Войти"Susundin mo ba talaga ang utos ng baliw na yun?” Pangungulit ni Banjo nang makasakay na sila sa kotse.
“Ewan ko, baka kapag hindi ko siya sinunod magkaroon ako ng malaking problema. Alam naman natin pareho na hindi uubra ang gayuma ni Miss Fushia na yun para magustuhan ng lalaking yun. Lalo pa nang sabihin mismo ni Miss Fushia na allergic ito sa babae. Kung puwede ko nga lang sampigahin na lamang para magising sa katotohanan ay ginawa ko na kanina.” namomoblemang sabi ni Xanthe sa kapartner niya. “Goodluck partner, kung kailangan mo ng back-up tawagan mo ako anytime.” Ani ni Banjo. Hangang sa pag-uwi niya sa kaniyang condo ay iniisip niya pa rin ang malaking problema niya. Minabuti niyang tumawag na lang muna sa probinsya upang kamustahin ang kanyang mga kapatid na halos isang buwan na niyang hindi nakikita. “Tita, kumusta po ang mga bata?” Usisa ni Xanthe nang sagutin ang kanyang tawag. “Tulog na sila, okay naman kami dito huwag mo kaming alalahanin. By the way matutuloy pa ba ang operasyon sa mata ni nene?” Naupo sa tabi ng kama si Xanthe. “Opo, next month ay dadalhin ko na siya dito para ma-schedule na agad ang operasyon. Busy lang po ako ngayong month.” sagot ni Xanthe. “Oh sige, balitaan mo ako para mahanda ko na ang mga gamit ng mga bata papunta diyan.” Ani ng kanyang Tita Melba. Nagpasalamat siya dahil sa pagkalinga nito sa kanyang mga kapatid. At kapalit naman ay pinapaaral din niya ang dalawang dalaga nito sa college kaya kahit paano ay kampante pa rin siya sa mapag-iiwanan niya. “Sir, may dumating po kayong regalo.” Ani ng secretary ni Westley nang papasukin niya ito. “Dalhin mo dito.” “Eh sir…mabigat po eh.” Kamot ulo na sabi ng kanyang secretaryang si Therese. “Mas mabigat pa ba sayo?” Nakataas ang makapal na kilay nitong tanong. “Ang sungit mo sa sekretarya mo.” Sabat ni Thirdy na kaibigan niya na kakapasok lang sa loob. “Ano ba kasi yun?” Nauubusan na pasensyang tanong ni Westley. “Sports car sir.” Nabitawan ni Westley ang hawak niyang tablet sa sinabi nito. “Don't tell me sa secret admirer na naman niya galing yun?” hula ni Thirdy dahil alam nilang may masugid itong babaeng manliligaw. “Opo, kay Miss F po.” “May address ba?” Seryosong tanong ni Westley. “Wala nga po eh.” sagot nito pagkatapos ay pinalabas na niya ito. “Noong una house and lot, tapos private beach resort contract. Ngayon sports car naman. Hindi ka ba nahihiwagaan kung sino ang Miss F na yun? Kung tutuusin kayang-kaya mo siyang ipahanap Westley.” wika ni Thirdy pagkaupo nito sa kanyang harapan. “Hindi ako interesado sa kung sino mang babae, Thirdy at hindi ako magsasayang ng pera para lamang magpa-imbestiga at alamin ang katauhan niya. Sa pagbibigay pa lamang niya ng mga expensive gift sa akin I already know na patay na patay siya sa akin. At alam mong doon ako unang na-ooffend.” paliwanag ni Westley sa kanya. “Really? Eh si Brandon mismo ang nagsabi na may pinapahanap kang babae. Ito ba yung kinukwento mo noong isang araw? Ayaw mo sa nagbibigay ng gift at mas interesado ka sa magnanakaw ng brief? Kakaiba ka talaga Westley.” Na-iiling at nangingiti nitong sabi sa kanya. “Hindi ako interesado sa babaeng yun, gusto ko lang siyang makilala at gusto ko ding malaman kung anong ginawa niya sa brief ko.” seryosong sabi ni Westley sa kanya. “Hindi kaya isa yun sa mga obsess mong suitor? Bakit hindi ka na lang kasi manligaw o maghanap ng girlfriend para tigilan ka na ng mga babaeng nangangarap pa rin na mapansin mo?” Napabuntong hininga si Westley at bumaling sa kaibigan na kanina pa kumakausap sa kanya. “Sa tingin mo effective kaya ang maghanap ng fake girlfriend para tantanan na ko ng mga babaeng yun?” ”Oo naman!” “Sige, pag-isipan ko. Pero ano pala ang ginagawa mo dito?” kunot noo na tanong ni Westley sa kanya. “Wala lang, marami ka naman oras hindi ba? Tara sa Night club. Ihahanap kita ng babae.” Aya ni Thirdy sa kanya. “Hindi pa ako puwede tonight. Alam mo naman tinutulungan ko pa si Drake na hanapin si Eliazar. Kayo na lamang muna, kapag nakahanap ka ng maayos na babae tawagan mo ako.” wika ni Westley pagkatapos ay nagpaalam na rin ang kaibigan. Samantala, kinakabahan na naman si Xanthe dahil ipinatawag na naman siya ni Miss Fushia nang mag-isa kaya patungo siya sa malaking bahay nito. Napakamot siya sa kanyang batok nang makita niyang nakasuot ito ng leggings at sando. Pawis na pawis na parang galing sa yoga or zumba session. “Maupo ka.” Nakangiting sabi nito. “Anong gusto mong inumin? Juice or coffee?” tanong nito sa kanya. “Coffee na lang, walang sugar.” sagot ni Xanthe. Inutusan niya ang kanyang kasambahay na kumuha ng meryenda para kay Xanthe. “Miss Xan, mabuti at nagpunta ka dito. Ibig sabihin ay pumapayag kang tulungan ako hindi ba?” “Ha? Hindi yun sa ganun, ipinatawag niyo ako kaya ako nandito.” Depensa ni Xanthe. Kahit anong isip niya Hindi niya alam kung paano tutulungan si Miss Fushia Lalo pa sa kalagayan nito. “Ganun na rin yun, alam mo ba? Sa totoo lang nahihiya akong humarap kay Westley ng ganitong itsura. Kaya hindi niya alam na ang babaeng nagbibigay sa kanya ng mga regalo ay ako. Baka kasi matulad ako sa ibang babae na binasted niya. At hindi ako sanay na natatalo lalo na sa mga bagay na gusto ko kaya gagawin ko lahat para magustuhan niya ako. Hindi ko na itutuloy ang gayuma. Gusto kong magustuhan niya ako sa natural na paraan.” Awang ang labi ni Xanthe sa kanyang narinig. Kahapon lang para itong baliw na inaamoy ang underwear ng lalaking yun. Tapos ngayon, mukhang nasa tamang katinuan ito kausap. “M-mabuti yan Miss Fushia, pero…paano niyo po gagawin yun?” usisa ni Xanthe. Inilapag ng kasambahay ang coffee sa kanyang harapan at sinimsim niya agad ito dahil mas gusto niya yung umuusok na kape ang inumin. “Through his heart.” “Ha?” nagtatakang tanong niya. “Kung hindi ko siya makukuha sa gayuma, at mamahaling regalo. Gusto kong tulungan mo ako para magustuhan niya ako. I want you to write a love letter for him.” “HA?!” Bulalas ni Xanthe na ikinagulat nito. Mariing napapikit si Xanthe. Dapat pala nagdahilan na lamang siyang may sakit siya para hindi na siya nagpunta dito. “Madam, maunawaan ko kayo. Pero hindi ako poetic na tao. Hindi ako marunong sumulat ng love letter. Simpleng essay nga hindi ko kayang gawin eh.” katwiran niya. Sumeryoso ang mukha nito kaya napalunok siya. “Your sister needs an eye operation hindi ba? Sagot ko na ang lahat ng expenses niya. Magaling na doctor ang kukunin kong mag-opera sa kanya para makakita siyang muli. Just help me this time please. May tiwala akong kaya mong gawin yun and that’s your assignment. Makakaalis ka na, may schedule pa ako ngayon sa derma.” wika nito sa kanya pagkatapos ay nauna na itong tumayo. Inubos ni Xanthe ang kape niya at umalis na rin. “Anyare sa nguso mo? Mahaba pa sa yosi ng tikbalang.” “Huwag ngayon Banjo, mainit ang ulo ko.” Inis na sabi ni Xanthe nang magkita sila sa opisina. “Diba galing ka Kay Miss Fushia? Siya ba nagpa-init ng ulo mo?” usisa nito na ikinabuntong hininga niya. “Gusto niyang igawa ko siya ng love letter para sa lalaking yun– haist! Ano ba? Magdahan-dahan ka nga!” angil niya kay Banjo nang mabuga nito ang ininom na tubig. “Sorry–paano kasi hindi ko inaasahan yung narinig ko.” pagdadahilan nito at inabutan pa siya ng panyo. “Malinis yan.” wika nito at tinangap naman ni Xanthe para ipunas sa braso niyang natalsikan ng tubig. “Malakas talaga ang tama ng tabachingching na yun sa lalaking yun. Hindi na uso ang old school ngayon ng panliligaw.” Naiiling na sabi ni Banjo. “Yun nga eh, habang tumatagal lalong nagiging komplikado ang buhay ko. At isa pa sa kinakatakot ko, nalaman niya ang tungkol sa kundisyon ng kapatid ko at willing siyang tulungan ako. Pero hindi ko kaya ang pinapagawa niya sa akin.” “What if subukan mo? Siguro naman kapag ginawa mo na yung best mo. Tapos wala pa rin baka sukuan ka din ni Madam Fushia.” “Subukan ang alin? Ang gumawa ng love letter? Paano ko gagawin yun hindi ko naman alam kung paano ma-inlove? At isa pa, hindi ako magaling doon. Mas gusto ko pang pagnakawin niya ako ng sampung inahing baboy kaysa magsulat ng nakakadiring love letter.” katwiran niya. “Kadiri agad? Maraming paraan, puwede kang gumamit ng internet. Magsearch at manuod ng mga romantic love stories. Malay mo naman hindi ba? Pero wait, diba sabi ni Miss Fushia allergic din siya sa mga babae? Hindi kaya–never pa din na-inlove yung lalaking yun?” “Imposible, baka allergic sa pork kamo.” Ani ni Xanthe. Hindi naman sa nilalait niya si Miss Fushia. Pero naiinis siya kapag iniisip niya kung gaano kahirap ang pinapagawa nito sa kanya. “Oh! Saan ka pupunta?” “Ano pa ba? Bibili ng panulat at papel! Diyan ka na!” sagot niya sabay kaway kay Banjo. Pagkatapos ay dumerecho siya sa mall para bumili ng bond paper, ball pen at mga sulatan. Pagkatapos ay umuwi na siya sa condo. Inilatag niya ang lahat ng binili niya sa ibabaw ng mesa at nagsimula siyang magsulat. Ngunit panay lang tapon sa sahig ang ginawa niya dahil hindi niya alam kung paano gagawa ng love letter para sa lalaking yun. “Hello, Miss Fushia. Nakagawa na ako ng love letter.” wika niya nang sagutin nito ang tawag niya. “Good, isesend ko sayo ang address ng pagdadalhan mo–” “Ha? Hindi niyo muna babasahin?” Kunot noo na tanong niya. “Hindi na, may tiwala ako sayo.” wika nito pagkatapos ay ini-off na ang tawag napakamot siya sa kanyang ulo. Inabot pa siya ng gabi para ma-finalize ang love letter na pinaghirapan niya tapos hindi man lang babasahin nito. Maya-maya pa ay nakuha na niya ang address kaya ipinadala na niya agad sa delivery rider. “Boss, natagpuan na namin ang lokasyon ni Eliazar!” wika ng impormante niyang pinapahanap niya sa kinaroroonan ni Eliazar. “Okay, maghanda kayo pupunta na tayo doon.” Ani ni Westley. Kailangan niyang tulungan ang kaibigan niyang si Drake para matapos na ang problema nito Kay Eliazar ang babaeng dumukot sa asawa ni Drake na si Eliza na iniligtas nila mula sa mga chinese cult. At alam niyang hindi titigil si Drake hanga't hindi nito napagbayad si Eliazar for harming his pregnant wife. “Sir! May nagpapabigay.” Habol sa kanya ng kanyang secretary nang akmang aalis na siya. Inabot nito ang pulang sobre na may heart na sticker pang naka-sealed. Tinanggal niya ang heart at binuksan ang letter. ~~~ To my Sunlight, Sana nasa mabuti kang kalagayan. Nais ko lang ipabatid ang tunay kong nararamdaman. Iniibig kita ng labis. Handa kong tawirin ang ulap sa langit, sungkitin ang lahat ng bunga ng mangga ng kapitbahay namin. Languyin ang a****n river. Makuha ko lang ang mailap mong puso. Nagmamahal Miss Moonlight ~~~ Hindi alam ni Westley kung matutuwa siya o maiinis. Ito ang unang beses na nakatangap siya ng love letter sa babaeng hindi niya kilala. At hindi niya akalain na ganito pala ang pakiramdam. Inilagay niya ito sa loob ng kanyang coat at pagkatapos ay umalis na rin upang puntahan si Drake at ipaalam sa kanya ang balita.“Faye, bago ka matulog inumin mo muna itong herbal drink. Ibinilin ito ni Sir Westley para sa pagaling mo.” Wika ni Ranzel at inabot kay Faye ang tasa.“Nakaalis na ba si Kuya?”Tumango si Ranzel at ngumiti.“Babalik daw sila bukas ng madaling araw.”“Ahhh…sige eh—yung dalawa? Nasaan?”Nabura ang ngiti nito sa labi at seryosong tumingin sa kanya.“Si Brandon nasa West Villa. Si Zion Wang nasa yatch pa rin siya. Ahmmm kung wala ka nang kailangan, pupunta na ako sa east villa. May mga bantay naman sa baba incase na magising ka mamaya or may iutos ka.”Ngumiti si Faye sa kanya. “Salamat Ranzel, salamat sa lahat ng pag-aalala at pag-alaga mo sa akin.”“Hindi mo naman kailangan magpaliwanag. Kung papalarin na ako ang piliin mo habang buhay kitang aalagaan—sige tutuloy na ako.” Paalam ni Ranzel sa kanya. Napasinghap na lamang si Faye sa sinabi nito. Kilala niya si Ranzel mula pagkabata dahil matagal nang nanilbihan ang kanilang pamilya sa kanyang Kuya Westley. At kapag bakasyon lang sila na
Napatingin si Brandon kay Ranzel nang lapitan siya nito. Madaling araw pa lang at hindi siya gaanong sumisikat ang araw ay gising na siya dahil hinid naging maganda ang tulog niya sa hiwalay na villa kaya minabuti na lamang niya ang lumabas.“Anong kailangan mo?” usisa ni Brandon at nilapag ni Ranzel ang dala niyang dalawang tasa ng kape at tinapay sa kawayan na mesa.“Nakita kitang bumangon kaya dalawang kape na lang ang tinimpla ko.”Napatingin si Brandon sa kape dahil nalanghap niya ang mabangong aroma nito.“Ayokong inumin yan, baka may lason pa yan.”Naupo si Ranzel at dinampot ang umuusok pang kape.“Bahala ka, wala nang akong mapapala kahit na lasunin kita. Hindi rin naman mapapasa-akin si Faye.Natahimik siya at pinagmasdan si Ranzel. Pagkatapos ay kinuha na rin niya ang isang tasa at humigop ng kape.“Alam kong ikaw ang gusto ni Westley para kay Faye. Pero hindi ibig sabihin noon ay susuko na ako.” Ani ni Brandon at nilapag ang tasa sa mesa.“Hindi ko naman sinabing sumuko ka
“Kuya kung may sasabihin ka, sabihin mo na agad. Kaysa pinapatagal mo pa yung nasa isip mo. Lalo lamang sasakit ang ulo mo.”Napabuntong hininga si Westley at napahilot sa kanyang sintido bago bumaling sa kapatid.“Sa lahat ng naging paalala ko sayo… si Zion Wang pa rin pala ang gusto mo?”“Kuya, hindi ko pa sigurado—”“Hindi pa sigurado pero nakipaghalikan ka na sa kanya?!” Singhal ni Westley na ikinagulat ni Faye. Kinalma ni Westley ang sarili at pilit na ini-intindi ang kapatid.“Kuya, bakit noong hinalikan mo si Ate Xanthe? Mahal mo na ba siya noon?”“What?!” bulalas ni Westley at napaisip siya sa sinabi nito at naalala niya ang unang beses na hinalikan niya ito.“S-siguro…wait? Bakit parang nalipat sa akin ang tanong ko? Huwag mo ibahin ang usapan, bakit ka pumayag na halikan ka ni Zion? Pinilit ka ba niya?”“Ewan ko…walang pilitan na nangyari pumikit lang ako tapos ayon na kiniss na niya ako.”Napasinghap si Westley sa sagot ni Faye.“That fvking man! Ipinahatid lang kita sa kan
“Ranzel, ihatid mo muna si Faye sa kanyang kuwarto.” Utos ni Westley nang sumapit na ang hapon. Kaagad na tumayo si Zion.“Ako na Westley, marami pang liligpitin si Ranzel.”Akmang bubuhatin na siya ni Zion ngunit hinila ni Brandon ang braso niya.“Ako na.” seryosong sabi ni Brandon.Napatayo din si Thirdy at hinila si Brandon.“May importante pala akong sasabihin—halika muna”“Teka—sandali!”Pero mahigpit na hawak na ni Thirdy ang braso niya.Napalingon na lamang si Brandon at napasinghap nang walang kahirap-hirap nitong binuhat si Faye papasok sa villa.“Make sure it was important than Faye.” Seryosong sabi ni Brandon sa kanya nang harapin niya si Thirdy.“Kumapit ka sa leeg ko.” Utos ni Zion sa kanya nang nasa hagdan na sila.“Tsk! Kaya ko naman maglakad, hindi mo na ako kailangan pang buhatin pa. Gusto mo pang gumawa ng eksena para pagselosin yung dalawa.” Litanya ni Faye nakita niya kasi kung paano umasim ang mukha ng dalawa nang buhatin siya ni Zion.“I don’t care about them, sa
“Ranzel?” bungad ni Faye nang pagbukas niya ng kanyang mga mata ay ito ang bumungad sa kanya.“Mabuti gising ka na, welcome dito sa isla.” Nakangiting bati nito sa kanya.“Salamat.”Dahan-dahan siyang bumangon at sumandal sa kama.“Si Kuya?”“Nasa tabi ng dagat andun silang lahat kumakain at naliligo. Gusto mo bang lumabas?”Tumango si Faye at ibinaba ang kanyang mga paa sa sahig.Nilapitan siya ni Ranzel at inalalayan ang kanyang kamay.“Okay ka na ba? Nag-aalala ako nang malaman ko ang nangyari sayo.”“Okay na ako, baka mga ilang araw lang lalakas na ako. Ikaw? Kumusta naman ang sugat mo?”“Magaling na ako, pero namiss kita ng sobra.” Hirit nito na ikinailing ni Faye.Mabagal lang ang kanilang paglakad para makababa sa hagdan hangang paglabas nila ng bahay ay bumungad sa kanya ang asul na dagat at malawak na sea side. Nakita rin niya ang Kuya niya at si Xanthe na sweet na sweet at naghaharutan habang naliligo sa dagat.“Ang mga kaibigan ni Kuya? Hindi ba sila kasama?”Nabura ang ngi
Mapungay ang mga matang dumilat si Faye. Napatingin siya sa lalaking nakasubsob sa tabi niya habang nakahawak pa sa kanyang kamay. Napatingin siya sa maamong mukha nito. Sa makapal na kilay mahabang pilik, matangos na ilong at kissable lips ng lalaking nasa tabi niya. Iba talaga ang charisma ni Zion Wang. Kahit noong kinidnap siya nito sa isla kung kailan sila unang nagkakilala ay napansin niya agad kung gaano kalakas ang dating nito parang kuya Westley lang niya kapag wala si Xanthe. Sino bang babae ang hindi tatablan ng titig ni Zion Wang.“Sino ang may sabing puwede mong hawakan ang kamay ko, Zion Wang.” Mahinang sambit ni Faye. Kaagad na nagising si Zion nang marinig ang boses niya.“Baby…” sambit nito na at napansin agad ni Faye ang mapulang mata nito.“Umiyak ka ba o nakasinghot? Ang pula ng mata mo.”Lalong hinigpitan ni Zion ang paghawak niya sa kamay ni Faye.“I’m scared…kung alam mo lang yung nararamdaman ko kanina. Wala akong sakit sa puso pero nang makita kita…my heart ach




![His Lasting Impression : Mafia Don Obsession [ Book 1 ]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


