LOGIN
THIRD PERSON POINT OF VIEW...
Pag-isipan mong mabuti, Xanthe. Walang trabaho ang nag-aalok ng million ang sweldo gaya ng trabaho mo ngayon dito sa Shadow Thieves organization ay Ikaw ang nangunguna at pinakamagaling sa lahat. Sasayangin mo ba ang oportunidad na puwede mong kitain kapalit ng pag-aalaga mo sa mga kapatid mo? Kung puwede mo naman silang ihanap ng limang Yaya para alagaan sila, hindi ba?” disappointed na sabi ni Mr. Lima nang magpasa siya ng resignation letter. Mula sa pagkakasandal sa upuan na nasa kanyang harapan ay tumayo si Xanthe. “Mr. Lima, I was 15 years old nang mag-umpisa ako dito sa organization natin. Marami akong bigatin na taong pinagnakawan. Sampung taon na rin ang nakalipas. Marami na rin naman akong nagawa para sa organization niyo at naturuan ko na rin ang mga bago. Sapat na siguro yun para palayain niyo ako. I just want a peaceful life with my siblings. Kaya please…accept my resignation letter.” Ani ni Xanthe bago tuluyang umalis. Nanghihinayang man siya sa puwede pa niyang kitain kapag patuloy pa rin siya sa pag-anib sa organization. Nag-alala siya na baka ma-ulit yung last mission niya na muntik na siyang mahuli at makulong dahil hindi basta-basta ang tinrabaho niya nang gabing yun. Natakot siya sa puwedeng mangyari sa kanya ulit yun at baka hindi lang buhay niya ang maging kapalit kapag nagkataon. “Anong sabi ni Mr. Lima?” Ani ni Banjo, partner niya sa Organization nang magkita sila sa coffee shop. “Ayaw niya akong mag-resign.” simangot na sagot niya Kay Banjo. “Sabi na eh, hindi ka talaga niya papayagan. You’re his top thieves agent. Malaki ang naipapasok mong pera sa organization natin.” wika ni Banjo at humiwa ng tiramisu cake sa platito. “I decided already to let go of my position. Kapag patuloy niyang hinasa ang mga bago niyang shadow thief agent for sure na mas magiging magaling pa sila kaysa sa akin.” “No, Wala kang katulad Xanthe. Bukod sa skills, napakagaling mo din maglanse ng biktima nang hindi gumagamit ng dahas. Malinis Kang magtrabaho kaya kapag umalis ka. Malaki ang mawawalan sa organization.” paliwanag nito. “Banjo, illegal ang ginagawa natin. Nagnanakaw tayo ng mga bagay na hindi biro ang halaga sa ibang tao para pagkakitaan at may mga cliente pa tayong nag-uutos sa atin na magnakaw. Sa tingin mo ba walang kapalit ang lahat ng yun?” “Alam ko, pero hindi naman tayo nagnanakaw ng mga bagay mula sa mga mabubuting tao diba? Karamihan pa nga sa mga ninanakawan natin gumagawa din ng masama. Kaya hindi ako natatakot na makarma. Mas takot akong magutom ang pamilya ko.” Ani ni Banjo. Naintindihan naman niya ito dahil pareho silang lumaki sa hirap at nagbago lang ang buhay nang mapasama sa organization. Pero buo na ang kanyang pasya na talikuran ang Shadow Thieves Organization para mabuhay ng normal. Kinabukasan ay ipinatawag ulit siya ni Mr. Lima. Kaya nagreport ulit siya sa opisina nito. Pagpasok niya sa loob ay bumungad sa kanya ang isang matabang babae na puno ng makakapal na ginto sa leeg at kamay. Naka-eyeglasses halos puputok na ang damit nito sa katabaan. “Maupo ka, Xanthe.” Ani ni Mr. Lima. At ngumiti pa siya sa babaeng sumuyod din ng tingin sa kanya. “Ano po yun?” usisa niya. “Siya si Miss Fushia Lim, bago nating cliente. May gusto siyang ipatrabaho sayo.” imporma niya. “Miss Fushia, siya naman si Xan, top agent namin dito. Don't worry magaling yan.” Inabot ng matabang babae ang pulang sobre at sinilip niya ang laman nito. Malaking bahay, malawak na garden at address ang bumungad sa kanya. “Diyan nakatira ang soulmate ko, dalhin mo sa akin ang brief niya.” Utos nito na ikinalaglag ng tuka ni Xanthe. “Tama ba ang dinig ko? Brief?” “Yes, underwear. Yun lang ang gusto kong makuha.” Wika nito sa kanya. Naisip ni Xanthe na magaan lang ito at kayang-kaya niyang trabahuhin ng mabilis. Ngunit nang masilip niya ang limang milyon na nakasulat sa cheke na kasama nito ay nagulat siya ng husto. “Limang milyon, kapalit ng underwear ni Westley my love…” kinikilig na sabi ni Madam Fushia. “Ma’am, puwede po bang malaman kung bakit ganito kalaki ang bayad niyo?” nagtatakang tanong ni Xanthe sa kanya. “Mahal na mahal ko ang may-ari ng underwear na pinapakuha ko sayo. Ngunit hindi niya ako gusto kaya gagayumnahin ko na lang!" Nagkatinginan si Xanthe at si Mr. Lima. At tumango ito sa kanya na parang sinasabing gawin na niya dahil mukhang baliw ito sa pag-ibig. “Okay, bukas na bukas din ay dadalhin ko sa inyo ang underwear niya.” Mabilis na sagot ni Xanthe. “Ingatan mo ha? Saka huwag kang pahuhuli, kung hindi tege ka.” nakangiti nitong sabi sa kanya. “Bakit naman ako mamamatay?” nagtatakang tanong ni Xanthe sa kanya. “Kasi yung my love ko isa siyang dangerous man at galit sa mga babae. Kaya mag-iingat ka okay? At huwag mo akong isusumbong! Kung hindi, lagot ka sa akin.” wika pa nito at tuluyan nang nagpaalam. “Sir, puwedeng sa iba niyo na lang–” “Kapag pumayag ka, papayag na rin akong magresign ka sa organization.” Ani ni Mr. Lim na ikinagulat niya. “Mukhang mahalaga ang misyon na ito ah? Malaki ba ang binigay sa inyo ng babaeng yun?” “Lolo niya ang founder ng shadow thieves organization kaya hindi mo siya puwedeng tangihan. She’s obsessed with Westley ngunit wala akong nakalap na information tungkol sa lalaking yun. Ang sabi lang ni Miss Fushia. Wala daw papantay ka kaguwapohan nito.” “Sus, baliw lang siya. Imposible naman yun.” “Baka marinig ka, ika’y umalis na para matapos mo na ang mission mo.” Taboy sa kanya ni Mr. Lim. “Dito na tayo.” Ani ni Banjo malayo sa gate ng bahay na kailangan niyang pasukin. Kaagad na bumaba si Xanthe at naglagay ng mask at cap. “Stay here, wait for my signal.” Ani ni Xanthe. Kumuha siya ng pocket knife at siniksik sa kanyang likuran. Pagkatapos ay mabilis na umalis. Naging alerto siya sa paligid at mabilis na nakatawid sa mataas na pader. Pinabantayan na niya kay Banjo kanina ang paligid nito at wala nang treat kaya mabilis siyang nakapasok at gumamit ng lubid para maka-akyat sa terrace nito. Sinundot niya ang naka-locked na doorknob ng glass door at mabilis na pumasok sa loob. Bumungad agad sa kanya ang mabangong amoy at malinis na kuwarto nito. Napatingin din siya sa collection nito ng samurai. Pati na rin ang mga mamahaling alak sa may estante na nakadisplay. “Ang daming mamahalin na gamit sana ang puwede kong makuha, kaya lamang baka lalo akong mabulilyaso kapag kumuha pa ako ng iba.”bulong ni Xanthe sa sarili. Hangang sa makalapit na siya sa cabinet nito na puno ng mamahaling relo. “Damn! Mukhang mayaman talaga ang taong yun. Na-curious na tuloy akong makita ang kanyang mukha dahil sa pagiging baliw ni Madam Fushia.” Ilang sandali pa ay natagpuan niya ang kanyang hinahanap at mabilis na inilagay sa dala niyang itim na bag. “Xanthe! May paparating na kotse!!!” rinig niyang sabi ni Banjo sa suot niyang earpiece. “I’m done, palabas na ako.” Walang ingay siyang humakbang ngunit bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang anino ng malaking lalaki. Akmang tatalon na siya ngunit sumabit ang bag niya sa pinto at nakita niya ang mukha nito. “Sino ka?” Ani ni Westley sa kanya. Kinindatan niya ito at kaagad na hinila ang kanyang bag na ikinahulog ng palawit nito sa bag. Pagkatapos ay agad na siyang tumalon sa Terrace. “HOY!!! Tigil!!!” Ani ng kanyang mga tauhan. Akmang hahabulin na siya ng mga ito ngunit nag-hand signal si Westley. “Magpahinga na kayo.” Ani ni Westley at hinayaan na makatakas ang babae. Dinampot niya ang nahulog nitong keychain “S.T.O?” sambit ni Westley. Kinabukasan ay personal na hinatid ni Xanthe ang underwear sa kanyang cliente sa bahay nito. “Kaya naman pala ang laki ng binayad niya sa’yo. Mukhang mayaman nga ito. Ang swerte na sana ng Westley na yun.” Ani ni Banjo sa kanya. “Sana kaya lang sa hilatsa ng mukha ng Westley na yun, mukhang mahilig din pumitas ng Eva. Mas, mainam kung nagbayad na lang si Miss Fushia ng fitness trainer kung talagang gusto niyang mapansin siya ng lalaking yun kasya gayumahin mukha namang hindi yun tatalab.” wika ni Xanthe. “Oh my goooddd!!!” tili ni Miss Fushia at patakbong lumapit sa kanila. Mabilis na hinagis ni Banjo ang paper bag kung saan nakalagay ang item na ninakaw ni Xanthe kay Miss Fushia dahil baka madambahan pa siya nito. At nagulat sila nang amuy-amuyin nito ang underwear. Napangiwi si Xanthe at napataas naman ang kilay ni Banjo sa ginawa nito. “Good! Very good! Napasakin din! Sa wakas!” Itinaas nito ang isang kamay na may hawak pang crispy PATA na ngayon lang nila napansin. “Ngayon, mapapasaakin na si Westley! At magsasama na kami habang buhay!!!” “Tara na baka mahawa pa tayo.” Bulong ni Xanthe kay Banjo. “Oo nga, nakakatakot. Baka ma-inlove pa sa akin ito, isang gabi pa lang di na ako sisikatan ng araw.” mahinang litanya ni Banjo at akmang tatalikod na sila ay tinawag si Xanthe ni Miss Fushia. “Ano po yun madam?” Magalang na tanong niya dito. “Kapag hindi gumana ang spell, at hindi siya na-inlab sa akin. For your last mission. Ikaw Ang tutulong sa akin para magustuhan ako ni Westley.” “Ha? Bakit ako?” bulalas ni Xanthe. “Oo nga! Bakit siya?” Ani naman ni Banjo. “Eh yun ang gusto ko, ituro mo sa akin ang lahat ng alam mo para makuha ang isang lalaki. Na-sesense kong may skills ka din doon hindi ba?” “Trabaho lang yun, Miss Fushia. Pero Wala pa akong nagiging boyfriend—” “I don't care, kapalit ng kalayaan mo at tahimik na buhay. Kapag hindi gumana ang gayuma…you will make him fall in love with me.” final na sabi ni Miss Fushia.Hindi na nag-aksaya ng oras si Westley kaagad siyang bumaba sa hagdan upang magpunta sa malaking pool. Nagpalinga-linga siya ngunit hindi niya mahagilap ang kanyang hinahanap. “Hi.” harang sa kanya ng isang babaeng naka-two piece bikini. Hinawakan pa siya nito sa balikat ngunit mabilis niyang tinangal ang kamay nito. “Hindi ako interesado sayo.” kunot ang noo na Sabi ni Westley at nilagpasan ang babaeng humarang sa kanya. “Nasaan na kaya yun? Ang bilis naman niyang mawala!” Inis na Sabi ni Westley. Imposible na nagkamali lang siya dahil malakas ang kutob niyang ang nangnakaw ng brep niya at ang babae kanina ay iisa! Kailangan na lamang niyang makausap at malapitan ang babaeng yun! “Geraff ka ba sa past life mo? Sino bang hanap mo?” salubong sa kanya ni Thirdy may naka-angkla pang babae sa bisig nito. “May napansin ka bang naka-red bikini na babae?” “What? Totoo ba itong naririnig ko?” Hindi makapaniwalang tanong ni Thirdy sa kanya. “Never mind.” Nilagpasan niya ito at halos l
"Ano? Wala kang mahanap tungkol sa pagkatao ng babaeng yun?” Ulit na tanong ni Westley kay Arwin. “Sorry boss, pero sa isang linggo na pag-iimbestiga ko. Wala kahit kaunting impormasyon akong nakuha. Kahit doon sa babaeng nagnakaw ng brep niyo.” Kamot ulo niyang sagot. Napabuntong hininga si Westley at tumayo mula sa kanyang swivel chair at humarap sa salamin na wall ng opisina niya. “Arwin, gusto kitang tanungin. Sa tingin mo? Ano kaya ang dahilan kaya hindi mo mahanap ang pagkakakilanlan ng taong pinapahanap ko sa’yo? Sa lahat ng inutos ko sa'yo. Ngayon ka lang sumablay hindi kaya?” Lumingon siya kay Arwin at mariin niya itong tinignan. Napa-angat ng tingin si Arwin sa kanya. “Boss, kung iniisip niyo na hindi ko ginagawa ng maayos ang trabaho ko. Kahit magtanong kayo kay Brayan. Halos napupuyat na nga kami sa pag-iisip at pagkalap ng impormasyon tungkol sa babaeng nagnakaw ng brep niyo–”“Can you please, huwag mo nang ulit-ulitin?” “Alin po? Yung magnanakaw or Yung brep niyo?”
"Ano naman ito?” wala sa mood na tanong ni Westley sa kanyang secretary nang mag-abot na naman ito ng panibagong sobre sa kanya kinabukasan. “Sir, may nagpadala po ulit wala na naman pong address kung saan galing.” sagot ni Therese.Kinuha niya ang love letter at pumasok na siya sa kanyang opisina. Inilapag niya ang sulat sa ibabaw ng mesa at naghubad siya ng coat dahil nainitan siya. Wala siya sa mood dahil natakasan na naman sila ni Eliazar ang buong akala nila ay matatapos na rin ang problema nila ni Drake sa lalaking yun. Naupo siya swivel chair at sumandal. Napatingin siya sa love letter at binuksan niya ito para basahin.~~~My Dearest Sunlight, Itong sulat kong pangit, ingatan mong pilit.Kapag ito ay napunit. Puwede bang Ikaw ang kapalit?” Nagmamahal, your Moonlight ~~~Sumilay ang ngiti sa labi ni Westley habang paulit-ulit na binabasa ang nakasulat sa love letter. Pero nabura ang ngiti sa kanyang labi nang maisip niyang hindi tama yung reaction niya sa sulat na pinadal
"Susundin mo ba talaga ang utos ng baliw na yun?” Pangungulit ni Banjo nang makasakay na sila sa kotse. “Ewan ko, baka kapag hindi ko siya sinunod magkaroon ako ng malaking problema. Alam naman natin pareho na hindi uubra ang gayuma ni Miss Fushia na yun para magustuhan ng lalaking yun. Lalo pa nang sabihin mismo ni Miss Fushia na allergic ito sa babae. Kung puwede ko nga lang sampigahin na lamang para magising sa katotohanan ay ginawa ko na kanina.” namomoblemang sabi ni Xanthe sa kapartner niya. “Goodluck partner, kung kailangan mo ng back-up tawagan mo ako anytime.” Ani ni Banjo.Hangang sa pag-uwi niya sa kaniyang condo ay iniisip niya pa rin ang malaking problema niya. Minabuti niyang tumawag na lang muna sa probinsya upang kamustahin ang kanyang mga kapatid na halos isang buwan na niyang hindi nakikita. “Tita, kumusta po ang mga bata?” Usisa ni Xanthe nang sagutin ang kanyang tawag. “Tulog na sila, okay naman kami dito huwag mo kaming alalahanin. By the way matutuloy pa ba a
THIRD PERSON POINT OF VIEW...Pag-isipan mong mabuti, Xanthe. Walang trabaho ang nag-aalok ng million ang sweldo gaya ng trabaho mo ngayon dito sa Shadow Thieves organization ay Ikaw ang nangunguna at pinakamagaling sa lahat. Sasayangin mo ba ang oportunidad na puwede mong kitain kapalit ng pag-aalaga mo sa mga kapatid mo? Kung puwede mo naman silang ihanap ng limang Yaya para alagaan sila, hindi ba?” disappointed na sabi ni Mr. Lima nang magpasa siya ng resignation letter. Mula sa pagkakasandal sa upuan na nasa kanyang harapan ay tumayo si Xanthe. “Mr. Lima, I was 15 years old nang mag-umpisa ako dito sa organization natin. Marami akong bigatin na taong pinagnakawan. Sampung taon na rin ang nakalipas. Marami na rin naman akong nagawa para sa organization niyo at naturuan ko na rin ang mga bago. Sapat na siguro yun para palayain niyo ako. I just want a peaceful life with my siblings. Kaya please…accept my resignation letter.” Ani ni Xanthe bago tuluyang umalis. Nanghihinayang man s







