共有

Chapter 7

作者: PROSERFINA
last update 公開日: 2026-02-12 23:11:39

Isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang hindi inaasahan ni Xanthe. Ang halikan siya ng lalaking kinababaliwan ng kanyang cliente. Ngunit kahit anong gawin niya Hindi pa rin siya makalimutan ang gabing yun. Isang linggo na rin siyang hindi pinapalabas ng mansyon ni Ms. Fushia. Kahit ang pagsusulat niya ng love letter ay hindi na rin pinapagawa sa kanya. Nalaman din niya mula mismo kay Ms. Fushia ang nangyari noong gabing yun. Kung saan hiyang-hiya siya sa first encounter nilang dalawa ni Westley. Sa ngayon ay continues parin ang session nito para pumayat na ito ng tuluyan at kailangan din nitong nagpatangal ng mga excess skin na nabawas sa kanya.

Pagbababa niya galing sa kanyang kuwarto ay naabutan niya sa sala ang may edad na babaeng laging bisita ni Ms. Fushia.

“Akala ko ayaw mo nang ituloy ang gayuma? Bakit ngayon hinihiling mo ulit na gayumahin ang lalaking yun?” Ani ng may edad na babaeng sa pagkakaalam niya ay marunong manghula, mangamot at gumamit ng mga dasal.

“Nakita na niya ako, Nakita ko sa mukha niya ang pandidiri dahil sa itsura ko. Sa tingin ko, kahit pumayat pa ako. Hindi niya ako magugustuhan.” Ani ni Ms. Fushia.

Naglatag ito ng mga special na baraha sa kanyang harapan. Habang si Xanthe naman ay nakatayo sa likuran ni Ms. Fushia. Pinakuha siya nito ng tatlong baraha at iniharap ang Isa.

“Babae.”

“Babae?” kunot noo na sambit ni Ms. Fushia sa narinig niyang sinambit nito.

“Oo, may babae nang minamahal ang lalaking iniibig mo.”

Napaisip si Xanthe sa sinabi nito.

“Nasa baraha din ba ang sagot kung sinong babae ang magiging hadlang sa pagmamahalan namin?”

Pumikit ito at hinawakan ang kanyang isang kamay. Pagkatapos ay binuksan ang isang baraha.

“Isang babae na kababaliwan ng lalaking iyong iniibig, hindi ko makita ang kanyang mukha ngunit malalim ang pag-ibig nito para sa babae.”

“Tama na! Ayoko nang marinig yan!”

Bumitaw siya dito.

“Ms. Fushia, ayaw mo bang makita kung ano ang ikatlong baraha?” seryosong tanong nito.

Napabuntong hininga si Ms. Fushia ngunit sa huli ay pumayag itong basahin ang huling baraha. At pumikit ang manghuhula.

“Pighati…” sambit nito

“Pighati?” ulit ni Ms. Fushia.

Napahawak ito sa kanyang ulo.

“Ang pagmamahalang nilang dalawa ay magbabangon ng galit sa isa’t-isa. Hangang sa Isa na lamang ang matira.” makahulugan na sabi ng manghuhula.

“Hindi ko naintindihan, eh kami? Wala ba kaming pag-asa? Hindi ba siya ang makakatuluyan ko? Kahit sinong humadlang sa aming dalawa aalisin ko sa landas niya–”

“Ms. Fushia, ikinalulungkot ko ngunit hindi mo kailanman mararanasan ang mahalin ng lalaking iniibig mo.”

“Hindi!!! Hindi totoo yan!!! Umalis ka na!!! Ang mahal ng bayad ko sayo tapos hindi ka naman pala totoong magaling manghula!!!” Singh@l ni Ms. Fushia sa kanya.

“Xan! Ihatid mo na siya sa labas! At huwag na siyang babalik pa!” mabigat ang mga paa na umalis si Ms. Fushia at umakyat sa kanyang kuwarto.

Habang sinamahan naman ni Xanthe ang manghuhula sa papunta sa parking lot.

“Pasensya na po kayo kay Ms. Fushia. Frustrated lang siya sa sinabi niyo.” Ani ni Xanthe sa kanya.

Bumaling ang manghuhula at natigilan habang sinusuri ang maganda niyang mukha.

“Maari ko ang makita ang palad mo?” Ani ng manghuhula sa kanya.

“Pasensya na pero hindi kasi ako naniniwala sa—”

Kinuha ng manghuhula ang kamay niya at hinawakan na ikinagulat ni Xanthe.

Napapikit ito at pagkatapos ay dumilat. Nag-angat ito ng tingin sa kanyang mukha.

“Hija, ang tunay mong katauhan ang magdadala sayo at sa mga mahal mo sa buhay ng panganib. Ano man ang mangyari magtiwala ka sa lalaking mamahalin mo. Dahil marami ang mapanlinglang, kapag nagpadala ka sa bugso ng iyong damdamin. Buhay ng lalaking mahal mo ang magiging kapalit.”

Naramdaman ni Xanthe ang kilabot sa sinabi nito sa kanya. Ngunit malabong mangyari ang sinasabi nito dahil wala naman siyang lalaking iniibig at kilala niya ang kanyang sarili.

“Ganun po ba? Salamat po sa libre hula. Mag-iingat po kayo.” nakangiting paalam ni Xanthe sa kanya. Pero nang akmang tatalikuran na niya ito ay muling hinila ang kanyang braso kaya nilingon niya ito.

“Huwag mo siyang mahalin, yun lang ang tanging paraan upang hindi kayo masaktan, makinig ka sa akin, Genesis.” wika nito na ikinatigil niya.

"Genesis?" bulong ng isip ni Xanthe. Pagkatapos ay binitawan na siya nito at pumasok sa kanyang kotse.

Suminghap si Xanthe at bumuntong hininga. Pakiramdam niya may ipinasan ang manghuhula na yun sa kanyang balikat.

“Anong Sabi ng fake fortune teller na yun? Bakit ang tagal ka niyang kinausap?” nagtatakang tanong ni Ms. Fushia pag-akyat niya sana sa kuwarto ay nasalubong niya ito.

“Nagbilin lang siya na huwag kayong susuko sa pagmamahal niyo. Dahil tayo naman ang my hawak ng kapalaran natin at nandyan lang sila upang maging gabay.”

“Ganun ba?”

Hinawakan ni Ms. Fushia ang dalawa niyang kamay.

“Xan, salamat. Malaki ang naging tulong mo sa akin. Kaya gagawin ko ang ipinangako ko. Sasamahan pa kitang makauwi sa probinsya nang sa ganun ay madala na natin sa doctor ang bunso mong kapatid.” nakangiting Sabi ni Miss Fushia sa kanya.

“Eh paano si Westley? Isang linggo na tayong walang ginagawa. Susukuan mo na ba siya?” Usisa ni Xanthe.

“Hindi, magpapalamig muna tayo ng isang buwan. Puwede kang tumangap ng klyente Kay Mr. Lima. Ngunit gusto ko na dito ka pa rin uuwi. Mas kaya kitang protektahan dito.” Ani ni Miss Fushia sa kanya.

Kahit paano ay nasasanay na rin siya sa ugali nitong paminsan-minsan ay may toyo. Ngunit madalas naman ay mabait ito sa kanya.

Kinagabihan ay hindi siya madalaw ng antok. Naalala niya kasi ang sinabi ng manghuhula kanina. Kahit saang parte ng hula ng babaeng yun ay walang tumama sa kanya. Ngunit ang hula niya tungkol kay Miss Fushia at Kay Westley ang nasa kanyang isip.

“Isang babae na kababaliwan ng lalaking iyong iniibig, hindi ko makita ang kanyang mukha ngunit malalim ang pag-ibig nito para sa babae.” Ani ng matandang manghuhula.

Napasinghap si Xanthe at dumungaw sa veranda. Niyakap niya ang kanyang sarili dahil naramdaman niya Ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang balat. Manipis lang ang suot niyang pantulog kaya tiniis na lamang niya ang malamig na hangin.

“Sino kaya ang babaeng tinutukoy ng manghuhula kanina? Kaya ba mailap sa babae ang lalaking yun dahil may ibang babae na itong mahal?” Bulong ni Xanthe sa sarili.

“Teka? Ano naman pake ko?” kinaltukan niya ang sarili dahil hindi niya dapat iniisip ang bagay na yun. Wala naman siyang pagtingin sa lalaking yun at para sa kanya ang ginawa nitong paghalik sa kanyang labi ay natukso lamang ito sa kanya.

Napatingin si Xanthe sa itim na kotseng biglang umilaw ang front light. Inaninag niya ito ngunit hindi niya makita ang nasa loob. Malalim na ang gabi at nakatigil lang ito sa tapat ng steel gate nila.

Na-curious si Xanthe kaya bumaba siya at lumabas ng mansyon. Tulog na din ang mga bantay. Dahan-dahan siyang lumapit sa gate hangang sa makita niya ang lalaking nasa driver seat.

Ngumiti ito sa kanya at pagkatapos ay umalis na. Ang detalye lang na kanyang naaninag ay ang tattoo nito na parang galamay ng isang lamang dagat sa leeg nito.

Kinabahan siya ngunit minabuti niyang pumasok na ulit sa loob ng bahay dahil baka magising pa ang mga bantay at makita pa siyang pagala-gala.

Bumalik siya sa itaas ng kuwarto at nahiga sa kama. Pagpikit niya ay naalala na naman niya ang pagdampi ng labi ni Westley sa kanya.

“Hindi maaari ito…kailangan alisin ko siya sa isip ko. Hindi ko puwedeng isipin ang lalaking kinababaliwan ng kleyente ko.” Ani ni Xanthe habang nakahawak sa kanyang labi.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Emily Liwag
bakit hindi ko ma open
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • I Stole the Mafia's Brief    Chapter 51

    “Faye, bago ka matulog inumin mo muna itong herbal drink. Ibinilin ito ni Sir Westley para sa pagaling mo.” Wika ni Ranzel at inabot kay Faye ang tasa.“Nakaalis na ba si Kuya?”Tumango si Ranzel at ngumiti.“Babalik daw sila bukas ng madaling araw.”“Ahhh…sige eh—yung dalawa? Nasaan?”Nabura ang ngiti nito sa labi at seryosong tumingin sa kanya.“Si Brandon nasa West Villa. Si Zion Wang nasa yatch pa rin siya. Ahmmm kung wala ka nang kailangan, pupunta na ako sa east villa. May mga bantay naman sa baba incase na magising ka mamaya or may iutos ka.”Ngumiti si Faye sa kanya. “Salamat Ranzel, salamat sa lahat ng pag-aalala at pag-alaga mo sa akin.”“Hindi mo naman kailangan magpaliwanag. Kung papalarin na ako ang piliin mo habang buhay kitang aalagaan—sige tutuloy na ako.” Paalam ni Ranzel sa kanya. Napasinghap na lamang si Faye sa sinabi nito. Kilala niya si Ranzel mula pagkabata dahil matagal nang nanilbihan ang kanilang pamilya sa kanyang Kuya Westley. At kapag bakasyon lang sila na

  • I Stole the Mafia's Brief    Chapter 50

    Napatingin si Brandon kay Ranzel nang lapitan siya nito. Madaling araw pa lang at hindi siya gaanong sumisikat ang araw ay gising na siya dahil hinid naging maganda ang tulog niya sa hiwalay na villa kaya minabuti na lamang niya ang lumabas.“Anong kailangan mo?” usisa ni Brandon at nilapag ni Ranzel ang dala niyang dalawang tasa ng kape at tinapay sa kawayan na mesa.“Nakita kitang bumangon kaya dalawang kape na lang ang tinimpla ko.”Napatingin si Brandon sa kape dahil nalanghap niya ang mabangong aroma nito.“Ayokong inumin yan, baka may lason pa yan.”Naupo si Ranzel at dinampot ang umuusok pang kape.“Bahala ka, wala nang akong mapapala kahit na lasunin kita. Hindi rin naman mapapasa-akin si Faye.Natahimik siya at pinagmasdan si Ranzel. Pagkatapos ay kinuha na rin niya ang isang tasa at humigop ng kape.“Alam kong ikaw ang gusto ni Westley para kay Faye. Pero hindi ibig sabihin noon ay susuko na ako.” Ani ni Brandon at nilapag ang tasa sa mesa.“Hindi ko naman sinabing sumuko ka

  • I Stole the Mafia's Brief    Chapter 49

    “Kuya kung may sasabihin ka, sabihin mo na agad. Kaysa pinapatagal mo pa yung nasa isip mo. Lalo lamang sasakit ang ulo mo.”Napabuntong hininga si Westley at napahilot sa kanyang sintido bago bumaling sa kapatid.“Sa lahat ng naging paalala ko sayo… si Zion Wang pa rin pala ang gusto mo?”“Kuya, hindi ko pa sigurado—”“Hindi pa sigurado pero nakipaghalikan ka na sa kanya?!” Singhal ni Westley na ikinagulat ni Faye. Kinalma ni Westley ang sarili at pilit na ini-intindi ang kapatid.“Kuya, bakit noong hinalikan mo si Ate Xanthe? Mahal mo na ba siya noon?”“What?!” bulalas ni Westley at napaisip siya sa sinabi nito at naalala niya ang unang beses na hinalikan niya ito.“S-siguro…wait? Bakit parang nalipat sa akin ang tanong ko? Huwag mo ibahin ang usapan, bakit ka pumayag na halikan ka ni Zion? Pinilit ka ba niya?”“Ewan ko…walang pilitan na nangyari pumikit lang ako tapos ayon na kiniss na niya ako.”Napasinghap si Westley sa sagot ni Faye.“That fvking man! Ipinahatid lang kita sa kan

  • I Stole the Mafia's Brief    Chapter 48

    “Ranzel, ihatid mo muna si Faye sa kanyang kuwarto.” Utos ni Westley nang sumapit na ang hapon. Kaagad na tumayo si Zion.“Ako na Westley, marami pang liligpitin si Ranzel.”Akmang bubuhatin na siya ni Zion ngunit hinila ni Brandon ang braso niya.“Ako na.” seryosong sabi ni Brandon.Napatayo din si Thirdy at hinila si Brandon.“May importante pala akong sasabihin—halika muna”“Teka—sandali!”Pero mahigpit na hawak na ni Thirdy ang braso niya.Napalingon na lamang si Brandon at napasinghap nang walang kahirap-hirap nitong binuhat si Faye papasok sa villa.“Make sure it was important than Faye.” Seryosong sabi ni Brandon sa kanya nang harapin niya si Thirdy.“Kumapit ka sa leeg ko.” Utos ni Zion sa kanya nang nasa hagdan na sila.“Tsk! Kaya ko naman maglakad, hindi mo na ako kailangan pang buhatin pa. Gusto mo pang gumawa ng eksena para pagselosin yung dalawa.” Litanya ni Faye nakita niya kasi kung paano umasim ang mukha ng dalawa nang buhatin siya ni Zion.“I don’t care about them, sa

  • I Stole the Mafia's Brief    Chapter 47

    “Ranzel?” bungad ni Faye nang pagbukas niya ng kanyang mga mata ay ito ang bumungad sa kanya.“Mabuti gising ka na, welcome dito sa isla.” Nakangiting bati nito sa kanya.“Salamat.”Dahan-dahan siyang bumangon at sumandal sa kama.“Si Kuya?”“Nasa tabi ng dagat andun silang lahat kumakain at naliligo. Gusto mo bang lumabas?”Tumango si Faye at ibinaba ang kanyang mga paa sa sahig.Nilapitan siya ni Ranzel at inalalayan ang kanyang kamay.“Okay ka na ba? Nag-aalala ako nang malaman ko ang nangyari sayo.”“Okay na ako, baka mga ilang araw lang lalakas na ako. Ikaw? Kumusta naman ang sugat mo?”“Magaling na ako, pero namiss kita ng sobra.” Hirit nito na ikinailing ni Faye.Mabagal lang ang kanilang paglakad para makababa sa hagdan hangang paglabas nila ng bahay ay bumungad sa kanya ang asul na dagat at malawak na sea side. Nakita rin niya ang Kuya niya at si Xanthe na sweet na sweet at naghaharutan habang naliligo sa dagat.“Ang mga kaibigan ni Kuya? Hindi ba sila kasama?”Nabura ang ngi

  • I Stole the Mafia's Brief    Chapter 46

    Mapungay ang mga matang dumilat si Faye. Napatingin siya sa lalaking nakasubsob sa tabi niya habang nakahawak pa sa kanyang kamay. Napatingin siya sa maamong mukha nito. Sa makapal na kilay mahabang pilik, matangos na ilong at kissable lips ng lalaking nasa tabi niya. Iba talaga ang charisma ni Zion Wang. Kahit noong kinidnap siya nito sa isla kung kailan sila unang nagkakilala ay napansin niya agad kung gaano kalakas ang dating nito parang kuya Westley lang niya kapag wala si Xanthe. Sino bang babae ang hindi tatablan ng titig ni Zion Wang.“Sino ang may sabing puwede mong hawakan ang kamay ko, Zion Wang.” Mahinang sambit ni Faye. Kaagad na nagising si Zion nang marinig ang boses niya.“Baby…” sambit nito na at napansin agad ni Faye ang mapulang mata nito.“Umiyak ka ba o nakasinghot? Ang pula ng mata mo.”Lalong hinigpitan ni Zion ang paghawak niya sa kamay ni Faye.“I’m scared…kung alam mo lang yung nararamdaman ko kanina. Wala akong sakit sa puso pero nang makita kita…my heart ach

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status