Share

Chapter 35

"May sumusunod sa 'tin," wika ng lalaking nasa driver seat.

Hindi pa nakakalayo ng San Pablo ang sasakyan. Sinulyapan naman ng isa ang side mirror kung mayroon nga nakasunod sa kanila. Napansin nito ang isang owner type jeep na nakasunod sa kanila.

"Pare, bilisan mo ang pagmamaneho at may nakasunod nga," wika nito.

Habang si Farrah ay nakailang ulit na ng dasal mula pa nang palabas sila sa San Pablo. Narandaman niyang hinawakan siya sa kamay ni Damon ng mahigpit. Ipinapahiwatig nito na wala siyang dapat na alalahanin sa mga nangyayari.

Sobrang bilis nang takbo ng sasakyan kahit baku-bako na ang dinadaanan. Hindi pamilyar kay Farrah ang kanilang tinatahak na lugar kaya palinga-linga ito.

"Lakasan mo ang pagdarasal," biglang sambit ni Damon na ikinagulat ni Farrah dahil ngayon lang may lumabas na salita mula sa bibig nito.

Sumunod si Farrah sa sinabi ni Damon. Gustong matawa ng mga lalaking kumuha sa kanila dahil ang huli ay sumas
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tee Vilma
thank you po Ms. A sa update. god bles po.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status