Share

He is the Great Miguel Marquez

Sapo ni Miguel ang kanyang ulo.Nakakaramdam siya ng kunting pagakahilo. Lasing na lasing na naman kasi siya kagabi at hindi na niya namalayan na nakatulog na siya sa may couch sa loob ng silid ng kanyang mini bar.Suot pa niya ang magulo na ngayong tuxedo. Lilinga linga siya, nagkalat ang mga bote sa sahig.Hinigit niya sa kanyang bulsa ang cellphone at diretsong umupo. Nagdial ng numero.

"Hanep Miguel, alas tres palang ng madaling araw o! Man, kayakap ko pa misis ko. Ang aga mo namang tumawag? Anong problema dude?" Bungad nang nasa kabilang linya. Si Rufo iyon. Bestfriend at kasusyo ni Miguel sa iba niyang mga negosyo. Natampal ni Miguel ang sariling noo at sinulyapan ang wrist watch.Agad na ini off ang call nang walang sabi sabe. Three months ago na nang maghiwalay si Miguel at ang long term girlfriend nya na si Raquel. Nagiging malabo na ang kanilang relasyon katagalan at marami na silang mga bagay na hindi pinagkakasunduon. Liberated si Raquel at mula din sa mayayamang angkan. Hindi nagpapadikta at masyadong independent. Bago pa ito lumipad patungong Paris, naghiwalay na sila ni Miguel for good. Naiwan si Miguel na depressed. Depress nga ba siya o hindi niya lang matanggap ang rejection? Dominanteng tao si Miguel at lahat nasusunod ayon sa gusto niya. Nagkakalaboan na sila ni Raquel bago pa maghiwalay pero sobrang na down talaga siya sa pagkawala ni Raquel sa buhay niya. Maraming mga babae ang naghahabol sa kanya. May mga spoiled brats na anak din ng mga mayayaman at kabilang sa alta na kinabibilangan din ng kanilang pamilya. May mga successful businesswomens, models, celebrities at kung sino-sino pa. Ngunit kay Racquel lang talaga nahulog ang loob ni Miguel. Ilang taon na nakampante silang dalawa ni Raquel na sila na nga ang magkakatuloyan ngunit biglang nag iba ang ihip ng hangin. Oo, inamin ni Racquel na mahal niya si Miguel ngunit may mga pangarap din siya at maaaring hindi matupad kung mag e-stay lamang siya kay Miguel.

Dala dala ang isang bote ng jack daniel ay lumabas si Miguel sa silid na iyon at dumiretso sa library ng magarang bahay niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status