Share

CHAPTER 47

Penulis: JENEVIEVE
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-18 23:02:42

Jean

“Salamat po ate Jean,” sabi ni Zha-Zha ng matapos siya kumain.

“Gusto mo pa ba? Ikukuha kita roon sa buffet table?”

“Busog na po ako. Ikaw po hindi ka pa kumain,”

“Kakain na inantay lang kitang matapos bago kita iwanan. Sige ha? Pupuntahan ko lang ang asawa ko kapag naglaro ka. Babantayan ko ang pagdating ng Mama mo. Kakain muna si ate Jean kasi wala ng kausap ang asawa ko at nakatingin na rito sa atin,” ani ko itinuro ko si Kaizer.

“Wow…ikaw po ang asawa ni sir Kaizer?” hindi siya makapaniwala.

“Hindi ba kami bagay?” pabirong tanong ko sa kaniya.

“Bagay na bagay nga po kayo eh. Ang ganda mo po kasi ate Jean at ang bait pa.”

"Aysus naman marunong ka pala mambola,” biro ko sa kaniya.

“Eheheh. Totoo po ang sinasabi ko ate Jean. Hindi nga po inalis tingin ni sir Kaizer sa iyo po eh,” aniya na kaagad kong kinalingon kay Kaizer. Dito nga sa amin nakatingin. Sumenyas ako na saglit lang pupunta na ako. "Diba rito po nakatingin si sir Kaizer kahit marami po siyang kausa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
thank you Miss J ...️...️
goodnovel comment avatar
Hailey Carson💖
Thank you Ms J.🤍🫰🫰
goodnovel comment avatar
Mec Mec
nkangiti hbang nagbabasa kakilig yung galawan ng dalawang to...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • I Was Forced To Marry My Enemy   CHAPTER 50

    Jean “Manang Rosa magandang gabi po,” kausap ko sa kaniya ng sinalubong niya kami sa main door. Bubuksan siguro ang pinto dahil nagbusina ang driver ni Kaizer para pumasok sa gate. Nakaabang na rin yata si manang kaya pagtulak ni Kaizer sa main door malapit lang si Manang. “Magandang gabi sa inyo mga anak. Ihahanda ko na ang hapunan. Mamaya na kayo umakyat para deretso na kayo bihis at tulog,” tugon niya. Tumingin si Kaizer sa akin. Ngumiti ako hinihingi ang opinion ko. Busog na talaga ako at wala na rin akong balak kumain kasi gabi na. Ngunit kung gusto niyang kumain. Kahit naman busog na ako sasamahan ko na lang siya. “Kakain ka, baby?” inakbayan din niya ako kaya si manang Rosa napatingin sa kamay ni Kaizer na nakapatong sa balikat ko kinilig pa yata ang manang sa alaga n'yang bumait. “Busog pa ako diba katatapos lang natin doon kumain. Ikaw kung gusto mong kumain p'wede naman kitang samahan?” tugon ko sa kaniya. Para bang nagsiliparan ang paru-paro sa tiyan ko dahil sa mat

  • I Was Forced To Marry My Enemy   CHAPTER 49

    Jean Simula ng binanggit ko si Noel. Napansin ko kay Kaizer naging tahimik na. Gusto ko s'yang kausapin ngunit hindi ako nabigyan na ng pagkakataon dahil nag-umpisa na ng ang program. Nalibang na rin akong manood sa mga batang sumali sa palaro. Napansin ko si Zha-Zha lumingon sa kinauupuan ko kaya kinawayan ko siya upang lumapit sa amin. Nakatitig na pala si Kaizer sa akin ng pumaling ako ng tingin sa kaniya. “Lalapitan ko lang. Ahmm saglit lang ako kasi may sasabihin yata sa akin nahihiyang lumapit,” paalam ko sa kaniya. “Kaizer!” inulit ko dahil hindi ako pinansin. Tumango naman. “Sorry kung lumakas ang boses ko. Hindi ka kasi sumagot,” wika ko pa kay Zha-Zha na tumingin sumenyas ako saglit lang. Bumuntonghininga si Kaizer. Pero nagulat ako ng tumayo, at pagkatapos nilahad ang kamay niya sa akin. “Sasamahan na lang kita,” sabi nito ng may pagtataka akong nakatingin sa kamay niya. Ngumiti ako at para akong batang napagbigyan ng inuunngot ko sa kaniya. “Thank you. Kasi naaw

  • I Was Forced To Marry My Enemy   CHAPTER 48

    Jean “Akala ko kaya mo ako sinundo para kumuha na tayo ng pagkain. Bakit mabagal ang lakad mo?” ani ko pa sa kaniya dahil distracted ako sa panay n'yang paninitig sa akin. Akala siguro niya hindi ko siya nakikita kanina pa nahuhuli ko panay niya tingin sa akin. Mahinang tumawa. Kaya hindi ko maiwasang titigan siya. Mas gusto ko ang ganitong mood ni Kaizer. Palagi ng nakangiti sa akin. Subalit hindi ko rin maiwasang malungkot dahil hindi niya ako mahal. At hindi yata niya akong kayang mahalin. “I’m just curious. Parang may nagbago?” sabi nito na kinakurap ko. Natulala na pala ako at nakakunot noo na si Kaizer nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya ngunit tinasaan niya lang ako ng kilay. “Akala mo lang iyan,” sagot ko sa kaniya pagkatapos bumitiw ako ng hawak sa braso niya. “Bakit mang-iiwan ka?” humalakhak siya kaya binilisan ko ang lakad. Shitty parang inaasar ako ng asawa ko may nahalata kaya siya sa akin. Pero hindi naman siguro. Ako lang talaga ang mahilig mag-overthin

  • I Was Forced To Marry My Enemy   CHAPTER 47

    Jean “Salamat po ate Jean,” sabi ni Zha-Zha ng matapos siya kumain. “Gusto mo pa ba? Ikukuha kita roon sa buffet table?” “Busog na po ako. Ikaw po hindi ka pa kumain,” “Kakain na inantay lang kitang matapos bago kita iwanan. Sige ha? Pupuntahan ko lang ang asawa ko kapag naglaro ka. Babantayan ko ang pagdating ng Mama mo. Kakain muna si ate Jean kasi wala ng kausap ang asawa ko at nakatingin na rito sa atin,” ani ko itinuro ko si Kaizer. “Wow…ikaw po ang asawa ni sir Kaizer?” hindi siya makapaniwala. “Hindi ba kami bagay?” pabirong tanong ko sa kaniya. “Bagay na bagay nga po kayo eh. Ang ganda mo po kasi ate Jean at ang bait pa.” "Aysus naman marunong ka pala mambola,” biro ko sa kaniya. “Eheheh. Totoo po ang sinasabi ko ate Jean. Hindi nga po inalis tingin ni sir Kaizer sa iyo po eh,” aniya na kaagad kong kinalingon kay Kaizer. Dito nga sa amin nakatingin. Sumenyas ako na saglit lang pupunta na ako. "Diba rito po nakatingin si sir Kaizer kahit marami po siyang kausa

  • I Was Forced To Marry My Enemy   CHAPTER 46

    Jean Narinig ko sinabihan si Kaizer hindi raw siya tumawag na parating na kami. Sinagot lang siya ni Kaizer, gusto niya lang magpakaba. Naiiling na ngumiti na lamang ang kaharap n'yang kaibigan. “Mrs. Jean Ezcanlate my wife,” ipinakilala niya ako sa kausap. Nakangiti akong nilahad ko ang kamay ko sa kaniya. “Hi, nice meeting you Mrs. Jean Ezcanlate. Akala ko nga niyayabangan lang ako nitong ni Mr. Ezcalante kanina ng tumawag ako sa kaniya na kasama n'ya ang misis niya—” “Wife, this is Jake, founder and president of this charity home,” hindi niya pinatapos magsalita si Jake kasi pinakilala niya agad sa akin. Pagkatapos pinapasok kami sa loob. Doon pala ang celebration. Welcome rin si Kaizer ng emcee pagkapasok namin sa loob ng charity home. Marami palang bisita nasa loob na. Marami ring pagkain. Isa-isang nilapitan si Kaizer ng mga nakangiting bisita kasama rin ako hindi naman ako binitiwan. May isa lang akong napasin. Pinakikilala niya akong palagi ‘Ezcalante’ niya. Kanina

  • I Was Forced To Marry My Enemy   CHAPTER 45

    Jean Mahigit ng isang oras ang program nilalamig na. Off shoulder kasi ang dress ko at hanggang tuhod lang ang haba kaya naman nanuot ang lamig sa balat ko. Matagal pa yata ito matapos pero ako hindi na yata kaya. Gusto ko ng lang magpaalam kay Kaizer, na sasakyan na lang siya antayin kasi sa kotse hindi gano'n kalamig p'wede rin i-adjust kung gusto ko ng katamtaman buga ng aircon. Pinagkiskis ko ang aking magkabilang palad pagkatapos nilagay ko sa pisngi ko saktong tumingin sa akin si Kaizer kumunot ang noo niya kaya para akong bata hindi malaman kung tatawa o seryoso na lang dahil nahuli sa ginagawang kalokahan. “Are you cold?” nagtatanong pero kita sa reaksyon niya sigurado siya sa nakikita. “H-hindi naman okay lang ako,” tugon ko sa kaniya ngumiti pa ako upang ipakitang mali siya. Tumango si Kaizer nakatingin pa rin sa akin pagkatapos narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Hinubad ang tuxedo niya. Naiwan ang panloob long sleeve polo. Wala sa isip ko sa akin pala niya i

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status