Umakting ang dalawa na walang naririnig nang mag-simulang manermon si Sylvia. Nang dumating ang tanghalian, masaya silang nag-salo-salo kasama si Vista. Si Clewin naman ay ilang ulit na tinatanong ang kaibigang si Eckiever kung bakit parang ayaw nitong dumistansya sa pamangkin na si Estacie. Nagtambay pa nga ang Princesa at ang Duke pagkatapos ng pananghalian. Pinanood nila Estacie at Sylvia ang friendly Sparring ng dalawang lalaki. Samantala, sa kulungan sa loob ng Palasyo. Umiiyak ang dalagang hindi makapag-salita at hindi rin makatayo. Ang galit sa kanyang puso ay abot-langit. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ganito ang buhay na ibinigay sa kanya ng Panginoon. Sa Isla ng Kololo, nabuhay sila Lucy at Juvilina na sagad sa hirap. Ang kanyang inang si Juvilina ay namamasukan sa bahay aliwan upang may maisuporta lang sa kanilang magkapatid. Oo, may kapatid si Lucy. Pero ang kapatid niyang iyon ay umalis at sumama sa isang barko ng kalakal. Tanda niya ay sampung taon palamang
Kinaumagahan, halos mapuno ang buong market square upang mapanood ang pagpaparusa sa nag-iisang pinuno ng Scorpion. Naka-upo sa parang intablado na gawa sa tabla ang hari at prinsesa ng Prekonville. Habang ang Duke naman ay naka-upo sa ibaba ng intablado katabi si Estacie. Pinili ng dalawa na doon umupo upang hindi masyadong makaagaw pansin sa lahat ng nanonood. Well, yun talaga ang gusto nilang mangyari subalit mukhang hindi iyon ang gusto ng hari. Dahil inutusan nito ang personal knight upang utusan sila ni Eckiever na umupo sa itaas ng intablado. Dahil doon, wala silang choice kundi umakyat na din at umupo kahilera ng mga Royals. "Okay lang sa'yo na mapanood ang pag-putol sa ulo ng Scorpion?" Bahagyang lumapit kay Estacie ang Duke at bumulong. Napalingon naman dito si Estacie at tsaka tumango. "Pagkatapos dito, naka-handa na rin ang dalawang kabayo na sasakyan natin papunta sa lugar kung saan ka dinala ng grupo ng Scorpion. Sigurado ka ba na kaya mong mangabayo?" "Oo naman. Ba
Hindi agad nakasagot si Eckiever. Simula noong araw na magkita sila ni Estacie, alam niya na hindi na maganda ang trato niya sa dalaga. Lalo na noong binabaliktad pa ito ng kapatid na si Lucy. Hanggang sa na-rescue niya ang dalaga mula sa pagdukot ng grupo ng Scorpion. Natatandaan niya lahat yun, maliban na lang sa kung paano niya tinulungan ang dalaga na muling mabuhay pagkatapos itong sukuan ng mga Saints at pare sa kumbento. Ayun kasi sa pare at sa kaibigan niyang si Clewin, isinugal niya ang sariling kamalayan upang maagaw pa ang kaluluwa ni Estacie mula sa kamatayan. Ang problema lang niya ngayon, ayun sa pare, dapat ay alam niya ang mga nangyari sa kadiliman kung nasaan ang kaluluwa ni Estacie. Subalit talagang wala siyang maalala tulad ng isinalarawan ng Pare sa kanya. "Well, I tried to ask for your forgiveness, nakalimutan mo na ba?" Tanong niya sa dalagang nakatitig lang sa kanya. Umiling si Estacie. "No, hindi ko matandaan." Naikuyom ni Eckiever ang mga kamao. Wala siya
Tahimik na nakatayo sa harap ng pinto ng paraiso ang dalawang babae na kasalukuyang naghihintay sa paglabas ng nilalang. Ang natatandaan ni Jessa ay sakay sila ni Eckiever ng kabayo pagkatapos siyang iligtas ng binata sa gumuguhong lupa. Kasunod noon ay ang pagdausdos ng katawan niya sa malalim at malamig na tubig ng Ilog na sumalo sa kanila ng mahulog sila sa bangin. Nag-dilim ang kanyang paningin pagkatapos nun at ng muli niyang idilat ang mga mata, nandoon na siya sa harap ng pintuan katabi si Estacie na walang imik. "May nangyari ba sa modernong mundo?" Hindi nakatiis na tanong ni Jessa sa dalaga. Isang tango ang naging sagot ni Estacie. "Nalaglag ako sa hagdan." "Nalaglag?" "I mean, tinulak ako ng kanyang nobya." Kuyom ang kamao na tugon ni Estacie. "Hindi namin matandaan ang ibang bagay, lalo na ako. Ang tanging naalala ko sa mundo mo ay ang naging buhay mo." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Jessa. "Parehas tayo. Tanging ang memorya ng katawan mo sa Pre
Ilang segundong hindi naka-kibo si Eckiever pagkatapos marinig ang sinabi ni Estacie. Samotsaring damdamin ang kasalukuyan niyang nararamdaman ng mga sandaling yun. Kaba, na baka bumalik sa dati ang turing sa kanya ng dalaga, at takot na baka kapag nangyari yun, iwasan na siya ni Estacie. Paano nga ba kung iwasan na sya ni Estacie ulit? Paano kung dahil sa ginawa niya sa dalaga, isipin nito na wala siyang kwentang Duke? Ano-ano na nga ang mga salitang binitawan niya sa dalaga? Hindi na niya maalala. O mas sabihin na ayaw na niyang maalala. Mahigpit niyang naikuyom ang mga kamao. "M-mabuti kung ganun. K-kumusta naman ang pakiramdam mo?" "Okay naman. Medyo masakit lang katawan ko." Sagot ng dalaga habang sinusuri ang sarili. Napa-tango si Eckiever. Ano pa ba ang sasabihin niya? Kanina lang, ng marinig niya mula sa Butler na nagkamalay na ang dalaga, marami siyang inihandang sasabihin. Pero dahil sa ibinalita ni Estacie, nakalimutan na niya lahat ang mga yun. "By the way, Duke." N
Kung ang dalawang tao na dating aso at pusa ay nagkapatawaran, maituturing na talagang maayos na ang lahat. Wala na si Lucy, nabawi na ni Estacie ang mga bagay na pag-aari ng kanyang ina. Si Juvilina naman ay itinapon na sa lugar kung saan kailangan niyang maging alipin ng ilang taon upang pag-bayaran ang kanyang kasalanan. Bagamat ang lahat ay plano ng anak na si Lucy, hindi pa rin siya naka-ligtas sa parusa ng hari. Isang bagay na lang ang hindi pa nabibigyan ng katarungan. Ang pag-patay ng Prinsipe sa dating Estacie. Iniisip ni Jessa kung paano niya ibubunyag ang lahat kapag naka-balik na sa Prekonville si Sinylve. "Kanina ka pa tulala, Estacie. Anong iniisip mo?" Napa-sulyap si Estacie sa pwesto ng Duke. Kasalukuyang kumakain silang dalawa. "Nabanggit ko na ba sa'yo kung paanong napunta ako sa poder ng mga Lecilion?" Tanong niya sa binata. Ibinaba ng Duke ng tinidor na hawak. "Kinidnap ka grupo ng Scorpion sa utos ni Lucy." Sagot ng lalake. Itinaas ni Estacie ang kopita ng
"Ano? Hindi ko narinig, sorry." Lingon ni Estacie kay Eckiever. Napa-kibit balikat naman ang lalake bago hinilot ang noo. "Nevermind. Baka gusto mo nang bumalik sa kwarto mo upang makapag-pahinga, ihahatid na kita." Iniwang lagok ni Estacie ang laman ng kanyang kopita bago humarap sa Duke. "Nope! Kaya ko na bumalik doon. Ikaw, wala kabang trabaho?" Magkasabay na lumabas ng dining hall ang dalawa at binaybay ang pasilyo kung saan napapalamutian ng mga malalaking larawan ng mga dating kapamilya ni Eckiever. Sa itaas naman ng ceiling ay naroon ang malalaking chandelier na kung susuriin ni Estacie ay gawa sa ginto. "I did my work already. Bagamat may ilang reports na kailangan kung marinig." "Then, hindi na muna kita iistorbohin. Bukas, gusto ko na rin bumalik sa mansyon. Baka nag-aalala na rin sa akin si Mommy Vista." "Rest assured, sinabi ko kay Tita ang nangyari. Yung Lolo at Lola mo naman ay ilang beses din na bumalik dito sa palasyo noong wala ka pang malay. Bagamat, kinailanga
Isang buwan ang lumipas. Sa loob ng isang buwan na iyon, literal na maraming nangyari. Una na doon ang mga papeles na naiwan ng Baron sa mansyon ng mga Somyls. At dahil si Estacie na ang kasulukuyang tumatayong Baroness ng Somyls, siya na rin ang tumapos at nag-linis ng mga dumi sa negosyo ng Ama. Paminsan-minsan ay dinadalaw siya ng kaibigang si Sylvia habang si Elena naman ang tumayong sekretarya niya. Ang mga magulang ni Elena ang nag-silbing punong taga-silbi habang ang ama neto ang nag-silbing butler. Yes, kung napapansin ninyo, inalis lahat ni Estacie ang mga taong kumapit sa mag-inang Juvilina at Lucy. Tinanggal niya ang mga iyun upang walang maging spy ang kapatid ni Lucy na hanggang ngayon ay wala pa ring balita ang buong Prekonville kung sino at ano ba ang itsura ng taong yun. Si Eckiever naman ay halos ginawa na ring opisina ang Somyls mansyon dahil araw-araw ay nadun ang binata at doon na rin tumatanggap ng bisita. Napapa-isip na nga si Estacie kung alam ba ng binata