Share

Chapter 3

“Who are you?” tanong ni Damon sa chat.

Napataas naman ang kanang kilay ni Farrah sa replied ng lalaki.

“I’m your biggest nightmare,” sagot niya.

“Then, better to block you,” wika ng lalaki.

Naalarma naman si Farrah.

“Wait,” mabilis nitong reply.

“I’m Farrah Paraiso, schoolmate tayo sa Aguinaldo East University. Sa Business Management ako tulad ng ex-girlfriend mo si Mildred, remember?” dagdag pa nito.

Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi sumasagot ang lalaki sa chat kahit naka-seen naman ang mensahe.

“PLEASE HELP ME!!!” hindi na napigilan pa ni Farrah i-send ang pagmamakaawa mensahe.

“What kind of help, Para Paraiso?” nang-iinis na tanong ng lalaki.

Nabuhayan ulit ng loob si Farrah dahil naalala na siya ng lalaki kaya naman hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at ipinaliwanag ang lahat. Ni-scan niya ang kaniyang Certificate of No Marriage at ipinadala kay Damon.

“Anong gusto mo gawin ko?” tanong ni Damon sa chat.

“Magkita tayo bukas,” sagot ni Farrah.

Sa una ay ayaw ni Damon makipagkita ngunit napilit din ito ni Farrah.

Kinuha ni Farrah ang contact number ni Damon at ibinigay din ang sa kaniya. Sinabihan na rin niya kung saan magkikita at kung anong oras, nagpaalam na itong matutulog dahil sa madaling araw na pala.

Kinabukasan kahit puyat ay maaga pa rin bumangon si Farrah at sabay sila ni Sandra pumunta ng flower shop para magbukas.

Binanggit ni Farrah kay Sandra ang lahat ng naganap sa usapan nila ni Damon sa chat. Ipinaliwanag din niya ang mga ideyang gagawin upang makumbinsi tulungan siya ng lalaki dahil siguradong apektado rin ito.

“Gusto mo ba samahan kita?” tanong ni Sandra.

“Hindi na beshy, walang tatao dito at sayang naman ang kita,” sagot ni Farrah.

“Saka mamayang hapon pa naman ‘yon,” dagdag pa nito.

Hindi na nagpumilit pa si Sandra sa kagustuhan niya samahan ang kaibigan. Inayos na nila ang flower shop at maya-maya pa ay may mga nagdatingan ng mga customer.

Tumawag si Jeff upang kumustahin si Farrah at itanong ang tungkol sa mga requirements. Kung anu-ano palusot ang sinabi na lang ni Farrah at umaasa ito na hindi mahalata ng nobyo na may problema kaya hindi niya mapabilis ang pagkumpleto ng mga requirements.

Mabilis na lumipas ang oras at maghahapon na kaya naman nag-text si Farrah kay Damon sa binigay nitong contact number, sinabihan niya itong papunta na sa pinag-usapang lugar.

Nagpaalam na siya kay Sandra na mauna umalis at nagmadaling sumakay ng taxi upang hindi ma-late sa tagpuan nila ni Damon.

Ngunit sadyang may kamalasan siya at naipit sa trapik kaya naman pagdating niya sa usapang lugar ay late na siya at hinanap kaagad ng kaniyang mga mata ang lalaki kinaiinisan.

Nakita niya ito nakaupo sa may gilid at naghihintay, halatang naiinip na ito. Mas guwapo ngayon ang lalaki at halatang inaalagaan mabuti ang pangangatawan.

“Oh, I’m so sorry. Sobrang trapik,” wika niya paglapit sa lalaki.

“You are 30 minutes late,” walang expression sa mukha ni Damon.

“I’m really sorry,” paumanhin ni Farrah at umupo sa harapang silya ni Damon.

“Tell me, anong gusto mo mangyari sa sinasabi mo problema?” walang paligoy-ligoy na tanong ni Damon.

“Teka lang,” wika ni Farrah at itinaas ang kaliwang kamay senyales na huwag muna magsalita ang kaharap.

“Order muna tayo ng pagkain at maiinom, nauuhaw na ako dahil tumakbo ako papunta dito,” dagdag pa nito.

Napansin naman ni Damon na hinihingal pa ang dalaga at tinawag ang waiter upang makapag-order.

Habang naghihintay sa pagkain ay humingi kaagad ng tubig si Farrah sa waiter.

Pinagmamasdan naman ni Damon ang kaharap, nakikita niyang lalo gumanda ito sa paglipas ng mga taon.

“May dumi ba ako sa mukha?” tanong ni Farrah sa lalaki dahil napansin niya ang pagtitig nito.

“Wala naman, may naalala lang ako,” sagot ni Damon.

“Ano naman?” tanong ulit ni Farrah.

“Hindi mo na kailangan malaman,” masungit na sagot ni Damon at umayos ng upo.

“Balik tayo sa dapat natin mapag-usapan,” dagdag nito, may kinuha papel sa folder na dala at iniabot kay Farrah.

Nanlaki ang mga mata ng babae sa nabasa sa papel, Marriage Certificate pala nila ito.

“Oh my gosh,” sambit niya.

“Mayroon ka pala nito?” tanong niya sa lalaki.

“Yes,” tipid na sagot sa kaniya.

“Kailan pa?” tanong ulit ni Farrah na namamangha.

“Three years ago,” sagot ni Damon na lalo nagpamangha sa dalaga.

“Gano’n na katagal hindi mo man ako hinanap?” naiinis na tanong ni Farrah.

“Nawawala ka ba para hanapin?” patanong na sagot ni Damon.

Tumaas ang kaliwang kilay ni Farrah sa tinuran ng lalaki.

“Kung meron ka nito ang ibig sabihin ay nagbalak ka pakasal,” sambit nito.

Napansin niyang lumungkot ang mukha ni Damon, marahil ay may mapait itong nakaraan.

“Anyway, ngayong sigurado nga kasal talaga tayo makabubuting kumuha ng magaling na abugado para mapawalang bisa ang kasal natin,” suhestiyon nito.

“I know someone,” sambit ni Damon.

“No, huwag sa kakilala mo. Sa kakilala ko na lang,” wika ni Farrah.

Gusto mapabilis ni Farrah na masolusyunan ang problema at diskumpiyado siya sa lalaki dahil alam niyang puno ng kalokohan ito.

“Okay, whatever you want,” pagsang-ayon ni Damon dahil ayaw niyang makipagtalo.

Dumating ang pagkaing in-order nila, habang kumakain ay paminsan-minsan nagnanakaw ng tingin si Farrah. Hindi maitatanggi malakas ang awra at karisma ng lalaki, napapansin din niyang naging tahimik ito at hindi madaldal tulad noong nag-aaral pa lamang sila.

Malamang kung kasama niya si Sandra ay kikiligin ‘yon sa hitsura ni Damon ngayon dahil mahilig sa mga guwapo lalaki ang kaibigan.

Matapos kumain ay niyaya na ni Farrah si Damon sa kakilala abogado. Namangha naman siya sa magarang sasakyan ng lalaki, palagay niya ay asensado na ito sa buhay.

Tinulungan siyang maglagay ng seat belt at narandaman ni Farrah na may pagka-gentleman ang lalaki, malayo sa pagkakakilala nito dati na para ba hindi kumpleto ang araw kung hindi siya aasarin.

Tulad ng inaasahan ni Damon ay naipit nga sila sa trapik kaya hindi makausad ang sasakyan. Parang gusto na niyang sumabog sa inis ngunit wala na siyang magagawa pa.

“I told you na ipagpabukas na natin ang lakad sa abogado ‘yon,” wika niya.

“Alam mo kasi naiipit na ko sa sitwasyon at kailangan ko talaga makumpleto lahat ng requiremets para sa kasal ko,” paliwanag ni Farrah.

“How can you be sure na pagdating natin sa opisina ng abogado ay maaabutan pa natin siya?” tanong ni Damon na nakakunot noo.

“Kaya nga susubukan habulin ang oras,” sagot ni Farrah.

May sasabihin pa sana si Damon ngunit bigla tumunog ang cellphone at nakita niyang tumatawag si Nana Tinay kaya sinagot kaagad.

Napansin ni Farrah na para ba kinabahan si Damon sa kausap.

Bigla niliko ni Damon ang sasakyan nang magkaroon ito ng pagkakataon.

Nagtaka naman si Farrah sa ginawa ng lalaki.

“Bakit tayo lumiko? Saan tayo pupunta?” tanong niya.

“Sa hospital, bukas na natin ituloy ang pagpunta sa abogado,” sagot ni Damon.

Magtatanong pa sana si Farrah ngunit minabuti huwag kumibo dahil halata niyang may problema si Damon.

Ilang sandali pa ay nakarating sila sa hospital na hindi gano’n kalayo sa trapik na pinanggalingan kanina.

Nag-park si Damon at mabilis na lumabas sa sasakyan kaya bumaba na rin si Farrah.

Mabilis ang mga hakbang ni Damon papasok ng hospital na sinundan naman ni Farrah.

“P-puwede ba hinay-hinay sa p-paglalakad?” hingal na tanong ni Farrah.

Tinapunan lang siya ng tingin ni Damon at binagalan ang paglalakad hangga makarating ng elevator sa third floor ang tuloy nila at tumigil sila sa room 209.

Naiintriga naman si Farrah kung sino ba ang pupuntahan nila may sakit.

Binuksan ni Damon ang pinto. Narinig nila ang pag-iyak ng bata babae na kaagad nilapitan ni Damon.

“My Heaven, I’m here. Don’t cry,” wika ni Damon sa bata at niyakap ito.

Nabawasan naman ang pag-iyak ng bata dahil sa pagkakayakap sa kaniya ng ama.

Namukhaan ni Farrah ang cute na bata at alam nito anak siya ni Damon.

“Buti na lang dumating na kayo sir,” wika ni Nana Tinay.

“Nagising po ang bata na umiiyak, nanaginip po ng masama at hinahanap kayo. Hindi ko mapatahan at sa kakaiyak po ay sinumpong ng Asthma ngunit nabigyan naman kaagad ng gamot,” dagdag pa nito.

“My Heaven, ano ba napanaginipan mo?” malambing na tanong ni Damon.

“I saw you in my dream daddy na kinuha ng isang big giant monster,” sagot ni Heaven na naiiyak pa rin.

Napansin ni Heaven si Farrah na nakatayo malapit sa pintuan.

“Who is she?” tanong ng bata.

Nalimutan nga pala ni Damon na kasama niya si Farrah.

“Oh, I’m sorry. Come here Farrah,” tawag ni Damon.

Lumapit naman si Farrah sa mag-ama.

“My Heaven, meet Tita Farrah,” pagpapakilala ni Damon sa kaniya.

“Farrah, ang anak ko si Heaven,” dagdag pa nito.

Ngumiti si Farrah sa bata.

“Hello baby, just call me Ate Farrah,” wika niya sa bata.

Hindi naman sumagot si Heaven na tumutulo pa ang mga luha at tinitigan lang si Farrah.

“Baby, hindi totoo may monster,” wika ulit nito sa bata.

“Kung may monster man sigurado ako wala panama sa daddy mo ‘yon,” dagdag pa nito.

Pinunasan naman ni Heaven ang mga luha.

“Talaga po?” tanong niya kay Farrah.

Tumayo si Damon upang makaupo si Farrah sa tabi ni Heaven dahil napansin nito na tumigil sa pag-iyak ang anak.

Naupo naman si Farrah sa tabi ng bata.

“Oo naman, tignan mo nga ang laki ng katawan ni daddy. Hindi ‘yan matatalo ng monster,” sagot nito sa bata.

Nakita ni Damon na palagay ang loob ng anak kay Farrah kaya hinayaan niyang magkuwentuhan ang mga ‘to.

Hindi madaling makuha ang loob ng kaniyang anak at may pagkamasungit ito sa mga taong kakakilala pa lamang.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Oliverio Bagay
Lacking something in the story .
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status