Share

Chapter 20

Author: EL Nopre
last update Last Updated: 2025-08-09 02:21:18

NAGMAMADALI na akong lumabas ng shop. Hinabol ko si Josh na malayo na rin ang nalalakad.

Wala yata siyang balak na hintayin ako. Iisang lugar at bahay lang naman ang uuwian namin. Sabay na sana kami sa taxi para makatipid din ako ng pamasahe. At medyo mabigat ang bridal box na tangan ko sa mga braso.

"Sandali nga."

Humarang ako sa daraanan niya. Pero umiwas at lumiko siya na animo'y walang nakita.

"Haist!" Hinabol ko ulit siya at hinarang. "Bakit mo ito binayaran?" sabay turo ko ng tingin sa tangan ko na box. "Hindi ka man lang ba muna nag-isip? Kalahating milyon ang halaga nito. Teka. Isinama ba nila rito ang high heels? One hundred eighty rin 'yon. Sandali at titingnan ko. Huwag kang aalis. Mag-uusap pa tayo.''

Inilapag ko muna sa natapatan namin na wooden bench ang box at tinanggal ko ang cover.

''Nakalimutan yata nilang ilagay. Sandali at babalikan ko. Sayang din iyon.''

Nang tumayo ako ng tuwid matapos kong isara ang cover ng box at bitbitin iyon, wala na si Josh. Nakasakay na si
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 42

    TUMIGIL sa pagkurap ang mga mata ko nang bumungad ang intro ng binuksan kong files.Natitiyak ko na para iyon sa cleaning department dahil sa thumbnail na may larawan ng dalawampung elderly.At tama nga ako. Isa iyong slideshow na nagpapakita ng buhay ng matatandang empleyado na gustong isama sa force dismissal and resignation.Every clip in each video showed detailed information about the elderly; mula sa bahay nila hanggang sa pagpasok at pag-uwi ng trabaho.Their body scarred with old age, and poverty were replaced with a smile as they were all together working at the company with colleagues who treated them as family.Tinapos ko ang halos kalahating oras na slideshow. At hindi ko napigilang umiyak habang nanonood ako.''Ano naman ang kailangan ko pang pag-aralan dito? Naiintindihan ko ang buhay nila dahil pinagdaanan ko rin ang hirap na naranasan nila.''Suminghot ako at tinuyo ko ang basang mga pisngi ko. Napaiyak ulit ako. Pero sa pagkakataon na iyon ay dahil sa saya na hindi na

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 41

    HALOS wala nang lakas ang kamay ko para pihitin ang susi na ipinasok ko sa keyhole ng pinto. Naupo muna ako sa tapat niyon at saka nakipagtitigan sa kawalan na tila ba mahahanap ko roon ang solusyon sa mga problema ko.Madilim na. Tahimik ang paligid maliban sa ingay ng mga panggabing insekto.It took me again another tiring day para lang hanapin si Josh. He's been out of reach for almost a month. Hindi ko na alam ang gagawin ko.Araw-araw rin akong kinukulit ng mga empleyado ng cleaning department. I have never been more exhausted like this in my entire life, not even when I was a breadwinner.Napabuntong-hininga ako at napatingin sa bag ko na nasa kandungan ko. Naroon ang brown envelope na ibinigay sa akin ni Chairman Emilio. Hindi ko iyon inaalis o inihihiwalay sa akin. Because it keeps on reminding me that there is nothing impossible in this world.Nang mabasa ko at mahawakan ang kontrata, I feel like I was the luckiest person. Matagal kong pinangarap na makapasok sa Magnefico. Bu

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 40

    MULA pa lang sa paglabas ng elevator ay parang ayaw nang humakbang ng mga paa ko. Hiniling ko tuloy na sana bumuka na lang ang lupa at lamunin ako.Pero mukhang hindi talaga ako paborito ng Diyos dahil nakarating pa rin kami sa opisina ni Chairman Emilio."Maupo ka muna. Ipagtitimpla kita ng kape.""Huwag na po.""Ayoko nang tinatanggihan. Sumasama ang loob ko. Sige. Maupo ka lang diyan."Paborito ko naman ang kape, pero hindi sa pagkakataon na iyon dahil baka lalo akong nerbyusin at makagawa o makapagsalita ako nang hindi tama.''As I have said to you, I have the best coffee here. Hindi ba't gustong-gusto ito ni Josh?''Tumango ako kahit hindi siya lumingon mula sa pagtitimpla ng kape.Ipinaalala na naman niya ang pasaway na lalaking 'yon. Lalo lang akong naiinis. Hindi ko na maintindihan ang halo-halo nang emosyon sa dibdib ko.''Baka makatulong ang kape ko para hindi ka mag-isip nang mag-isip.''''Salamat po.''Naupo si Chairman Emilio. ''Alam mo, hindi ako masyadong nag-aalala sa

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 39

    HINDI ulit ako nagpababa sa taxi sa tapat ng Magnefico. Naglakad na lamang ako papunta roon. At halos dalawang linggo ko na iyong ginagawa.At bago ako makarating sa gusali, nagtago muna ako at saka ko sinuyod ang paligid. Siniguro ko na hindi kami magkakasabayan o magkakabanggaan ni Chairman Emilio.Dalawang linggo na akong umiiwas at kinakabahan dahil dalawang linggo na rin na hindi nagpaparamdam si Josh. Kahit sana tumawag man lang siya.Hinihintay ko siyang umuwi, pero wala pa yata sa plano niya na magpakita. At hindi ko alam ang dahilan para tiisin niya ang mga tao sa cleaning department na umaasa kanya.Nag-aalala rin ako. Pero mas inaalala ko ang magiging future ko kapag natanggal ako sa trabaho ko.Siguro dahil busy ang Chairman kaya hindi pa ako pinapatawag sa opisina nito. Baka itanong na naman nito si Josh. At wala pa akong isasagot."Kapag nakita ko siya, humanda talaga siya sa akin. Ilang araw na akong gigil na gigil sa kanya. Gusto ko na siyang sakalin hanggang mawala an

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 38

    ''SIR?''Hindi na nag-angat pa ng tingin si Josh mula sa binabasa niyang mga papeles. ''Come in.''Pumasok si Kino na tangan ang isang hindi kalakihan na box. ''Sir, nandito na ang mga nakalap na impormasyon ng mga tauhan natin.''Saka lang nag-angat ng tingin si Josh. Tumayo siya. ''Bring it here.''Dinala ni Kino ang box sa mahabang mesa na naroon sa loob ng opisina at inilatag doon ang mga laman niyon na mga patong-patong na papel.''Dito ka ba natulog?''''I have lots of work to do.'' Napapailing si Josh nang maupo. ''Ilang araw rin akong hindi nakabuwelo dahil sa babaing iyon.''''The intruder?''''Sino pa ba?''''Gusto mong puntahan ko at paalisin na?''''Hayaan mo na. Nakabawi naman ako sa kanya ngayon. Siguradong nababaliw na siya sa paghahanap sa akin. At baka nga nag-iisip na rin iyon na manawagan sa TV o radyo.''Napansin ni Kino ang pagngiti ni Josh. ''Bakit parang natutuwa ka pa?''''Because she's a funny one. Alam mo ba na natutulog siya sa labas ng kuwarto ko para lang

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 37

    RAMDAM kong nakanganga ako. At gusto ko pa talagang matulog. Inaantok pa ako. Pero istorbo ang lamok na nag-iingay sa paligid ko."Ugh!"Napaubo ako at inis na napabalikwas. Balak pa yatang pumasok ng lamok sa bibig ko.Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Alas kuwatro pa lang ng madaling-araw. Maaga pa. Kaya humiga ulit ako. Pero hindi na rin naman ako makatulog kaya pinili ko na lang na bumangon at maghanda para sa pagpasok sa trabaho.Lumabas ako sa kuwarto ko na tahimik ang buong paligid. Nakasara pa rin ang silid ni Josh. Baka naghihilik pa siya. Sa halip siguro na mag-isip ng paraan para maresolba ang problema sa department niya ay mas gusto pa niyang magbabad sa higaan.Nag-init ako ng tubig. At nagkape muna. Nang lubusan nang gising ang katawan ko at isip ay saka ako naligo.Paglabas ko ng banyo hanggang sa makapagbihis ako, tahimik pa rin ang ang silid ni Josh. Alam kong gumigising siya nang mga alas sais dahil umiihi siya."Baka tinatamad bumangon ang tamad," sambit ko sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status