayo,” pag-anunsiyo ni Manang Rhia.Agad namang tumayo si Anthony mula sa sofa at akmang bubuhatin uli si Analyn nang pigilan siya ng dalaga.“O-Okay lang ako. Kaya kong maglakad.”“Hindi mo pa pwedeng biglain ‘yang paa mo. Ikaw rin, baka hindi ka makapasok sa Lunes niyan.”Hinawakan ni Analyn ang braso ni Anthony, sabay mahinang nagsalita.“Sir, hindi kasi ako komportable. Too much public display of attention.”Inilapit ni Anthony ang mukha niya sa gilid ng mukha ni Analyn at saka bumulong sa tapat ng tenga nito.“Mak
Inisip ni Analyn na baka sa kamag-anak o kaibigan ni Anthony ang mga iyon at pilit iwinaglit sa isip niya ang hinalang nabuo sa isip.Pero ang mas nakapagpalukot sa mukha ni Analyn ay ang mga lumang larawan na kasama ng mga laruan dun. Nasa pinaka-ilalim iyon ng kahon, at natatambakan nung mga laruan. Tila sinadyang ipailalim ang mga iyon doon para hindi mapansin at itago.Kinuha ni Analyn ang mga lumang larawan at saka isa-isang tiningnan ang mga iyon. Ang unang larawan ay larawan ng medyo bata pang lolo ni Anthony, at may katabi siyang dalawang bata. Ang isa ay isang nakangiting batang lalaki, at may kahawak-kamay na batang babae. At base sa background ng larawan, kuha ito sa harap ng mansyon,Namilog ang mga mata ni Analyn. Kamukhang-kamukha niya ang batang babae. Pakiramdam niya ngayon ay tinit
Habang nasa biyahe pauwi si Analyn, hindi maalis sa isip niya ang batang babaeng kasama ni Anthony at Greg sa picture. Marami siyang mga katanungan sa isip niya.So iyon pala iyong Ailyn. Iyong minsang nabanggit ni Sir Anthony na kababata niya na bigla daw nawala. Hindi ko naman kayang itanong kung paanong nawala at bakit? Pribadong buhay niya iyon at hindi ko mapangahasang magtanong. Pero bakit kamukhang-kamukha ko iyong bata? Pwede na ngang mapagkamalang ako ang batang iyon. Pero imposible namang ako iyon dahil ngayon lang niya nakilala ang mag-lolo na Anthony at Greg.Nang umalis si Analyn sa bahay ni Greg ay madilim ang langit. At eto nga, habang nasa biyahe siya at biglang bumuhos na ang malakas na ulan.Hindi napahinto ng malalaking patak ng ulan sa salamin ng bintana ang mga iniisip ni An
“Mama! Mama! Huwag mo akong iwan, Mama! Sasama ako sa ‘yo!”Hilam na sa luha ang mga mata ng batang lalaking humahabol sa itim na kotse. Pero hindi ito huminto at tuloy-tuloy lang ang takbo.“Mama! Hintayin mo ko! Sasama ako!” muling sigaw ng bata habang patuloy pa rin sa pagtakbo.Hanggang sa pagliko ng kotseng itim sa isang kurbada, tuluyan nang naiwan ang bata at hindi na nakahabol dahil sa pagkatapilok niya sa naka-usling bato.Umiiyak na sinundan na lang ng tingin ng bata ang papalayo nang sasakyan.Umiiyak pa rin na pinagmasdan ng bata ang sugat sa tuhod niya. Umagos ang dugo mula roon, na lalong nagpa-iyak sa kanya nang mapatakan ang sugat ng sarili niyang mga luha. Lalo pa siyang nai
Maaga gumising si Analyn. Alam niya sa sarili niya na hindi uuwi si Anthony kagabi kaya paniguradong magko-commute lang siya ngayong araw pagpasok sa kumpanya ng binata.Walang tao sa bus stop nang dumating si Analyn doon. Bigla tuloy siyang natakot para sa sarili. Pakiramdam niya, anumang oras ay susulpot doon si Jiro at sasaktan siya. Para tuloy gusto niyang magsisi na nagawa niyang galitin si Anthony. Napakalaking bagay din kapag nakasakay siya sa sasakyan ng binata. Nakatipid na siya sa pamasahe, meron pa siyang kapanatagan ng loob laban kay Jiro. Kaya dapat, hindi na niya gagalitin ulit si Anthony. Mabuti na lang at payapa siyang nakarating sa DLM.Nagtaka si Analyn nang sundan siya ni Michelle sa mesa niya.“Ang haggard mo,” sabi ni Michelle sa kaibigan, “may problema ba sa asawa mo? Maysakit siya, di ba
Pagkaraan ng dalawang araw, nakatanggap nga ng imbistasyon si Anthony sa isang selebrasyon mula sa mga Esguerra. Nasa tabi niya si Analyn ng iabot sa kanya iyon ng isang kasambahay at ng buksan niya. “Nakakainis ‘yung mga tao na hindi marunong lumugar. May asawa ka ng tao, bakit kailangan ka pa nilang imbitahin sa okasyon ng dalaga nilang anak?”“Hindi lang naman ang kaugnayan ko kay Ailyn ang ugnayan namin ng mga Esguerra. Matagal na rin silang kaibigan ng pamilya namin. Inimbita ako as a family friend, hindi bilang childhood sweetheart ni Ailyn.”Nang dumating ang araw ng party ng mga Esguerra, sinamahan pa ni Analyn si Anthony sa pagbibihis nito. “Alam ko, hindi ka mapipigilan na pumunta roon, kaya go! Pumunta ka lang. Hihintayin na lang kita rito sa bahay.”Hinawakan ni Anthony ang kamay ng asawa at saka dinala sa mga labi niya para halikan. “Hindi ka galit?” tanong niya pagkaraan niyang masuyong mahalikan ang kamay nito.“Bakit naman ako magagalit? Ako ang asawa. Unless, wala
Nang sinabi ni Anthony ang pangalan na iyon, walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi malinaw kung ano talaga ang nararamdaman niya. Parang may kalituhan pa ngang nakita si Analyn sa mga mata niya. Nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod si Analyn. Muntik pa siyang matumba. Litong-lito ang isip niya. Of all people, bakit si Ailyn? Bakit naging si Ailyn?Bigla niyang naalala nung una niyang nakatagpo ang babae. Napansin niya agad ang pagkakapareho ng mga mata at kilay ni Ailyn sa kanya. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng ulo.“Sigurado ba ‘yan?” tanong ni Analyn. Nagbuga ng hangin si Anthony. “The DNA test confirmed it. Isa pa, marami siyang detalye na nagma-match sa dating Ailyn.”Naiintindihan na ngayon ni Analyn kung bakit inako ni Anthony ang pagpapa-DNA test. At kung bakit hindi masabi ni Edward sa kanya na si Ailyn na dating sekretarya niya ang totoong Ailyn. Ang ipinagtataka lang ni Analyn, ang tagal na pumirmi ni Ailyn sa Tierra Nueva, pero walang nakadiskubre na
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa
“Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.
Kahit na nakaawang na ng kaunti ang pintuan, hindi pa rin naiintindihan ni Analyn ang pinag-uusapan ng mga nasa loob. Naririnig lang niya ang mga boses ng mga ito, pero hindi niya nauunawaan ang mga sinasabi nila. Minabuti ni Analyn na umalis na sa kinatatayuan niya, tutal naman, wala naman siyang naririnig sa usapan sa loob ng kuwarto. Bumalik siya sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Jean. Naupo siya roon at saka muling nag-isip. Maraming mga katanungan ang pumapasok sa isipan niya pero hindi niya kayang bigyan ng kasagutan. Pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya sa kakaisip. Kaya naman napagpasyahan niyang umalis na lang at iwanan na ang lugar na iyon. Tumayo na si Analyn at saka tinungo ang pintuan. Sakto naman na pagbukas niya ng pintuan ay sakto rin na bumukas ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan nila Anthony. Biglang naisara ni Analyn ang pintuan ng kuwarto niya sa takot na makita siya ni Anthony o ni Greg. Nakiramdam si Analyn habang nakasara ang pinto. Nang sa ting
Pagkatapos ng tatlumpung minuto, dumating na si Anthony. Kasama niya si Damian. Agad na sinalubong sila ni Analyn. “Napaka-thoughtful nitong si Antony,” sabi ni Damian kay Analyn.“Nahihiya nga po ako sa inyo. Although nagdya-jive naman kayo ni Lolo, pero siyempre, iba pa rin ‘yung nasa sarili kang bahay. Pasensiya na po at hindi namin kayo agad nabalikan, naging busy kami ni Analyn,” paliwanag ni Anthony.Tinapik ni Damian ang balikat ni Anthony habang nakangiti.“So, bakit ang tagal nakabalik?” sabat naman ni Analyn.Binuksan ni Anthony ang pintuan sa likurang bahagi ng sasakyan at saka may kinuha mula roon. Isang katamtamang laki ng kahon ang kinuha niya mula roon na may tatak ng ipinapabiling pagkain ni Analyn.“Mahaba ang pila nitong tiramisu crepe mo kaya ako natagalan.” Agad namang kinuha ni Analyn ang kahon mula kay Anthony at saka nagmamadaling binuksan ito. May kasama ng tinidor sa loob ng kahon kaya kinuha iyon ni Analyn at saka tinikman ang crepe.Sumimangot ang mukha ni
Nang nagising si Analyn, wala na si Anthony sa tabi niya. Bumangon siya at tiningnan kung nasa banyo ang asawa, pero wala ito roon. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at sumilip sa barandilya. Sakto na nakita niya ang papalabas na si Anthony. Narinig naman ni Anthony ang ingay sa itaas kaya tumingin ito sa itaas. “Saan ka pupunta?” tanong ni Analyn.“Susunduin ko ang Papa mo. Nakalimutan mo na ba na nandoon pa siya sa bahay ni Lolo?” Sa totoo lang, nawala na talaga iyon sa isip ni Analyn sa dami ng iniisip niya. “Ah, okay. Bilhan mo na rin ako ng crepe dun sa paborito kong cake house. Gusto ko ‘yung tiramisu flavor.” “Okay. Aalis na ako.”Tuluyan ng lumabas ng bahay si Anthony. Narinig na lang ni Analyn ang tunog ng papaalis na sasakyan sa labas. Tumalikod na si Analyn para pumasok na uli sa kuwarto nang bigla siyang napatigil sa paghakbang. Bigla niyang naalala na may driver naman si Anthony dito at may driver din si Lolo Greg sa bahay niya. Mas gugustuhin pa talaga ni Anthon
Ibinuka ni Analyn ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin pero walang lumabas mula sa lalamunan niya. Iyong tawag ba kanina na natanggap ni Anthony ay para sabihan siya na nakita na nga si Ailyn? At iniwan siya nito para makita niya si Ailyn?Hindi mapaniwalaan ni Analyn na nakabalik na nga si Ailyn. Parang ang hirap paniwalaan. Sa totoo lang, umasa rin naman siya na sana ay buhay pa si Ailyn at makabalik ito sa pamilya niya. Hiniling niya ito dahil naniniwala siyang siya na ang mahal ni Anthony. Naniniwala siyang sa dami at bigat ng mga pinagdaanan nilang dalawa ni Anthony, wala ng makakagiba sa relasyon nila. Pero nagbalik na nga siya…At iba ang nararamdaman ngayon ni Analyn. Pakiramdam niya ay may delubyo na namang darating sa buhay mag-asawa nila ni Anthony. “Na-surprise ka ba?” nang-iinis na tanong ni Edward.Pakiramdam ni Analyn ay biglang nawala ang lahat ng kumpiyansa sa katawan niya. “Biro mo, nagpunta siya sa bahay ng mga Esguerra ng hindi mo alam? Ni hindi man lan
Nanlaki ang mga mata ni Analyn. “Ano’ng nangyari? Paano nangyari ‘yun?”Lumipad ang tingin ng dalawang matanda kay Analyn dahil sa timbre ng boses nito.[“Hindi ko pa alam ang buong nangyari. Basta, narinig ko. Pero wala pang nakarating na balita sa press at sa mga pulis as of now. At hindi ko rin alam kung may tao bang na-injured dun o ano.”]Kung nasaan man si Elle ngayon ay halatang patago lang ang ginawang pagtawag nito kay Analyn base sa pabulong na pagsasalita nito. Nahalata iyon ni Analyn. [“Pero bukas ng umaga, hindi natin alam kung maitatago pa iyon sa mga press at sa mga pulis.”]“Iyon nga rin ang iniisip ko.”Pagkababa ni Elle sa tawag, hindi pa rin mapakali si Analyn. Hindi niya maisip kung paano nangyari ang aksidente, pinatutukan niya ang project na iyon at todo bantay ang mga tao niya roon. Biglang tumayo si Analyn at saka hinarap ang dalawang matanda. “‘Lo, Papa, aalis na muna ako. May importante lang akong kailangang asikasuhin sa trabaho. Huwag n’yo na akong hint