''SIR?''Hindi na nag-angat pa ng tingin si Josh mula sa binabasa niyang mga papeles. ''Come in.''Pumasok si Kino na tangan ang isang hindi kalakihan na box. ''Sir, nandito na ang mga nakalap na impormasyon ng mga tauhan natin.''Saka lang nag-angat ng tingin si Josh. Tumayo siya. ''Bring it here.''Dinala ni Kino ang box sa mahabang mesa na naroon sa loob ng opisina at inilatag doon ang mga laman niyon na mga patong-patong na papel.''Dito ka ba natulog?''''I have lots of work to do.'' Napapailing si Josh nang maupo. ''Ilang araw rin akong hindi nakabuwelo dahil sa babaing iyon.''''The intruder?''''Sino pa ba?''''Gusto mong puntahan ko at paalisin na?''''Hayaan mo na. Nakabawi naman ako sa kanya ngayon. Siguradong nababaliw na siya sa paghahanap sa akin. At baka nga nag-iisip na rin iyon na manawagan sa TV o radyo.''Napansin ni Kino ang pagngiti ni Josh. ''Bakit parang natutuwa ka pa?''''Because she's a funny one. Alam mo ba na natutulog siya sa labas ng kuwarto ko para lang
RAMDAM kong nakanganga ako. At gusto ko pa talagang matulog. Inaantok pa ako. Pero istorbo ang lamok na nag-iingay sa paligid ko."Ugh!"Napaubo ako at inis na napabalikwas. Balak pa yatang pumasok ng lamok sa bibig ko.Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Alas kuwatro pa lang ng madaling-araw. Maaga pa. Kaya humiga ulit ako. Pero hindi na rin naman ako makatulog kaya pinili ko na lang na bumangon at maghanda para sa pagpasok sa trabaho.Lumabas ako sa kuwarto ko na tahimik ang buong paligid. Nakasara pa rin ang silid ni Josh. Baka naghihilik pa siya. Sa halip siguro na mag-isip ng paraan para maresolba ang problema sa department niya ay mas gusto pa niyang magbabad sa higaan.Nag-init ako ng tubig. At nagkape muna. Nang lubusan nang gising ang katawan ko at isip ay saka ako naligo.Paglabas ko ng banyo hanggang sa makapagbihis ako, tahimik pa rin ang ang silid ni Josh. Alam kong gumigising siya nang mga alas sais dahil umiihi siya."Baka tinatamad bumangon ang tamad," sambit ko sa
PATUNGO na sana ako sa silid ng ina ni Josh na pinagamit niya muna sa akin at handa na akong matulog nang makarinig ako sa labas ng kalampag ng gate."Huh? Ano 'yon?"Kinabahan ako. Dinampot ko agad ang walis-tambo na nakatayo sa isang sulok nang may maulinigan naman akong mga yabag. Patungo iyon sa front door.Sinabi ni Josh na hindi siya uuwi kaya nasisiguro ko na ibang tao ang naroon sa labas.Pumuwesto ako sa likuran ng pinto at mahigpit kong nahahawakan ang walis. Nakaamba na iyon sa ere at paliliparin ko na lang sa sinumang papasok doon."Wala rin palang silbi ang pinaayos niyang gate," bulong ko sa sarili ko. "Sana alarm na lang ang ipinakabit niya."Napatingin ako sa pumihit na sedura. At nang bumukas ang pinto ay pinalipad ko agad ang hawak kong walis."Darn!" pagmumura ni Josh na maagap naiharang ang braso. "Anong ginagawa mo?""Oh, sorry. Ikaw pala 'yan?"''Bakit? May inaasahan ka pa bang iba?''''Malay ko ba! Baka mamaya kawatan o akyat-bahay gang na pala ang pumasok dito!
''YOU'RE home, at last.''Pabagsak na naupo sa sofa si Josh. Inabot naman ni Chairman Emilio ang remote control ng TV at pinatay iyon. Kasalukuyan silang nasa sala at ilang araw na rin nitong hinihintay ang apo.''Bakit naisipan mo ngayong umuwi?''''Am I not welcome here anymore?''''Mukha kasing mas komportable ka na sa ibang bahay na may kasamang isang magandang babae.''''Who are you talking?''''May iba ka pa bang babae?''''Marami.''''At mukhang sa dami nila, iisa lang ang sinusunod mo sa kanila.''''What are you talking?''''May nawawala ka bang kakambal?''''Dapat alam niyo ang bagay na iyan.''''May kamukha mo kasi na pumunta sa akin at nagmakaawa na ipasok ko siya ng trabaho sa kompanya kahit cleaner lang.''Inis siyang naupo ng tuwid. ''Hindi ako pumunta at nagmakaawa sa 'yo! Hinila ako roon nang labag sa kalooban ko!''''Kumpirmado. Wala ka naman palang kakambal. Ikaw talaga 'yon.''Pinukol niya ng matalim na tingin ang abuwelo. ''Bakit mo ako ipinasok sa cleaning departm
HINDI na ako lumabas ng gusali. Nang matanaw ko mula sa loob na nakasakay na ng tricycle si Emie ay umalis na ako sa kinaroroonan ko. Nagulat nga lang ako nang bumangga ako sa matipunong dibdib ni Josh na kanina pa yata nakatayo sa likuran ko."Ano bang ginagawa mo riyan?""Hinihintay ka."Napasulyap ako sa cleaning cart na nasa tabi ni Josh. "Bakit kailangan mo pa akong hintayin? Magtrabaho ka na.""Ikaw ang nag-insist sa akin sa trabaho na ito kaya ikaw ang gumawa ng trabaho ko.""At ikaw, anong gagawin mo? Tutunganga?""Titingnan ko kung paano kang maglinis.""Ano ka? Supervisor?""Hindi." Inilapit niya ang mukha sa akin kaya bahagya kong naibaliko ang likod ko. "Ako ang acting manager.""Talaga?"Nasiyahan ako sa balitang narinig ko. Pero inaasahan ko na rin naman iyon.Dahil halos matatanda ang bumubuo sa cleaning department, hindi sila mahirap amuhin at kumbinsihin lalo pa't aliw na aliw ang mga ito sa charm at kakisigan ni Josh.''Natuwa ka ba?''''Oo naman.''''Kung natutuwa k
"BAKIT papasok na naman ako?"Pupungas-pungas pa si Josh nang lumabas ng silid. Inabot ko agad sa kanya ang isusuot niyang damit na inihanda at plinantsa ko na kagabi."Dahil ang trabaho, araw-araw dapat na pinapasukan.""Sinabi ko na sa 'yo na hindi ko kailangan ng trabaho.""Haist! Naipagawa mo lang ang gate, feeling mo milyonaryo ka na?""Bilyonaryo.""Kahit naman ang mga bilyonaryo nagtatrabaho pa! Magbihis ka na.""Binantayan mo na naman ba ako, ha?"Plinantsa ko ng mga palad ang nagusot kong suot na palda mula sa pag-upo ko sa gilid ng pintuan ng silid ni Josh. Doon na ako natulog kaya masakit ang buong katawan ko."Nagbantay ka ba rito buong gabi?""Kailangang kong siguruhin na papasok ka sa pangalawang araw mo. Ayoko na mapahiya kay Chairman Myeharez.""Sa kanya nahiya ka. Sa akin, hindi?""Ikaw ang dapat na mahiya dahil ikaw itong tinutulungan ko. At mas lalo kang mahiya kay Chairman Myeharez. Kahit na kahapon lang kayo nagkita at nagkakilala, binigyan ka agad niya ng trabaho