LOGINSiya si Katrina De Guzman, isang dalagitang lihim na umiibig. Ngunit ang kanyang pag-ibig ay tuluyang maglalaho kasabay ng paglaho ng kanyang pinakamamahal na mga magulang. Makalipas ang sampung taong pamamalagi sa ibang bansa. Babalik siya sa bayan ng Montefaldo para sa isang misyon. Ngunit sa kanyang misyon ay matutuklasan niya ang isang nakagigimbal sa lihim. Makakaya niya kayang piliing magpatawad o pipiliin niya ang kamatayan?
View More"Diego Monetenegro!" pagtawag ko sa pangalan nito at nagtagumpay naman ako dahil bigla itong lumingon sa gawi ko. Napaka gwapo talaga nito kahit kailan.
Lumuwang ang pagakakangiti ko nang makita kong nakatingin siya sa gawi ko. His build speaks power. His masculinity is drooling. Para akong nakakita ng isang anghel na ibinaba sa lupa. "Hintayin mo ako! Pakakasalan pa kita!" hiyaw ko dito. Bahagyang napangunot ang noo nito at kalauna'y napailing na tinungo ang kanyang sasakyan. Diego Montenegro is the man of my dreams. Siya ang isa sa mga matagumpay na businessman sa larangan ng automotive and hotels. Ang mga pamilya namin ay matatalik na magkakaibigan. Ako si Katrina De Guzman. Bunsong anak nina Sylvia at Mateo De Guzman. May kapatid ako, siya si kuya Rex. I am only 14 years old pero nagkakagusto na ako sa taong mas matanda sa akin ng labing dalawang taon si Diego ganun din si Kuya Rex. They are friends and both ventured into the business world. Iisa lang naman ang pangarap ko eh. Ang maging isang tanyag na doctor. I don't want to be in business, my parents and brother are already in it. I don't want to indulge myself in their stressful lives. I don't see myself managing one. "naku ikaw na bata ka! malalagot ako sa mommy mo niyan e. Nakakahiya kay Mr. Montenegro baka mamaya kung anong isipin nun, hay kang bata ka" sermon sa akin ni nana Marie. Nandito kami ngayon sa labas ng mall. Katatapos lamang naming mamili ng mga gagamitin ko sa school bukas. Tapos na kasi ang summer vacation at lahat ng mga estudyante ngayon ay naghahanda na para sa first day of school bukas. I am now in third year high school. "Nana Marie, walang masama sa sinabi ko okay? Tsaka huwag mo ng sabihin kay mommy and daddy yung sinabi ko kay Diego, please? kukurutin ako non sa singit e" maktol ko dito. At nag beautiful eyes pa nga ako. "Hay ano pa nga ba" anas nito na may kasama pang buntong hinga. Para namang napaka big deal nung sinabi ko kay Mr. Montenegro. Napaka bata ko pa para sa kanya. Pero sana siya talaga ang mapangasawa ko in the future. If only he knew how much I am in love with him. Nag umpisa ang lahat ng ito nang tulungan niya ako sa aking homework. I had a geometry class before and I couldn't draw 3D shapes well. Kuya Rex asked for Diego's help, if he could draw some of the shapes that were needed for my geometry homework. He was only wearing gym pants and a sleeveless shirt. It all started a few months ago, when he looked at me in the eye. His eyes were beautiful, seductive, and mesmerizing. I was sitting beside him while pointing where he'll be drawing. I could smell how fresh he smells, his breath smells good too, just like mint. While he was doing my homework. I secretely studied his face. His lips looked kissable and soft. I wondered how they feel and how they taste. Bumilis iyong tibok ng puso ko ng ibinaling niya ang kanyang ulo sa akin, kung saan muntik na kaming maghalikan. Dahil sobrang lapit na pala ng mukha ko sa kanya habang busy siyang nagda-drawing. Napasinghap ako ng bugahan niya ang mukha ko ng hininga niyang mabango. My lips parted, my glasses were foggy. Nag-iwas ako ng tingin sa sobrang hiya and ran away. I heard him chuckle pero iba ang naramdaman ko. Mabilis na tumibok ang puso ko na para bang may mga kabayong nagtatakbuhan doon. Every time na pupunta siya sa aming tahanan ay wala akong sinasayang na oras upang mas maging maganda para sa kanyang paningin. "Did you buy all your school supplies for tomorrow?" mom asked. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng dinner. "Yes, mom." I responded in between my food. "How about you, Rex? How's the expansion of the Business school you are renovating in Cebu?" my dad asked. Nag uumpisa na naman silang mag usap usap tungkol sa business. Binilisan ko na lamang ang pagkain ko dahil nakakatiyak akong ako na naman ang magiging sentro ng usapan nila. Dahil ilang beses na nila akong pinipilit na mag pursue ng business course. Kaso hindi ko ito passion. I am more into helping and saving lives. Well owning a business can help people get jobs but iba pa rin iyong ako mismo ang tutulong sa mga taong nahihirapan, in terms of medical needs. Hindi kaya ng puso ko na nakikitang maraming tao ang hindi kayang ipagamot ang kanilang mga sarili. "Ahm, mom, dad, kuya, I'm finished. I need to go to my bedroom to prepare for my first class tomorrow." paalam ko sa kanila. Tinanguan naman ako ng aking mga magulang dahil nagiging seryoso na ang kanilang usapan. "iha, before I forget, after your class tomorrow, Edward will fetch you. We will attend a party. Remember, Diego? Your brother's friend?" mahabang litanya ni mommy sa akin. akmang aalis na sana ako sa dining room ng banggitin ni mommy sakin ang pangalan ng mahal ko. Mabilis akong lumingon dito. "Did you say, Diego Montenegro?" I happily asked. My mom raised a brow dahil hindi niya inaasahan na magiging ganito ang reaksyon ko. "Mom, masyado niyo namang pinapakilig ang bunso natin" sabat ng aking kuya. Ang malapad kong pagkakangiti ay napalitan ng disappointment, paano nitong nalaman na may gusto ako sa kaibigan nito. My face suddenly turned red. Napatingin ako kina mom and dad na nangungusap ang mga mata baka kasi pagalitan ako ng mga ito. Ngunit mas nagulat ako sa naging reaksyon nila. They are both smiling. "ang unica iha ko ay pumapag ibig na." anas ng ina ko habang tumatawa. Ang daddy ko naman ay nakangiti lamang while my brother is smirking. How did he know? "mom, stoooopp" pigil ko dito dahil inaasar na nila ako. "kuya, how did you know?" I asked out of curiosity. "Sino ba ang hindi makakahalata sa nga pinag gagawa mo. Sa tuwing darating dito si Diego ay papalit palit ka ng dress at ayos ka ng ayos ng buhok mo kulang na lang maging manika ka sa harap niya" tsss. "okay fine. don't tell anyone, please mom?" paki-usap ko dito. "of course, but Diego is older than you. Parang kuya mo na siya eh." "pabayaan mo yang anak mo, crush lang naman e. Maglalaho din yan when she grows older" my dad said. But, I beg to disagree. My feelings for him will not vanish.RICO's POV "Boss mukhang may sumusunod ho sa atin" anas ng aking tauhan. Mabilis akong tumingin sa side mirror ng sasakyan at sa rear view mirror. Kumpirmado nga may isang nakamotor na sumusunod sa amin. "Sige. Makipaglaro tayo sa kanya" utos ko sa aking tauhan na agad naman nilang sinang ayunan. Mabilis na kinabig ng aking driver ang sasakyan patungo sa kaliwa. Hanggang sa magpagewang gewang aking sasakyan. Bigla namang bumagal ang takbo ng motorsiklo sa aming likuran. Tinapik ko ang aking drayber upang bagalan din ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nakita ng dalawang mga mata ko na tumigil ito sa gitnang daan. Nakasuot ito ng itim na helmet ngunit ang ayos nito ay napaka elegante dahil sa suot nitong dress. "Iatras mo ang sasakyan at lumapit sa nakahimpil na motorsiklo. Ihanda ninyo ang inyong mga armas at timbrihan ang ilang mga tauhan" maawtoridad kong utos sa mga ito na agad naman nilang sinunod. Nang makalapit kami sa motorsiklong may sakay na babaeng rider ay agad kon
"Maraming salamat po sa inyong pagdalo sa napakahalagang gabing ito" malawak ang pagkakangiti ni madam AB habang binibigkas ang mga katagang iyon. Ano kayang mahalagang announcement ang kanyang sasabihin at halos lahat ng bisita niya ay mga naglalakihang tao sa business world. "As you can see, matagal na panahon rin ang iginugol ko upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking ama. Hindi ko man siya nakasama ng lubusan ngunit ama ko pa rin naman siya. Siguro kung nabubuhay lamang si Daddy Enrico, malamang matutuwa iyon" naikuyom ko na lamang ang aking kamao sa aking mga narinig. Nag ngingitngit ang kalooban ko sa galit dahil napakasinungaling ng taong ito. Napakahusay ring umarte dahil mas pinalamlam nito ang kanyang mga mata upang mas lalong mamangha at kaawaan siya ng mga taong nandito. Para bang naghahanap ng simpatya. "Ngunit hindi pa rin ako nasisiyahan at pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko. Hindi ko pa rin kasi nahahanap ang aking mga half siblings, ang aking
Abala ang lahat ng mga tao dito sa bahay dahil nagsisidatingan na ang ilan sa mga bisita ni madam AB. Mayroon raw itong iaanunsiyong mahalagang impormasyon sa lahat ng panauhin. Halos mga bigatin ang narito. Napansin ko rin ang ilang mga investors sa sa kumpanya nila daddy. Nandito rin ang isa sa pinakamayamang tao sa bansa. Abala ako ngayon sa paglalagay ng mga pagkain sa tray ng biglang may magsalita sa aking likuran. "Ah, miss. Magtatanong lang sana kung saan ang CR rito?" napalingon ako sa taong nagsalita. Nakasuot ito ng puting shirt habang mayroong dalawang strap na nasa ibabaw ng suot ng damit. Nakasukbit ang mga straps sa kanyang suot na black jeans. Ang kanyang mga mata ay may malabrown na kulay ngunit hindi kaguwapuhan. Bumaba ang aking tingin sa kamay niyang nakalapat sa aking balikat. Napansin ko ang tattoo na kaperahas ng mga naunang miyembro ng Telapia Syndicate. Napangisi ako sa aking isipan. Mukhang tama nga ang kutob ni Diego. Mabilis umandar ang aking isip
Matapos naming malinisan ang mga dapat linisan ay tinawag na kaming lahat upang humilera sa may living room. Nagtatakang napapatingin ako sa ibang mga kasambahay ng isa-isa silang kapkapakan ng babaeng tauhan ni madam AB. May nakasukbit ring baril sa kanyang beywang at tila ngumunguya pa ng bubble gum. Hindi ko rin gusto ang paraan ng pagkapkap nito dahil batid kong may kakaibang malisya ang kanyang ginagawa. Sa tingin ko ay hindi ito tunay na babae. Hindi naman ako kinakabahan o natatakot na baka makita nito ang itinago kong music box sa loob ng aking damit. Sinadya kong ilagay ito sa ilalim ng aking bra. Hindi naman kalakihan ang music box na iyon. Maliit lamang, paranh kahon lamang ng singsing, ngunit ang music box ko ay mas maliit pa sa kahon ng singsing. Ito ay napapalibutan ng iba't-ibang klase ng precious stones na sinadya pang ipagawa sa Africa. Dalawampu ang mga kasambahay na narito kasama kong nakatayo sa living room. Nasa ikatlong kasambahay pa lang ito. Rinig ko ang mal
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews