Share

CHAPTER 83

Author: JENEVIEVE
last update Last Updated: 2025-07-11 00:35:06

Jean

Nakahanap kami ng table na dalawahan. Pinaghila ako ni Noel ng upuan ngunit hindi naman umupo kaya ako'y nag-angat ng tingin para makita siya. Hindi ko mapigilan kumunot ang noo ko kasi tumitig siya sa akin.

Nakangiti na lang ako pinitik ang daliri ko sa harapan ng mukha niya para naiwasan ang pagkaasiwa ko.

“Hoy ano iyon?” pinakita ko nauurat ako.

Mahina siyang tumawa. Sinamaan ko pa siya ng tingin dahil pinisil ang ilong ko.

“Ang cute mainis. Maganda pa rin kahit nakasimangot.”

“Tumigil ka nga may asawa na ako Noel,” saad ko.

“I know. Hindi naman kita aagawin sa kaniya. Tsk! Asawa mo lang naman ang insecure sa akin. Takot dahil mas pogi ako sa kaniya.”

“Wow ha? Signal number three na iyan ayusin mo,”

Malakas siyang humalakhak. Animal talaga. Dumukwang pa sa akin kaya umatras ako. Lalo na humagalpak ng tawa. Tinulak ko siya sa noo niya. Akala ko hindi aayos ng tayo dahil lalayasan ko talaga siya kapag hindi umayos.

“Ang init ng ulo,” sabi niya pero nakikita k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Cherrie Baccay
ano ba ang proof mo Noel na si Kaizer talaga ang may kagagawan ng mga nangyayari sayo
goodnovel comment avatar
Cherrie Baccay
thank you Miss A
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Sino ba yung tumawag sayo Jean at nagmamadali kang umalis..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I Was Forced To Marry My Enemy   CHAPTER 89

    Jean Kanina pa ako panay tingin sa phone ko kung kokontakin ko si Kaizer dahil late na masyado ang oras. Gigil na ako kung may problema bakit ayaw niya makipagusap para maayos namin. Hindi iyang ganito manghuhula ako kung anong nangyari bakit bumalik ang pagiging hudas niya. Dahil wala ng pag-asa na maaga umuwi si Kaizer. Nagpasya na na lamang akong humiga para matulog. Doon na siya sa Mikee niya magsama sila wala akong pakialam. Ngunit kung kailan nakapikit na ako at saka naman dumating si Kaizer. Inaantok na dapat ako bigla s'yang sumulpot. Kumunot ang noo ko ng hindi diretso ang lakad at mapungay ang mata nito. Hmmm….lasing ba? First time ito ah. “Nag-alala ako hindi ka lang tumawag kung nasaan ka,” saad ko pa may himig na tampo. Kaswal niya lang akong pinasadahan ng tingin. Ano iyon bakit walang sagot. Mas okay pa nga masungit ito sa akin kaysa ganitong parang walang dila sa pagiging tahimik. Ano ako si madam Auring magaling manghula? Para kahit hindi siya umimik alam

  • I Was Forced To Marry My Enemy   CHAPTER 88

    Jean Pagkatapos kong kumain inakyat ko na ang folder na dinala ng tita ni Kaizer. Nilapag ko sa table nilapitan ang phone sa kama upang silipin kung may paramdam si Kaizer. Wala pa rin kaya naisip ko na lang tumawag sa mommy ko. Para ipaalam na rin na kanina pa ako dumating at kumustahin na rin siya sa bahay kung okay lang siya roon. “Anak, kumusta?” “Okay lang po ako, mommy. Ikaw po kumusta hindi ka na ba takot mag-isa ka lang r’yan?” tanong ko. Inulit ko sa kanya kanina bago ako umalis na kukuhaan ko siya ng p'wede n'yang makasama pero tumanggi pa rin si mommy. Kapag naman daw maiinip siya magtutungo siya kina lola o kay Vera. Busy rin kasi si mommy sa sunod na araw para sa pagpapagawa ng beauty shop niya. “Ayos lang ako anak,” pero bakit ang lakas ng buntonghininga noon ah! “Para saan naman niyan mommy?” “Dami mo napapansin anak,” tugon nito. Napangiti ako. “Wala po kasi ikaw kasama. Basta tawagan mo lang po ako kung may kailangan ka, mommy ha?” Saglit akong tumig

  • I Was Forced To Marry My Enemy   CHAPTER 87

    Jean Walang nagawa sina kuya Nardo ng hindi pa ako sumama sa kanila. Nag-antay talaga sila hanggang gusto ko umuwi. Sinagad ko pa hanggang hapon bago sumama. Bumukas ang malaking gate. Sina kuya Nardo sobrang tahimik kanina pa sila tila nag-aalala. Aba subukan lang ng amo nila magalit uuwi ako sa bahay. Ni hindi nga siya nangumusta sa akin. Ito pa pauwiin niya ako ng ura-urada. Nang maayos ng naka park ang kotse. Hindi ko inantay na buksan ako ni Kuya Nardo. Bumaba ako ng kusa bago pa sila makaikot sa tagiliran ko. Napakamot pa siya sa buhok niya dahil nakalabas na ako. “Ma'am!” si ate Ronna ang naabutan ko sa living room pagpasok ko. Inirapan ko at hindi ko siya nginitian kaya nakita kong napangiwi siya. “May sakit po kayo ma'am Jean?” tinanong pa ako kaya napilitan akong kausapin “Wala ka bang nabanggit kay Kaizer na hapon pa ako uuwi?” Napaawang ang labi niya. Kita ko kinabahan. I'm not angry, I'm just asking her. Pero si Ate Ronna ay mukhang kabado. Sa pagseryoso ko.

  • I Was Forced To Marry My Enemy   CHAPTER 86

    Jean Nagising ako sa katok ni Mommy sa labas ng pinto. Inaantok pa ako ngunit pinilit ko bumangon kahit nakapikit pa ang magkabila kong mata. Gusto ko pa matulog sobrang antok ko ngayon. Dahil din siguro puyat ako sa ospital hindi gano'n ka komportable matulog. “Mommy…” “Anak! Nandito na ang driver mo pinasusundo ka na raw ng asawa mo," Hinilot ko ang sentido ko kasi ang sakit noon. Tinatalo ako ng antok ayaw ko naman pag-antayin sina kuya Nardo. Bakit ang aga naman nila pumunta sinabi ko kay ate Ronna sa hapon pa ako sunduin. Hindi ba niya nasabi kina kuya Nardo. Dinilat ko ang mata ko upang silipin kung anong oras na. Nakita ko alas nueve pa ng umaga. Kung tutuusin ay tanghali na pero antok pa talaga ako. Ang sarap matulog kahit kagabi maaga akong nakatulog. Wala pa nga yata iyon alas-nueve ng gabi basta pagkabihis ko ng pantulog humiga lang ako pagkatapos noon hinila na ako ng talukap ko nakatulog ako. “Jean!” malakas ulit na pukpok ni mommy sa pinto. Arghh talaga si mo

  • I Was Forced To Marry My Enemy   CHAPTER 85

    Jean Sinamahan ako ni Noel mag-grocery. Tinawagan niya si Vera para magpaalam. Kaya roon na ako naniniwala na may unawaan ang dalawa. Kahit paano nakalimutan ko ang ngitngit kay Kaizer. Masakit isipin tinikman niya lang ako dahil nga gumanti siya sa mommy ko. Kasalanan ko rin naman bakit ako nahulog kasi nasa akin pa rin naman dapat ang control pinaiiral ko agad ang damdamin ko. Dapat pinigilan ko ang lintik na pag-ibig na ito. “Iyan lang ba ang bibilhin mo?” nagtanong si Noel kaya napakurap ako. Tumaas pa ang kilay niya. Naging tabingi ang ngiti ko. Saglit niya akong pinagmasdan. “Iniisip mo ba siya?” “Hindi ‘no!” tanggi ko. Tumango siya ngunit halatang hindi siya naniniwala. Tumingin sa basket na bitbit ko. Kukunin n'ya pa sa kamay ko. Iniwas ko. Yun nga lang mapilit siya kaya binigay ko na lang ang basket sa kaniya. Pumili kami sa cashier na kakaunti ang nakapila kaya naman mabilis kaming nakatapos at hinatid din niya ako sa bahay kahit tumanggi ako na kaya kong umuwi mag

  • I Was Forced To Marry My Enemy   CHAPTER 84

    Jean “Hello Kaizer,” Tumayo na rin si Noel. Sinundan ako ng lumabas na rin siya ng Jollibee. Nahilot ko ang noo ko Iniisip kong sasabihin ko ba kasama ko si Noel o hindi na. Dalawa lang kasi kahinatnan nito. Magagalit si Kaizer at mauuwi sa away. Dapat hindi na lang bahala na. Hindi naman makararating sa kaniya ito. Sumenyas ako kay Noel na ‘wag siyang maingay. Kumunot pa ang noo ni Noel kaya tiningnan ko siya ng nakikiusap ang aking mata na sumunod na lang sa aking utos sa kaniya. “Kaizer nasa grocery store na ako….may kailangan ka?” “Wife, I just wanted to let you know that I'm at the airport,” “Ah okay ingat,” sagot ko sa kaniya. “Pag-uwi ko mag-uusap tayo,” saad niya. Tumango ako as if nakikita niya ang sagot ko. Dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Bye,” maya-maya ito ang unang nagpaalam kaya ako'y nabunutan ng tinik sa dibdib ko dahil nakisama si Noel. Ngunit matiim niya akong pinagmamasdan ako. “Diyan na ako sa grocery,” paalam ko sa kaniya tuluya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status